Share

chapter 3

Napangisi si Lester at nagwika,"Alam na alam mo pa rin ang paborito kong kape" sabay tawa naman ni Bogart at nagwika ng, "Makakalimutan ko ba naman ang bagay na madalas nating inumin sa tuwing may mga mahahalagang bagay tayong pinaguusapan lalo na kapag tungkol ito sa kumpanya na dati mong pinamamahalaan.Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang iyong pamumuno sa naghaharing kumpanya sa buong bansa.Natatakot lang ako sa kasalukuyan nitong kalagayan sa ngayon,unti unti itong bumabagsak sa pamumuno ng iyong tiyuhin na si Romeo.Natuklasan ng iyong lolo na si Don Arsenio na lihim itong pinagnanakawan ng iyong tiyo.At ang malala ay may hinala kami na unti unting pinapahina ang iyong lolo sa pamamagitan ng gamot na hinahalo sa kanyang pagkain at inumin upang tuluyang mapasakamay ng iyong tito Romeo ang kumpanya bago pa man mabunyag ang pagnanakaw nito sa inyong kumpanya."

Napatulala na lang si Lester ng hindi namamalayan,at hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Bogart.

El Grade group of companies ang nangunguna,napakatatag at ang pinakamalaking kumpanya sa buong bansa.Sakop ng higanteng kumpanya na ito ang mga negosyo sa realty,hotel and restaurants,resorts,malls at ilang mga transportasyon pang himpapawid na pribado.

Sa limampung dekada nitong pamamayagpag sa industriya na binuo ng matandang Don Arsenio na may dalawang anak na sina Alice at Romeo.Si Alice ang panganay na anak na kasamaang palad ay nasawi sa isang car accident kasama ang asawa nitong si Dexter noong labindalawang taon pa lamang si Lester.Maagang nauliala si Lester sa mga magulang kaya't ang lolo nitong si Don Arsenio na isa ring biyudo ang tumayo nitong magulang.Nagsumikap at nakapagtapos sa prestihiyosong unibersidad si Lester at nagmaster's degree sa estados unidos.Nang bumalik ng Pilipinas pinamunuan niya ang nasabing higanteng kumpanya,mas lalong pinaunlad at pinagtibay.

Ngunit sa inggit ng kanyang nagiisang tiyuhin na si Romeo na tumatayong vice chairman ng kumpanya nang siya ang nakaupong CEO.Naghanap ito ng paraan upang mapatalsik sa kumpanya si Lester sa tulong ng asawa nitong Laarni at anak na si Jhainus na kasalukuyan ding may mataas na posisyon sa kumpanya.

Dahil sa pagtutulungan ng mga ito at dahil na rin sa mga katayuan nito sa El Grande,madali nilang nagawa ang kanilang mga masasamang balak kay Lester dahilan upang kamuhian ito ng kanyang lolo at agad na napatalsik sa kumpanya.Lingid sa kaalaman nila Romeo,Laarni at Jhainus lihim na nagimbistiga si Don Arsenio at ang natatangi nitong katiwala na si Bogart. At sa loob ng tatlong taong pagmamatiyag,matagumpay bilang nakalap ang mga patunay ng pagtataksil sa kumpanya ng ikalawang pamilya.At ang maitim nitong balak na tapusin ang buhay ng matandang Don Arsenio.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status