Share

Chapter 3

Nathan Pov.

" Brother samahan mo ako pumunta ng mall please" mula sa pangalawang palapag ng mansyon rinig na rinig ko ang boses ni Jessie.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok siya sa loob. She is wearing a white dress at nakatali ang mahaba niyang buhok.

" Brother tingnan mo kung ano ang nakuha ko" nakangiti niyang sabi bago pinakita ang black card na nakuha niya kay Grandpa.

" Don't look at me using that face" nakasimangot niyang saad.

" Ano naman ang bibilhin mo this time?" Tanong ko habang nakaupo sa kama lumapit siya at tumabi sa akin.

" I want to buy toys and everything"

" Sabihan mo si Khom na samahan ka may bagay ako na kailangan gawin" sabi ko na ikinalungkot niya.

" Brother please samahan mo na ako wala ng oras sina Mommy at Daddy sa akin pati ba naman ikaw mawawalan ng oras sa akin" this girl knows how to make me say yes.

" Fine give me a minute magbibihis lang ako" tumayo ako sa kama saka kumuha ng damit sa closet.

" Alright hihintayin kita sa labas" tumakbo siya palabas ng kwarto biglang tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa kama.

Kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag ni Thunder

" What is it?" Tanong ko sa kabilang linya

" Boss baka gusto mong sumali sa race" alok niya rinig na rinig ko ang malalakas na ingay ng mga sasakyan.

" Sino ang nag plano ng race ngayon?" I asked

" It's me" this time si Spade ang sumagot sa tanong ko

" Hey give me back my phone" sigaw Thunder tingin ko inagaw niya ang phone para makausap ako.

" Boss sabi sa horoscope makilala mo ang taong magdadala sayo ng swerte at the same magdadala rin ng malas sa buhay mo. Mayroon kabang ka blind date ngayon" walang pag alinlangan niyang saad.

" You want to die early?" Tanong ko na may halong pagbabanta.

" Hey!! Nagbibiro lang ako enjoy you're day" bigla niya akong binabaan napailing iling nalang ako bago nagbihis.

Pagbaba ko nakaupo si Jessie sa sala nakatayo naman sa tabi niya si Khom at Diarid.

" Master Nathan nakahanda na ang sasakyan" yumuko muna siya bago nagsalita.

" Did you see my grandpa?" I asked

" Master Kent is already on his way back to England" tugon ni Khom sobrang bilis naman yata.

" Brother kailan uuwi si Mommy at Daddy?" Jessie asked lumapit ako sa kanya at pinaupo siya sa lap ko.

" I'm sorry hindi ko rin alam" tugon ko dapat uuwi sila last week pero hindi sila sumipot.

I didnt beg them for attention pero para sa kapatid ko, they required to give her attention kahit para nalang sa kanya.

" Don't worry I give anything today just tell what you want" nakangiti kong sabi.

Tumango siya sabay pakawala ng isang malungkot na ngiti.

" Khom, Diarid let's go" naglakad kami palabas ng mansyon para ipasyal si Jessie.

" Master alam kong hindi niyo gusto na mayroong nakasunod sa inyo na mga bodyguard. Pero ibinilin ni Master Kent na hindi kayo pwedeng lumabas kung di sila kasama" itinuro ni Khom ang bagong tauhan na kinuha ni Grandpa.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka siya binuhat at pinaupo sa back seat ng sasakyan.

" Let's go to the mall" she spoke with the loud voice pinaandar ni Khom ang sasakyan at dinala kami sa isang mall.

" Jessie hintayin mo ako" sigaw ko ng tumakbo siya papasok ng mall.

" Brother let's try that game" tinuro niya ang mga batang naglalaro ng basketball arcade.

" Khom buys some token" yumuko siya at ginawa ang sinabi ko.

Lumapit ako sa kanya at naghanap ng available na spots kung saan walang naglalaro. Matapos maibigay ni Khom ang token nagsimula na kaming maglaro. Sinubukan niyang ma shoot ang bola sa net pero lumalabas lahat ng bolang tinatapon niya.

" I don't want to play anymore" nakapamaywang niyang sabi, I can see those poker face on her face.

" Come here" tawag ko bago siya binuhat

" Try to shoot again" kinuha niya ang bola na ibinigay ni Khom at tumira ulit, this time pumasok na ito sa net.

" Yehey! Ang galing ko" masaya niyang sabi

" Let's go to buy some toys"

Pagdating namin sa toy store nagsimula na siyang magturo.

" I want everything" sabi niya matapos makita lahat ng laruan na nakalagay sa loob ng toy store.

" Jessie you spending so much money hindi mo kayang laruin lahat ng yan"

" Huwag kang mag aalala mayaman tayo" tugon niya sa sinabi ko. Ang batang to alam talaga kung paano ako papatahimikin tama siya money is not an issue.

" Khom bantayan mo si Jessie kakausapin ko lang ang manager" naglakad ako at hinanap kung sino ang nagbabantay sa store.

" Excuse me can I talk to the manager?" Tanong ko sa babaeng nagbabantay bigla siyang namula ng makita ako.

" Yes sir please maghintay kayo dito tatawagin ko lang ang manager namin" nakangiti niyang tugon bago umalis.

Sa pagbalik niya mayroon siyang kasamang isang lalaki.

" Hello sir I am Mr. Kin ang manager ng store" pakilala niya

" Bibilhin ko lahat ng laruan na nandito" nanlaki ang mga mata nila matapos marinig ang sinabi ko.

" Yes sir asikasuhin namin lahat ng laruan para sayo" sabi ng manager bago hinatak ang babae papunta sa desk.

" I will go back later" lumabas ako ng store para balikan si Jessie at Khom.

Bago sumakay sa escalator napalingon ako ng may napansing mga mata na nakatitig sa akin. The presence is really strong na dahilan kung bakit tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Nakaupo sa bench sina Jessie at Khom kaya lumapit ako sa kanila. Umupo ako sa upuan at pinakiramdaman ang buong paligid naramdaman ko parin ang preseniya na sumusunod sa akin.

" Khom come here" lumapit siya sa akin

" Master huwag kayong mag alala hindi niya kayo kayang lapitan" tugon niya bakit nga ba ako nababahala alam ko na nandiyan ang taong handa gawin ang lahat just to protect us.

" Bother let's eat lunch I'm hungry"

Pumasok kami sa isang kainan dito sa loob ng mall. Umorder kami ng pagkain bago naghanap ng mauupuan. Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang preseniya. Inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid dalawang tao ang pumasok sa kainan naramdaman ko ang presensiya sa isa sa kanila. Ang ikinagugulat ko naramdaman ko yun sa batang lalaki hula ko he's 10 years old gaya ni Jessie.

Tumingin ako kay Khom bago ulit tinitigan ang batang lalaki. I feel treatened by a kid with his presence ano ba ang iniisip ko.

" Brother is there something wrong?" Jessie asked napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.

" Nothing baby just continue to eat you're food" tanging tugon ko bago nagsimulang kumain.

Lumabas kami agad pagkatapos kumain hawak hawak ko ang kamay ni Jessie habang naglalakad parin kami sa loob ng mall.

"Boss" tawag ng isang boses sa di kalayuan. Nakita kong tumatakbo si Thunder kasama si Spade papalapit sa amin.

" Anong nangyari?" Tanong ko ng makalapit silang dalawa.

" Boss ayos lang lang ba kayo?"

" Khom did you message them?" Umiling iling siya

" Spade sabihin mo bakit kayo nandito?"

" Masama ang kutob ko kaya sumunod kami sayo" tugon niya saka ngumiti ng makahulugan.

" Brother bakit ganyan nag mukha ni Uncle Spade at Uncle Thunder?"

" Uncle mukha ba akong matanda?" Spade asked sabay turo sa mukha niya.

" Baby do I looked old?" Thunder asked

"Opo kulay puti Kasi ang kulay ng buhok mo Uncle Thunder"

" Hahaha" tawa ni Spade na may halong pang aasar siniko siya ni Thunder kaya bigla itong napangiwi habang hawak ang kanyang tagiliran.

" Paano naman ako baby mukha ba talaga akong matanda?" This time si Spade naman ang nagtanong

" Yes Uncle" tugon ni Jessie

" You're the best baby Jessie" Thunder said

" Che, tumahimik ka" usal ni Spade habang namumula ang kanyang mukha sa galit.

" Bro mayroon ngang kasabihan na hindi nagsisinungaling ang mga bata" saad ni Spade sabay takip ng balikat niya.

" That's enough mabuti narin na nandito na kayo" pag- awat ko bago pa sila magkagulo.

" Brother Im want to pee"

" Khom take her to comfort room" umalis silang dalawa naiwan kami dito gusto ko ring malaman kung ano ang nangyari sa racing na ginanap sa Red Dragon Headquarters.

" Boss bakit ang dami yatang bodyguard na nagbabantay sa inyo. This is very unusual tanging si Khom o si Diarid lang ang nagbabantay kapag pumupunta kayo sa ganitong lugar?" Tanong ni Thunder.

" Hindi ko rin alam si Lolo ang kumuha sa kanila" tugon ko pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa kanila.

" Master Nathan" tumakbo si Khom pabalik sa amin

" Na saan si Jessie?" Tanong ko ng di siya nakita na kasama niya.

" Hinanap ko siya sa comfort room pero wala na siya doon" natakasan niya ulit si Khom sa pangalawang pagkakataon.

" Maghiwa hiwalay tayo hanapin niyo siya sa buong paligid"

Bumaba ako sa first floor ng mall at hinanap siya sa bawat sulok.

"Jessie baby na saan ka" sigaw mo baka sakali na marinig niya.

" Excuse me baka nakita niyo siya?" Tanong ko sa mga taong nakakasalubong ko. Pinakita ko sa kanila ang larawan ni Jessie.

" Boss wala siya sa labas" sabi ni Spade kasama niya si Thunder na naghanap sa labas.

" Spade subukan mong e hack ang cctv sa buong mall kung mayroong taong kumuha sa kanya sigurado akong nakikita natin kung saan niya dinala si Jessie"

" Leave it to me" tugon niya

" Thunder samahan mo ako"

Nagpatuloy kami sa paghahanap sa buong mall.

" Master Nathan patawad hindi namin siya nakita" sabi ng mga tauhan ni Lolo.

I'm so stupid napakarami namin pero ni isa walang nakapansin sa kanya, we shouldn't let our guard down.

" Hahaluglugin niyo ang buong lugar, thunder humingi ka ng tulong sa mga pulis " sigaw ko

" Boss hindi pwedeng madeklara na missing ang isang tao hanggat hindi lumipas ang 24 hours, I'm sure hindi tutulong ang mga pulis"

" Fuck" mura ko dahil sa inis

" Boss balikan natin si Spade baka may nakuha na siyang impormasiyon" suggest ni Thunder binalikan namin si Spade na nasa unang palapag ng mall.

" May nakita kaba?" Tanong ko ng makalapit kami

" Tssk! A piece of cake" nakangiti niyang sabi bago iniharap ang cellphone niya sa amin.

Nakunan ng cctv si Jessie na lumabas ng comfort room. Hindi siya napansin ni Khom at tuluyang nakalayo. Bumaba siya sa first floor saka naglibot libot sa buong paligid. Nakita ko na hinanap niya ang daan pabalik pero paikot ikot lang siya sa baba. Bigla siyang umiyak bago umupo sa bench isang lalakiang lumapit sa kanya binigyan siya nito ng ice cream kaya tumigil sa pag iyak si Jessie at hinawakan siya ng babae sa kamay paalis.

" Kapag nakita kita humanda ka sa akin" bulong ko bago tumakbo pababa. Pupuntahan ko ang huling pinasukan nila ni Jessie.

"Boss hintayin mo ako" sigaw ni Thunder patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang makarating sa toy store.

" Sir pasensiya na po pero hindi pa tapos balutin lahat ng toys na bibilhin niyo" sabi ng babaeng nakausap ko kanina.

Ipinakita ko muna sa kanya ang picture ni Jessie bago siya tanungin.

" Nakita mo ba ang kapatid ko?"

" Opo sir kasama niya ang isang gwapong lalaki " itinuro niya kung saan makikita si Jessie. Dali dali akong tumakbo para hanapin siya, nang makita ko si Jessie agad ko siyang hinatak palayo sa lalaking kumuha sa kanya.

" Anong ginawa mo sa kapatid mo?" Sigaw ko sa lalaki lumingon siya sa akin habang nakakunot ang kanyang mukha.

" Ikaw ba ang older brother niya?" Tanong ng lalaki sobrang sexy ng boses niya pakinggan.

" Ikaw balak mo bang kidnapin ang kapatid ko?"

" Kidnapin mukha ba akong kidnapper?"

" Bakit hindi ba anong pakay mo sa kapatid ko?"

Nagsigawan na kaming dalawa sa loob ng toy store.

" Hindi ko siya kikidnapin kasalanan mo dahil pabaya kang kapatid" tugon niya namumula na ang kanyang pisngi dahil sa galit.

" Brother tinulungan lang ako ni Kuya pogi naligaw kasi ako" nakayukong sabi ni Jessie.

" I'm glad that you're safe" niyakap ko siya ng mahigpit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mayroong nangyari sa kanya.

" Boss" napalingon ako at nakita si Thunder at Spade.

" Uncle Thunder, Uncle Spade bakit kayo hinihingal?"

" Baby bigyan mo si Uncle Thunder ng isang mahigpit na yakap" niyakap siya ni Jessie ng mahigit sunod niyang niyakap si Spade.

" Jessie nandito na ang kuya mo kailangan ko ng umalis"

Tumakbo si Jessie para yakapin siya kitang kita ko ang kalungkutan sa mukha ng kapatid ko. Tssk! Ano kaya ang pinakain niya sa kapatid ko para maging malapit ito sa kanya.

" Thank you Kuya pogi mag iingat ka"

Bago siya tuluyang umalis tinapunan niya muna ako ng nakakamatay na tingin.

" Jessie sinong pangalan ng gwapong lalaki na tumulong sayo?" Tanong ni Spade napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng isang death glare.

" He is Kuya Klent nag aaral siya sa Sun University kagaya ni Kuya" sagot ni Jessie may ngiting namuo sa mga labi ko matapos marinig yun.

" Ahem.. Boss iba ang ngiting yan" pabirong saad ni Spade

" Ngiting love at first sight" sabi naman si Thunder

" Tumahimik nga kayong dalawa diyan" singhal ko

" Brother bakit nagagalit ayos lang naman kung si Kuya pogi ang magiging boyfriend mo" singgit naman ni Jessie pumalakpak ang dalawang unggoy pati na tuloy kapatid ko na impluwensiyahan dahil sa mga sinasabi nilang dalawa.

" Bakit mo nasabi yun?" Tanong ko

" Love is love Kuya" tugon ni Jessie she is just 10 years old tapos ganyan na siya mag isip.

" Master Nathan handa na lahat ng laruan na binili ninyo" sabi ni Khom

" Yehey! Brother let's go"

Binalikan namin ang toy store pagkatapos umuwi na rin kami. Napatigil ako sa paglalakad ng makatanggap ng text mula kay Colyn.

" Red please talk to me " message from Colyn

Isinilid ko pabalik ang cellphone sa bulsa ko I don't want to talk to her. Sariwa pa sa isip ko ang mga bagay na ginawa niya at hinding hindi ko siya mapapatawad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status