Sa unang araw ng aking pagliban sa trabaho, ang gaan ng pakiramdam ko. Sa tingin ko ay may magandang mangyayari sa araw na ito. Alas dyes na ng umaga at tirik na tirik na ang sinag ng araw. Maagang umalis si Leo para sa misyon niya. Kagabi rin ay tumawag si papa sa akin dahil nag-alala siya sa akin.Ikinuwento pala ni Nate ang nangyari kahapon kay papa kaya labis ang pag-alala ni papa sa akin. Nag text ako kay papa kahapon pero hindi ko sinabi ang lahat ng mga detalye. Nang sabihin ko sa kanya na mamalagi ako sa bahay ni commander Leo ay napanatag naman siya at pinayagan ako. Sinabi ko rin kay papa na lumiban ako sa trabaho ko ng dalawang linggo pero hindi ko sinabi ang dahilan.Pupunta ako ngayon sa bar na pinagtatrabahuhan ko at magreresign ako. Ayaw ko makita ngayon si tanda at paniguradong magkikita kami doon kung mananatili pa ako doon. Ngayon ay nasa harap ako ng bar at naglakad ako papasok. Pinapasok naman ako ng mga bouncer dahil namumukhaan na nila ako. Naalala ko pa noong una
Natapos na rin ang dalawang linggo na pagliban ko sa trabaho at babalik na ulit ako ngayon sa trabaho kung saan makikita ko ulit si Lorenzo. Sa tuwing maalala ko ang mukha niya ay naiinis ako. Wala rin akong balak na bumalik sa bahay ko dahil na iinis pa rin ako kay Thomas. Alam ko na ginawa niya lang iyon para sa akin pero sobra na siya.Ngayon nasa harap ako ng pinto ng Special A office at napabuntong-hininga na lang ako. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Medyo matagal na rin ang dalawang linggo kaya parang pakiramdam ko kapag papasok na ako sa loob ay iba na ang atmosphere na mararamdaman ko.Pilit na pumasok ako sa office at lahat ng myembro ng departmento na ito ay nandito na lahat pati si tanda. Napatingin sila sa akin lalapit na sana ang ibang membro sa akin na parang gusto ako i-welcome pero sinita sila ni Lorenzo. Naglakad na lang ako ng diretso papunta sa office ni chief. Naramdaman ko na nakasunod siya sa likod ko pero binaliwala ko ito. Binati agad ako ni
Mga madaling araw pa ay gising na ako. Ito ang pangatlong araw ko rito sa barko at ang araw na pagdating ko sa Siargao. Inaabangan ko talaga ang paglitaw ng araw. Sa wakas ay masisimulan ko na rin ang mission ko at para matapos ko na agad ito. Nang nakarating kami sa Siargao ay una ako bumaba sa barko. Sumunod lang sa akin si Lorenzo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.Sa tuwing naglalakad kami papunta sa hotel na malapit sa dako ng mission namin maraming babae ang napapatingin kay Lorenzo. Naparolyo na lang ang aking mga mata at parang ang sarap kunin ng mga mata nila at pagbabarilin. May iba pa na lumapit kay tanda at nakipag-usap pa na pinansin naman niya. Magsama kayong lahat. Binilisan ko ang paglalakad at iniwan siya doon na lapain ng mga babaeng papansin sa kanya.Magkasalubong ang mga kilay ko dahil nagawa pa niya talaga makipagtawanan doon sa mga babae. Nakakainis talaga siya. Eh kung misyon ang unahin niya para matapos na ito? Hindi nagtagal ay nasa front desk na ako ng hote
Pagdating namin sa entrance ng resto bar ay sinalubong agad kami ni Johnson. Napangiti naman ako habang si Lorenzo ay parang galit sa mundo dahil sa nakakunot ang noo niya na kanina pa nakadisplay sa mukha niya. Pumunta kami sa table ni Johnson at nakita ko rin na may mga kasama rin siya."Is this your new found friend John? I thought friend not friends?" sabi ng isang lalaki."He's my friend's friend-stranger," sabi naman ni John kaya napa hagikhik ako."By the way this is Jay. The girl I met earlier," pagpapakilala niya sa akin sa dalawa niyang kaibigan."Nice to meet you Jay. I'm Terence and the girl beside me is Oprea," pagpapakilala ni Terence sa akin. Si Oprea naman ay ngumiti lang. Kapansin-pansin ang pagiging mahiyain niya.Umupo ako sa tabi ni Johnson."By the way this is Lorenzo," pagpapakilala ko kay Lorenzo sa kanila. Para kasing wala siyang balak magpakilala kina Johnson. Narinig ko naman siya napa tsk kaya pasimple na inapakan ko ang sapatos niya."Hey the music now is go
Napahikab ako dahil sa antok. Kasalukuyan nag-iimpake ako ng mga damit ngayon. Wala na akong balak pa matulog dito sa hotel na kasama si Lorenzo. Tumawag din si papa sa akin na susunduin daw ako ni Commander Leo para pumunta sa kampo. Nang marinig ko iyon mula kay papa ay labis ang Kasiyahan na nadarama ko dahil muli ko na naman makikita ang mga dati kong mga kasamahan at ang kampo."Don't worry anak. I already told Franco about this. And also it was written in the contract that I can call you whenever the camp needs you," iyan ang sabi ni papa sa akin kanina. Nasa sala na rin si commander Leo habang ine-entertain ni Lorenzo.Pagkatapos ko mag-impake ay lumabas ako ng kwarto ko. Nadatnan ko sila sa sala na tahimik. Si commander Leo ay parang feel at home habang si Lorenzo ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha.Ano kaya ang problema niya? Tumayo si commander Leo ng makita ako."I'll take your bag." Kinuha niya sa akin ang backpack ko habang may ngiti sa labi."Alis na kami
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si papa. Bumalik ako sa upuan ko at pinagmasdan si papa na umupo sa kanyang upuan."Naka alis na po ba si Lorenzo pa?" tanong ko."Sasabay daw siya sayo anak sa pag-alis," seryosong sabi ni papa sa akin."Po? Pero paano kung malaman niya na isa akong sniper? Baka malaman ng mga terorista ang pagkatao ko at madamay pa kayo?" nag-alala na tanong ko. Ipinatong ni papa ang dalawang siko niya sa lamesa at pinagsaklop ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa akin ng seryoso."I told him about you," sabi ni papa na ikanagulat ko."Why?" naguguluhan ko na tanong kay papa."He will not told anyone about you. Don't worry. He didn't know about the whole thing of you in this kind of job," sabi ni papa at nginitian ako. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman kung ganon."By the way pa, bakit niyo po ba ako tinatawag dito?" tanong ko at seryoso ang mukha ni papa."After three months you need to go back here." Napatingin ako kay papa na may ngiti sa labi
Ngayon ang araw na uuwi na ako sa Manila para gampanan ang pagiging special cop. Ngayon pa lang ay namimiss ko na ang kasamahan ko rito. Napatingin naman ako kay senior Belly na nagiging emotional na naman. Ganyan talaga siya kapag may umaalis sa camp. Hindi ko masasabi na bading siya dahil matikas ang katawan niya at malapit sa mga babae. Ang iba ko pang mga kasamahan ay pinalibutan ako."Ano ba kayo? Huwag nga kayo maging oa diyan. Magkikita pa naman tayo," sabi ko at kinindatan sila. I may be the heartless person but I'm also the most jamming person when it comes to my comrades."Can you stay here?" tanong ni Vilko. Binatukan ko naman siya kaya napatawa ang iba."Sige na aalis na kami," sabi ko. Aalis na sana ako ng lumapit si commander at niyakap ako ng mahigpit. Tinapik ko ang balikat niya ng kumalas na siya sa pagkakayakap."I need to go. Tell papa that I'm going now," sabi ko sa kanya kaya tumango siya. Sa huling pagkakataon ay kinawayan ko silang lahat at binigyan ng matamis na
Seven pm na ng gabi at kakauwi ko lang galing sa mansion ni lolo. Napahaba kasi ang kwentuhan namin. Sobrang gaan ng pakiramdam ko dahil sa wakas ay nagkaayos na kami ni lolo. Naisipan ko naman na tawagan ko muna si papa at ipaalam sa kanya ang mga nangyari sa akin dito sa araw na ito lalong-lalo na nagkaayos na na kami ni lolo. Agad ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan si papa."Hello anak, kamusta ang byahe mo?" malambing na tanong ni papa sa akin. Napangiti naman ako."Maayos naman po ako nakarating dito, pa," nakangiting sagot ko at humiga sa kama ko."Good to hear that," he said."Pa, inimbitahan ako ni lolo na pumunta sa mansyon niya at agad naman ako dumiretso doon," wika ko sa kanya. Halata sa boses ko ang saya na inilarawan ang mga iyon. Biglang tumahik sandali si papa sa kabilang linya pero nagsalita rin kalaunan."Anong ginagawa mo roon?" mahinang tanong ni papa."Humingi ng tawad si lolo sa mga nangyari noon. Syempre pinatawad ko po siya. Alam ko na mali ang ginawa niya