Share

chapter4

Napayuko na lang si Lester nang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang lolo at ng kumpanyang pinagsikapang itatag ng kanyang lolo Arsenio.Labis na kalungkutan ang kanyang nadarama at namumutawi sa kanyang puso.Bagamat siya ay napatalsik alam niya sa kanyang sarili na kailangan niyang kumilos upang tulungan ang kanyang lolo,sapagkat ito ay pinagtutulungan ng kanyang ikalawang anak at pamilya nito.

Itinaas niya ang kanyang ulo at tumitig ng diretso sa mga mata ni Bogart at malumanay na sinabi,"Ano ang magagawa ko?,sa kasalukuyan kong katayuan wala akong kakayahan upang panghawakan ang ganitong suliranin."

"Young master kaya ka minamadaling ipahanap ng Old master Arsenio upang makipagtulungan sa mga hakbang na kailangang gawin habang hindi pa huli ang lahat.Ipinaparating niya rin ang kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad sa kanyang mga naging desisyon.Inaamin niya na nalason lamang ang kanyang isipan ng ikalawang Master at bawat miyembro ng pamilya nito upang masimulan ang kanilang masamang balak sa kumpanya."

Sa pagtatapos ng kanilang usapan,hindi na nagdalawang isip pa si Lester na tulungan ang kanyang lolo. Magalang na inabot ni Bogart ang isang Diamond bank card na ekslusibong pagmamayari ng kanyang lolo Arsenio na inilipat ang pagmamay-ari nito sa kanyang pangalan.

Ang prestihiyosong Diamond card ay naglalaman ng 100 billion pesos. Ito ang isa sa tatlong Diamond card na umiiral sa buong bansa,ekslusibo itong ginawa ng World bank para sa mga natatanging personalidad na umaabot ng isang trilyon ang deposito sa kanilang bangko.

"Young master,gamitin mo ang pera upang muling ibangon ang iyong katayuan bilin ng Old master.Magsisimula na tayo sa mga hakbang sa lalong madaling panahon. Nais ni Don Arsenio na muli kang makita at makausap. Nawa ay iyong pagbigyan ang kanyang kahilingan Young master Lester." Mahinahong pagpahayag ni Bogart.

Tango lamang ang isinagot ni Lester at tumayo sa kanyang kinauupuan at agad na lumisan.

Kaagad siyang nagtungo sa merkado upang bilihin lahat ng kanyang mga kailangan at mabilis na bumalik sa kanilang tahanan.

Sigaw naman mula sa kanyang biyenan na babae ang sumalubong sa kanya habang ito ay nakatayo sa pintuan at ang mga kamay nito ay nakahawak sa kanyang maliliit baiwang.

"Bakit ba napakatagal mong namili?Alam mong marami ka pang kailangang gawin dito sa bahay.Linisin mo ang aking kuwarto pagkatapos mong magluto ng pananghalian." Matigas na sambit ng kanyang biyenan na babae.

Hindi naman ito sumagot at agad na nagtungo sa kusina upang ihanda ang kanyang lulutuin para sa pananghalian.Malalim siyang nagiisip tungkol sa napagusapan nila ng lingkod na si Bogart. Sa lalong madaling panahon kailangan niyang tumungo sa kanyang lolo Arsenio upang alamin ang kasalukuyang kalagayan nito.

Sa kanyang pagbabalik sa Madrigal grand villa alam niya sa kanyang sarili na agad ililipat sa pangalan niya ang muling pamumuno sa El Grande group of companies.

Kailangan niya mag isip ng paraan upang makaalis sa kanilang bahay sa mga susunod na araw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status