Share

Chapter 6

Jason Pov.

" Hay ang tagal naman ni Red" naiinip na sabi ni Jacob

" Hindi kapa nasanay sa kanya kailan ba siya dumating sa oras" ibinaba ko ang hawak kong alak at tiningnan ang phone ko. Limang minuto nalang magsisimula na ang pinagkakaabangan na race ng lahat.

" Tssk tingnan niyo yan" itinuro ni Kevin ang isang pamilyar na tao tumigil ito sa paglalakad at tinapunan kami ng isang makahulugang tingin.

" What a small world" bulong ko while smirking he is scorpion ang tinawag na scorpion king ng Darkworld.

" Huwag niyo siyang pansinin total mas gwapo pa ako sa kanya" singgit ni Jacob.

" Haha mangarap ka" sabi naman ni Kevin bago siya binatukan sa ulo.

" Inggit ka lang" singhal niya nagsimula silang mag- away na parang aso at pusa na hindi nagkakasundo sa mga bagay na bagay.

" Bang" sunod sunod na putok ng baril ang umalingaw- ngaw kasabay nang malakas na hiyawan dito sa loob. Tumigil ang dalawa sa pagtatalo at itinuon ang attensyon sa racing arena.

" Pustahan tayo si number 2 ang mananalo"  hula ni Kevin

" Sige sa number 4 ako pupusta" sabi ni Jacob

"Magkano?"  Tanong ni Kevin habang nakangiti ng malapad

" 200 thousand" tugon ni Jacob

" Deal"  sabay sabay nilang sabi

" Jason sino sa tingin mo ang mananalo?" Tanong ni Kevin, tinitigan ko ang mga sasakyan na nagpapaunahan sa finish line. Kasalukuyang nangunguna si number 6 nakasunod naman sa kanya si number 8 at iba pa,  ang panghuli ay si number 10.

" Si number 10 ang mananalo sa karera" tugon ko na mayroong katiyakan nagtinginan silang dalawa bago ulit tumingin sa arena.

"Pero nasa huling spot siya" saad ni Jacob

" Hanggat wala pang nakarating sa finish line may pag- asa parin siyang manalo" napakamot silang dalawa sa ulo palibhasa nakabasi lang sila sa kanilang mga nakikita.

Napako ang tingin ko ng makita si Red kasama ang isang lalaki papalapit sa amin.

" This is getting interesting" bulong ko bago tumayo sa upuan ko.

" Buti naman nakarating ka" bungad ko ang makalapit sila

" Wow totoong race" mangha saad ng lalaking kasama niya.

He has angelic face and innosent smile no wonder napansin siya ni Red, he maybe remind him of someone.

" Red....." sabay na bati ng dalawa pero bigla silang napatigil ng makita ang lalaking kasama niya.

" Ohh  baka gusto mo kaming ipakilala sa kasama mo" makahulugang sabi ni Jacob.

" Hi I am  Klent nice to meet you all" pakilala ng lalaki  nakita ko naman kung paano umiba ang expression sa mukha niya.

" Hello Klent  ako nga pala si Jason yan naman sina Kevin at Jacob" pakilala ko sa kanya.

" Bakit ang galang mo sa kanila kapag sa akin ang sungit mo" inis na sabi ni Red.

" Wala kang pakialam makikipag usap ako sayo sa paraang gusto ko" tugon ni Klent.

" Tssk bungangero ka talaga" pabulong na saad ni Red saka umupo sa harapan ko.

" Mag sinasabi ka?"

" Wala" maikling tugon ni Red

" Grabe ang galing nila" lumapit sina Kevin at Jacob sa kanya.

"  Klent tingin mo sino ang mananalo?" Nakangiting tanong ni Jacob.

" Hmmmm.. number 10"  tugon niya na ikinagulat ng dalawa.

" Bakit hindi naman siya ang nangunguna?" Takang tanong ni Jacob.

" Hangga't wala pang nakarating sa finish line may pag- asa pa siyang manalo" pumalakpak ang dalawa saka tumingin sa akin.

" Parehas kayo ng sinabi ni Jason huwag niyong sabihin na parehas kayo ng iniisip" saad ni Jacob na dahilan kung bakit mayroong nakakamatay na titig na nakatingin sa akin ngayon.

" Red huwag mo akong tingnan ng ganyan" pabiro kong sabi

" Lady's and gentlemen our 6th champion for racing competition contestant number 10"  proklama ng host.

" Diba tama kami siya ang nanalo" tumakbo siya sa akin saka niyakap ako bigla.

Isang pagkasa ng baril ang sumunod kong narinig nakatutok yun sa akin. Mukhang hindi nila narinig ang pagkasa ng baril dahil sa lakas ng hiyawan at isa pa nakatago sa jacket ni Red ang baril. Kusa ko siyang inilayo sa akin bago paman ako bumulagta dito.

" Gusto mo bang umupo muna" alok ko na nakaturo sa vacant seat sa tabi ni Red. Tumango naman siya bago umupo sa tabi ko.

" Hoy lalaki dito ka maupo" singhal ni Red na nakanguso sa vacant seat sa tabi niya.

" At bakit ako tatabi sayo?"  Taas kilay na tanong ni Klent

" Ahem alam niyo ba na sobrang lakas ng chemistry niyong dalawa" singgit ni Kevin nakasali narin ang dalawa sa usapan namin.

" Oo nga bagay kayo maging real couple" pag sang ayon ni Jacob.

" Bakit imaginary couple ba sila?"  Tanong ni Kevin umupo ang dalawa sa tabi ni Red na nakaharap sa amin.

"Couple? Hinding hindi mangyayari yun" nakasimangot na saad ni Klent.

" Akala mo ba gusto kitang maging boyfriend isa pa babae ang gusto ko" bulyaw ni Red nakakagulat dahil hindi nakikipagtalo si Red sa kahit sino kahit na badtrip siya tahimik lang ito.

" Alam niyo sabi nila opposite character attract each other" nakangiti kong usal.

" Bahala na kayo ayaw ko ng makipagtalo pagod na pagod na ako dahil sa Antik na yan" nakacross arms niyang sabi habang nakatingin kay Red.

" Red bakit mo kasi pinagod dapat binigyan mo siya ng oras para makapagpahinga" isang nakakalokong ngiti ang namuo sa labi ni Jacob.

" Anong gusto mong palabasin?"  Biglang umiba ang tuno ng boses ni Red sabi ko na nga ba hindi magandang ideya na sabihin yun sa kanya.

" Wala naman kasi.. hmm.."  nauutal na sabi ni Jacob

" Bakit ka nanginginig?" Tanong ni Klent

" Bigla ko kasi naramdaman ang presensiya ni kamatayan" tugon niya na ikinataka ni Klent.

" Pasensiya na hindi kasi gumagana ng maayos ang utak ng kaibigan ko" siniko niya si Kevin sa tagiliran dahil sa sinabi nito.

" Tama siya pasensiya na" pag sang ayon ni Jacob nagsalin ako ng alak sa baso at nilagay sa harap ni Klent  kukunin na niya sana ang baso pero mabilis yun na inagaw ni Red.

" Antik akin na nga yan" sigaw niya ininom ni Red ang alak pagkatapos hinagis niya ang baso sa akin mabuti nalang nasalo ko yun.

" Ang sama talaga ng ugali mo"

" Oo masama na ang ugali ko masaya kana" namumula na ang mukha ni Red dahil sa galit. Bigla silang tumahimik inabot ni Klent ang bote saka nagsalin ng alak sa baso.

" Huwag kang iinom ng alak kapag kasama mo ako" sabi ni Red gamit ang malamig niyang boses.

" Paano kapag hindi kita kasama?"  Nakasimangot na tanong ni Klent.

"Hindi parin"

" Masyado yata tong mabilis para na silang officiallly on" nasa isip ko bago ngumiti ng palihim.

" Ang epal mo" ibanaba ni  Klent ang hawak niyang baso saka kinuha ang phone sa bulsa niya. Si Red naman nagnanakaw ng tingin sa kanya habang nakasimangot parin.

Nangangamoy LQ sa pagitan nilang dalawa.

" Red you should take this man back to his house"  tumayo si Red at lumapit kay Klent.

" Let's go ihahatid na kita" mahinang saad ni Red nauna namang naglakad si Klent palabas.

" Tssk he is to much to handle" iling iling na sabi ni Red

" Becareful maraming mga mata na nakatuon sayo ngayon" makahulugan kong sabi alam kong alam niya kung ano ang Ibig kong sabihin.

" I know don't worry Ill handle everything" maikli niyang tugon bago naglakad paalis.

" Grabe isa yatang tigre ang nakuha ni Red" sabi ni Kevin siniko siya ni Jacob sa tagiliran kaya napatahimik ito.

" Itikom mo yan ang bibig mo maraming tainga na nakikinig" paalala ni Jacob sa kanya.

" Oh pasensiya na kailangan ko yatang itikom ang bibig ko" usal ni Kevin.

" Huwag ka ng magsalita pa" singhal ni Jacob

" Aalis na ako baka gusto niyong sumama" sabi ko saka tumayo sa kinatatayuan ko.

" Okay let's go" nagsitayuan na rin sila at sumunod sa akin bago paman kami makarating sa pinto palabas hinarangan kami ng mga tauhan ni Scorpion.

" Keeper nagmamadali ka yata" nakangiting sabi ni Jex

" Wala kaming oras sa mga walang kwentang bagay" madiing na tugon ni Jacob.

" Abat kung makapagsalita ka akala mo kung sino" nakita ko na nakakuyom ang kamao ni Jacob, si Kevin naman kinakamot ang kaliwang palad niya masama to siguradong magkakagulo.

"Ano ang ginagawa niyo?"  Isang malamig na boses ang narinig namin sa likuran.

" Boss may pinag uusapan lang kami" nakangiting tugon ni Alex.

" Pwede na kayong umalis" sabi ni Scorpion nagtinginan kaming tatlo habang pinakiramdaman ang magiging kilos niya.

" I won't do anything to harm you" naunang maglakad si  Scorpion palabas sumunod ako sa kanya gaya ng sinabi niya hindi siya gumawa ng pagkilos laban sa amin.

Nauna silang umalis kami naman nasa labas pa ng abandonadong building napaupo bigla si Jacob sa sahig kitang kita ko ang panginginig ng buong katawan niya.

" Tumayo ka nga diyan" sigaw ni Kevin bago siya inalalayan patayo.

" Hindi ba kayo takot sa kanya he is a psycho" sambit niya I cant blame him sobrang mapanganib ang taong yun.

" Pumasok na kayo uuwi na tayo"

Habang nagmamaneho tumunog ang cellphone ni Kevin.

" Tumatawag si Red" sabi niya bago pinindot ang answer botton.

" Pindutin mo ang speaker" usal ko na ginawa naman niya

" Did scorpion do something ?" Tanong ni Red sa kabilang linya.

" Nothing nakaalis kami ng payapa" tugon ko

" I see becareful" yun ang huling sinabi niya bago binaba ang tawag.

" Huh!  Parehas silang intense" sigaw ni Jacob na nakaupo sa backseat.

" I want to rest" mahinang sabi ni Kevin pakiramdam ko pagod na pagod siya.

Pagkatapos ko silang maihatid dumeresto ako sa condo paglabas ko ng sasakyan nakita ko si Red na nasa labas.

" May problema ba?"  Tanong ko ng makalapit sa kanya isang buntong hininga ang pinakawalan niya habang nakatingala sa langit.

" We need to talk"

" Alright let's go inside"

Nang makapasok kami sa loob hindi na ako nagulat ng makita si Thunder at Spade na prenteng nakaupo sa sofa.

" Hello welcome back" bati ni Spade ngumiti siya habang nakatingin sa akin. He did again siya lang ang may kakayahan na makapasok na walang kahirap hirap sa loob ng condo.

" Good job you hacked my security system again and again"

" Comeon huwag mo masyadong seryusuhin ang nagawa ni Spade" singgit ni Thunder subo subo niya ang isang sandwich na ginawa ko kaninang umaga.

" Kaya kong tanggapin ang pagpasok niyo dito pero ang pagnanakaw ng pagkain ko ay hindi katanggap tanggap" sabi ko saka hinagis ang sapatos na bitbit ko nasalo niya yun gamit ang kanang kamay niya.

" I'm sorry susunod maglagay ka ng frutas sa reef mo nakakapagod kasing pasukin ang condo mo kaya kailangan ni Spade ng makakain"

" Abat ako ba talaga o ikaw?"  Nakasimangot na saad ni Spade.

" Ako" walang pag alinlangan niyang tugon.

Umupo ako sa sofa na nakaharap sa kanilang dalawa ganoon din si Red mukhang mayroong naman siyang ipapagawa ngayon.

" Boss bakit mo pala kami pinapunta dito?"  Tanong ni Thunder.

" May naramdaman ba kayong kakaiba sa mga ikinikilos ni Scoprion kanina?"  Nagtinginan kaming tatlo matapos marinig ang sinabi niya.

Hindi ko alam na nandoon pala silang dalawa kanina tssk hindi man lang sila lumapit sa amin pero sigurado nakita nila ang buong pangyayari.

" Kalmado ang mga alon sa dagat hudyat na mayroong isang paparating na delubyo" singgit ni Spade.

" I found him suspicious" sambit ko

"Nalalapit na ang anniversary ng Darkworld baka kaya siya kalmado" napaisip si Red ng mabuti mahirap hulaan ang mga galaw ni Scorpion at sa lahat ng Mafia boss ng Darkworld siya ang pinakauhaw sa gulo at dugo.

" Spade keep your eyes on them" utos ni Red

" Thunder mayroon  akong taong pababantayan sayo make sure that he's safe" napantig ang tainga ko alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

" Boyfriend  mo ba siya Boss?"  Curious na tanong ni Thunder

" Hindi" maikli niyang tugon

" I can smell the blossom of love" singgit ni Spade

" Do what I say gusto kong mag report kayo sa akin araw araw" tumango naman ang dalawa.

" How about me?"  Tanong ko

" Maghanda ka ng plano sa nalalapit ng anniversary"

Tumayo si Red sa sofa at naunang maglakad palabas.

" Ano ang hinihintay niyo umalis na rin kayo"

" Boss dito kasi..."

" I give you 10 seconds para lumabas ng condo kung hindi.."  Hindi pa ako nagsisimulang magbilang kumaripas na silang tumakbo palabas.

Pumasok ako sa kwarto para magbihis binagsak ko ang katawan sa malambot na kama habang nakatingala sa kisame. Bigla kong naalala si Prince mayroon talaga akong naramdamang kakaiba sa kanya.

" Kring... Kring..."  Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa side table ng kama.

" Again" sambit ko ng makita ang pangalan ng tumatawag. Ibinalik ko ang cellphone sa side table at hinayaang tumunog hanggang sa kusa itong tumigil.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status