Share

Chapter 17

"Pamilya ko pala may utang sa'yo, e bakit ako sinisingil mo!?"

Pasigaw na sagot ko sa kaniya. May bigla naman may tumapak sa likod ko kaya mas lalo akong napayuko. Hindi talaga nagbibiro ang mga ito, wala talaga silang pakialam kung masaktan ako o hindi.

"You don't have to worry, hindi ka naman tatagal dito..."

Yumuko siya para magkapantay ang mukha naming dalawa.

"... once they arrived, you'll leave with them."

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, pero natatakot na ako. Iyong ngiti na pinakita niya sa'kin, iyong tawa niya, nakakatakot.

Sino ang hinihintay nila?

Bakit ako sasama sa mga 'yon?

Ibebenta ba nila ako?

Lalong lumakas ang kaba ko, nasa punto na ako na gusto ko na magdasal para mabuhay, kahit hindi ako maka-Diyos. Gusto ko na rin makita at makausap sa huling pagkakataon ang pamilya ko. Pero hindi pwede, hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa mga taong 'to, dahil mas lalo nila akong mamaliitin. Kaya inipon ko ang lakas ng loog ko at tinitigan siya sa mata.

"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status