Share

Lies of Eyes
Lies of Eyes
Author: dinoshaur

Simula

“Last flight mo na yon ngayong araw, Prem?”

Buntong hininga ko pagkatapos inayos ang maleta ko na nasira ang gulong sa padabog kong paghila. Bakit naman kasi lubak lubak yung daan ‘don e malapit na yun sa railway. Jusko, ha!

“Oo te, binitin pa nila, e halos mag 6am na oh,” Sagot ko kay Reyn, ang kaibigan ko na pinanganak sa pagiging maswerte. Pano ba naman kasi, sa aming dalawa ako lagi yung pang-gabi lagi yung flight.

Sayang kasi talaga, gusto ko pa naman ng pang umaga lang na flight tapos hanggang hapon, saya kaya makakita ng sunrise saka sunset kapag ka nasa eroplano ka. Hindi naman sa ayaw ko din sa gabi, maganda din naman like city lights ganon pero nakakaumay na, ayaw kasi ako ilipat ng head namin.

“Te, galing pala sa condo ko ‘yung mama mo, nakahanap na daw sila ng Architect para sa ipapagawa mong bahay.” Habol ni Reyn sakin ng malagpasan ko na siya, ambagal kasi maglakad. “Tawagan mo lang daw sila para ikaw na mag contact don sa Archi ng makapagset na daw ng schedule for meeting,” dugtong niya pa.

“Okay.” Simpleng sagot ko. Close kasi yan sila nina mama kesa sa iba kong mga kaibigan, madaldal kasi ‘tong si Reyn, siya nga ginagamit ko kapag may galaan tapos ‘di ako pinapayagan.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang parking lot, nag part ways na kami ni bruhilda since may flight din yon maya maya. Diretso na ako agad sa kotse ko, kina mama nalang siguro ako tutuloy ngayon para mapag-usapan namin yung about sa Architect. Magpapatayo na ako ng bahay halos 6 years na din akong flight attendant pero wala pa akong napapatayo para kina mama, sa mga lumipas kasi na taon puro ako travel, paraan ko yon para makalimutan siya.

Pagkadating ko sa bahay nakabukas na ang gate kaya diretso ko nalang pinark ang kotse ko. Maya-maya lumabas si mama para batiin ako, naka apron pa, halatang nagluluto pa siya.

“Premmmmm! Ano? Kumusta ang byahe?”

“Okay lang ma,” Sagot ko at niyakap na rin siya. Ginaya niya na din ako papasok ng bahay, nasa pintuan palang kami, amoy na amoy ko na ang adobo.

Ginala ko ang mga mata ko sa loob dahil na rin matagal tagal din kasi ako ‘di nadalaw dito, gaya ng sabi ko puro travel ginawa ko, kung ‘di naman nasa condo lang ako. Hindi ako umuuwi, iniiwisan kong mapag-usapan na naman naming yung nakaraan.

“Magbihis kana muna,Prem. Ihahanda ko muna yung agahan natin,” sabi ni mama ng papasok na siya sa kusina. Gutom na din kasi ako. “Yung mga kapatid mo nasa tindahan pa yun, inutusan kong bumili ng coke, yung papa mo naman nandyan sa likod may ginagawa na naman sa sasakyan.” Dugtong ni mama.

Tumango lang ako saka umakyat na sa kuwarto ng makapagbihis. Pagbukas ko sa pintuan, bumungad ang alikabok, talagang ‘di nila ginalaw yung kuwarto ko gaya ng bilin ko sa kanila. Yung kama ko na nasa gilid pa din ng bintana tapos sa paahan ko yung study table ko, na may picture frame naming dalawa. Yung mga libro sa cabinet ganon pa din ang ayos, yung unan na bigay niya andon pa din sa kama. Namumuo na naman ang luha sa mata ko kaya minabuti ko nalang pumasok agad sa cr, ‘di ako dito matutulog sa kuwarto, sa sala lang ako, hindi ko pa kaya.

“Oh Prem, nandito kana pala.” Bati ni papa ng pababa nako sa hagdan.

“Kakadating lang pa, kumusta ka po?” sabi ko, sabay upo sa hapag kainan.

“Okay lang din, pag-usapan natin maya yung Architect na nahanap namin, swak na swak daw ‘yun, sabi ng kaibigan mong si Wayner.” Nanliit ang mata ko sa sinabi ni papa.

“Wayner? Hernandez ba pa?”

“Oo, Prem. Yan nga siya.”

Sa dinami rami ba naman, bat si Wayner pa? Hindi pa nga ako fully recovered sa nangyari, wala na ba talaga bagay o tao hindi makakapagpapaalala sakin sa kanya? Ilang taon na din ang lumipas pero may kirot pa din e.

“Ba’t ang tagal ata nina kuya, ma?” tanong ko kay mama na nasa kusina pa din, ‘di pa tapos magluto. “Malapit na 'yun, alam mo naman yung mga kapatid mo, nabibigitan lagi kapag ka inuutusan.” Dugtong ni mama na ikinatawa ko.

Maya-maya inihanda na ni mama yung agahan. May adobong manok which is my favorite one, may lumpia saka ginataan at may pinakbet..

“Pasensya na, Prem kung may pinakbet, request kasi ng kuya mo,” Nag-aalalang sabi ni mama. “Kung ayaw mo talaga pwede ko naman isantabi tapos mamaya ko nalang ipapakain sa kuya mo.” Dugtong pa niya.

Magsasalita na sana ako ng dumating na ang magagaling kong kapatid. Si Kuya Zeke na may dala sa isang coke, Zacharius talaga siya, Zeke lang tinatawag namin sa kanya. Saka yung bunso naming si Anwayn na may dalang juice. Ang aga-aga yata ng UTI ngayon.

“Oy, Prem! Kanina ka pa?”

“Hm, kind of” kibit balikat ko.

Hilas, englisher kana pala.” Nang-aasar na naman siya, si kuya lang talaga yung mapang-asar na matitiis ko. Minsan talaga din ansarap niyang itapon sa ilog.

Inirapan ko nalang siya saka yumakap sa bunso namin. “Kumusta naman si weweng namin?” sumimangot siyang tumingala sakin, ayaw niyang tinatawag siyang weweng pero wala siyang choice.

“Oh, taman na yan, kain muna tayo.”Aya ni mama at nagsimula na kaming magdasal para kumain na din. Konting rice kinuha ko, saka nagsabaw ng ginataan at syempre yung adobo. Ito talaga din iniiwasan ko kapag umuwi dito e, baka kasi tumaba ako sa dami ng pagkain lagi dito.

“So, ayun na nga Prem. Nakausap namin yung si Wayner, na may kakilala daw siyang Architect. Madalas kasi 'yung batang ‘yun dito kahit na walang kailangan, kinakamusta kami at ikaw din e kaso hindi ka naman lagi dito.” Paliwanag ni mama, syempre may kakilala yung Architect kasi Engineer ‘yon e.

“Ganon ba ma? Then should we set a meeting na? Si Wayner nalang din kunin nating Engineer,” Ganon nalang siguro ‘no? I am curious with that Architect. Baka si Alistair? Pauline? Kino? Ah, ewan.

“Sige ganon nalang, Prem. Ikaw lang gusto naming makipag-communicate sa mga ganyang bagay tapos kami na bahala ni mama mo sa pagcheck ‘don.”

“Kunin ko yung number ni Wayner ma, patapos na din ako kumain kaya tatawagan ko yon after,” Kailangan ko na madaliin to ng masimulan na yung pagpapagawa, baka magalaw ko na naman yung ipon ko.

Inubos ko na yung natitirang adobo, sina mama kumakain pa din, si kuya naman tapos na at nakahilata na, si weweng naman kumakain pa din. Kaya tumayo na ako at kinuha ang phone ni mama sa center table sa sala ng matawagan si Wayner.

“Hello? Who’s this?,” bungad ng gongong sakin.

“Tangek, si Prem to”

“Oy! Prem! Kumusta?!” sa lakas ng boses niya parang anlayo ng phone, jusko.

“Pwede ba, can you minimize your voice?” irap ko sa kawalan

“Sorry naman, ano ba kasi ‘yon?”

“Wow ha? Mukhang naistorbo pa ata kita?”

“Ano nga?”

“Can you set a meeting please for whoever that Architect na sinabi mo kina mama”

“Ehem. Okay, I’ll send you his number nalang tapos kayo na mag-usap” His? So he is a boy.

“Ikaw nalang kas—“ Hindi pa ako tapos pero sumabat na agad siya.

“Prem, mas mabuti ng kayo ang mag-usap.” Bat ang seryoso niya ata? Sino ba kasi yon? “I can hear you mumbling Prem” dugtong niya pa na ikinagulat ko, akala ko pa naman sarili ko kausap ko.

“Okay,” Saka pinutol ko na ang tawag.I should agree nalang, papahabain pa e.

Hindi pa nag baynte kuwatro oras, natanggap ko na agad ang number at tinawagan ko na din, ano pang hihintayin, pasko? Pero ha, kinakabahan ako, ewan ko kung bakit.

“Hello? This is Prem Tanjuarez, ikaw ba yung Architect na sinasabi ni Eng. Wayner?” bungad ko agad. Pero walang sumasagot, ang tahimik. “Hello? Is anyone there?” multo ata to, ayaw sumagot.

Pero tumigil ata paghinga ko ng nagsalita yung sa kabilang linya.

“Sia…”

He called me Sia. Isa lang ang taong alam ko na tumatawag sakin nyan and his voice is very familiar that it makes my heart in pain again and I don’t know why.

Minumulto ba ako? Hindi ko na siya nasagot. I am hang in shock. Hindi ako pwedeng magkamali pero patay na siya, matagal na. Ba’t ganito. Hindi, imposible talaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status