Home / Romance / Lihim na Tikim (SSPG) / Kabanata 140 - Insecure

Share

Kabanata 140 - Insecure

Author: Saevris
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-31 14:33:38

Nerisse Vieri’s Point of View

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pamilyar na haplos sa aking dibdib. Kasabay no’n ang magagaan na halik na dumadampi sa aking leeg.

Dahan-dahan akong humugot ng malalim na hininga, at ipinatong ang mga palad ko sa dibdib niya. Bahagya ko siyang itinulak, ngunit hindi man lang siya natinag. Sa halip, lalo pa niyang inilapit ang mukha niya, at ipinagpatuloy ang paghalik sa aking leeg.

“Lucien,” paos kong bulong. Napakagat ako sa ibabang labi, habang pilit na du
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 153 - Underwear

    Nerisse Vieri’s Point of ViewHumaba ang aking nguso, habang nakatitig sa mga damit na tinitingnan ni Lucien. Kung hindi damit na para sa akin, damit naman na para sa kaniya ang tinitingnan niya.Madalas na napipili niyang damit para sa akin ay ‘yong mga gusto ko talaga. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, ngunit kung pagbabasehan din ang mga damit na inutos niya sa mga tauhan niya noon, gusto ko lahat ng ‘yon.“Mahilig ka bang ipag-shopping si Victoria noong kayo pa?” tanong ko nang hindi ko na talaga mapigilan.Nasa lingerie section kami, at wala nang nakasunod na staff sa amin. Bukod pa roon, hindi rin naman nila ako maiintindihan kung nasa paligid lang namin sila, dahil Tagalog naman ang ginagamit ko.Natigilan siya sa pagtitig sa mga lingerie nang marinig niya ang tanong ko. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, nakakunot ang noo. Bumigat din ang kaniyang presensya, ngunit hindi ako nagpakita ng takot lalo na nang magkasalubong ang mga mata namin.“Pag-uusapan na naman ba natin

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 152 - Spoiled

    Nerisse Vieri’s Point of ViewUmirap na lamang ako nang magtagpo ang aming mga mata ni Lucien. Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon, ngunit ang kinaibahan lamang ay hindi na siya ang nagmamaneho. Ang dahilan niya, gusto rin daw niyang magpahinga, dahil medyo nangangalay raw siya kapag matagal ang biyahe.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakalilimutan ang kaniyang sinabi kanina. Medyo naiilang tuloy ako sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata.“Akala ko ba, ayaw mong magpunta tayo sa Milan?” basag niya sa katahimikan na siyang nagpakagat ng aking ibabang labi.Inis ko siyang hinarap, ngunit tanging pagngisi lamang ang kaniyang isinagot.“Mapilit ka kasi! Ilang beses na kitang tinanggihan kanina!” paliwanag ko, at ibinaling na lamang muli ang aking atensyon sa bintana.Hindi ko rin maintindihan kung bakit kahit ilang beses ko siyang tinanggihan, nagawa pa rin niya akong pilitin.“Are you hungry?” tanong ni Lucien.“Katatapos lang nating kumain,” sagot ko naman.“Matagal ang biyahe,”

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 151 - Plan

    Nerisse Vieri’s Point of View“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ko kay Lucien, habang pinagmamasdan siyang ahitin ang kaniyang balbas.Tumutubo na rin kasi ang balbas, at bigote niya. Though, every three days naman siyang nag-aahit.Mas prefer ko rin naman kasi ang ganoon kasi mas malinis tingnan. Hindi rin bagay ni Lucien kung mahaba ang bigote, at balbas niya.“Milan,” paliwanag niya.Umangat naman ang isang kilay ko sa kaniyang sinabi, hindi makapaniwala. Sa pagkatatanda ko, ang Milan ay fashion capital ng Italy. Kaya natural na maraming luxury boutiques doon.“Bakit doon?” nalilitong tanong ko sa kaniya. “Wala naman akong bibilhin.”Nang makarating kasi kami rito sa Italy, inutusan niya kaagad ang mga tauhan niyang bumili ng mga damit namin.Kaya kung pupunta kami sa Milan, para saan pa? Wala naman ako sa mood mag-shopping. Sa katunayan ay mas nakapapagod ‘yon kaysa ‘yong pamamasyal.“Are you sure? Wala kang matitipuhan?” naniniguro niyang sambit.Natawa naman ako nang pagak, at

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 150 - Apology

    Nerisse Vieri’s Point of ViewNagsalubong ang mga kilay ko, habang naglalakad kami ni Lucien. Kanina pa masama ang loob ko, dahil ‘yong sinasabi niyang tikim lang, hindi naman pala. Kulang na lang ay wala nang matira sa ice cream ko.Kahit pa sabihin niyang siya naman ang bumili, sana sinabihan na lang niya ako na siya rin ang uubos ng ice cream ko. Nahiya pa siya. Hindi na lang niya inubos lahat.“Nerisse…” tawag niya, at inilapit sa labi ko ang ice cream niya.Hinawakan ko ang kaniyang kamay, at itinulak ‘yon. Labag sa loob kong dinilaan ang ice cream na binili niya para sa akin, hindi magawang malasahan. Parang namanhid na ang dila ko sa sobrang inis.“Tumigil ka nga!” saad ko.Hindi ko siya nilingon, ngunit nahagip ng aking mga mata kung paano nabura ang ngiti sa labi niya. Kaya napatigil siya sa paglalakad, habang ako ay nagpatuloy lamang.Alam ko naman na tumanggi ako kanina sa kaniya, pero kung binigay na niya sa akin, sana huwag namang ganoon. Kung tikim, tikim lang. Hindi nama

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 149 - Aftertaste

    Nerisse Vieri’s Point of ViewNang makahanap si Lucien ng parking lot malapit sa Ponte Vecchio, nauna siyang bumaba ng kaniyang sasakyan, habang ako naman ay inayos muna ang aking buhok.Nang bumukas ang pinto sa gilid ko, inilahad kaagad niya ang kaniyang kamay. Inabot ko naman ‘yon, at kaagad na hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay, habang bumababa ako sa kaniyang sasakyan.Binitawan niya kaagad ang aking kamay, at ipinulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang, saka isinara ang pinto ng kaniyang sasakyan.Tanghali na nang makarating kami rito, ngunit kahit papaano ay hindi naman ganoon kasakit ang sinag ng araw, dahil makulimlim naman kahit papaano.“Gutom ka?” tanong niya, at bahagyang yumuko.“Hindi. Busog pa ako,” sagot ko naman.Gumalaw siya, habang inaayos ko naman ang laylayan ng aking dress. Ngunit nang lumapat ang kaniyang palad sa aking tiyan, bigla akong natigilan. Nahigit ko rin ang aking hininga, hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa. “Talaga?” nanunukso niyan

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 148 - Placement

    Nerisse Vieri’s Point of ViewIlang araw ang lumipas bago kami magpasyang mamasyal ni Lucien. Since may jet lag kami, hinintay muna naming makabawi ang body clock namin. Isang buwan din naman kasi kami rito. Kaya hindi talaga ako nagmamadali, at ine-enjoy lang talaga namin ang Italy.Bukod sa pag-aayos ng body clock namin, madalas din talaga namin ‘yong ginawa ni Lucien. Ni hindi ko na matandaan kung saan namin ‘yon ginagawa. Buong sulok na yata ng mansion nila, at ‘yon ang nakakainis, dahil hindi ko man lang magawang umangal.Habang inaayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin, nahagip ng aking mga mata ang pag-upo ni Lucien sa dulo ng kama. Nakatingin sa akin, bahagyang nakayuko, at nakapatong ang kaniyang mga siko sa magkahiwalay niyang hita.“Ang ganda mo na, magpapaganda ka pa?”Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi sa kaniyang sinabi. Kaya mabilis kong inilihis ang aking mga mata, at patuloy lamang sa pagkulot ng aking buhok.“Maganda si Victoria, eh. Kailangan mas magan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status