ANMELDENNapasinghap naman ang mga kasamahan nito sa mesa, dahilan upang bumalik ito sa huwisyo.
"Whoa! And who's this pretty lady, man?" mapang-asar na tanong ng isa nitong kasamahan.
Duh! I'm beautiful, not pretty! Pangbata lang ang terminong 'yan. Siyempre, sa isip niya lang iyon sinabi. Baka isipin ng mga ito na mataray siya. Well, yes, pero kaunti lang naman.
"What the f---."
Hindi na nito naituloy ang nais sanang sabihin dahil pinigilan ni Vanessa ng kanyang hintuturo ang labi nito bago humarap sa mga kasama nito.
"Hi, everyone. Mind if I voluntarily introduce myself?"
Ngumiti lamang ang mga ito at tumango, kaya nagpatuloy siya.
"I'm Vanessa Acosta, a runaway princess from my own-built castle, and I'm his fiancée."
Itinuro niya ang lalaking nakaupo sa tabi niya habang siya ay nakatayo pa rin.
"Whaaat?!"
Sabay-sabay na sagot ng mga ito habang nanlalaki ang mga mata sa narinig. Napapangiti na lamang si Vanessa.
"Is it true, man?" nakangiti at napapailing na tanong ng isa nitong kasamahan.
"Wow! What a surprise, Luigi. Alam na ba nina Tita at Tito ito?" ani ng babaeng katabi ng lalaking unang nagsalita.
So, Luigi pala ang pangalan nito? Hmm, interesting. Nice name! Bagay sa pagkamayabang nito.
"What the hell are you talking about, woman?" diin nitong tanong sabay titig kay Vanessa na tila gusto siyang sakalin o ibaon nang buhay.
Nah! As if naman na matatakot siya rito. Hell no! She wasn't born just to be scared of whoever Poncho Pilato was, not even this hot and sexy creature in front of her.
Ay, teka! Hot and sexy?
Napatingin siya rito. Magkasalubong na ang mga kilay nito habang naghihintay ng sagot niya.
Itinaas niya ang kanyang kilay at nginisihan ito.
"Honey, nagka-Alzheimer's ka ba, o ikinakahiya mo lang akong ipakilala sa mga kasamahan mo?" kunwaring nagtatampong tanong niya.
Mas lalong kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Ang iba naman nitong kasamahan ay matamang nakamasid at nakikinig lamang sa kanila.
"Are you out of your mind, woman?"
Napairap si Vanessa.
"What do you think?" tanong niya sa halip na sagutin ito.
"Yes, you are."
He gritted his teeth and smirked.
Aw! A sexy smirk. Sheyt! Kailan pa naging sexy ang smirk?
"Really?" tanong niya nang may amusement.
"Absolutely."
He's grinning.
"Oh! Whatever it is," walang pakialam niyang sagot.
"Excuse us," sabi nito sa mga kasama.
Hinatak siya nito sa braso palabas ng restaurant. Jusko! Mababalian yata siya ng buto sa lalaking ito.
Wala man lang pakundangan na kinaladkad siya palabas. Wala man lang finesse. Basta-basta na lamang siyang hinatak nito.
"Ouch! Aray! Ano ba, Mister? Dahan-dahan naman! Hello?! Naka-six inches kaya ako, in case you don't know!" reklamo niya.
Nilingon lamang siya nito nang masama. Hudas talaga. Hindi man lang natinag.
Nang sa wakas ay nakalabas na sila ng mall, hinatak siya nito patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nitong nakita niya noon sa airport.
"What do you think you're doing, woman? And what was that all about?"
Suminghal lamang siya at umiwas ng tingin na para bang may hinahanap sa kawalan.
"Dammit! Answer me. Ginagago mo ba ako, ha?"
Napapitlag siya nang bigla nitong hilahin ang kanyang braso at hawakan iyon nang sobrang higpit.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa sandaling iyon. Wala siyang kalaban-laban kung sakaling gustuhin siya nitong iligpit.
Namumula ang pisngi nito sa galit. Masama ang titig ng mga mata nito sa kanya.
Pinilit niyang maging kalmado. Sinalubong niya ng nakakalokong ngiti ang nag-aapoy sa galit nitong mga mata.
Umismid ito sa kanya.
"I just want to get even, Mister. Remember the airport incident a week ago?"
Kumunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya, tila ini-absorb ang kanyang mga sinabi.
Maya-maya ay niluwagan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
"So it's all about revenge, ha? Well, you did a good job. But don't you think it's too much to get even, sweetheart?"
He even chuckled and looked at her seductively.
Lintik na lalaking ito!
"W-what do you mean, Mister?"
Shemay! Nabulol tuloy siya. Ugh! Nakakahiya ka, Vanessa! Hindi siya dapat nagpapaapekto sa karisma ng demigod na ito.
He's grinning habang may dinudukot na kung ano mula sa bulsa nito. Sa isang iglap ay itinaas nito ang kamay at biglang ipinasok iyon sa loob ng damit niya.
Sa loob ng damit niya?
"What the he—!"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang mapansing wala na ito sa kanyang harapan.
Ganoon kabilis?
Pesteng lalaki na iyon! May pagka-aswang ba iyon? Bakit nawawala na lang bigla? Ang bastos! May araw ka rin sa akin, Hudas ka!
Grrr! Gigil na gigil siya rito!
Gosh! How dare him!
Patuloy niya itong minumura sa isip gamit ang lahat ng pang-insultong maisip niya.
May napansin siyang kakaiba sa loob ng damit.
Kinapa niya iyon.
At boom!
Walanghiya. Calling card pala ang inilagay nito.
Luigi Del Rio
Contact No. 09087777****
Address: Adoration DR Building and Company, Hellius Street, QC
The nerve of that man! I hate him!
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong ng lady guard na nakatayo sa harapan niya.
Gosh! Nakakahiya kung nakita nito ang nangyari kanina.
Tumikhim siya bago sumagot. Nag ngingitngit pa rin ang loob niya sa ginawa ng walang mudong lalaking ‘yon.
"Yes, I'm okay."
Tumango naman ito at bumalik sa puwesto nito.
Humogot ng malalim na hininga si Vanessa. Nag-ayos siya ng sarili at bumalik sa loob ng mall. Sa ibang entrance siya dumaan. Mahirap na baka magkasalubong pa sila ng Hudas na iyon at matadyakan niya ito sa harapan ng maraming tao.
Pumasok siya sa isang boutique. May katabi siyang isang couple. Rinig pa niya ang pinag-uusapan ng mga ito habang namimili ng damit ang babae.
Napaismid siya. Kinikilabutan siya sa mga naririnig kaya minabuti na lamang niyang lumabas ng boutique.
Busy siya sa pagmamasid ng mga items sa isa pang shop na pinasukan niya nang maramdaman niyang parang may nakatitig sa kanya.
Iniangat niya ang kanyang ulo at doon niya nakita ito.
Hindi niya pinansin ang lalaki. Sa halip ay iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid.
Isang pares ng sapatos ang nagpahinto sa kanya. Nasa isang fast-food restaurant na siya nang mapatingin siya sa kung sino ang may-ari nito.
Walang iba kundi ang lalaking nakita niyang nakatitig sa kanya sa shop kanina.
"You, again?" taas-kilay niyang tanong dito. "What do you want, Mister? Kanina ka pa sa shop. Akala mo ba hindi kita napansin?"
Sa halip na ma-offend sa inasta niya ay napangiti ito.
"Ahm, sorry about that. I just found you beautiful when I saw you at the shop."
Ahh! Okay. One point for you, then.
"I know, right?" wala sa sarili niyang tugon.
"By the way, I'm Chris," dagdag nito habang inilalahad ang kamay sa kanya.
"Sorry, Mister. I can't give you, my name. I don't trust easily," mataray niyang sagot.
Ngumiti ito bago nagsalita.
"It's okay. Ah, naistorbo ba kita?"
"What do you think?"
"U-uhm..."
Napakamot ito sa ulo.
Cute! sigaw ng malanding bahagi ng kanyang utak.
Gwapo ang lalaki. Matikas ang pangangatawan at malakas ang dating.
"Silly, I'm just kidding. Wanna join me?"
Nagliwanag ang mukha nito sa sinabi niya.
"You sure?"
"Yeah."
Umupo ito sa harap niya.
Inalok niya itong kumain, ngunit busog pa raw ito.
"Vanessa."
Maya-maya ay sinabi rin niya ang kanyang pangalan.
Napatingin ito nang diretso sa kanya at saka ngumiti.
"Wow! Beautiful name, just like you."
Yeah, she agreed. Pero hindi siya madadala sa pangbobola nito. He looks decent but no, thanks.
Tumingin siya rito.
"Oh, thank you. I'm flattered."
She gave him a sweet smile.
"So, wala kang kasama? You're roaming alone?"
"If you don't know how to do it, lumabas ka at magpaturo sa sekretarya ko."Umangat ang ulo ni Vanessa sa aroganteng lalaki na kay sarap sapakin sa oras na iyon.Bitbit ang laptop, lumabas siya upang magpaturo. Hindi na siya umimik pa sa sinabi nito.Naiinis siya rito at ang tiyan niya ay galit na naman sa kanya. Kakalimutan na muna niya ang gutom. Bumalik siya sa mesa niya matapos magpaturo ng ilang sandali."Tomorrow, I'll put your table on the outside. I don't want to be disturbed by your mouth while I'm working."Ikinuyom niya ang kamao. He's so arrogant. Then, fine! Mas mabuti nang nasa labas siya. Lalo rin niyang ayaw na makita ang magaspang na pagmumukha nito. Uhg! Kung puwede lamang isatinig.Nagkibit-balikat siya. Hindi siya umimik. Mahirap na. Gaya ng sabi nito kanina, hindi raw siya tatayo hangga't hindi siya natatapos. Umalis ito dahil may meeting, kaya naiwan siyang mag-isa sa apat na sulok ng opisina nito. Gutom at pagod ang na
"I'm sorry about that," he said.Ginulo ni Luigi ang magulo na niyang buhok. Tinabig niya ang kamay nito, naiinis dahil magulo na nga, mas lalo pa iyong ginulo ng hudas."Pwede ba? Huwag ang buhok ko ang pagtripan mo!""Maldita ka pa rin, tsk!" Sinamahan pa nito ng iling."Hindi ako maldita, ikaw itong magulo.""Hmm, paano ko kaya sisimulang ayusin ang ugali mo?" hinihimas nito ang baba habang kunwari ay nag-iisip nang malalim.Hinampas niya ito nang ubod ng lakas."Ouch! What was that for?" tanong nito, na kunwari'y nagulat sa ginawa niya."Asshole! Huwag mo nga akong pistihin. Ang aga-aga, binubwesit mo a—"Hindi niya natapos ang sasabihin nang dumampi ang labi ni Luigi sa kanya.What? Luigi's lips on hers?Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa cloud nine sa kaagahan ng umaga. Unti-unti siyang nalunod sa hindi maiiwasang sensasyong dulot ng mga halik ni Luigi. Ang lahat ng depensa at lakas ng loob n
Ibinaba niya ang kubyertos at nagpunas ng bibig."Bakit?" tanong ni Luigi."I'm full," walang gana niyang sagot."Eat more. Don't lie to me.""Ayoko na nga.""Vanessa, isa." Mahina ngunit mariing sabi ni Luigi."Fine. Sabi ko nga kakain pa ako."Nagngingitngit ang kalooban ni Vanessa sa kaharap. Hindi porket gwapo kuno ay papangunahan na siya. He's freaking unfair! Sa kanya pa rin ang buhay niya, siya pa rin dapat ang magdedesisyon, pero heto ang isang ito at minamanduhan siya. Kainis! Hay, ang sarap magpadyak-padyak sa harapan nito.Pagkatapos nilang kumain ay sandali pa silang nanatili bago umuwi.Diretso na sana siya sa unit niya nang pigilan siya ni Luigi sa braso."What have I told you?""Sleep in your unit," sagot niya."So? Where do you think you're going?""In my unit.""Then?""Fine! Oo na, sa'yo na ako matutulog!" Huminga siya nang malalim bago maayos na hinarap si Luig
Umupo si Vanessa sa couch. Kapag wala siyang ginagawa, nararamdaman niya ang sakit at kati sa kanyang mga kamay. Tinampal-tampal niya iyon. Tahimik na tumulo ang kanyang mga luha.All her life, she had lived like a princess, and she never expected to fall into this situation. She cried silently, remembering the kind of life she had before. Ginusto niya ang nangyari kaya dapat lamang na panagutan niya ito.Tumayo siya at inihain ang pagkain. Ilang minuto na lang, siguradong darating na si Luigi. Bumalik siya sa couch pagkatapos ayusin ang mesa. Naghintay siya sa pagdating ni Luigi hanggang sa sumapit ang alas otso ng gabi, ngunit wala pa rin ito. Humiga siya sa couch dahil nangangalay na ang kanyang balakang sa kakaupo.Nagulat si Luigi nang madatnan niya si Vanessa sa bahay. Nakahiga ito sa couch, nakalaylay ang dalawang kamay sa gilid nito. Nag-iwan siya ng note rito kagabi na magpahinga muna, pero heto ito ngayon sa bahay niya."Vanessa, gising."
Sinimulan niyang kusutin ang ibang mga damit. Nakita niya ang brief ng lalaki at nandidiring sinungkit iyon ng kamay bago diretsong inilagay sa mga nakusot na niyang damit. Hindi naman siguro malalaman ng lalaki na hindi niya kinusot ang brief nito. Eww! Kadiri ang lalaking iyon, pati brief ay ipinapalaba pa talaga sa kanya.ISINANDAL ni Luigi ang nananakit niyang likod sa swivel chair. Katatapos lamang niyang basahin at pirmahan ang tambak na papeles sa kanyang harapan. It was almost 6 PM. Pagabi na pala at hindi niya namalayan ang bilis ng oras. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa fridge habang iniisip kung ano ang maaaring madatnan niya sa bahay.Sana hindi gumawa ng kung anong kalokohan ang babaeng iyon sa loob ng bahay ko.Bumalik siya sa mesa upang iligpit ang kanyang mga gamit. Binuksan niya ang drawer at nakita ang bracelet na napulot niya noong nakaraang linggo. Katulad na katulad iyon ng bracelet na ibinigay niya noon sa isang batang ba
Napakurap si Vanessa dahil sa kaba sa dibdib. Shirtless ang lalaki, kaya kitang-kita niya ang mabalahibong dibdib nito pababa sa katawan.Biglang nanuyo ang lalamunan niya nang makita ang hitsura nito. Napaatras siya nang kaunti upang salubungin ang nagbabagang mga mata nito."I brought you this. Sana magustuhan mo."Itinaas niya ang paper bag upang iabot sa lalaki.Ngunit nangalay na ang kamay niya ay hindi pa rin iyon kinukuha ng lalaki."Ahm... pagkain 'yan. Binili ko para sa'yo. Since hindi ako marunong magluto. Pero masarap naman 'to."Muli niyang iniabot ang paper bag.NANATILING nakatingin si Luigi sa kaharap. Alam niyang hindi siya titigilan ng babaeng ito."Ayaw mo ba?"tanong ni Vanessa sa matamlay na tono.Tinabig ni Luigi ang kamay nitong may hawak na pagkain. Nabigla naman ang kaharap sa ginawa niya at wala itong choice kundi ibaba ang kamay."Hindi ako pulubi para bigyan mo ng pagkain. Doon mo 'yan ip







