Share

chapter 5

Lumipas ang maghapon at natapos ni Lester ang kanyang mga nakatakdang gawain. Kasalukuyan namang kumakain ng hapunan ang buong pamilya. Sa parihaba na habang kainan,sa kabisera nakaupo ang padre de pamilya na si Dan,ang ama nina Jasmine at Ella. At sa kabilang dulo ay ang ina nilang si Liza,magkatabi naman sa gilid ng lamesa ang mag-asawang sina Lester at Jasmine.At sa tapat nila ay si Ella. Hindi na nag aksaya pa ng oras si Lester upang samantalahin ang pagkakataon na simulan ang usapan. "Mayroon po akong nais ipagbigay alam sa inyo, kanina habang ako ay patungo sa merkado isang matalik na kaibigan ang aking nakasalubong. Nais niya akong makasama sa kanyang kasalukuyang proyekto bilang kanyang katiwala sa kanyang pinangangasiwaang proyekto hindi kalayuan. Naisip ko na siguro ay panahon na upang ako ay magtrabaho. Hinihingi ko ang inyong tugon at pahintulot ukol sa nasabing bagay." Napakunot naman ng noo ang kanyang biyenan na babae na si Liza at marahas na sinabi," Aba'y dapat lang na magtrabaho ka,sa loob ng tatlong taon mo dito aming pamamahay wala ka man lang naibahagi sa anumang gastusin." Hindi naman na sumagot pa si Lester at napatingin sa kanyang asawa na si Jasmine at bahagyang ngumiti. Ginantihan naman siya ng ngiti nito at pinagpatuloy na ang pagkain. Matapos ang hapunan,agad namang niligpit ni Lester ang hapag kainan at tinapos ang paghuhugas ng pinagkainan. Bago siya umakyat sa kanilang silid tumungo muna siya sa terasa upang magpahangin. Nagsindi ng sigarilyo at naupo sa isang kahoy na upuan. Bahagya siyang napangiti dahil sa wakas ay may maganda siyang naging dahilan upang magawa niyang makaalis ng bahay anumang oras niya gustuhin. Sapagkat alam ng mga ito na siya ay tutungo sa kanyang trabaho. Nais niyang dalawin ang kanyang lolo Arsenio sa susunod na araw upang mabigyang linaw lahat ng napagusapan nila ni Bogart... Kinabukasan... Kaarawan ni Senior Travis Ruiz,Ama ni Dan. Kasalukuyang namamahala ng Skylark corporation na construction materials ang pangunahing produkto sa negosyo. Mayroon din itong furniture and home decor store na kasalukuyan namang pinapatakbo ni Jasmine bilang General Manager. Maagang bumangon si Lester upang maghanda ng kanilang almusal. Habang inaayos ang hapag kainan,narinig niya ang tinig ng kanyang biyenan na babae. "Lester naplanstsa mo na ba ang aking susuotin para mamaya sa padiriwang ng kaarawan ng aking biyenan?" Agaran naman ang sagot dito ni Lester, " Opo Ma,natapos ko na ito kagabi." Hindi na sumagot si Liza at nagtungo sa hapag kainan para magtimpla ng kape. Maya maya ay bumaba na rin mula sa kani-kaniyang mga silid sina Ella at Jasmine,tumungo sa hapag kainan at sabay sabay nag agahan. Si Liza ay nagsabing " alas dos ng hapon tayo ay gagayak na upang maaga tayong makarating sa Ruiz Mansion kaya maaga kayong mag ayos. Lester linisin mo ang kotse pagkatapos mo kumain,naiintindihan mo?" "opo ma" maiksing sagot ni Lester. Lumipas ang oras at sila ay naghahanda na patungo sa Mansiyon ng pamilya Ruiz,at si Lester nilabas na mula sa garahe ang kulay puting Ford expedition at sila ay nagsimula ng bumiyahe patungo sa Bulacan kung saan naroon ang Ruiz Mansion.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status