Share

Chapter 2

Kevin Pov.

" Young Master handa na po ang almusal" tawag mula sa labas ng kwarto ko nagpagulong gulo ako sa kama at inabot ang cellphone na nakalagay sa side table ng kama.

I receive a message from Jason

-Prepare you're self we have presentation later sa harap ng mga freshmen-

" Ahh, prepared hindi nga alam alam kung ano ang ipapagawa ni Prof mamaya" napakamot ako sa ulo bago binaba ang hawak kong phone. Hay!! wala na talaga siyang naisip kung di ang pag-aaral.

Dumeretso ako sa banyo para maligo siguradong magwawala si Jason kapag nahuli ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ako para kumain. Napatigil nalang ako sa paglalakad ng makita si Jason na nakaupo sa sala.

" Anong ginagawa mo dito?" Lumingon siya sa akin at tinapunan ako ng nakakamatay na tingin.

" I am here to make sure na hindi mo sisirain ang araw ko"napahawak ako sa puso dahil sa sinabi niya kahit kailan napakasakit niyang magsalita.

" Ano pa ang ginagawa mo kilos na" utos niya itinaas ko ang dalawa kong kamay saka ginawa ang gusto niya. Hindi naman ako duwag pero mas nakakatakot siya kumpara kay Nathan.

" Young Master dahan dahan lang" saway ni Nana Kim tumigil ako sa pagsubo saka ngumuso sa sala. Ngumiti siya saka tumango matagal na siyang naninilbihan sa amin kaya kilala na niya ang ugali ni Jason.

" I'm done let's go" sabi ko saka tumayo lumapit ako sa kanya at hinila siya palabas ng mansion.

" Sandali" napatigil ako sa paglalakad ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

" What now" reklamo ko sabay kamot sa noo

" Go back hindi ka ba nagsipilyo" maikli niyang sabi

" Ahh, bakit ko ba nakalimutan yun" sigaw ko ng sobrang lakas tumakbo ako papasok sa loob. Bilang isang lalaki dapat marunong kang magsipilyo kung di hindi ka tunay na lalaki.

Pagbalik ko nakatingin na siya sa kanyang relo tumigil ako sa harap niya habang hinihingal hingal.

" Dude goodmorning" nabaling ang attensyon naming dalawa kay Jacob na tumatakbo ito papalapit. Bago pa man siya sumampa sa amin mabilis kaming umiwas ni Jason kaya sa sahig siya bumagsak.

" Aray ang napaka gwapo mong mukha" he whispered dahan dahan niyang inianagat ang mukha niya saka tumingin sa amin.

" Bakit niyo ako pinabayaang bumagsak"pagdadrama ng mukong.

" Kevin let's go" sabi ni Jason saka naglakad papasok ng sasakyan.

" Tumayo ka nga diyan " I shouted ng nanatili parin siyang nakadapa sa sahig.

" Hindi mo ako tutulungan" iniwan ko siya baka kung saan pa mapunta ang usapan namin pambihira sakit talaga siya sa ulo.

" Dear God kunin niyo na nag mga kaibigan ko wala silang pakialam sa akin" napahawak ako sa sintido bago siya binalikan kinaladkad ko siya papunta sa kotse.

" Aray Kevin let me go" sinubukan niyang magpumiglas kaya mas lalo kung hinigpitan ang hawak sa kanya.

" Jason help me napaka sandista ng mukong nato" sigaw niya binuksan ni Jason ang pinto, binuhat ko siya at binagsak sa upuan ng sasakyan.

Nang makapasok ako sa loob mabilis pinaharurot ni Jason ang sasakyan papunta ng school. Pagdating namin nakatayo si Nathan sa parking lot habang nakasandal sa sasakyan.

" Supreme 4" sigaw ng mga babae na naghihintay sa pagdating namin. Nang makababa kami ng sasakyan mas lalong lumakas ang hiyawan.

" Bakit late kayo?" Tanong ni Nathan gamit ang malamig na boses.

"Sisisihin mo si Jacob nakuha pang maglaro kanina"saad ko bago siya tinuro.

" Stop pointing finger kasalanan niyong dalawa" natahimik ako ng magsalita si Jason naramdaman ko kasi ang kakaibang aura na lumalabas sa kanya. Mukhang hindi maganda ang gising nila pareho.

" Nathan may niluto akong cake para sayo" sabi ng isang babae nakaharang na siya sa dadaanan namin.

" Opps, miss akin nalang to hindi kasi siya kumakain ng sweet" I tried to make some move bago pa sumabog ang bomba sa loob ni Nathan.

"Oo naman sana magustuhan mo" kinikilig niyang tugon sabay pa cute kinuha ko ang lalagyan ng cake.

" Excuse us lady's kailangan na naming umalis" dahil sa magandang pakiusap ko nagsialisan sila sa dadaanan namin.

" Mabuti nalang nandito hindi ko na kailangang sumigaw para nagsialisan silang lahat. Dude masaya akong mayroon kang pakinabang" sabi ni Jacob sabay tapik sa balikat ko.

Akma ko na sana siyang batukan pero mabilis siyang nakailag.

" Both of you stop it" saway ni Nathan kaya napatigil kaming dalawa bago pa man dumanak ang dugo dito. Dumeresto kami sa classroom sa pagkakaalala ko mayroon kaming sales presentation ang problema hindi namin alam kung ano ang product na ibininta namin.

" Goodmorning" bati ng mga classmate namin nagpatuloy lang kami sa paglalakad hangang sa makaraming kami sa pinakadulo. Sa likuran kami nakaupo dito magagawa mo lahat gaya nalang ng ginagawa ni Nathan sinandal niya ang ulo sa table at sinimulan ang palagi niyang ginawa.

" He is sleeping again" iling iling na sabi ni Jason

" Parang hindi kapa nasanay diyan" sagot naman ni Jacob

" Let him sleep hindi naman nagrereklamo ang mga prof natin" saad ko bago sinaksak ang airphone sa tainga ko. Nakinig ako sa music ng biglang tumunog ang notif ng phone ko. Mayroong ipinasa na video si Thunder kaya agad kong pinanood yun.

" Wow this is interesting" nakangiti kong sabi isang magandang ideya ang namuo sa labi ko.

" Goodmorning class" bati ni Prof ng pumasok siya sa loob

" Goodmorning sir "

" Lumapit ang leaders ng bawat grupo dito" Tumayo si Jason at pumunta sa unahan kasama ng iba pa.

" Pick your surprise product" may inilabas na box si Prof saka pinakuha isa isa ang mga group leaders.

Isang toothbrush ang nakuha ng group A, ang group B naman ay isang sabon. Isang sanitary napkin ang nakuha ng group C. Kitang kita ang kakabibang reaksyon sa mukha nila matapos makita ang secret product.

" Prof seriously sanitary napkin" nakangising sabi ni Bert

" Bakit ito ang laman ng box Prof?" Tanong ni Jonas habang hawak hawak ang toothbrush.

" Ipakita niyo ang mga natutunan ninyo sa loob ng isang taon. Lahat ng freshmen sa department makikinig sa sales presentation na gagawin niyo" paalala ni Prof napatakip ako sa bibig habang nagpipigil ng pagtawa.

" Mas lalong magiging interesting kapag mayroong condom diyan" biro ko sabay tawa bigla akong binatukan ni Jacob kaya napatigil ako sa pagtawa.

" Bakit ba?" Singhal ko dahil sa ginawa niya

" Yan kasi puro kabastusan ang nasa isip mo" sus parang hindi na mabiro ang mukong na ito.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang kulay pink na condom na hawak ni Jacob.

" Ohhh! Tama ako" sigaw ko bago tumalon talon kaya lahat sila napatingin sa akin.

" Mr. Kevin Lee iisipin kong mayroon kang magandang ideya para ibinta ang product ng grupo mo" napatigil ako sa pagtalon saka bumalik sa pagkakaupo.

" Gusto kong gawin niyong lahat para nabibinta ang product na naka assign sa inyo. Ang team na makakapagbinta ng pinakamaraming products ang makakakuha ng pinakamataas ng marka. Bibigyan ko kayo ng isang oras para maghanda" lumabas si Prof ng classroom kaya nagsimulang umingay ang mga classmate namin.

" Bakit kailangan natin itong gawin hindi tayo nag aral dito para maging sales man" reklamo ni Daven

" Thats right kilala sa business world ang mga students sa classroom natin para sa akin isang kabaliwan ang gagawin nating presentation" pag sang ayon ni Kenneth nasabi ko na ba sa inyo na ang section namin ang pinakamalala sa lahat.

Nagtataka ba kayo kung paano ko nasabi yun, abangan niyo nalang ang susunod na mangyari.

" Isa itong kabaliwan aalis na ako" saad ni Kairus umalis siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

" Hayy!! alis na din ako" Si Tin ang sumunod na lumabas ng classroom.

" Wala ba kayong pakialam sa grades ninyo?" Tanong ni Jason habang namumula ang psingi sa galit.

" Malapit na siyang sumabog" sabi naman ni Jacob habang pinagmamasdan ang mga nangyayari.

" Mr. President dont worry everything will be fine" sabi ni Alden with assurance napailing iling nalang ako sabi ko na nga ba ito ang mangyayari.

Nagsilabasan na silang lahat at kami nalang ang natitira dito. Sinuntok ni Jason ang table kaya nasira yun dahil sa ingay nagising si Nathan.

" What the hell" mura ni Nathan pagkatapos maiangat ang ulo niya sa desk.

" I'm sorry mukhang wala tayong mapapala dito" Jason responded habang nakapoker face.

" Let's go to the headquarters I want to sleep" Jacob said sabay hikab ano na naman kaya ang ginawa ng mukong na to kagabi. Napangiti ako bigla bago siya inakbayan sa balikat.

" Dude hulaan ko nanood ka naman ng hardcore videos kagabi" I said pero pabulong ang huling tatlong salitang sinabi ko.

" Hindi ako manyak na tulad mo" He stated bago naglakad palayo sa akin.

" Huwag nga kayong mag away" saway ni Jason kinuha niya muna ang condom na nakalagay sa table saka ngumiti ng malapad.

" Ken baka gusto mo itong gamitin sa akin" He stated while wearing those playful smile.

Tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko

" Potek humanda ka sa akin kapag nahuli Kita, I will kill you" I shouted tumakbo ako papalapit sa kanya at dahil mabilis siyang tumakbo hindi ko siya naabutan.

" Dude give up napakababa ng stamina mo" Jason brought up sabay takip ng balikat ko.

Napaupo ako sa bench dahil sa hingal kaya nagawa akong asarin ng mukong nato.

" Kaya pala iniiwan ka ng mga babae because you can't satisfy them on bed" Nathan commented while standing in front of me.

" Dude ako ang nang iiwan sa kanila tandaan mo yun" I said with confidence.

" Wee di nga" sigaw ng mukong sa di kalayuan abat inuubos talaga ng mukong na to ang pasensiya ko.

" Jacob Perez huwag ka talagang magpapahuli sa akin kung gusto mo pang mabuhay"

Nakarating kami sa headquarters na makikita sa likod ng university. Exclusive lang ito para sa amin nagtataka ba kayo kung paano nagkaroon ng headquarters dito. Hmm.. pinatayo to ni Nathan two years ago bago kami tumungtong ng college. Wala naman naging problema dahil family ni Nathan ang nagmamay- ari ng school.

" Hoy bakit ka natutulala diyan?" I shouted ng makita siya na nakatayo sa sala ng headquarters.

Binatukan ko siya sa ulo kaya bigla siyang bumalik sa realidad. Inagaw ko ang papel na hawak niya at binasa ang nakasulat. Sandali galing to kay Thunder pa tungkol yun sa nalalapit na annivesary ng Darkworld.

"Ano yan?" Jason asked ng makapasok sila ni Nathan sa loob.

" Nathan sulat para sayo" I said bago binigay sa kanya ang papel tiningnan niya lang segundo saka nilagay sa table.

" Dont disturb me matutulog ako" He spoke in a low tone at umakyat sa ikalawang palapag.

Hinatak ko si Jacob para singilin sa pang aasar niya sa akin pinaulanan ko siya ng sunod sunod na suntok.

" Kevin stop it" sigaw niya na patuloy lang sa pag-iwas sa mga atake ko.

" Dapat kang turuan ng leksyon" tugon ko sisipain ko na sana siya pero mabilis na dinampot ni Jason ang ulo namin saka pinag- untog dahil sa sakit pahero kaming napasigaw.

" Aray ang sakit baka kung ano ang mangyari sa utak ko dahil sa tigas ng ulo mo" naiiyak na reklamo ni Jacob sus kung makapag drama to mukhang may pakinabang ang utak niya.

" Huwag mo akong tingnan ng ganyan hindi ka matatawag na tao kapag wala kang utak" He said habang hinihilot ang utak niya.

" Then anong tawag sa mga taong tulad mo?" I asked sabay ngiti na may halong pang aasar.

Tinitigan niya lang ako ng masama bago siya tumayo sa sahig.

" Kevin Lee ito ang tatandaan mo may pakinabang kaya ang utak ko"

" Tama na nga yan daig niyo pa ang mga babae kapag nagtatalo" inis na sabi ni Jason na prenteng nakaupo sa sofa.

Nagtinginan kami ni Jacob ng makita ang kakaibang ngiti sa mukha niya. Napaiwas kami ng tingin sa kanya ng binaling niya bigla ang attensiyon sa amin.

" Tssk!! Lumapit kayo dito siguradong magugustuhan niyo ang ipapakita ko" napantig ang tainga ko matapos marinig yun.

Nang makaupo kami ni Jacob sa tabi niya may ipinakita siyang video sa amin na nakapost sa page ng school, umani yun ng samot saring reaksyon.

" Anong masasabi niyo?" Napangiti ako bago sila inakbayan.

"Let's make some deal" I uttered tumingin sa akin si Jacob gamit ang makahulugang tingin. Mukhang parehas kami ng naisip na plano.

Binulungan ko si Jason sa tainga at sinabi sa kanya ang plano.

" Magkano?" Nakangiting tanong ni Jason siya ang tipo ng taong mukhang angel pero mayroong isang halimaw na nakatago sa loob niya.

" Isang daang libo take it or leave it" alok ko sa kanya

" Bakit ako ang gagawa kayo nalang dalawa ang mananalo bibigyan ko ng kalahating milyon. Take it or leave it" He suggested.

" Deal" sabay naming sagot ni Jacob

Let the best man win mukhang magiging masaya ang mga nangyayari sa susunod na araw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status