Parang matagal rin bago ako nakabalik hahaha tapusin ko na ito hanggang sa end. Pasensya na guys
Kasama ni Marie ngayon ang papa Symon niya. Nasa laboratory siya kung nasaan ito ngayon. Dahil malakas ang papa niya sa hospital, welcome siyang maglabas-masok kahit na mahigpit iyong pinagbabawal.“Papa,”Napatingin si Symon sa kaniya.“Naaawa ako kay ate Pan, pa.”“Why? M-May nangyari ba?”“Kasi di ba hindi na naabutan ni kuya Juancho at kuya Logan ang pinsan niya? Patay na si ate Lou nang makaabot sila doon. Hindi ko maimagine ang sakit na dinaraanan ulit ni ate.”Natigilan si Symon at naalala na naman niya ang araw kung saan umiyak ng husto si Pan pag-uwi ni Juancho at Logan.“We can’t do anything about that, Marie. Kahit ako ay naaawa na rin sa batang yun at nahihiya na rin. Sobrang bigat ng dinadala niya noon pa tapos pati ngayon ay naghihirap pa rin siya.”“Dahil sa nangyari papa, mas lalo yatang sinara ni ate ang puso niya para kay kuya Juancho.”Alam ni Symon na ganoon nga ang nangyayari pero nang tignan niya ang mukha ni Marie, alam niyang may problema ito.“May bumabagabag
Magkadaop kamay si Pan habang pinapanalangin na magiging maayos ang lakad nila ni Juancho.Panay iyak naman si Dahlia dahil ayaw nitong pumayag na umalis ang ama niya kanina habang si Zahara ay kinakabahan.Takot na takot siya sa magiging lakad ng dalawang ama niya. Kung pwede lang niya itong pigilan ay baka ginawa na niya.Pinapanalangin nalang niya na babalik silang dalawa na ligtas.Sariwa pa kasi sa ala-ala niya kung gaano kasamang tao si Lorciano. Kapag naaalala niya ang sinapit niya noon dito, ay kinikilabutan at nanginginig pa rin siya sa takot.Samantala, si Pan, gusto nang makita ang pinsan niya. Gusto niyang mailigtas ito sa kamay ni Lorciano. At habang malalim ang iniisip niya, naroon si Marie sa tabi, nag-aalalang nakatingin sa kanila lalong lalo na kay Zahara.Hindi pa niya sinasabi ang katotohanan. Nataatakot siyang ibunyag na anak ng dad niya si Zahara, na kapatid niya ito.Dahil alam niyang isa iyong masamang balita na ikakadurog ng lahat.Sa kaniyang pagmamasid, nakita
Huminga ng malalim si Pan at tumingin kay Logan. “Gusto mo ng cookies?” Aniya para mag-iba ang usapan nilang dalawa.Bumaba ang tingin ni Logan sa plato na hawak niya.“Wala namang lason yan di ba?”Sinamaan niya ito ng tingin. Sinusubukan na nga niya maging mabuti dito pero talagang hahanap ito ng paraan para mabadtrip siya.“Kung ayaw mo edi huwag kang kumuha.” Inirapan niya ito.Tatalikod na sana siya nang hawakan ni Logan ang kamay niya para pigilan siya. “Ito naman.. Biro lang. Ikaw, nagbago ka na talaga. Hindi ka na yung gaya dati na mabait.”“Hindi ako mabait Logan. Baka nakakalimutan mo.”Umiling si Logan.“You were kind Pan. Hindi ako mababaliw sayo noon kung hindi ka mabait.”Natahimik siya at hindi niya inaasahan na sasabihin yun ni Logan sa mukha niya.Sa nakikita niya, wala ng nararamdaman si Logan sa kaniya.“K-Kung gusto mo, sa sala ka nalang tumambay para makita mo sa malapitan si Wil.”Tumitig si Logan sa mukha niya, tila ba nawi-weirduhan ito dahil sinabi niya ang bag
“2 months. 2 months ang hiningi ni Zahara kay Pan.” Mahinang sabi ni Juancho sa kaniyang isipan habang yakap yakap si Dahlia na nakatulog sa bisig niya.Kanina pa siya hindi lumalayo sa anak niya. Ayaw rin nitong malayo sa kaniya kaya hanggang ngayon ay bitbit pa niya ito habang si Zahara at Wil ay kasama ni Pan sa sala.“Juancho,” napatingin siya kay Leila na malungkot na nakatingin sa kaniya. “Dahlia is your mini version.” Nakangiti nitong sabi.Humigpit ang paghawak niya sa anak niya. “Yeah.”“Galit ka ba sa akin?”“Wala akong karapatan magalit sayo tita.”“Pero may karapatan kang magdamdam dahil sa ginawa kong hindi pagsabi sayo ng katotohanan tungkol kay Dahlia.”Tumingin siya sa gawi nina Pan at nakita niya ang masayang mukha nito habang nakikipag-usap kay Zahara.“Then pareha lang tayo tita. Tinago ko ang tungkol kay Zahara. Kung tutuusin, dapat lang na magalit kayo sa akin.”“Galit?” napailing si Leila. “Ayoko ng magalit Juancho. Ayoko ng masayang ang mga panahon na dapat ay it
“Ang hirap mo ng abutin, Pan.” Malungkot na sabi ni Juancho. “Akala ko magiging okay ang lahat kung malaman mong buhay si Zahara pero mali ako, ang pag-ibig mo pala para sa akin ang namatay.”Tumingin si Pan sa kaniya, ang mata ay puno ng sakit at puot. “You made me like this.”“And I’m sorry…” halos magcrack ang boses ni Juancho. “I’m sorry for making you like that. I’m sorry at wala ako nong pinakakailangan mo ‘ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. Naiinis siya na kung kausapin siya ni Juancho ay parang ini-invalidate nito ang mga pinagdaanan niya noon.“Do you wish for me to be dead during operation?”Nanlaki ang mata ni Pan. “I didn’t say that.”“Pero iyon ang pinapakita mo sa akin. Iyon ang nararamdaman ko. Na para bang inaasahan mo na mamamatay ako doon. Kung magsalita ka nga ay para bang wala ka ring pakialam kung mamatay ako doon.”Tinuro ni Pan ang pinto. “Umalis ka na.” Dahil hindi niya na kaya marinig ang anupamang sasabihin ni Juancho sa kaniya.“Kailan mo ‘ko balak harapin P
Malalim ang buntong hininga ni Pan matapos niyang makita si Juancho na karga karga ang anak nila na nakatulog na matapos ang pag-iyak."Hindi mo sana nilapitan ng sa ganoon e magtanda."Nag-alala ang mukha ni Zahara sa likuran. Natatakot siyang mag-away ang mga magulang niya. "I'm sorry. Hindi ko kayang makita na umiiyak ang anak natin.""Then paano mo ihahandle ang nangyari kanina? Nakita mo anong ginawa niya kay Zahara. Huwag mong sabihin ayos lang sa'yo yung ginawa niya?"Alam ni Juancho ang ibig iparating ni Pan. He didn't argue. Instead, nagsorry na lang siya. "I'm sorry.. Tatandaan ko ang lahat ng sinabi mo."Tumingin si Pan kay Dahlia at pagkatapos ay inayos niya ang buhok nito na nasa mukha."Ipasok mo siya sa kwarto niya."Naglakad na siya at sumunod naman sa kaniya si Juancho. Bahagyang hinawakan ni Zahara ang papa niya at nagthumbs up dito. Masaya siya ngayon na kahit papaano nagkakausap na ang mama at papa niya na walang sigawan.Matapos ihiga ni Juancho si Dahlia, si Pa