Share

Kabanata 8

Kumunot ang noo ni Wilbur. “Ano ba? Hindi ako isang masamang tao.”

“Isa kang masamang tao! Alam ko kung ano ang binabalak mo!” Ang galit na sabi ng babae.

Nagbuntong hininga si Wilbur. Sinabi ni Benjamin sa sandaling yun, “Iwanan niyo kami.”

Nainis ang babae, ngunit galit siyang naglakad palabas habang luhaan ang mga mata niya.

Lumingon si Benjamin para tumingin kay Wilbur. “Yun ang apo ko, si Susie. Bata pa siya. Pakiusap, wag mo siyang pansinin.”

“Ayos lang po. Bakit po malaki ang tiwala niyo sa akin, Mr. Grayson?” Ang tanong ni Wilbur.

Ngumiti si Benjamin. “Ako ay nasa seventies ko na, at marami na akong nakita. Marami pang mga bagay na hindi nalalaman sa mundo, at masyado na akong matanda para alamin ang mga ito. Pero, naniniwala ako na may mga bagay na hindi ko alam. Higit sa lahat, ang kahit sinong malapit nang mamatay ay gusto ng chansa na mabuhay. Hindi ako eksepsyon dito.”

“Tapat po talaga kayo. Magsimula na po pala tayo,” Ang sabi ni Wilbur ng nakangiti.

Ngumiti si Benjamin habang tinanggal niya ang shirt niya upang ipakita ang katawan niya na puno ng peklat.

May higit sa sampung peklat na mula sa sugat ng kutsilyo at ilang mula sa tama ng bala. Walang isang parte ng katawan niya na maayos. Nakakatakot ito.

Nagbuntong hininga si Wilbur at binulong niya, “Nagsikap po talaga kayo.”

“Ah, wala ito. Nagtatrabaho lang din ako bilang isang mahirap na lalaki. Hindi ako kasing husay na tulad ng sabi ng bata na yun,” Ang walang pakialam na sabi ni Benjamin.

Ngumiti si Wilbur. Nilagay niya ang palad niya sa likod ni Benjamin at mabagal niyang nilagay ang isang agos ng spirit energy sa katawan nito.

Pagkatapos ay maingat na ginabay ni Wilbur ang spirit energy sa katawan ni Benjamin. “Tandaan niyo po ang energy path na ito at sundin niyo po ito sa susunod.”

Tumango si Benjamin, at nagpatuloy si Wilbur.

Pagkatapos dumaloy ang energy ng thirty-six round, mabagal na tinanggal ni Wilbur ang kamay niya.

Pagkatapos, huminga ng malalim si Benjamin, napuno ng gulat ang kanyang mukha.

Nararamdaman niya na maayos ang paghinga niya, wala ang dating masamang pakiramdam niya. Bukod pa dito, naging magaan ang pakiramdam niya, na para bang ang mga cells niya ay napuno ng sigla.

Mabagal siyang tumayo at yumuko siya ng malalim kay Wilbur. “Isa kang tagapagdala ng himala.”

Mabilis na tinulungan ni Wilbur si Benjamin sa pagtayo. “Flattered po ako.”

Umupo ulit si Benjamin, humanga at nabigla siya. “Gumagawa ka ng himala. Hindi ako makapaniwala na nabuhay ako ng matagal para masaksihan mismo ang isang himala.”

“Mr. Grayson, pwede po ba kayo humingi ng isang pen at papel? Isusulat ko po ang cultivation method para sa inyo.”

Kumaway si Benjamin, at may isang katulong na dumating na may dalang pen at papel.

Pinag isipan ito ni Wilbur ng ilang sandali bago siya nagsulat sa papel.

Makalipas ang ilang sandali, sinabi niya, “Ito ay isa pong simpleng bersyon ng Dragon Chant na pang baguhan na ako ang nag cultivate. Sundin niyo po ito, at hindi po tatalab ang lahat ng sakit sa inyo at mabubuhay kayo ng matagal.”

“Maraming salamat, iho.” Tumitig sa papel si Benjamin na para bang may nakita siya ng isang napakahalagang kayamanan.

Pagkatapos, tumayo si Wilbur. “Mauuna na po pala ako.”

Mabilis na nagbihis si Benjamin at hinatid niya palabas si Wilbur. Hiningi niya ang phone number ni Wilbur bago siya nagpaalam ng nag aatubili.

Kasabay nito, bumaba ng hagdan si Susie at tumitig siya sa lolo niya ng may pulang mga mata.

Hindi ito napansin ni Benjamin at sinabi niya, “Magpadala ka ng pinakamagandang tsaa at wine kay Wilbur sa house number eighteen. Tandaan mo na pasalamatan siya.”

“Grandpa, naniniwala pa rin po ba kayo sa scammer na yun?” Hindi mapigilan ni Susie na sumigaw.

Galit rin si Benjamin. “Hindi ko ba malalaman kung isang scammer siya? Ikaw ang pumunta, kung hindi ay bumalik ka na sa medical school at lumayas ka na sa paningin ko.”

Halos bumuhos ang luha ni Susie sa galit, ngunit hindi na siya nagsalita pa nang makita niya na galit ang lolo niya. Ang tanging nagawa niya ay ang ipaghanda ang inutos sa kanya at inutusan niya ang mga katulong na dalhin ito sa kotse.

Ang tsaa at wine ay regalo mula sa mga magulang ni Susie at sa ilang tauhan ni Benjamin. Ito ay mga pambihirang kayamanan at mahirap itong makuha, may halaga ito na at least ilang hundred thousand dollars. Halos hindi mapigilan ni Susie ang galit niya habang iniisip na ang lahat ng ito ay mapupunta sa scammer na yun.

Gayunpaman, nag drive pa rin siya papunta sa house number eighteen. Hindi siya lumabas ng kotse. Sa halip, nilabas niya ang phone niya at tumawag siya.

Makalipas ang ilang sandali, sinagot ang phone call, at sinabi ni Susie, “Dad, umuwi na po kayo. Nawawala na po sa tamang pag iisip si Grandpa.”

“Anong nangyayari?” Tumunog ang isang malalim na boses mula sa phone.

Sinabi ni Susie, “Nascam po si Grandpa ng isang lalaki na nagsasabi na kaya po siyang gamutin nito. Naniniwala po si Grandpa sa kanya at sinabi niya pa po sa akin na magpadala ng mga regalo sa lalaki.”

Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan sa kabilang linya, sumagot ang tatay niya, “Sundin mo ang sinabi ng Grandpa mo. Uuwi ako at aayusin ko ito sa madaling panahon.”

“Okay po, Dad. Dalian niyo po.” Tinapos ni Susie ang phone call. Ang ekspresyon niya ay malamig habang lumabas siya ng kotse at pinindot niya ang doorbell.

Binuksan ni Wilbur ang pinto. Nang makita na ito ay si Susie, tinanong niya, “May problema ba?”

Hindi na sumagot si Susie. Kinuha niya ang tsaa at wine mula sa kotse, nilapag niya ito sa harap ni Wilbur, at sinabi niya, “Alam ko ang binabalak mo. Dapat kang mag ingat. May taong huhuli sayo.”

Nabigla ng ilang sandali si Wilbur bago siya sumagot ng nakangiti, “Anytime.”

“Hmph!” Hindi na nag abala si Susie na kausapin si Wilbur at tumalikod siya para mag drive paalis.

Habang pauwi, hindi mapigilan ni Susie ang kalungkutan niya.

Napagtanto niya na ang lolo niya ay kumikilos na tulad ng ibang mga matanda, naniniwala sa kahit ano upang humaba lang ang buhay ng kahit konti. Ano ang pagkakaiba ng lolo niya sa ibang mga matanda na piniling bumili ng mga pekeng health products?

Ang pamilya nila ay may team ng personal na mga doctor at ang top medical team sa Seechertown upang suportahan sila. Paanong naniniwala ang lolo niya sa lahat ng kalokohan na ito? Nawawala na talaga sa tamang pag iisip ang lolo niya.

Pagdating sa bahay, lalabas pa lang ng kotse si Susie nang makita niya ang isa pang kotse na huminto sa harap niya.

May lumabas na isang middle-aged na babae. Nakita ni Susie kung sino ito at mabilis siyang lumabas ng kotse upang batiin ang babae.

“Dr. Sepia! Ano po ang ginagawa niyo dito?” Ang mabait na tanong ni Susie.

Tumingin si Dr. Sepia kay Susie at ngumiti siya. “Susie, sakto ang pagdating mo.”

Habang nagsasalita siya, binigay niya ang isang box ng gamot kay Susie. “Ang medical team ay nag imbento ng bagong gamot na makapag pahaba ng buhay at makakatulong sa kanilang immune system. Mahusay ito. Ito ay galing sa lab namin. Bilisan mo ang ipainom mo ito kay Mr. Grayson.”

“Talaga po?” Tuwang tuwa si Susie habang tinanggap niya ang gamot.

Ngumiti si Dr. Sepia. “Syempre. Pero, ayaw kong abalahin si Mr. Grayson. Goodbye.”

“Bye!” Hinatid ni Susie si Dr. Sepia paalis at pumasok siya sa bahay ng masigla habang pumunta siya sa kwarto ng lolo niya.

“Grandpa, ang Seechertown medical team po ay nag imbento ng bagong gamot na ito. Dapat niyo po itong inumin agad. Personal po itong pinadala ni Dr. Sepia.”

Saglit na tumingin si Benjamin sa gamot. “Ilagay mo doon.”

“Hindi, gusto ko pong makita na inumin niyo ito, “Ang sabi ni Susie.”

Nawalan ng pasensya si Benjamin. “Iinumin ko ito. Lumabas ka na.”

Tinikom ni Susie ang mga labi niya, ngunit sinunod niya ang utos sa kanya.

Tumingin si Benjamin sa gamot at hinagis niya ito sa shoe cabinet niya habang umiiling ang ulo. “Pills, pills, at mas maraming pills. Balang araw ay papatayin ako ng mga ito.”

Pagkatapos itong sabihin, nagsimula siyang mag meditate gamit ang chant.

Samantala…

Masayang dinala ni Wilbur ang tsaa at wine papasok ng bahay at binuksan niya ito para tingnan.

‘Oh my, lahat ito ay high-end products, ang mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera!’ Ang naisip ni Wilbur.

Ngumiti si Wilbur. “Maraming salamat, Mr. Grayson.”

Nilagay niya sa tabi ang mga regalo at nagsimula siyang mag cultivate. Pagsapit ng gabi, doon niya lang binuksan ang mga mata niya. Pagbukas ng kanyang bibig, lumabas ang isang white ribbon aura mula sa bibig niya.

Pagkatapos, nag ring ang phone niya. Nabigla si Wilbur at kinuha niya ang phone niya at sinagot niya ito, “Ms. Yvonne, anong problema?”

“Wilbur, may magandang balita ako para sayo. Pero, wag ka maging masyadong emosyonal,” Tuwang tuwa ang boses ni Yvonne mula sa kabilang linya ng phone.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status