“Hoy, Antonia! Aba, mababasag ang eardrums ko! Excited lang, ano?”Hindi pa nga tapos mag-hello si Vanessa. Napailing na lamang siya. Dapat pala ay hindi muna niya inilagay ang cellphone sa tainga niya.Hindi naman siya bingi, pero pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay nabibingi siya dahil sa lakas ng boses ng kaibigan niya.“Oh! Sorry, Vanny! I’m just too excited to see you. Bruha ka, saang sulok ka ba ng airport? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas!”“Nah, as if naman hindi ka sanay maghintay. Puntahan mo ako rito sa parking lot, at late ka po, Eneng. Kanina pa ako dumating,” mataray niyang sagot bago pinatayan ng tawag ang kaibigan.Knowing her best friend, siguradong umiikot na naman ang mga mata nito sa inis.It was her countless visit to the Philippines, but this time was different. Nagdesisyon siyang manatili na sa bansa nang tuluyan. Bukod pa roon, parang wala na ring pakialam ang ama niya sa kanya simula nang dumating ang bruhang stepmother nito sa buhay nila.Pakiramd
Last Updated : 2026-07-02 Read more