Share

Kabanata 9

Tumawa ng mahina si Wilbur. “Sige. Susubukan kong kontroli ang sarili ko.”

“Nagdesisyon kami ni Blake na ganapin ang kasal namin sa Southlake Resort Island sa ika-16th ng buwan naito, at iniimbitahan ka namin,” Ang sabi ni Yvonne.

Nanatiling tahimik si Wilbur bago niya sinabi, “Bakit niyo ako iniimbitahan?”

“Para makita mo na perpekto kami ni Blake para sa isa’t isa, syempre. Iniimbitahan namin ang lahat ng lahat ng mga elite sa Seechertown. Syempre hindi mo kayang magpakita?” Ang proud na sabi ni Yvonne.

Sinabi ng mahina ni Wilbur, “So gusto mo lang akong ipahiya.”

“Wag mo itong tawagin na ganun! Gusto ko lang malaman mo na hindi ka nararapat sa isang mabuting babae na tulad ko. Isa kang duwag kung hindi ka pumunta. G*go ka.”

Naiintindihan ni Wilbur kung ano ang sinasabi ni Yvonne. Nilalabas lang ni Yvonne ang galit niya kay Wilbur.

Alam niya na ang five million dollars ay naging malaking tulong sa mga Willow, ngunit ayaw niya itong aminin.

Ito ang rason kung bakit gusto niyang ipahiya si Wilbur at hilahin niya ito pababa upang gumaan ang loob niya. Gustong patunayan ni Yvonne na tama ang naging desisyon niya.

Kalokohan! Nagbuntong hininga si Wilbur, “Pupunta ako.” Pagkatapos ibinaba niya ang phone.

Bumukas ang pinto ng bahay, at pumasok si Faye na may dala na bag ng mga grocery.

“Hello po, Boss,” Ang magalang na sabi ni Faye.

Ngumiti si Wilbur. “Nag grocery shopping ka ba?”

“Ayaw ko pong maging masyadong simple ang mga pagkain niyo,” Ang sabi ni Faye.

“Salamat. Hindi ito kailangan gawin,” Pinagaan ni Wilbur ang loob ni Faye.

“Syempre kailangan ko po ito gawin! Kailangan ko rin po kumain.”

Nagsuot ng slippers si Faye at itinabi niya ang groceries sa ref bago siya dumiretso sa itaas upang magsuot ng pajamas.

Ngayon naman, nagsuot siya ng isang silk dress na umabot hanggang sa taas ng paa niya. Ang neckline ay mababa, kita ang makinis na mga balikat niya. Ang buhok niya ay naka-pusod, mukha siyang isang mayamang housewife.

May taste talaga si Faye pagdating sa fashion.

“Gagawa na po ako ng hapunan,” Ang sabi ni Faye kay Wilbur ng nakangiti bago siya dumiretso sa kusina.

Tumango si Wilbur habang umupo siya sa sala at nanood ng TV.

Hindi nagtagal, gumawa si Faye ng chicken and peas na may kasamang mashed potatoes. Simple na pagkain lang ito, pero mukhang masarap.

Pagkatapos ito ilagay sa mesa, umupo ng elegante si Faye. Ang isang babae na tulad niya ay elegante kahit na kumakain siya.

“Hindi ko po alam magluto ng maraming bagay. Pasensya na po,” Ang ekspresyon ni Faye ay parang humihingi siya ng tawad habang nagsasalita siya.

Mabilis na sinabi ni Wilbur, “Ah, maganda at sapat naman na ito.”

Pagkatapos itong sabihin, kumain si Wilbur at naisip niya na ang charm ng isang babae na tulad ni Faye ay higit pa sa kaya ng karamihan sa mga tao.

Tumingin si Faye kay Wilbur pagkatapos kumain ng konti. “Boss, may natuklasan po tayong problema.”

“Anong problema?” Ang sabi ni Wilbur habang ngumunguya.

Ibinaba ni Faye ang tinidor, huminto siya ng ilang sandali, at sinabi niya, “Ang ilang mga director ay palihim na kinopya ang hard drive ni Blake pagkatapos pumasok sa Woods Corporate, at natuklasan po natin na may proposal siya na may pangalan na Willow Corp.”

“Anong proposal yun?”

“Tumingin na po siya sa financial condition ng Willow Corp at balak niyang magpakasal sa pamilya Willow para makuha ang shares ng kumpanya.”

“Sinulat niya ang lahat ng yun sa proposal?” Hindi makapaniwala si Wilbur.

Umiling si Faye. “Hindi po, pero meron pong tungkol sa pagpapakasal kay Yvonne Willow, ang representative ng kumpanya. Ang punto po ay magpapaksal siya kay Yvonne at bibilhin niya ang shares sa kumpanya hanggang sa siya na po ang majority ng shareholder bago siay makikipag divorce. Gumawa pa po siya ng divorce statement. Detalyado po ito. Sigurado po ako na susubukan niyang agawin ng legal ang buong kumpanya.”

Nabigla si Wilbur. Kahit na naisip niya na ito, hindi niya inaasahan na detalyado si Blake tungkol dito. Hindi pa sila nagpapakasal, ngunit pinaghandaan na ni Blake ang divorce papers.

Makalipas ang ilang sandali, binigay ni Wilbur ang plato niya kay Faye. “Pwede pa ba ako kumuha ng mashed potatoes?”

Nilagyan ni Faye ang plato ni Wilbur, at kumain ulit si Wilbur.

Hindi na ito kaya pang tiisin ni Faye at tinanong niya ng may mahinang boses, “Boss, kayo po ng Woods Corporate…”

Tumingin si Wilbur kay Faye, na siyang mabilis na tumingin sa baba at nagpatuloy sa pagkain.

Sumubo ng isa pang beses si Wilbur. “Si Yvonne ang ex-wife ko. Kaka-divorce lang namin ngayong araw, at magpapakasal siya kay Blake Woods.”

Bumagsak ang tinidor at plato ni Faye sa sahig, at ang ingay nito ay tumunog sa ere habang nabasag ang plato sa maraming piraso.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

Gaano kalaking tanga ba si Yvonne para makipag divorce kay Wilbur upang magpakasal kay Blake?

Gayunpaman, ito ang kasagutan sa maraming taong sa isipan ni Faye nitong mga nakaraang araw.

So, ang dalawang tanga na ito ay may ginawa na ganitong bagay.

Maingat na pinili ni Faye ang mga salita niya at sinabi niya, “Boss, hindi niyo po kailangan ang isang babae na ganun.”

Ngumiti si Wilbur. “Ipunin mo ang lahat ng ebidensya na meron ka. Nangako ako na dadalo ako sa kasal nila. Kailangan ko magdala ng regalo para sa kanila.”

“Masusunod po.” Agad na naintindihan ni Faye ang trabaho niya. Tahimik siyang naawa para sa dalawang tanga.

Pagkatapos ng hapunan, dinala ni Faye ang mga pagkain papunta sa kusina habang sinindihan ni Wilbur ang sigarilyo at nanigarilyo siya ng tahimik.

Nang matapos na si Faye, sinabi ni Wilbur, “Masipag ka magtrabaho. Magpahinga ka na.” Pagkatapos, bumalik siya sa kwarto niya.

Walang masabi si Faye, ngunit bumalik lang siya sa kwarto niya.

Humiga siya sa kama niya, hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ni Yvonne Willow ang katangahan na ito.

Si Wilbur ay may walang hanggan na kayamanan, at napatunayan na na mayroon siyang pambihirang lakas. Bukod pa dito, gwapo at macho din siya.

Pagkatapos makilala si Wilbur sa nakalipas na dalawang araw, napagtanto ni Faye na si Wilbur ay may magandang ugali. Hindi tumitingin ng matagal si Wilbur sa katawan ni Faye at hindi kailanman naging awkward sa pagitan nila. Talagang isa siyang disenteng lalaki.

Saan naman makakahanap ang isang babae ng isang asawa na ganito?

Hindi lang sa pinalampas ni Yvonne ang pagkakataon nai to, ibinaba niya pa ang sarili niya para gawin ang ganitong bagay upang galitin si Wilbur. Hindi lang isang tanga si Yvonne, wala pang laman ang utak niya.

Habang iniisip ito ni Faye, nagring ang phone niya.

Tumingin siya kung sino ang caller at sinagot niya ito.

“Ms. Yves, may natuklasan po tayong bago na tungkol sa Woods Corporate,” Ang sabi ng secretary.

“Ano yun?:

“Ang Woods Corporate ay may mga problema po sa mga tax at account nila, at masama po talaga ito.”

“Mabuti. Itabi mo ng ligtas ang ebidensya, at wag mo hayaang maalarma si Blake.”

“Masusunod po, Ms. Yves.”

“Ah, at magdala ka pa ng mga tao na namumuno sa tax department at sa fiscal crimes. May gusto akong ireport.”

“Okay po, Ms. Yves.”

Ibinaba ni Faye ang phone call at suminghal siya ng mahina. “Ubos na ang oras niyo, Blake at Yvonne. Pagsisisihan niyo ito.”

Habang nakahiga sa kama, hindi siya mapakali at nahirapan siyang matulog. Ang imahe ng mukha ni Wilbur ay nasa isipan niya, at mas naging pula ang mukha niya.

Sa sumunod na umaga.

Gumising si Wilbur sa tamang oras. Naligo siya at dumiretso siya sa sala.

Ang nakita niya ay si Faye na may suot na lilac office suit. Ang pencil skirt ni Faye ay nagbigay pokus sa kurba niya.

“Maaga ka ngayon, Ms. Yves,” Ang bati ni Wilbur ng nakangiti.

Yumuko si Faye habang kinausap siya ni Wilbur. Nakita ni Wilbur ang eyebags sa mga mata ni Faye, ang uri na mahirap itago kahit gamitan ng concealer.

“Anong problema? Kulang ba kayo sa tulog kagabi?” Ang tanong ni Wilbur.

Naging pula si Faye hanggang sa leeg niya. Yumuko agad siya. “Tumawag po ang secretary ko kagabi at sinabi niya po sa akin na may problema sa accounts at taxes ng Woods Corporate. Inimbitahan ko po ang mga taong namumuno sa Department of Taxes at Fiscal Crimes ngayong gapon.”

“Oh. Ganun kalala?” Muling naging interesado si Wilbur.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status