Home / Romance / Love After the Lie / 2 - Revenge Kiss Feedback

Share

2 - Revenge Kiss Feedback

Author: iamanncollins
last update publish date: 2026-07-02 22:55:28

“Hoy, Antonia! Aba, mababasag ang eardrums ko! Excited lang, ano?”

Hindi pa nga tapos mag-hello si Vanessa. Napailing na lamang siya. Dapat pala ay hindi muna niya inilagay ang cellphone sa tainga niya.

Hindi naman siya bingi, pero pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay nabibingi siya dahil sa lakas ng boses ng kaibigan niya.

“Oh! Sorry, Vanny! I’m just too excited to see you. Bruha ka, saang sulok ka ba ng airport? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas!”

“Nah, as if naman hindi ka sanay maghintay. Puntahan mo ako rito sa parking lot, at late ka po, Eneng. Kanina pa ako dumating,” mataray niyang sagot bago pinatayan ng tawag ang kaibigan.

Knowing her best friend, siguradong umiikot na naman ang mga mata nito sa inis.

It was her countless visit to the Philippines, but this time was different. Nagdesisyon siyang manatili na sa bansa nang tuluyan. Bukod pa roon, parang wala na ring pakialam ang ama niya sa kanya simula nang dumating ang bruhang stepmother nito sa buhay nila.

Pakiramdam niya ay pabigat lamang siya sa bago nitong pamilya. Kaya heto siya ngayon. Ang paglayo ang tanging pagpipilian na natitira sa kanya.

Mahal niya ang kalayaan niya. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa kanya sa paggawa ng mga bagay na gusto niya, kahit pa ang ama niya. Mature na siya para gumawa ng sarili niyang mga desisyon. May sapat din siyang ipon para makapagsimula ng maliit na negosyo.

Maghahanap din siya ng trabaho sa lalong madaling panahon. Ngunit sa ngayon, gusto muna niyang mag-enjoy at libutin ang magandang lungsod.

Nakarinig siya ng papalapit na mga yapak.

At heto na nga ang kaibigan niya, nakatayo at nakatingin sa kanya na para bang kaaway siya nito.

“Hello to you too, Antonia. It’s been a while, dear,” ani Vanessa.

Tumaas ang kilay ni Anya bago sumimangot.

Natawa na lamang si Vanessa sa reaksyon nito. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag siya sa buo niyang pangalan. Ewan niya, pero cute naman ang pangalang Antonia. Kaya iyon ang paborito niyang pang-asar dito. Sa tuwing tinatawag niya itong Antonia, palagi siyang sinusungitan nito.

“It’s Anya. Don’t you dare call me that again, Vanessa Leigh Acosta,” sabi nito sa malamig na tono.

Nagkibit-balikat lamang si Vanessa at ngumisi.

“Great. At bakit ka nandito sa parking lot? You were supposed to be inside the airport. Dapat sa labas kita aabangan,” anito habang nakapamaywang, tila handa siyang sugurin anumang oras.

“Ang tagal mo kasi. Kaya nagdesisyon akong dito ka na lang hintayin. As usual, late ka na naman. Mas nauna pang lumapag ang eroplanong sinakyan ko kaysa sa paggising mo.”

Ipinilig ni Vanessa ang mga mata habang sinasabi iyon. Ang sarap lang talagang asarin ang kaibigan.

Napasimangot si Anya.

“Hindi ako late. Masyado lang talagang matraffic sa daan,” depensa nito. “So, where’s my hug, Vanny?”

Ibinuka ni Vanessa ang mga braso at niyakap ito.

Nagtawanan silang dalawa. Namiss niya ang bruhang ito. Matagal na rin kasi mula nang huli silang magkita.

Kalaunan ay lulan na sila ng sasakyan ni Anya.

Muling sumagi sa isip ni Vanessa ang lalaking lapastangan.

“Hmm, I have this strong feeling na magkikita pa rin tayo,” bulong niya sa sarili.

Mabuti na lamang at hindi iyon narinig ni Anya. Baka isipin nitong nababaliw na siya.

“So, how was life in New York, Vanny?” tanong ni Anya habang nagmamaneho.

“Seriously? Tinatanong mo talaga ako? As if naman hindi mo alam.”

Nanatiling nakatutok ang tingin ni Anya sa kalsada.

Nagkibit-balikat ito.

“Baka may nangyari sa’yo recently na hindi ko alam.”

Imbestigador talaga ang peg nito.

Lahat na lang kailangang idetalye.

That recently? Meron nga. Nangyari iyon ilang minuto pa lamang ang nakalipas. Wala pang isang oras mula nang makasalubong niya ang lalaking iyon.

“Nothing interesting happened to me recently. Kaya nga umuwi ako rito para gawing interesting ang buhay ko.”

Nakatitig siya sa labas ng sasakyan kung saan tanaw niya ang matatayog na gusaling kanilang nadaraanan.

“Like what? A boyfriend?”

“Nah. It’s not written on my bucket list, Anya. Men are just a headache. Bukod sa masakit sa ulo, nakakagulo lang sila ng buhay.”

Tumawa lamang si Anya.

Palibhasa’y hopeless romantic ang bruha.

Naniniwala naman si Vanessa sa pag-ibig, pero sa salitang “forever”? Nada.

There is no forever in this world because even the word forever has an over.

Nothing in this world is permanent. Everything has its own ending.

“Really?” mabilis na sulyap ni Anya sa kanya.

“Really,” paniniguro niya.

“Still the old Vanessa. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend dahil ganyan ka mag-isip. Life is beautiful, Vanny. Especially when there is someone special in your life. It brings color to your dull and boring world.”

“I love my life more than I could ever love a man, Anya. Besides, matagal pa ang ilalagi ko sa kalendaryo. No need to hurry. I want to enjoy my life. I don’t need a man beside me. I’m contented and happy being single. No headaches. No heartaches. No worries!”

Hindi naman siya nagmamadali. Kung may dumating man, edi dumating.

Sinulyapan niya si Anya. Seryoso ito sa pagmamaneho at tila malayo ang iniisip.

Nagpasya siyang umidlip muna.

She was having the time of her life.

It was gala mode on.

Dahil busy-bisihan ang best friend niya, heto siya ngayon sa isang mall na hindi niya alam ang pangalan. Lakad dito, lakad doon. Pakiramdam niya ay isang ibong nakalaya mula sa hawla.

Ang sarap lang sa pakiramdam.

“Ahh... it’s good to be free!” sigaw niya habang ibinubuka ang mga braso.

Wala siyang pakialam kung tinitingnan siya ng mga tao o kung iniisip nilang baliw siya.

Napangiti siya.

Bahala sila sa buhay nila.

Pumasok siya sa isang mamahaling restaurant at umupo sa isang two-seater table. Lumapit ang waiter at iniabot ang menu.

Sinuri niya iyon at nag-order lamang ng magaang pagkain. Hindi kasi siya heavy eater. Concerned siya sa body figure niya.

Pero huwag ka, kapag sinumpong siya ng katakawan, nakakalimutan niya ang salitang diet.

Tumingin siya sa paligid ng restaurant.

Biglang lumaki ang mga mata niya nang mapadako ang tingin sa isang taong hindi niya inaasahang makikita muli.

Ang mayabang na lalaking nakasalubong niya sa airport parking area.

Hindi niya namalayang napahawak siya sa sariling mga labi.

Gosh!

Hindi niya akalaing naaalala pa rin ng katawan niya ang lambot ng mga labi nito. At sa mismong isip na iyon, alam niyang namumula siya.

Naistorbo siya nang magsalita ang waiter.

“Excuse me, ma’am. Here’s your order. Enjoy your meal, ma’am.”

“Thank you,” sagot niya.

Sinimulan niyang kainin ang pagkain habang pasulyap-sulyap sa mesa sa kabilang dulo ng restaurant kung saan nakaupo ang apat na lalaki at dalawang babae.

Hmm...

Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

Muling bumaling ang tingin niya sa lalaking iyon.

He was devilishly handsome, just like the first time she saw him.

Taglay nito ang mataas na sex appeal at mga matang kulay dark brown na tila kayang lunurin ang sinumang titigan nito.

He stood around six feet tall.

Jusmiyo!

Ang tangkad ng hudas.

And those damn lips...

“Ugh! Ignore it, Vanessa!” saway niya sa sarili habang patuloy na kumakain at palihim na pinagmamasdan ang kabilang mesa.

Maya-maya ay napangisi siya.

“Ahah! I think I know what to do.”

Mabilis siyang dumukot ng pera mula sa wallet at inilapag iyon sa mesa.

Tumayo siya at naglakad patungo sa direksyon ng pakay.

“Time to get revenge. I have to get even, at least,” bulong niya habang tuluy-tuloy sa paglalakad.

Pagdating sa mesa ng mga ito, walang pag-aatubili niyang hinalikan ang lalaki sa labi.

“Hi, honey. Miss me?”

Palihim siyang napangiti habang nakatingin sa gwapong mukha nito.

Kitang-kita ang pagkagulat na nakaukit sa mukha ng lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love After the Lie   20 - His Unexpected Apology

    "If you don't know how to do it, lumabas ka at magpaturo sa sekretarya ko."Umangat ang ulo ni Vanessa sa aroganteng lalaki na kay sarap sapakin sa oras na iyon.Bitbit ang laptop, lumabas siya upang magpaturo. Hindi na siya umimik pa sa sinabi nito.Naiinis siya rito at ang tiyan niya ay galit na naman sa kanya. Kakalimutan na muna niya ang gutom. Bumalik siya sa mesa niya matapos magpaturo ng ilang sandali."Tomorrow, I'll put your table on the outside. I don't want to be disturbed by your mouth while I'm working."Ikinuyom niya ang kamao. He's so arrogant. Then, fine! Mas mabuti nang nasa labas siya. Lalo rin niyang ayaw na makita ang magaspang na pagmumukha nito. Uhg! Kung puwede lamang isatinig.Nagkibit-balikat siya. Hindi siya umimik. Mahirap na. Gaya ng sabi nito kanina, hindi raw siya tatayo hangga't hindi siya natatapos. Umalis ito dahil may meeting, kaya naiwan siyang mag-isa sa apat na sulok ng opisina nito. Gutom at pagod ang na

  • Love After the Lie   19 - A Kiss and a Punishment

    "I'm sorry about that," he said.Ginulo ni Luigi ang magulo na niyang buhok. Tinabig niya ang kamay nito, naiinis dahil magulo na nga, mas lalo pa iyong ginulo ng hudas."Pwede ba? Huwag ang buhok ko ang pagtripan mo!""Maldita ka pa rin, tsk!" Sinamahan pa nito ng iling."Hindi ako maldita, ikaw itong magulo.""Hmm, paano ko kaya sisimulang ayusin ang ugali mo?" hinihimas nito ang baba habang kunwari ay nag-iisip nang malalim.Hinampas niya ito nang ubod ng lakas."Ouch! What was that for?" tanong nito, na kunwari'y nagulat sa ginawa niya."Asshole! Huwag mo nga akong pistihin. Ang aga-aga, binubwesit mo a—"Hindi niya natapos ang sasabihin nang dumampi ang labi ni Luigi sa kanya.What? Luigi's lips on hers?Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa cloud nine sa kaagahan ng umaga. Unti-unti siyang nalunod sa hindi maiiwasang sensasyong dulot ng mga halik ni Luigi. Ang lahat ng depensa at lakas ng loob n

  • Love After the Lie   18 - Under One Roof

    Ibinaba niya ang kubyertos at nagpunas ng bibig."Bakit?" tanong ni Luigi."I'm full," walang gana niyang sagot."Eat more. Don't lie to me.""Ayoko na nga.""Vanessa, isa." Mahina ngunit mariing sabi ni Luigi."Fine. Sabi ko nga kakain pa ako."Nagngingitngit ang kalooban ni Vanessa sa kaharap. Hindi porket gwapo kuno ay papangunahan na siya. He's freaking unfair! Sa kanya pa rin ang buhay niya, siya pa rin dapat ang magdedesisyon, pero heto ang isang ito at minamanduhan siya. Kainis! Hay, ang sarap magpadyak-padyak sa harapan nito.Pagkatapos nilang kumain ay sandali pa silang nanatili bago umuwi.Diretso na sana siya sa unit niya nang pigilan siya ni Luigi sa braso."What have I told you?""Sleep in your unit," sagot niya."So? Where do you think you're going?""In my unit.""Then?""Fine! Oo na, sa'yo na ako matutulog!" Huminga siya nang malalim bago maayos na hinarap si Luig

  • Love After the Lie   17 - A Place to Belong

    Umupo si Vanessa sa couch. Kapag wala siyang ginagawa, nararamdaman niya ang sakit at kati sa kanyang mga kamay. Tinampal-tampal niya iyon. Tahimik na tumulo ang kanyang mga luha.All her life, she had lived like a princess, and she never expected to fall into this situation. She cried silently, remembering the kind of life she had before. Ginusto niya ang nangyari kaya dapat lamang na panagutan niya ito.Tumayo siya at inihain ang pagkain. Ilang minuto na lang, siguradong darating na si Luigi. Bumalik siya sa couch pagkatapos ayusin ang mesa. Naghintay siya sa pagdating ni Luigi hanggang sa sumapit ang alas otso ng gabi, ngunit wala pa rin ito. Humiga siya sa couch dahil nangangalay na ang kanyang balakang sa kakaupo.Nagulat si Luigi nang madatnan niya si Vanessa sa bahay. Nakahiga ito sa couch, nakalaylay ang dalawang kamay sa gilid nito. Nag-iwan siya ng note rito kagabi na magpahinga muna, pero heto ito ngayon sa bahay niya."Vanessa, gising."

  • Love After the Lie   16 - A Lesson Learned the Hard Way

    Sinimulan niyang kusutin ang ibang mga damit. Nakita niya ang brief ng lalaki at nandidiring sinungkit iyon ng kamay bago diretsong inilagay sa mga nakusot na niyang damit. Hindi naman siguro malalaman ng lalaki na hindi niya kinusot ang brief nito. Eww! Kadiri ang lalaking iyon, pati brief ay ipinapalaba pa talaga sa kanya.ISINANDAL ni Luigi ang nananakit niyang likod sa swivel chair. Katatapos lamang niyang basahin at pirmahan ang tambak na papeles sa kanyang harapan. It was almost 6 PM. Pagabi na pala at hindi niya namalayan ang bilis ng oras. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa fridge habang iniisip kung ano ang maaaring madatnan niya sa bahay.Sana hindi gumawa ng kung anong kalokohan ang babaeng iyon sa loob ng bahay ko.Bumalik siya sa mesa upang iligpit ang kanyang mga gamit. Binuksan niya ang drawer at nakita ang bracelet na napulot niya noong nakaraang linggo. Katulad na katulad iyon ng bracelet na ibinigay niya noon sa isang batang ba

  • Love After the Lie   15 - The Price of Forgiveness

    Napakurap si Vanessa dahil sa kaba sa dibdib. Shirtless ang lalaki, kaya kitang-kita niya ang mabalahibong dibdib nito pababa sa katawan.Biglang nanuyo ang lalamunan niya nang makita ang hitsura nito. Napaatras siya nang kaunti upang salubungin ang nagbabagang mga mata nito."I brought you this. Sana magustuhan mo."Itinaas niya ang paper bag upang iabot sa lalaki.Ngunit nangalay na ang kamay niya ay hindi pa rin iyon kinukuha ng lalaki."Ahm... pagkain 'yan. Binili ko para sa'yo. Since hindi ako marunong magluto. Pero masarap naman 'to."Muli niyang iniabot ang paper bag.NANATILING nakatingin si Luigi sa kaharap. Alam niyang hindi siya titigilan ng babaeng ito."Ayaw mo ba?"tanong ni Vanessa sa matamlay na tono.Tinabig ni Luigi ang kamay nitong may hawak na pagkain. Nabigla naman ang kaharap sa ginawa niya at wala itong choice kundi ibaba ang kamay."Hindi ako pulubi para bigyan mo ng pagkain. Doon mo 'yan ip

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status