Share

Chapter 50: To Love Again

Malaking bagay ang tulong na ginagawa sa akin ni Emerson. ‘Di ko rin alam kung paano ko siya nakontak basta nakita ko lang ang landline number ng bahay niya kay Simon.

Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli. Kung paano ko makakalimutan lahat ng nangyari. Kung sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nakikita ko silang lahat. Para akong binabangungot.

Hindi ko magawang tanggapin na wala na si Rowan, na wala na si Simon. Ang hirap. Ang hirap hirap na maiwan ng mag-isa. Parehas silang nangako sa akin. Ngunit parehas din nila akong iniwanan.

Kasabay ng paglisan nila ang pagkawala ng batang nasa sinapupunan ko–ang anak namin ni Simon. ‘Yun na nga lang ang tanging magpapaalala sa akin sa kanya nawala pa.

“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Helena? Bakit nagpatayan sila Rowan at Simon?”

Dapat ko bang sabihin na ako ang pinagmulan ng lahat? Na dahil sa'kin nagawa nilang magpatayan. Nagawang pumatay ng dalawang lalaking mahal ko sa buh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status