Nang sabihin kong buntis ako parang hindi siya makapaniwala. Wala man lang akong narinig na 'Magiging tatay na ako!' kundi ang tanging sinabi niya ay...
"Sigurado ka bang buntis ka?" Pagtatanong ni Rowan-nakaupo na kaming apat sa sofa. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa marinig nila Celine at Simon ang tungkol sa pagdadalang tao ko."Hindi ata tama na kwestyunin mo ang pagdadalang tao niya, Rowan, lalo na ikaw naman ang asawa niya." Sagot ni Simon na katabi ko. Magkatabi sila Rowan at Celine na mas kinakagalit ko."Bakit ikaw ang sumasagot sa tanong ko? So, totoo ngang may relasyon kayo." Natatawang saad ni Rowan. "Helena, mag asawa tayo pero kung ipapangalan mo sa akin ang anak ng kabit mo, ngayon palang sinasabi ko na sa'yo, hindi ko matatanggap ang dinadala mo.""Tarantado ka pala, eh!" Susugurin na sana ni Simon si Rowan pero pinigilan ko siya."Hindi mo kailangan makipag away sa kanya, Simon." Pilit akong ngumiti. "Rowan, pwede baGulong-gulo ang isip ko hanggang sa makarating kami sa aming silid. Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang mga nangyayari para bang may tinatago ang lahat. I can't imagine tito Luciano na papatol kay Selena—may relasyon din kaya sila ni Celine? Alam ba ni tita Nelia ang kababuyan na ginagawa ng kanyang asawa? Aware din kaya si Rowan na may namamagitan din sa kabit niya at kanyang ama? Pero paano kung mayroon nga?"Helena, mag-ayos kana, aalis na tayo.." Kakatapos lang niya maligo—tanging towel lang ang tumatakip sa pangitaas niya habang pinupunasan ang kanyang buhok. "Hon, may problem kaba? Iniisip mo pa rin ba iyong mga sinabi ni papa kanina?" Lumapit siya sa pwesto ko–nakatayo siya sa harapan ko habang nanatili akong nakaupo sa dulo ng kama."Naisip ko lang, hon, nag away ba sina tito at tita?" Sumagi lang sa isip ko na baka ganoon ang naging reaskyon ni tito dahil may problema silang mag-asawa. "Are you serious, hon?" natawa siya s
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagsampal ni Rowan kay Celine o maaawa dahil sa kundisyon ng asawa ko. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Nagtiis ako sa pananakit na ginagawa nilang dalawa sa akin. Pinagmukha nila akong tanga at mangmang.“Rowan!” Sinampal ni Celine ang asawa ko. “How dare you para saktan mo ako!”Pinapanood lang namin ni Simon ang dalawa sa kusina. Hindi nagsasalita si Rowan. Seryoso lang siyang nakatingin kay Celine.“Akala ko ba mahal mo'ko? Bakit mo ako sinampal?” Garalgal ang tono ni Celine.“Dahil gusto ko..” Tipid na sagot ni Rowan sa kanya. Naglakad na siya palapit sa pwesto ko at inabot ang tubig sa akin.“Hon, magluluto na muna ako rito, ha. Mag kwentuhan muna kayo ni Simon.” Tinanguan ko siya.Nagtatakang lumapit sa akin si Celine.“Anong ginawa mo kay Rowan? Anong ginawa mo sa kanya, Helena!” Nakatayo sa harapan ko si Celine–nakatikom ang kamao niya. Halatang galit na galit siya sa kinikilos ng asawa ko.
Alam kong mahal ko siya pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya. Nakipagsabwatan ako kay Simon upang gamitin ang kahinaan niya at 'yun ang pakikipagtalik."I won't do it. I'll never lie to you again, Rowan, let's get out of here." Hinawakan ko ang kamay niya. "For our child future, hon, let's start a new life." Kung sa paraan na ito mapagaan ko man lang ang loob niya. Maramdaman man lang niya na may kakampi siya, na kasama niya pa rin ako hanggang dulo."Promise me one thing, Helena, hindi mo sasabihin sa kahit na sino ang sinabi ko sa iyo. Hindi ka magtatanong sa ama ko o kahit na kay mama. Promise me..""Pero bakit? Dapat malaman nila na nag su-suffer ka dahil sa kasalanan ng iyong ama. Dapat malaman ni Nelia ang tungkol sa kondisyon mo...baka matulungan ka niya.""No. We will never do that. Hindi natin sasabihin sa kanila ang tungkol sa kondisyon ko." Paikot-ikot siya sa silid. "Once na malaman nila na m
Paalis na sana kami ni Rowan nang may marinig akong ungol–tila'y umiiyak siya. Sinundan ko ang boses kung saan nagmumula hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa makipot na daan. Binuksan ko ang pinto na inaakala kong normal na silid pero agaw pansin ang mga baitang paibaba. Kung hindi ako nagkakamali isa itong underground–kaya pala pinagbawalan ako ni Rowan na pumunta rito dahil may tinatago sila.“Helena!” Sigaw ni Rowan, hindi ko siya pinansin bagkus naglakas loob na bumaba. Tanging ilaw na galing sa cellphone ko ang nagsisilbing liwanag. Hindi pa ako nakakatuntong sa pinakalapag nang may marinig akong mga yabag. Pinatay ko ang cellphone ko dahil sa kaba. Umupo ako sa pinakagilid ng hagdan sa gilid ng pader. “Hindi mo ba talaga kayang i-displina ang anak mo?” pamilyar ang boses na iyon. “Napakatigas ng ulo ng anak mo, Nelia!”“Hindi ko siya anak!” Totoo ngang andito ang nanay ni Rowan pero bakit? Anong ginagawa niya rito? Kaya pala h
Aaminin ko mali ang paraan na ginagawa ko para makaganti sa kanilang dalawa pero ito lang nag tanging paraan para gumaan ang loob ko. Sobrang sakit na makita ang asawa ko na may kinakamang babae at hindi maipagkakaila ang saya niya habang ginagawa iyon.Ako dapat ang babaeng nagpapasaya sa kama pero bakit hindi ko maibigay? Hindi ko magawang ibigay ang bagay na bubuo sa pagkalalaki niya.“Rowan, nakikiusap ako, maniwala ka naman sa akin. Wala akong ginagawang masama sa asawa mo, at sa mata ng Diyos malinis ang konsensiya ko.” Pinagpilitan pa rin ni Celine na nagsasabi siya ng totoo at ako naman ang nagsisinungaling.“Huwag mong idamay ang Diyos, Celine, alam niya kung gaano ka karuming babae.” Saad ko, habang nilalapitan ko siya para akong pinapatay, gusto ko siyang saktan.Nilipat ni Celine ang tingin niya sa akin nang matapos magsalita si Rowan.“Nagkamali ako, pinagsisisihan ko na ang ginawa kong kasalanan sayo, Helena, patawarin mo n
Parang masisiraan na ako ng ulo sa kakaisip kung saan nagpunta si Rowan. Kanina paggising ko wala na siya sa tabi ko–ang natatandaan ko magkasama kaming natulog kagabi.“Ma'am, Helena, gising na po pala kayo.” Nakangiting bati sa akin ni Selena.“Selena, ikaw ba iyan?” Kakababa ko lang galing sa pangalawang palapag nang salubungin ko siya ng yakap. “Ang tagal kitang hindi nakita.”“Teka, Helena, hindi ako makahinga.” Reklamo niya habang tumatawa. Humiwalay na ako sa pagkakayakap at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. “Oh, bakit malungkot ka? May problema kaba?”“Hindi ko kasi makita si Rowan. Kanina ko pa siya tinatawagan pero un-attended ang number niya. Nag-aalala na ako sa kanya.”“Kailan mo ba siya huling nakita?” Inalalayan niya ako patungo sa dining area. “Ang daming pagkain, anong meron?”“Ah. Utos kasi ni sir Luciano na maghanda ng mga pagkain dahil may mahalaga siyang sasabihin. Mabalik nga tayo, kailan mo ba huling nakita si Rowan?”
Balak ko na sanang matulog nang biglang kumatok sa kwarto ko si tito Luciano. Wala na akong nagawa kundi ang makisalo sa hapagkainan. Mapupungay ang mga mata niya, bagsak ang balikat at maitim ang ilalim ng mata.“Tito, may sakit po ba kayo?” Tanong ko, nagpatuloy lang siya sa pagkain. Hindi ko alam kung anong problema niya pero sana naman sabihin niya sa'kin para matulungan ko siya. Nawawala na ang asawa niya ngayon naman si Rowan. Sa laki ng galit nila sa'kin baka ako pa ang mapagbintangan.“Nasaan si Rowan, Helena?” Tanong ni tito Luciano, tapos na siyang kumain. Kasabay namin kumain sina Selena, Celine at Simon.Sa paraan palang ng pananalita niya parang pinagdududahan na niya ako. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano dahil kanina pa masakit ang ulo ko. “Hindi ko po alam tito.” Tipid na sagot ko, hindi ko na tinapos ang kinakain ko dahil wala talaga akong gana kumain. Nilagyan ni Simon ng tubig ang baso ko. “Kanina ko pa rin po siya h
Bukod sa sakit ng ulo na nararamdaman ko parang bigla nalang kumirot ang dibdib ko. Kilala ko si Simon hindi niya magagawang lokohin ako.“Naniniwala kapa rin ba sa kanya?” Tanong ni Celine. “Hindi mo ba napapansin magmula nang malaman mo na may relasyon kami ni Rowan, parati na siyang wala sa mansyon.”“Kung may problema kayo kay Simon pwede niyo naman sabihin sa kanya. Huwag niyo akong idamay sa kung ano man ang pina-plano niyong dalawa.” Matapang na pagkakasabi ko. Tatayo na sana ako nang hawakan ni Selena ang balikat ko kaya napaupo akong muli.Seryoso ang mga mukha nila nang tiningnan ko silang dalawa. Hindi sila nagsasalita taliwas sa nakikita ko sa kanilang mata.”Gusto ko lang ng maayos na buhay kasama si Rowan. Gusto ko lang na may kalakihan na tatay ang anak ko. Ayaw ko ng gulo. Kaya kung ano man ang problema niyo, nakikiusap ako sa inyo, huwag niyo na akong idamay pa.” Lakas loob akong tumayo at tinalikuran silang dalawa. Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong