Biglang naghina ang buong katawan ko. Mabuti nalang at nasalo ako ni Simon. Inalalayan niya akong umakyat sa itaas. Pagkarating namin sa kwarto, napansin niya ang dugo sa binti ko.
Hinayaan ko siyang gamutin iyon at palitan ang damit ko. Wala talaga akong lakas na kumilos. Ilang minuto na rin akong tulala. Naririnig ko siyang nagsasalita pero wala akong maintindihan.“Mahal, matulog kana.” Hinihimas niya ang buhok ko. “Matulog kana muna. Kalimutan mo muna ang nangyari ngayong araw.”Malabo ata na makalimutan ko ang nangyari ngayong araw. Malabo na makalimutan ko lahat nang nangyari sa loob ng mansyon na ‘to. Para na akong mababaliw sa dami ng mga nangyayari.Hindi ko ginusto ang buhay na ganito. Hindi ko hiniling na magkaroon ng ganitong kagulo na buhay. Paulit-ulit kong hihilingin na magkaroon ako ng masaya at buo na pamilya. Paulit-ulit ko ring kumbinsihin ang sarili ko na kalimutan na ang lahat sa lalong madaling panahon.Gusto ko naWala na akong pakialam kung makita kong buhay o patay si Rowan. Ang gusto kong malaman ay kung saan siya dinala ni Selena. Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon. Kaninang umaga pagkagising ko dumiretso agad ako sa kuwarto ni Selena upang tanungin siya sa kinaroroonan ni Rowan. Wala siyang maisagot sa akin. Pilit niyang tinatanggi na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng aking asawa.Ilang beses ko rin na kinumbinsi si Simon na pilitin si Selena upang ibigay ang susi patungo sa underground. Ngunit, sa tuwing pumapasok siya sa kuwarto baril ang sumasalubong sa kanya.Hindi ko alam kung bakit may hawak na baril si Selena. Natitiyak kong kinuha niya ‘yon sa gamit ni Luciano. Inamin sa akin ni Simon na nagmamay-ari ng iba't ibang klaseng baril si Luciano. Nagulantang ako na aminin niyang si Luciano ay kasapi sa isang sindikato. Ngayon ko lang napagtanto na ang kompanya na pinamamahalaan nila ay hindi basta-basta na kompanya. Kundi may
Mabilis na kumabog ang puso ko sa gustong mangyari ni Selena. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya sa akin at pati na rin kay Simon. Hindi pwedeng maiwan siya rito. Hindi pwedeng hindi kami magkasama. “Ano, Helena? Gusto mong makita si Rowan, diba? Hawak mo na ang susi pero iiwan mo sa'kin si Simon.”Bumalik sa pagkakaupo si Selena na nakadikwatro pa. Ibang tao na ang kaharap ko ngayon. Parang bigla nalang nagbago ang paniniwala ko na may deperensiya siya sa pag-iisip.“Kung ayaw mo, edi akin na ang susi at kalimutan mo na rin si Rowan.” Binalingan ko ng tingin si Simon. Tahimik pa rin siya hanggang ngayon. Hinihintay ko ang sasabihin niya. Kinakabahan ako na baka may gawing hindi maganda si Selena sa kanya.“Buntis ako, Selena, kailangan ko si Simon sa tabi ko. Kailangan ko siya.”“Alam kong buntis ka, Helena, kaya nga maiiwan sa'kin si Simon.”“Hindi pwede ang sinasabi mo, Selena, kailangan ko siya sa tabi ko. Wala namang dahilan para maiwan siya rito kasama ka.”“Baka nakak
Two years later...“How is she?”“She's not okay. She's experiencing depression.”“Is there a cure? Can she make it”“I don't think so. There's no cure in depression. The only way para ma-realize niya na nag e-exist pa siya sa mundong ‘to is to make her feel that she's not alone. That you're with her.”“Paano ko magagawa iyon? Hindi ko siya makausap ng maayos. She's always out of her mind. Para siyang baliw. What if, ipa-rehab ko siya? Maybe, it works.”“Mas lumala lang ang kondisyon niya nu'ng pina-rehab mo siya. Siguro, isama mo nalang siya sa bahay mo.”“No. No way! I won't allow her sa buhay ko. She might bring bad luck to me.”“Pero ikaw nalang ang natatanging pag-asa niya. Baka kapag pinakita mo na may pakialam sa kanya bumalik ang dati niyang sigla.”“No. That will never happen. I won't allow a murderer in my house. Never. I'll leave her sa bahay ampunan o ipa-rehab ko nalang ulit siya.”“Bro, you should understand her situation. Aba, g
Malaking bagay ang tulong na ginagawa sa akin ni Emerson. ‘Di ko rin alam kung paano ko siya nakontak basta nakita ko lang ang landline number ng bahay niya kay Simon. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli. Kung paano ko makakalimutan lahat ng nangyari. Kung sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nakikita ko silang lahat. Para akong binabangungot.Hindi ko magawang tanggapin na wala na si Rowan, na wala na si Simon. Ang hirap. Ang hirap hirap na maiwan ng mag-isa. Parehas silang nangako sa akin. Ngunit parehas din nila akong iniwanan. Kasabay ng paglisan nila ang pagkawala ng batang nasa sinapupunan ko–ang anak namin ni Simon. ‘Yun na nga lang ang tanging magpapaalala sa akin sa kanya nawala pa.“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Helena? Bakit nagpatayan sila Rowan at Simon?”Dapat ko bang sabihin na ako ang pinagmulan ng lahat? Na dahil sa'kin nagawa nilang magpatayan. Nagawang pumatay ng dalawang lalaking mahal ko sa buh
"Helena Beatrice Manlupa Will you marry me?" tanong nang aking nobyo. 'Di ko inaasahan ang araw na ito. Wala sa plano namin na magpakasal ngayon na kakatapos palang namin sa kolehiyo."Yes! Magpapakasal ako sa'yo Rowan Anderson Hidalgo!" Naluluha kong sagot.Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa oras na 'to. Sobra ang kagalakan na nararamdaman ko. Napapanood ko lamang ito noon sa mga pelikula pero ngayon sa akin na nangyayari.Ganito pala ang feeling na mag po-propose na ang lalaking pinakamamahal mo. Iyong lalaking pinapangarap ko lang noon magiging asawa ko na ngayonPinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at sobrang swerte ko na sa kanya sa paraan na iyon. Marami ang nagsasabi na pinaglalaruan niya lang ako. Kumbaga ginawang katuwaan. Malabo raw na magkagusto siya sa tulad kong dukha at pangit.Kaya minsan napapaisip ako kung bakit ako? Bakit ako na wala naman ipagmamalaki?Hindi ako maganda.
After two weeks"Good morning honey!" Masiglang bati sa akin ni Rowan."Anong ginagawa mo rito? Diba sinabi ko na sayo na huwag na muna tayo magkita.""Parang hindi naman ata tama na hindi tayo magkita, Helena.""Jusko naman, Rowan, ikakasal naman na tayo bukas pagkatapos no'n parati na tayong magkasama. Pero sa ngayon umuwi ka na muna." Pagtataboy ko sa kanya."Hindi ako aalis- dito na lang ako, gusto kitang makasama." "Hindi pwede, Rowan. May pamahiin na hindi pwedeng magkita ang groom at bride bago ang kasal. Sige na, umuwi kana baka hindi pa matuloy.""Naniniwala ka pala sa mga pamahiin? Hindi naman iyon totoo. Kung gusto talaga natin matuloy ang kasal gagawa tayo ng paraan. Hindi iyong maniniwala ka sa mga walang kwentang pamahiin." Lumapit siya at niyakap ako."Rowan, stop it! Baka may makakita sa atin dito at kung ano na naman ang isumbong sa nanay mo.""Wala akong pakialam. Huwag mo silang pans
Pakiramdam ko napakabigat ng buong katawan ko-parang namamanhid kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko maigalaw ng maayos ang mga kamay at binti ko. Anong nangyari?"Hel-ena!"Dahan dahan kong idinilat ang aking mata. Naliligo siya sa sariling dugo na galing sa kanyang braso na ginawa niyang panangga."Helena!" Nahihirapan na siyang magsalita. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang kamay ko. Nanlalambot ako. "Helena, bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Nanatili siyang nakangiti. Nakakaawa ang itsura niya. May mga sugat na dahil sa nabasag na salamin ng sasakyan."Helena, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?""Hindi ko maigalaw ang kamay at binti ko. Rowan, anong gagawin ko? Baka hindi na ako makalakad." Mangiyak ngiyak na sabi ko."Kumalma ka, Helena, makakalakad ka. Tulungan mo akong alisin 'tong bakal." Pikit mata kong tiningnan ang sinasabi niya ngunit mas nawalan ako ng pag-asa na m
Makalipas ang isang linggo na pamamalagi sa hospital napagdesisyunan ko na umuwi na lamang. Maayos na si Rowan. Magaling na siya. Pero ako? Ewan. Hindi ko alam.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako gagamit ng wheelchair. Pakiramdam ko nagmumukha na akong pabigat sa kanya. “Honey, may problema kaba?” Tanong niya. Inaayos niya ang mga gamit ko. Bandang alas tres ng hapon uuwi na kami sa mansyon.“Wala naman.” Malamya kong sagot sa kanya. Nakakahiya na. Ako dapat ang nag aalaga sa kanya. Ako dapat ang nag asikaso sa kanya pero dahil sa lintik na binti ko na 'to hindi ko siya magawang pagsilbihan.“Sabihin mo sa akin. Anong problema? Ginugulo ka pa rin ba ni mama?”Tinigil niya ang ginagawa niya at lumapit sa akin. Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed. Tinabihan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko.“Naisip ko lang.” Huminto ako saglit at huminga ng malalim. “Paano kung tama ang mama mo? Paano kung hindi talaga tayo para sa isat-