Share

Kabanata 1

Naglalakad lang ako sa may hallway ng Senior Highschool dito sa Ateneo de Iligan, ewan ko ba kung ba’t ako dito napunta. Nakakamiss pala yung higschool pa ‘no? Pinagmamasdan ko din kasi ‘tong mga higschool students na nakaupo sa mga upuan sa gilid, chill lang, nag-uusap, yung iba nagja-jamming pa, tapos wow ha? Naka liptint na ‘te, natawa tuloy ako kasi kami noon, maski pulbo hindi kami naglalagay, mukhang hindi mga dalaga at binata pero itong mga ‘to ngayon marunong na maglagay ng kung anek anek sa mukha.

Malapit na ako sa dulo ng hallway which is papuntang covered court, kahit ang init may naglalaro parin pala.

“Hoy! Ang drama naman oh, haha!” Inis ‘kong nilingon sa likod ko si Cheevy, siya lang naman kasi ang laging nanggugulat sakin dito. Mag blockmates kasi kami nito at ako ang lagi niyang trip, same lang din kasi ng circle of friends.

“Bakit ba?” Sagot ko sa kanya ng mapahinto ako sa paglalakad, dulo pa naman ‘to ng hallway tapos sa gilid lang namin yung Senior Highschool Coordinator’s Office.

“Ang drama kasi, maypa lakad lakad mag-isa sa hallway,” pang-aasar niya pa habang nakangisi sa'kin.

“Alangan naman isama kita? Magdrama ka mag-isa mo, ‘no.” At nagsimula na ulit akong maglakad, sumabay pa nga ang buang. Babalik nalang ako sa room since malapit na din ang next subject ko, 2pm na din kasi at 2:15 ang next subject. Basic Statistics pa naman ‘yon, meron na kami nyan since second year college na kami, kinuha ko palang course is BS Tourism Management, mahal na mahal ko talaga ‘tong course ko nato. Ewan ko ba, mas maganda talaga pag sinunod mo yung passion mo talaga, inspired ka lagi mag-aral kahit mahirap.

“Ito naman, ‘di mabiro, batukan kita, e.” Habol niya sa paglalakad at may paakbay pa. Hindi na rin ako sumagot pa, nagpatuloy nalang sa paglalakad alam din naman nito na sa room ang punta namin. 

Pagkapasok namin ang tahimik ng room, always naman. Natutulog lang kasi kami tuwing vacant kung walang trip na magawa. Masarap din ang tulog namin lagi since naka aircon itong room walang mga kung ano-anong mga cabinet, tanging table at chair para sa teachers tapos mga upuan namin, syempre.

 Nakapameywang akong nasa pintuan ng makaisip ng kabalastugan, si Cheevy naman parang buntot lang, nasa likod ko at walang ginagawa. Ano kayang trip nito.

“Guys! Gising! Papunta na si,sir!” Sigaw ko na may patadyak pa sa mga paa.

Agad naman bumangon ang lahat, dali dali agad inayos ang mga upuan. Nauto talaga. Napatawa nalang akong nanood sa kanila.

“Yawa ka, Prem,” Mura sakin ni Reyn na todo ayos sa mukha baka may muta pa.

Umayos pa naman silang upo pero napagtanto na napagtripan ko lang sila. Tawa lang ako ng tawa. “Wala ka talagang ibang magawa ay.” Dugtong niya pa na mas ikinatawa ko. Nasa harapan lang din kasi ako, sa may table ng prof namin. Kaya kitang-kita ko ang mga mukha nilang lahat na naiinis sa’kin, lalo na yung girls tapos yung boys goods lang, sanay na sa kabaliwan ko.

“Ikaw, Reyn ang oa mo! Parang ‘di kaibigan, ‘di ka pa nasanay sakin? Gaga!” sabi ko na natatawa parin sa busangot na mukha ni Reyn.

“Alam mo, Prem, dapat kinain mo na yan ng lunch”

“Kakahithit mo yan ng katol”

“Oks lang yan,Prem. Gets ka namin”

“Ayaw pa din ni Du30 sa drugs Prem, kaya itigil mo na yan”

“Hindi guys, nagdadrama kasi yan si Prem ‘don kanina sa hallway ng Senior High, naghu-hunting ng mga ‘di niya kaedad. HAHAHA!,” Salita bigla ng unggoy na nasa likod ko.

“Aysowsss! Crush mo lang talaga ako, aminin mo na kasi, magpapaligaw naman ako, hindi nga lang sa ligaw na tarzan na kagaya mo. HAHA!” Natatawa 'kong hinarap si Cheevy.Ayaw na ayaw pa naman ni Cheevy na inaasar siya about dito, crush kasi talaga ako ‘non.

“Afatay guys. Confirmedt, nakahithit nga ng Senior High.” Pagkukumbinsi niya pa sa mga classmates naming. Na tinuturo pa ako na akala mo'y may ginawang masama.

“Yuck, Prem Senior High pala ang gusto"

“Gagi Prem, walang ganyanan”

“Prem, easyhan mo naman badi”

Kunwaring nandidiri ang mukha ng mang-asar sila sakin. Minsan talaga ayokong nakikipag-asaran, natatalo ako. Minsan lang naman.

“Alam niyo kasi guys, professors talaga bet ko,” Paypay ko sa sarili animo'y may hangin. Kahit hindi naman talaga, natatawa tuloy ako.

Natigil ako kakangisi ng makaramdam na may pumasok at dahil na rin sa biglang pagtahimik nila sabay lingon sa may pintuan na agad ko ding nilingon.

“Prof! blooming mo ngayon ah? Gustong-gusto pa naman yan ni Prem. HAHA!” Sigaw ni Alistair, kaibigan ko din.

 Andon nga si Sir na nakakunot ang mukha. Nakapameywang pa naman ako sa harapan, kahiya talaga ‘tong mga ‘to. Dali-dali nalang akong umupo sa upuan ko. Si Cheevy naman, hindi ko napansin na nakapermi na ng upo, ng tumingin sa'kin, bumelat pa.

“Yiiii, bet pala si Prof!” Kinurot ko si Pauline sa tabi ko. Mas umingay tuloy ang lahat, mga tangang ‘to, nakalimutan ata na si Sir Hibo yung nasa harap nila. Hibo, shortcut for Highblood. Lagi kasing HB sa’min.

“Alam niyo? Hindi kayo bomba pero ang sarap niyong pasabugin,” Gagi, natawa tuloy ako ng malakas sa sinabi ni Sir na kakababa lang ng mga gamit niya sa table.Tumingin tuloy sa’kin, ang sama pa ng tingin. “Anong nakakatawa, Miss Tanjuarez?” dugtong ni Sir.

“Wala,Sir. Si Cheevy kasi mukhang nabomba nga, sunog na kasi.” Natatawa ‘kong lingon kay Cheevy na nakaupo sa 4th row, last seat. Natawa din tuloy ang lahat, syempre except kay Sir.

“Manahimik ka, baba mo mukhang Ak-47,” Pambawi ni Cheevy sa’kin.

“SILENCE!” Gulat ako ‘don ah, grabe naman makasigaw si Sir. HB na naman, ‘di pa nga inaano e. “Don’t you know?” dugtong ni Sir na galit ang mukha na nakaupo na.

“That I’m riding this horse backwards?” Bulong ko bigla. Nabatukan ako ni Pauline dahil sa dinugtong ko. “Aray ha! Bakit ba?” bulong ko habang pag iinda ang batok ko sa lakas ng ginawa ni Pauline.

Tumawa sila, akala ko pa naman bulong lang 'yun,e.

“Miss Tanjuarez, would you like some paper?,” Pananakot ni Sir, disciplinary action slip kasi ibig niyang sabihin, suki kasi kaming magkakaibigan ‘don, lalo na ako.

“Naku, Sir! Goods lang ako, madami na akong paper,e” sabay ngiti.

“Baka kasi gusto mo pang dagdagan, madami pa naman dito sa’kin.” Sabi ni Sir na may hinahalungkat kunwari sa gamit niya. Nagsmile nalang ako te, ayoko ng dugtungan, baka sa disciplinary office pa yung dugtong ng buhay ko.

Nagsimula na agad si Sir sa Basic Statistics lesson namin at medyo naalog ang mga utak namin sa subject na ‘yun. Para bang ano, nanonood ka ng Chinese Drama na walang subtitle. Pudpud tuloy calculator namin pero mali mali naman ang mga sagot. Magaling ako sa trip pero kapag ka studies na pinag-uusapan, aba wag nalang tayo mag-usap.

Charot! Ayon nga, kapag ka studies, nakafocus naman ako agad, sayang kaya ang tuition, ‘di yun napupulot sa kalsada oy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status