Pagdating ni Pan sa Shantara Resto, nagmamadali siyang pumasok. Kung bagong babae ang kasama ni Juancho, talagang aagawin niya ito. Gagawin niya ang lahat maagaw niya lang ito.
“Pan!” tinawag siya ni Bobby pero hindi niya ito narinig. Nagtuloy tuloy ito sa paglalakad lalo na nang makita niya si Juancho na nakaupo habang may kausap na babae.
Napahinto siya nang makita kung gaano kaaliwalas ang mukha ng binata habang nakikipag-usap sa iba. Samantalang siya ay halos isumpa siya nito.
Kumuyom ang kamay niya. ‘Ano bang pinagkaiba namin?’ natanong niya sa sarili niya. ‘Bakit ganyan siya makipag-usap sa bagong kafubu niya? Bakit sa akin hindi?’
“Pan!” Tawag ulit ni Bobby na gusto sanang tumayo pero hindi niya magawa dahil sa mga kliyente niya na nasa harapan.
Taas noong naglakad si Pan papunta sa gawi ni Juancho.
“Juancho!” Tawag niya kaya lahat nang naroon sa table ay napalingon sa kaniya. Ngumiti si Pan ng pagkalaki laki na para bang alam niya ang ginagawa niya.
Kita niya ang panlalaki ng mata ni Juancho nang makita siya pero hindi niya yun pinansin. Gusto niyang dumikit dito para umalis ang babaeng katabi nito.
Gusto niyang e secure ang pwesto niya sa buhay ni Juancho.
Umupo siya sa tabi ni Juancho at agad na ipinulupot ang kamay niya sa siko nito. Yung babaeng katabi ni Juancho ay napanganga sa ginawa niya.
“I didn’t know you were here,” sabi ni Pan, hindi alintana na may ginang na nagmamasid sa kanila.
“I miss you so much babe. Bakit hindi ka nagreply sa akin?”
“Panasree, anong ginagawa mo dito?” may diin sa salita ni Juancho. Hindi na rin siya mapakali at para bang gusto na niyang itapon si Pan sa labas ng resto.
Panay ang sulyap niya sa ginang na nasa harapan.
“Nakita kasi kita babe. Kaya ako pumuta dito. Am I not welcome here?” Sabi niya sabay sulyap sa dalagang katabi ni Juancho. ‘Whoever you are, back off. Kailangan ko si Juancho kaya akin siya.’ Mga sinasabi ng mga mata niya.
Humilig pa siya sa balikat ng binata ngunit nabigla siya ng bahagya siyang itulak nito palayo. “Ano bang ginagawa mo dito Pan?” galit na si Juancho sa kaniya.
Sobrang mahalaga sa kaniya ang araw na ito. Hindi ito pwedeng masira lalo pa’t kasama niya ang mama niya na matagal niyang hindi nakasama.
“Bakit? Kinakahiya mo ba ako? Hindi ba tayo na? May nangyari pa nga sa atin-"
“PANASREE SOLIEL!”
Natahimik si Pan dahil buong pangalan na niya ang nabanggit ni Juancho. Kumuyom na ang kamao nito at nanlilisik na ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan siya.
“Ano bang ginagawa mo? Umalis ka na!”
Kumuyom ang kamao ni Pan sa ilalim ng mesa. Alam niyang nakakahiya ang ginagawa niya pero hindi niya gustong mawala sa kaniya ang tulay para sa kaligtasan ng anak niya.
Kailangan niya ang ama ni Juancho kaya kahit pa ikakababa ng morale niya ang gagawin niya, wala siyang pakialam, mailigtas lang niya si Zahara.
“Hindi ako aalis, Juancho. Bakit ako aalis? Kung may dapat umalis, iyang babae mo dapat!” Sabi niya sabay tingin sa katabi ni Juancho.
“Bakit ka niya tinatawag na babe? Sino siya kuya Juancho?” may gulat sa boses ng babae na katabi ni Juancho.
Kuya? Tanong ni Pan sa sarili niya. Biglang nanlaki ang mata niya nang maynarealize siya.
“Let’s go, Marie.” Sabi ng ginang na kanina pa nagmamasid. Napatingin dito si Pan at saka pa niya napansin ang ginang.
Nabahala naman si Juancho at agad na tumayo. Halata sa mukha nito na kinakabahan siya at natatakot. “Ma, w-wait…” kabadong sabi niya. “Don’t go ma please.. Ngayon pa lang tayo nagkita matapos ng ilang taon e.”
Walang buhay na tinapunan ng tingin ng mama niya si Pan. “So ano ito? Gusto mo ‘kong pahiyaan sa maraming tao kaya ka nagdala ng babaeng bayaran dito?”
Tumingin si Juancho kay Pan at halata sa mata nito ang pagkasuklam kaya nagbaba ng tingin si Pan. ‘Ano itong nagawa ko?’
“Ma, hindi.. Hindi ko alam na narito siya at hindi ko siya girlfriend.”
“Sa nakikita ko Juancho, hindi ka pa rin nagbabago. Nagmana ka pa rin sa ama mo.” Ang sabi ni Julia—ang ina ni Juancho. “Pinapunta mo lang yata kami dito para pahiyain. I’m so disappointed in you. Tara na Marie. Nasayang lang ang oras natin dito.”
“Bye kuya,” malugkot na sabi ni Marie at humaIik sa pisngi ni Juancho at sumama sa mama niya. Nang makaalis ang dalawa, naging tahimik ang lahat.
Lalo na’t maraming tao ang nakatingin sa kanila.
Gustong magsorry ni Pan sa ginawa niya pero hindi niya maibuka ang kaniyang mga labi pagkat kita niya kung gaano kagalit si Juancho ngayon.
Nang lingunin siya nito, halos matumba siya sa kinauupuan niya. There’s so much hatred in Juancho’s eyes. He was hurt and mad… real mad.
Sobrang naguilty si Pan ng todo. Hindi naman niya kasi alam na mama at kapatid ni Juancho yun. Akala niya ay bagong prospect bilang kafubu.
“What have you done?”
Galit na galit si Juancho sa kaniya kung kaya nang hawakan siya nito sa kamay ay halos mapapikit siya sa tindi ng sakit dahil sa pagkakadiin.
“WHAT HAVE YOU DONE, WOMAN?!”
Napapikit siya.. Humahapdi na rin ang mga mata niya sa sakit dahil gusto niyang umiyak. Wala na siyang mukha na maihaharap sa lahat.
“Alam mo ba kung ilang taon ko hinintay ito? Ilang taon ko hinintay si mama na tignan ako muli sa mga mata. Ilang taon ko hinintay na pumayag siya na makipagkita sa akin. Alam mo ba kung ilang taon kong pinangarap ang araw na ito?”
Nang mag-angat ng tingin si Pan sa kaniya, tumulo ang isang luha nito mula sa kaliwang mata.
“J-Juancho, s-sorry..”
“Sorry? Kaya mo bang pabalikin sila dito? Alam mo, hindi ko alam kung anong pumapasok sa isipan mo e. Hindi kita gusto. Hindi ko pinangarap ang isang tulad mo. Hindi ko kailanman hiniling na dumikit ka sa akin. Pinapalampas ko lahat ng mga kalokohan mo, pero iba ang araw na ito. Sinira mo ang mahalagang araw sa buhay ko.”
Nang bitawan siya ni Juancho, muntik na siyang masubsob sa sahig. Tumalikod ang binata at umalis ng resto, iniwan si Pan na pinagtitinginan ng lahat.
Thank you for reading this. If you wish to continue reading this story, you can purchase the chapters by these methods. 1. Purchase using coins. 2. Unlock using bonus. Download Goodnovel app and claim the bonus by completing the tasks. 3. Watch ads. Some accounts can watch ads to unlock the chapters. I also encourage everyone to leave a comment or rate if you want to help the author on promoting the story. Thank you.
Magkadaop kamay si Pan habang pinapanalangin na magiging maayos ang lakad nila ni Juancho.Panay iyak naman si Dahlia dahil ayaw nitong pumayag na umalis ang ama niya kanina habang si Zahara ay kinakabahan.Takot na takot siya sa magiging lakad ng dalawang ama niya. Kung pwede lang niya itong pigilan ay baka ginawa na niya.Pinapanalangin nalang niya na babalik silang dalawa na ligtas.Sariwa pa kasi sa ala-ala niya kung gaano kasamang tao si Lorciano. Kapag naaalala niya ang sinapit niya noon dito, ay kinikilabutan at nanginginig pa rin siya sa takot.Samantala, si Pan, gusto nang makita ang pinsan niya. Gusto niyang mailigtas ito sa kamay ni Lorciano. At habang malalim ang iniisip niya, naroon si Marie sa tabi, nag-aalalang nakatingin sa kanila lalong lalo na kay Zahara.Hindi pa niya sinasabi ang katotohanan. Nataatakot siyang ibunyag na anak ng dad niya si Zahara, na kapatid niya ito.Dahil alam niyang isa iyong masamang balita na ikakadurog ng lahat.Sa kaniyang pagmamasid, nakita
Huminga ng malalim si Pan at tumingin kay Logan. “Gusto mo ng cookies?” Aniya para mag-iba ang usapan nilang dalawa.Bumaba ang tingin ni Logan sa plato na hawak niya.“Wala namang lason yan di ba?”Sinamaan niya ito ng tingin. Sinusubukan na nga niya maging mabuti dito pero talagang hahanap ito ng paraan para mabadtrip siya.“Kung ayaw mo edi huwag kang kumuha.” Inirapan niya ito.Tatalikod na sana siya nang hawakan ni Logan ang kamay niya para pigilan siya. “Ito naman.. Biro lang. Ikaw, nagbago ka na talaga. Hindi ka na yung gaya dati na mabait.”“Hindi ako mabait Logan. Baka nakakalimutan mo.”Umiling si Logan.“You were kind Pan. Hindi ako mababaliw sayo noon kung hindi ka mabait.”Natahimik siya at hindi niya inaasahan na sasabihin yun ni Logan sa mukha niya.Sa nakikita niya, wala ng nararamdaman si Logan sa kaniya.“K-Kung gusto mo, sa sala ka nalang tumambay para makita mo sa malapitan si Wil.”Tumitig si Logan sa mukha niya, tila ba nawi-weirduhan ito dahil sinabi niya ang bag
“2 months. 2 months ang hiningi ni Zahara kay Pan.” Mahinang sabi ni Juancho sa kaniyang isipan habang yakap yakap si Dahlia na nakatulog sa bisig niya.Kanina pa siya hindi lumalayo sa anak niya. Ayaw rin nitong malayo sa kaniya kaya hanggang ngayon ay bitbit pa niya ito habang si Zahara at Wil ay kasama ni Pan sa sala.“Juancho,” napatingin siya kay Leila na malungkot na nakatingin sa kaniya. “Dahlia is your mini version.” Nakangiti nitong sabi.Humigpit ang paghawak niya sa anak niya. “Yeah.”“Galit ka ba sa akin?”“Wala akong karapatan magalit sayo tita.”“Pero may karapatan kang magdamdam dahil sa ginawa kong hindi pagsabi sayo ng katotohanan tungkol kay Dahlia.”Tumingin siya sa gawi nina Pan at nakita niya ang masayang mukha nito habang nakikipag-usap kay Zahara.“Then pareha lang tayo tita. Tinago ko ang tungkol kay Zahara. Kung tutuusin, dapat lang na magalit kayo sa akin.”“Galit?” napailing si Leila. “Ayoko ng magalit Juancho. Ayoko ng masayang ang mga panahon na dapat ay it
“Ang hirap mo ng abutin, Pan.” Malungkot na sabi ni Juancho. “Akala ko magiging okay ang lahat kung malaman mong buhay si Zahara pero mali ako, ang pag-ibig mo pala para sa akin ang namatay.”Tumingin si Pan sa kaniya, ang mata ay puno ng sakit at puot. “You made me like this.”“And I’m sorry…” halos magcrack ang boses ni Juancho. “I’m sorry for making you like that. I’m sorry at wala ako nong pinakakailangan mo ‘ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. Naiinis siya na kung kausapin siya ni Juancho ay parang ini-invalidate nito ang mga pinagdaanan niya noon.“Do you wish for me to be dead during operation?”Nanlaki ang mata ni Pan. “I didn’t say that.”“Pero iyon ang pinapakita mo sa akin. Iyon ang nararamdaman ko. Na para bang inaasahan mo na mamamatay ako doon. Kung magsalita ka nga ay para bang wala ka ring pakialam kung mamatay ako doon.”Tinuro ni Pan ang pinto. “Umalis ka na.” Dahil hindi niya na kaya marinig ang anupamang sasabihin ni Juancho sa kaniya.“Kailan mo ‘ko balak harapin P
Malalim ang buntong hininga ni Pan matapos niyang makita si Juancho na karga karga ang anak nila na nakatulog na matapos ang pag-iyak."Hindi mo sana nilapitan ng sa ganoon e magtanda."Nag-alala ang mukha ni Zahara sa likuran. Natatakot siyang mag-away ang mga magulang niya. "I'm sorry. Hindi ko kayang makita na umiiyak ang anak natin.""Then paano mo ihahandle ang nangyari kanina? Nakita mo anong ginawa niya kay Zahara. Huwag mong sabihin ayos lang sa'yo yung ginawa niya?"Alam ni Juancho ang ibig iparating ni Pan. He didn't argue. Instead, nagsorry na lang siya. "I'm sorry.. Tatandaan ko ang lahat ng sinabi mo."Tumingin si Pan kay Dahlia at pagkatapos ay inayos niya ang buhok nito na nasa mukha."Ipasok mo siya sa kwarto niya."Naglakad na siya at sumunod naman sa kaniya si Juancho. Bahagyang hinawakan ni Zahara ang papa niya at nagthumbs up dito. Masaya siya ngayon na kahit papaano nagkakausap na ang mama at papa niya na walang sigawan.Matapos ihiga ni Juancho si Dahlia, si Pa
Nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ni lola Susana. Ang bawat patak ng luha ay katumbas ng libo-libong sakit na nasa puso ng bawat isa sa kanila.Lalo na si Pan na lola Susana na niya ang halos nagpalaki sa kaniya.Yakap yakap ngayon ni Zahara ang papa Juancho niya habang si Pan e yakap si Dahlia.Masiyadong magulo ang isipan niya dahil iniisip niya rin si Lou. Dahil sa biglaang pagkawala ni lola Susana, hindi sila agad nakapunta kay Lou.She sent her men at sinabi ni Marie ang lokasyon, pero wala na doon sa bahay na tinutukoy ni Marie si Lorciano, si Lou, Julia at mga tauhan nito.Nang matapos ang libing, agad na pinuntahan ni Leila si Pan. Kasama niya si Wil na ngayon ay natutulog na habang buhat niya.“Uuwi ka ba ngayon?”“Aalis na kami ni Marie mamaya, ma. May lead na daw kung nasaan si Lorciano.” Masiyado ng maraming oras ang nasayang nila.Hindi batid ni Pan kung may aabutan pa ba sila. Pero nananalangin siya na sana oo at gusto niya talagang mailigtas si Lou, alang-alang kay