Share

chapter 6

4:00 pm nang dumating sila sa Bulacan sa Ruiz Mansion. Sa malawak na parking area makikita ang mga iba't ibang uri ng sasakyan na nakaparada dito. Kung titignan ang mga magagarang sasakyan na ito,malalaman mo kaagad ang mga katauyan sa buhay ng mga nagmamay ari nito. Halos mapuno ang malawak na paradahan na animo'y isa itong bentahan ng mga high end at dekalidad na kotse. Nakabukas ang pangunahing entrada ng mansiyon,sa magkabilang gilid magarang ilaw na nagsisikinagan ang maliliit na bumbilya na parang mga bituin sa kalangitan. Sa ibabang bahagi namumukadkad ang mga sariwang bulaklak na may kulay puti at at pulang rosas. Pagkababa nila ng sasakyan agad naman silang naglakad papasok sa pangunahing entrada patungo sa malawak nitong hardin na napuno ng mga bilog na lamesa na may eleganteng dekurasyon sa bawat isa dito. At sa dulong bahagi makikita ang isang mahabang lamesa,sa gitna nito ang isang magara at may kalakihan na upuan na animo'y isang trono ng hari na makikita mo sa mga pelikula. Doon nakaupo si Senior Travis Ruiz at sa kanang bahagi nakaupo naman si Sandra Ruiz,ang panganay na anak ni Senior Travis at asawa nitong si Roi Sanchez. Ang nag iisang anak ng mga ito na si Dominic ang nakatakdang susunod na mamamahala Skylark corporation. Sa kaliwang bahagi naman ang ikalawang anak na si Peter Ruiz at asawa nitong si Nadia Delgado,at ang mga anak nito na sina Vincent at Heidi. Nakalaan naman sa pamilya ni Dan ang harapang bahagi ng mahabang lamesa. Agad silang nagtungo sa mga ito na pinangungunahan ni Dan at Liza na magkasabay na naglalakad habang ang isang kamay ni Liza ay nakahawak sa braso ni Dan. Kasunod sina Lester,Jasmine at Ella. Magalang nila itong binati ng may ngiti sa mga labi at naupo sa mga silya na nalalaan para sa kanilang pamilya. Hindi naman sila pinansin ng panganay na si Sandra,sapagkat ito may hindi magandang paguugali. Mapagmataas,dominante at may mapang aping pag uugali Tanging si Senior Travis lamang ang nakakapagpasunod sa babaeng ito. Iba naman ang pakikitungo ng pamilya ni Peter,sinalubong sila nito ng may ngiti at nakipagkamustahan kina Dan at Liza. Tumayo ang matandang si Senior Travis at kinuha ang atensiyon ng kanyang mga panauhin sabay wika nang, " Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa aking munting selebrasyon,nais kong ipagbigay alam sa inyo na mayroon akong mahalagang anunsiyo mamaya bago matapos ang aking selebrasyon. Nais ko ngayong araw din mismo ay matunghayan ninyo ang ganap na pagtatalaga sa susunod na mamumuno ng aking kumpanya. Ako ay tumatanda na at marami na rin akong nararamdaman sa aking katawan,kaya nais ko na rin magpahinga sa kabila ng pagod,puyat at buong lakas na pagsusumikap ng maraming taon upang maitatag ang Skylark corporation hanggang sa ito na naging matagumpay sa larangan ng mga gawaing konstraksyon pati na ang furniture business. Ang aking galak ay walang mapagsidlan at naguumapaw kabilang na aking buong pamilya.Taos puso akong nagpapasalamat sa mga kaibigan at kasosyo ng aking kumpanya na kasama kong nagtaguyod upang marating ang r***k ng tagumpay." Mahabang pahayag ni Senior Travis at sabay iniangat ang kanyang kopita na may laman na alak at nagsabi ng "Cheers". At sabay sabay nilang ininom ang kanilang mga alak pagkatapos nito masigabong palakpakan ang inihandog ng mga panauhin kay Senior Travis...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status