LOGIN“Kung mag-iingay ka, mahuhuli tayo. Gusto mo ‘yon, Nerisse?” bulong ni Lucien. Si Nerisse Villareal ay ipinagkasundong ipakasal sa kinaiinisan niyang lalaki—si Lucien Alessio Vieri. Gusto ng mga magulang nilang wakasan na ang gulo sa kanilang pamilya, at ito lang ang naiisip nila. Ngunit ayaw ‘to nina Lucien at Nerisse. Malamig ang pakitutungo nila sa isa’t isa sa tuwing magkasama sila sa harap ng publiko, pero sa tuwing sila ay nasa pribadong lugar, halos magpatayan ang mga ‘to. “Tingin mo ba ay ginusto ko rin ‘to?!” sigaw ni Lucien sa kaniya, at basta na lang ibinato ang baso sa kung saan. Akala ng lahat, ang relasyong mayroon sila ay sapat na para matigil ang gulo sa dalawang pamilya. Pero ang hindi nila alam, mas lalo lang lumala ang lahat. Hanggang sa isang araw, nagalit si Lucien nang makita niyang may kasamang iba si Nerisse, at hindi siya. “At sino ang nagsabi sa ‘yong puwede kang makipagkita sa iba kung gayon na may asawa ka?” malamig na tanong ni Lucien. Paano kung ang galit nila magtutulak sa kanila para mahalin ang isa’t isa? Isang tikim na dapat manatiling lihim.
View MoreNerisse Villareal’s Point of View
“Bakit niyo ba kasi akong gustong ipakasal diyan?! Akala ko ba ay kaaway natin ‘yan sa negosyo?” singhal ko sa kanilang lahat. Parang may bumaon na matalim na bagay sa aking puso na siyang nagpakurap sa akin. Ipagkasundo ba naman ako sa kaaway ng pamilya namin? Para ano? “Nerisse!” sigaw ni Daddy, pero umiling lamang ako. Mariing napapikit si Mommy. Ang ilan sa mga pinsan at tita ko ay napatitig lang sa akin, samantalang ang iba ay napailing. Nakita ko ang bilis nang paghinga ni Daddy, at mariin akong itinuro. “Para ‘to sa pamilya natin!” Umalingawngaw ang boses nito sa lahat ng sulok ng study room. “Para sa pamilya, o sadyang para lang sa kagustuhan niyo?” may pait kong tanong sa kanila, at napailing. Walang nangahas magsalita sa kanila. Nanatiling nakatikom ang bibig, at hinahayaan lang si Daddy na magsalita. “Kung gusto niyo pa lang maayos ang gusot sa pamilyang ‘to, dapat kayo ang magpakasal sa lalaking ‘yon!” Mabilis na tumayo si Daddy, at malalaking hakbang ang kaniyang ginawa papunta sa aking gawi. Kitang-kita ang panlilisik ng kaniyang mga mata, habang ako ay nanatili lamang na nakatitig sa kaniya. Hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan. Nang akma nitong iaangat ang kaniyang kamay, doon ako natawa. “Ano? Sasampalin mo ako?” natatawa, ngunit naaasar kong tanong sa kaniya. “Totoo naman, hindi ba? Kung gusto niyong ayusin ang gulo, kayo dapat ang magpakasal sa kanila, hindi ako.” Tumalikod kaagad ako sa kanilang lahat, at nilisan ang study room nang mabibigat ang aking paghinga. Kinagat ko ang aking ibabang labi, at inis na binuksan ang p***o ng aking sasakyan nang tumigil ako sa harapan nito. Padabog kong isinara ang p***o, at binuhay ang makina ng sasakyan. Naikuyom ko nang mahigpit ang aking kamay, habang nagmamaneho. Sigurado akong namuti na ‘to sa sobrang diin. Humahampas ang kabog ng aking puso ngayon sa aking dibdib. Akala ko pa naman kanina ay simpleng meeting lang ng pamilya ang gagawin matapos ng dinner. Ibang meeting pala. Marahas kong pinunasan ang tumakas na luha sa aking mga mata. Umigting pa nga ang aking panga, habang nakatitig sa harapan. “Hindi ko pa nga nakikita kung sino ‘yong lalaking pakakasalan ko. Hindi rin nila sinabi kung sino.” Marami silang magpipinsan. Puro pa nga lalaki ang single roon, habang ‘yong mga babae, may mga kasintahan, o hindi kaya ay asawa. Natawa ako nang pagak. “Tang ina! Ako pa talaga ang naisipan nilang ipakasal? Mas gugustuhin ko pa ngang bumagsak ang kompanya, at ibang business namin kaysa pumayag na magpakasal sa taong hindi ko naman mahal.” Wala sana akong balak na magpunta rito sa bar ngayon, pero dahil sa nangyari kanina, parang kailangan kong magpalipas ng oras. Mag-isip, o hindi kaya magpalamig ng ulo. Dire-diretso lang ang lakad ko papunta sa loob, at hindi na pinansin pa ang sigawan ng mga lalaki sa isang sulok. Kinagat ko ang aking dila. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan ng bar counter, at kinuha ang atensyon ng barista sa pamamagitan ng pag-angat ng aking kamay. “Margarita,” diretsong order ko. Inilibot ko naman ang aking mga mata sa buong paligid. Medyo marami na pa lang tao ngayon sa dance floor. May iilan din namang nakaupo pa rin, at nagsisigawan. Nang mapalingon ako sa mga lalaking nagsisigawan, may isang babae pala roon na sumasayaw sa harap ng mga lalaki. May isa nga lang na hindi nakatingin sa babaeng nagsasayaw. Nakayuko lang siya, at tila mas interesado pa sa hawak niyang baso kaysa sa mga nangyayari sa paligid niya. Walang ilaw sa gawi niya. May kabigatan din ang kaniyang presensiya, kahit pa malayo ako sa kaniya. Ngunit bakit ang bigat ng presensiya niya? Talaga bang ganito, o sadyang hindi ko lang siya kilala? Hindi siya nakikisabay sa tawanan ng mga kasama niya. Ginagalaw lang nito ang basong hawak niya para paikutin ang laman no’n. “May ganiyan pang lalaki?” komento ko, at napailing. Inabot ko ang order kong alak, at ibinalik ang aking mga mata sa gawi ng lalaki. Pero hindi ko inaasahan na ang mga mata niya ang makasasalubong ko. Nanuyo ang aking lalamunan, habang mariin ang titig niya sa akin. Ramdam ko ang pagbagsak ng aking tiyan na kaagad namang sinundan ng pagkabog ng aking puso. “Problema nito?” Inilihis ko na lamang ang aking mga mata, at nilagok na lamang nang diretso ang inumin ko. Gumapang ang init ng alak sa aking lalamunan na siyang nagpapikit sa aking mga mata nang mariin. Pagmulat ko ng aking mga mata, may mga matang nakatitig sa akin. Napalingon ako sa gawi niya ngunit napaawang ang aking labi sa gulat. Ilang segundo lang akong napapikit, pero nasa tabi ko na siya. “You’re alone?” tanong nito nang magtama ang aming mga mata. “May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” tanong ko naman pabalik na siyang nagpaangat sa sulok ng kaniyang labi. Nanginig ang aking mga hita sa kaniyang naging reaksyon, pero inabala ko lamang ang aking atensyon sa dance floor. “It’s dangerous when you’re alone.” “May gagawin ka bang masama?” tanong ko naman sa kaniya. Ang mga lumalabas sa bibig ko ay hindi ko kayang kontrolin. Marahil ay dahil na rin ‘to sa alak. Napanguso na lamang tuloy ako. “Hindi ako. ‘Yong ibang tao,” malalim na boses nitong sambit. Tumahimik kaming dalawa. Ang malakas na musika na lamang dito sa loob ng bar ang nagsisilbing ingay sa pagitan namin. Kung tutuusin ay wala rin akong ideya kung bakit nilapitan niya ako, at kinausap. Kahit papaano rin naman ay nawala sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. “We’re not even close, so why would I even tell my problems to you?” Bumaling ako sa kaniya, at napansin ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Kung ano ang dahilan, hindi ko alam, at wala rin akong balak alamin. “Your name?” “Curious?” tanong ko sa kaniya. His lips twitched. He even licked his lower lip and swallowed hard. “You can say that.” “Nerisse,” sambit ko, at inilahad ang aking kamay. “Lucien,” he whispered and took my hand. Napaigtad ako, dahil sa paggapang ng kuryente sa aking katawan nang maglapat ang aming mga kamay. Hindi ko alam kung napansin niya ‘yon, pero nagtagal ng kaniyang mga titig sa akin. Umigting ang kaniyang panga, at dumilim ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. “It’s my pleasure to meet you, Nerisse.”Nerisse Villareal’s Point of ViewNang matapos ang engagement party, hindi na ako nagpaalam pa sa kanilang lahat. Nilisan ko na nang tahimik ang venue, at dumiretso sa parking lot. Ngunit bago pa man ako makalapit sa aking sasakyan, biglang may pumulupot na bisig sa aking baywang para pigilan ako.Napasinghap ako, at natuod sa aking kinatatayuan. Niyakap niya ako mula sa likod. Kumabog ang aking puso nang humigpit ang pagkapulupot nito sa aking baywang.“Where do you think you’re going, huh?” mariing bulong niya na siyang nagpaawang ng aking labi.Napakurap ako, at dahan-dahang sumulyap sa aking tiyan upang titigan ang kaniyang bisig sa aking baywang.“Talagang naisip mong lumabas nang mag-isa?”“Bitiwan mo ako,” untag ko, at marahas na humarap sa kaniya.Nakayuko siya ngayon upang matingnan ako nang maayos, habang ako ay nakatingala.“Sino ang nagsabi sa ‘yong puwede mo akong hawakan nang ganito?”Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kaliwa.“
Nerisse Villareal’s Point of View“Nandiyan ka pa?” tanong ni Mommy.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig.Nang mapatingin ako kay Lucien, nakatingin pa rin siya sa akin….nakatingin sa mismong labi ko.“Yes!”Bakit ko ba nakalimutan na hindi soundproof ‘tong silid na ‘to?Binitawan ko ang kuwelyo ni Lucien nang matanto kong nagusot ko na pala ‘yon.Napakurap ako, at hinampas ang dibdib ni Lucien nang mahina, dahil hindi pa rin siya gumagalaw hanggang ngayon.“Lumayo ka!” singhal ko sa kaniya, pero ipinilig lamang niya ang kaniyang ulo sa kanan.Tinanggal niya ang pagkatutungkod ng kaniyang siko sa dingding, at inilapat ‘to sa aking balakang.Napaigtad ako, at napakapit sa kaniyang balikat nang itayo niya ako nang maayos.“Bitiwan mo ako!”“Kung mag-iingay ka, mahuhuli tayo. Gusto mo ‘yon, Nerisse?” bulong ni Lucien.Nanlisik ang aking mga mata sa kaniyang sinabi, pero binasa lamang niya ang kaniyang labi.“‘Yang lipstick mo. Ayusin mo.
Nerisse Villareal’s Point of ViewNang lisanin nila kami rito sa loob ng silid, saka lang ako napakurap.Umatras ako nang ilang hakbang sa kaniya. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan, at nakatingin lamang sa akin.“What the fuck?” gulantang kong sambit, at nasundan nang pagak na tawa.Naikuyom ko ang aking kamay, at ibinalik ang aking atensyon sa kaniya. Nawala na ang ngisi sa aking labi, at mariin lamang ang titig na ipinukol ko sa kaniya—sinusuklian ang paraan ng titig niya sa akin.“Busy, huh?”Kinagat ko ang aking ibabang labi, at umiling. Nag-init ang aking mga pisngi, ngunit nanatiling diretso ang aking titig sa kaniya.Sumulyap siya sa aking labi nang kagatin ko ‘yon.“At least inuuna ko ang fiancé ko,” komento ko.Nag-angat siya ng tingin, at nangunot ang kaniyang noo sa aking sinabi.“What about you? Ibang babae pa ang uunahin mo?”Hindi siya nagsalita. Gumalaw lang ang kaniyang panga, at humakbang nang mabagal papunta sa aking gawi.Tumayo ako nang maayos, pero hindi ako
Nerisse Villareal’s Point of View“It’s your engagement party today, Nerisse.”Napako ang tingin ko kay Mommy. Umigting ang aking panga sa kaniyang sinabi.“Talagang nagawa niyo pa ‘yang ipagpatuloy, kahit hindi naman ako pumayag, Mom?” tanong ko sa kaniya.Nagpakawala siya nang malalim na hininga. Nanatili lang ang titig ko kay Mommy.“Kailangan, Nerisse.”“Kung kailangan, bakit hindi kayo ang magpakasal?” malamig kong sambit, at napangisi sa lamang.Inilihis ko ang aking mga mata, at balak sanang lampasan si Mommy para kumuha ng gamit ko.Hindi ako magpapalipas ng gabi ngayon dito. Kung sana ay matagal na akong nagdala ng mga damit ko sa condo ko, hindi ko na sana kakailanganing magpunta rito.“Nerisse,” pigil ni Mommy.Tumigil ako sa paglalakad, at ibinalik ang aking atensyon sa kaniya.“Para rin naman ‘to sa pamilya natin—”“Bakit ba paulit-ulit niyong sinasabi na para sa pamilya natin, Mom? Baka para sa inyo!” singhal ko sa kaniya.Hindi ko na nagawang pigilan ang aking emosyon.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.