Share

Chapter 48: He's slowly dying

Mabilis na kumabog ang puso ko sa gustong mangyari ni Selena. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya sa akin at pati na rin kay Simon. Hindi pwedeng maiwan siya rito. Hindi pwedeng hindi kami magkasama.

“Ano, Helena? Gusto mong makita si Rowan, diba? Hawak mo na ang susi pero iiwan mo sa'kin si Simon.”

Bumalik sa pagkakaupo si Selena na nakadikwatro pa. Ibang tao na ang kaharap ko ngayon. Parang bigla nalang nagbago ang paniniwala ko na may deperensiya siya sa pag-iisip.

“Kung ayaw mo, edi akin na ang susi at kalimutan mo na rin si Rowan.”

Binalingan ko ng tingin si Simon. Tahimik pa rin siya hanggang ngayon. Hinihintay ko ang sasabihin niya. Kinakabahan ako na baka may gawing hindi maganda si Selena sa kanya.

“Buntis ako, Selena, kailangan ko si Simon sa tabi ko. Kailangan ko siya.”

“Alam kong buntis ka, Helena, kaya nga maiiwan sa'kin si Simon.”

“Hindi pwede ang sinasabi mo, Selena, kailangan ko siya sa tabi ko. Wala namang dahilan para maiwan siya rito kasama ka.”

“Baka nakak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status