Share

Chapter 2

Author: Quimjii
last update Last Updated: 2021-07-12 08:22:33

It's been a month since I saw my two grumpy cousins with their grumpy friend. Kakagising ko lang at pagtingin ko sa lalagyan ng shampoo ko ay ubos na pala kaya lumabas ako ng bahay para bumili ng shampoo sa tindahan na katabi ng bahay namin.

"Ayo! Palit ko ug usa ka shampoo na Silky, (Tao po! Pabili po ng shampoo na silky)," sabi ko sa tindira.

"Wait lang Jay," sabi niya at ibinigay sa akin ang binili ko. Binayaran ko na siya at aalis na sana ng pinigilan niya ako.

"Jay, taas na imong buhok. Lapas na sa imong abaga. Wala kay plano magpaputol usab? (Jay, mahaba na ang iyong buhok. Wala ka bang plano na magpagupit ulit?)" Tanong ni aling Dalia ng mapansin niya na mataas na ang buhok ko.

"Magpaputol ko ug buhok unya teh. Sige, adto sa ko, (Magpapagupit po ako mamaya ale. Sige po, aalis na po ako)," sabi ko at bumalik na sa loob ng bahay. Agad ako nagtungo sa banyo para maligo. Sa tagal ko na rito sa Mindanao medyo magaling na ako magsalita ng bisaya. Sa unang araw pa lang ng pag-aaral ko ng bisaya ay sobrang nahirapan ako pero mabuti na lang ay marunong mag tagalog ang mga tao rito at naiintindihan nila ako kapag napapatagalog ako.

Pagkatapos ko maligo ay nagsuot lang ako ng white short na two inches above the knee at puting sleeveless. Tenernuhan ko ng puting sapatos ang damit na suot ko. Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko ay kinuha ko ang listahan na bibilhin ko pati na ang wallet ko na nasa aparador at saka ko tinago sa bulsa ng short ko. Pagbaba ko, nadatnan ko na may nakahain na pagkain sa lamesa at sa tabi nito ay may sticky note na nakalagay kaya binasa ko ito.

"Anak, papasok muna ako sa opisina. Nakahanda na ang pagkain mo sa lamesa at kung nilamig man ay ipainit mo na lang. Mamayang hapon o ng tanghali pa ako uuwi, your machong papa." Pagbasa ko sa mensahe na nilagay niya sa sticky note. Natawa nalang ako at kinain ang hinandang pagkain ni papa para sa akin. Minsan ay napapatawa na lang ako sa mga lumalabas na biro sa bibig ni papa. Sinikap niya talaga na maging matatag sa harap ko kaya na paka swerte ko talaga na naging papa ko siya. Mainit pa naman ang pagkain hinanda niya kaya okay lang na hindi ko na initin ulit ito.

Ilang oras ang lumipas simula ng umalis ako sa bahay para bumili ng mga kailangan ay sa wakas, nakarating na ako sa loob ng mall at dumeritso ako sa paborito ko na salon, ang Pamela salon. Pagkakita ni Mamela sa akin, ang may ari ng salon, ay agad niya ako niyakap at nakipag-beso-beso.

"Jay, how are you? Bakit ngayon ka lang ulit dumalaw sa akin pagkatapos ng six months?" Nagtatampong tanong niya. Nginitian ko siya dahilan para mapangiti rin siya.

"Magpapagupit ako ng buhok hanggang batok ang label. Ibig ko sabihin ay 'yong short bob haircut," sabi ko na ikinagulat niya.

"Sigurado ka dear? Sayang ang buhok mo. Noon hanggang sa balikat lang ang label na ipinapagupit mo. Pero sa bagay, mas bagay sa iyo ang short bob haircut," sabi niya at napangiti.

Isang oras ang lumipas tapos na ang paggupit niya sa buhok ko. Sa katunayan ay kalahati ng isang oras ay naubos sa kadaldalan ni mamela. Pagtingin ni Mamela sa mukha ko ay halata sa mukha niya ang pagkamangha.

"Ang galing ko talaga. You're so beautiful dear. Ganyan na lang ang gupit mo palagi." Pagpuri niya sa sarili niya at sa kagandahan ko. Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya at nginitian ko siya pagkatapos. Nagpaalam na ako kay Mamela pagkatapos at dumeritso ako sa unang palapag ng mall dahil nandoon ang market section. Hindi pa man ako nakapasok sa market section ng mall ay biglang may humablot sa kamay ko. Pagharap ko sa taong humablot sa kamay ko ay si Nate pala kaya nagulat ako ng makita siya rito sa loob ng mall. Akala ko ba ay umuwi na siya sa Manila?

"Jay, can we talk?" Tanong ni Nate. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tinignan ang paligid. Hindi niya pala kasama si Thomas kaya tinignan ko siya ng seryoso.

"I don't have time to talk," I said. Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana ako ng niyakap niya ako mula sa likod na ikinagulat ko. Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Nag salubong din ang dalawang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"Please, this is really important," sabi niya habang nagmamakaawa. Naghahanap ba ng gulo ang bakulaw na ito? Pinag titinginan na kami ng mga tao rito. Baka mapagkamalan pa siya na pedophile kasi ang taas niya at halata sa kanya na nasa 30's na siya habang ako naman ay nasa bente-dos anyos na na hindi man lang napagkamalan na bente-dos dahil sa liit ko at sa mukha ko. Ngayon ay pinag bubulungan na kami.

"Please," aniya. Napabuntong hininga na lang ako at inapakan ang paa niya pero hindi niya pa rin kinalas ang pagkakayakap niya mula sa likod ko. Hindi ko naalala na na tandaan na may ganitong side siya. Gustong-gusto ko siyang sapakin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na gumawa ng gulo. Ganito ba siya makiusap? Whew napaka corny. Kinalas ko ang mga braso niya na nakapalibot sa tiyan ko at hinarap siya.

"Mamimili muna ako ng mga grocery at sa bahay ko na tayo mag-usap," sabi ko. Tumango naman siya at niyakap ako dahil sa saya kaya binatukan ko siya para tumigil na sa pagyakap sa akin. Ang weird niya ngayon, simula nagkita kami noong nakaraang buwan may napansin na ako sa kanya. He change, I think? Hmm, baka another scheme na naman niya ito para i-bully ako. Sa ngayon ay o-obserbahan ko muna siya. Pero kapag may balak na naman siya na i-bully ako ay hindi ako magdadalawang-isip na labanan siya. Hindi na ako tulad ng dati na nilalait nila.

"Thank you, Jay." Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. Napaginhawa naman ako mula sa pagpigil ko ng hininga. Kinuha ko ang cart at itutulak na sana ng kinuha niya ito mula sa akin at nag boluntaryo na siya na ang magtulak ng cart. Hindi na ako nakipagtalo pa at nilagay na lang ang mga items sa cart.

Tanong siya ng tanong kung ano ang gagawin ko sa mga pinamili ko at sagot lang din ako ng sagot. Minsan ay napapaisip ako na ang kapal ng mukha ni Nate. Ang kaswal niya kasi makipag-usap sa akin. Wala naman talaga akong hinanakit sa kanila pero hindi ko makalimutan kung paano nila ako tratuhin noon. Pagkatapos ko mabayaran ang mga pinamili ko ay siya na ang bumitbit sa apat na malaking eco bag na naglalaman ng mga pinamili ko. Nag boluntaryo rin siya na sa kotse niya na lang daw kami sasakay kaya hindi na ako nagprotesta pa.

Habang nasa loob ng sasakyan ay tumawag si kuya Tommy.

"Hello? Bakit ka napa tawag kuya Tom?" Tanong ko sa kanya.

"Jay, I think I'm in love with her," sabi niya at alam ko na sinabunutan na niya ang sariling buhok niya ngayon. Napa tawa ako ng sumagi sa isip ko iyon.

"Jay, I know she is unaware of being in love with some other guy. What should I need to do?" He asked. Napailing na lang ako. Na paka komplikado pala ng sitwasyon niya.

"May the best man win," I said. Narinig ko naman na napabuntong-hininga siya sa kabilang linya.

"Ayos ka rin mag-advice noh? But you are right. Okay Jay, bye. Thank you for the advice," he said.

"Bye too kuya Tom, take care always," sabi ko habang nakangiti at pinatay na ang tawag.

Muli ay tahimik na naman ang loob ng kotse. Binasag ni Nate ang katahimikan at nagtanong.

"Tama ba itong tinatahak ko Jay?" Tanong niya.

"Yes," sabi ko at tumingin sa labas ng bintana. Ilang sandali ay nagtanong siya kung saan liliko kaya itinuro ko sa kanya.

Mga ilang sandali ay nakarating na rin kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba ako at binuksan ang gate. Nakasunod lang sa akin si Nate.

"Paki lagay na lang ang mga pinamili ko sa lamesa doon sa kusina," sabi ko. Umupo ako sa upuan sa sala at pumunta rin dito sa sala si Nate pagkatapos niya ma ilagay ang mga pinamili ko.

"So ano ang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya habang naka de kwatro ang mga binti ko. Napakamot naman siya sa batok.

"Pwede sa pagdating na lang ni Pang para malaman din ni Pang?" Nahihiya niyang sabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Akala ko ba ay mag-uusap kami? Bakit kailangan pa na kasali si papa sa usapan namin?

"Okay, bumalik ka na lang dito mamayang hapon kasi mamaya pa uuwi si papa," sabi ko at tinignan siya ng seryoso. Napangiti naman siya ng hilaw.

"Pwede dumito muna ako? Nag sent kasi ako ng message kay Thomas na pumunta rito." Napakamot siya sa batok habang nakiusap. Tinignan ko siya sa mata kung seryoso ba siya. Is he serious? So nandito sa Iligan City si Thomas? Napa hissed na lang ako.

"Libre ang upuan kaya pwede ka umupo. Wala 'yan bayad," sabi ko na ikinangiti niya.

"Salamat," sabi niya at umupo sa upuan na kaharap ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pupunta na sana sa kusina ng magsalita siya ng seryoso.

"I'm sorry Jay. I hope you forgive me for the bad things I'd done to you 17 years ago." He apologized. Oo nga pala, syete anyos pa ako ng nilisan namin ang mansion.

"I didn't blame you but I will never forget what you and Thomas did to me. But you don't have to worry, you are still my cousins and immature at that time. About not calling you 'kuya', I'm sorry. It's just weird to call you like that and oh, feel at home," I said.

Medyo bakas sa mukha niya ang sakit at saya dahil sa mga sinabi ko. Iniwan ko siya sa sala at inayos ang pinamili ko sa kusina.

Nagluto na rin ako kasi gutom na ako. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko nang biglang tumunog ito. Pag-on ko sa screen ay pangalan ni papa ang tumambad dito.

From: Papa

"Anak, uuwi ako sa tanghali kasi dyan ako manananghalian." Napangiti naman ako sa nabasa.

To: Papa

Okay po pa. Nandito po pala sila Nate at Thomas sa bahay. May sasabihin daw po na importante."

Hindi nagreply si papa. Siguro ay umalis na agad iyon sa opisina niya.

Pagkatapos ko magluto ay tamang-tama lang din ang oras kasi dumating na si Thomas. Bigla ko na alaala na may pagkapareho ng pag-uugali sina Thomas at Nate. Si Thomas ay biglang umaakbay na walang paalam at si Nate naman ay biglang yumayakap. Napaisip tuloy ako kung ginagawa ba nila iyon sa mga kaaway nila. Remember, kaaway ang tingin nila noon sa akin pagdating sa atensyon ni lolo.

"Where's my baby?" Sigaw ni Thomas na akala mo nakalunok ng megaphone. Medyo weird talaga ang mga pagbabago nila at ang pakikitungo nila sa akin. Parang may nagpabago sa kanila? Bahala na nga. Hinanda ko ang pagkain sa lamesa at nakita ko na binatukan siya ni Nate pero binaliwala niya iyon at dumeritso sa akin.

"Baby! Finally I saw you again," he said at ang kulit lang. Nairota tuloy ako sa presensya niya. Tinignan ko siya ng seryoso kaya napahinto siya at hindi natuloy ang pagyakap niya sa akin.

"Ang bangis mo naman makatingin sa akin, Jay," sabi ni Thomas habang napakamot siya sa kanyang ulo.

"Nag-text si papa na uuwi siya ngayon," pag-iiba ko ng usapan. Napansin ko na parang napahinto sila sa pagkilos.

"Grabe, mas naging hot si pang diba Nate?" sabi ni Thomas na sinang-ayunan naman ni Nate. Biglang sumeryoso ang mukha ni Thomas at tumingin sa akin. Umupo ako at inalukan sila ng upuan na tinanggap naman nila.

"Jay, I saw your picture with pang. You two are wearing uniform of soldier. Are you a professional soldier now?" Seryosong tanong ni Thomas. Sasagot na sana ako ng si papa na kakadating lang ang sumagot.

"Yes she is," seryosong sagot ni papa.

Tumayo ang dalawang pinsan ko at nagmano kay papa. Iyan, dapat matakot kayo kay papa. Napatawa na lang ako ng palihim dahil sa mukha nila na gulat na gulat at parang nawalan ng dugo ang kanilang mga mukha.

Mas mataas si papa kay sa kanilang dalawa kaya lumabas ng kusa ang awra ni papa sa pagiging ma awtoridad at pagiging superior. Sa kanya ako nagmana sa pagiging superior pero iyong height ko ay nagmana sa lola ko na mama ni papa, si lola Charlotte na ngayon ay matanda na.

"Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang sasabihin niyo na importante," ma awtoridad na sabi ni papa. Nangatog ang mga tuhod ng dalawang pinsan ko na pagpunta sa hapagkainan habang ako ay nagpipigil ng tawa.

Pagkatapos namin kumain nandito kami sa sala. Katabi ko si papa habang nasa harap namin sila Nate at Thomas.

"Spell it out." Papa commanded.

"Ganito po kasi pang. Si lolo inatake sa puso at ayaw magpagamot sa ospital dahil gusto niya na makita kayong dalawa ni Jay," nag-aalala na sabi ni Nate. Hindi agad nakapagsalita si papa. Kahit ako ay hindi agad nakapagreply sa sinabi nila. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanila o hindi.

"Kung ang ipinunta niyo dito ay para dalhin kami sa kanya ay makakaalis na kayo," seryosong sabi ni papa. Hindi maitsura ang mukha nila Nate.

"Please pang, kahit bisitahin niyo lang si lolo," pagmamakaawa ni Thomas. Napabuntong-hininga naman si papa at napatingin sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Walang mawawala kung bibisitahin namin si lolo, at isa pa ay gusto ko na makita ni lolo ang pinagbago namin.

"Sige, bukas ay luluwas kami pero hindi tayo sabay na luluwas kasi may importante pa kaming aasikasuhin ni Jay." Pagsang-ayon ni papa. Napangiti ang dalawang pinsan ko at nagpasalamat. Inirapan ko lang silang dalawa ng napatingin sila sa akin. Pagkatapos ng sadya nila sa amin ay nagpaalam na silang dalawa. Pagkaalis nila ay dumiretso si papa sa kwarto kaya sinundan ko siya.

"Are you okay pa?" Tanong ko sa kanya. Nadatnan ko siya na tinitignan ang litrato namin na kasama si mama. We miss her so much. Lumapit ako at niyakap si papa sa gilid.

"I just miss your mom. I hope she's happy now," Malungkot na sagot ni papa sa tanong ko. I don't think so pa. If buhay pa si mama, hindi siya masaya na mawalay sa atin ng matagal. I know sobrang tagal na mula ng mawala si mama pero hindi pa rin ako susuko na mahanap si mama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Between Bullets   Chapter 58

    Hindi ako mapakali dahil sa nangyari kanina. Alam ko na mahal ako ni Lorenzo pero hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Stacy. Nagpasa ako ng mensahe kay Lorenzo na ipaalam niya sa akin kung kailan matatapos ang misyon niya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpasa ng mensahe sa akin.Sinubukan ko tawagin si Chief Franco kung nanpadaan ba si Lorenzo sa opisina niya. Ngunit ang sagot niya ay hindi pa daw dumadating si Lorenzo sa opisina niya.Ayaw ko maghinala baka mali lang ang magiging akala ko. Alam ko na wala na sila ni Stacy. Ngunit hindi mawala sa akin na minsan na niya nilihim sa akin ang pagkikita nila ni Stacy.Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay commander Leo tungkol sa lokasyon at oras ng aming pagkikita mamaya.Sinubukan ko na tawagin si Lorenzo na ipapaalam ko sa kanya na may lakad ako ngayon ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Iniisip ko na lang na baka abala siya sa misyon niya. Hindi na ako nag iwan ng mensahe at naghanda na para sa gagawin n

  • Love Between Bullets   Chapter 57

    Bakit nandito si Stacy?“Lorenzo!” Masayang sigaw ni Stacy, at tumakbo patungo kay Lorenzo.Niyakap niya si Lorenzo na ikinataas ng dugo dahil sa selos.Bakit nangyayakap ng may mag-aari ang impokreta na ito.Agad ko hinila si Lorenzo at itinulak ng bahagya si Stacy pero hindi gaano kaalas. Tama lang ang lakas na ginamit ko para kumalas siya sa pagkakayakap kay Lorenzo. Ngunit sumubsob siya sa semento."Huhuhu, Lorenzo may galit ba ang girlfriend mo sa akin?" Tanong niya at umiiyak dahil sa ginawa ko."That-" hindi natapos ang sasabihin ko ng agad tinulungan ni Lorenzo si Stacy na makatayo."Are you okay?" Nag-alala niyang tanong. Nakonsensya naman ako dahil sa ginawa ko. Pero hindi naman ganun kalakas ang pagtulak ko sa kanya para sumubsob siya sa semento.Mapagpanggap!"Hindi ko alam Lorenzo, ayaw ko ulit ma hospital. Lalo na ayaw kita pagurin na magbantay at bumisita sa akin sa hospital katulad noong mga nagdaang araw," sabi ni Stacy at kumapit pa sa braso ni Lorenzo.Nakita ko nam

  • Love Between Bullets   Chapter 56

    Dinala ako ni Lorenzo sa isang malaking restaurant na ngayon ko lang na bisita. Pinagmasdan ko si Lorenzo na ngayon ay bumaba sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Napaka ginoo niya talaga ngayon. Inabot niya ang kanyang kamay kaya napangiti ako dahil sa kilig. Tinanggap ko naman ito at nakaramdam ako ng kuryente nang maglapat ang mga balat namin sa kamay.Normal lang siguro ito dahil mahal ko siya. Pakiramdam ko rin na biglang uminit ang pisnge ko.“Okay ka lang ba, darling? Bakit ang pula ng mukha mo?” Nag-alala niyang tanong.“I’m okay, darling,” sagot ko sa kanya. May kung anong paru-paro rin akong nararamdaman sa tuwing tinatawag niya ako sa eaderment namin.Kung alam lang niya kung sino ang may kasalanan kung bakit namumula ang mukha ko. Kasalanan mo ito Lorenzo. Bakit kasi ang gwapo mo? Ayan tuloy na hulog ako sa iyo.Ibinigay niya ang kanyang kanang braso na tinaggap ko naman. Ang tikas ng kanyang braso. Parang pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nakahawak ako sa kanyang bras

  • Love Between Bullets   Chapter 55

    Pagkatapos ipasyal si Jay ng kanyang lolo sa harden ay sunod na ipinasyal siya sa iba pang parte ng kanilang mansion at isinalaysay ng kanyang lolo ang mga kasaysayan nito.Nang sumapit na ang gabi ay nagtipon-tipon silang magpapamilya kasama ang dalawang pinsan niya at ang mga ina nito.“Sana nandito si Justin,” sabi ng kanyang lolo habang nakatingin sa bakanteng upuan.“Oo nga po pa kaso nasa malayo siya,” komento naman ng mama ni Nate.“Baka sa susunod ay nandito na si Justin. Ang importante ay nandito si Jay kasama natin na kumakain,” pagkomento naman ng mama ni Thomas.Tahimik lang si Jay sa harap ng kanyang pagkain habang iniisip ang kanyang ama na nasa kampo.Bigla niya naalala ang pangako niya sa kanyang mga kasamahan sa kampo. Bigla siyang naguilty dahil hindi niya matutupad ang kanyang pangako sa kanyang kasamahan.Pagkatapos nilang kumain ay isa-isa silang umalis sa hapagkainan. Pagkatapos kumain ni Jay ay nagpaalam siya na mauna ng pumunta sa kanyang kwarto dahil pagod na

  • Love Between Bullets   Chapter 54

    Lumayo agad si Lorenzo at nilagay ang pagkaing dala sa bakanteng lamisa. Umupo naman siya sa bakanteng upuan at hinarap si Stacy habang ang mga braso nito ay naka cross sa dibdib.“Huwag mo ng ulitin gawin iyon,” mahinahong sabi ni Lorenzo kay Stacy.“Ang alin?” inosenteng tanong ni Stacy kay Lorenzo. Napabuntong hininga naman si Lorenzo dahil sa inakto ng dating nobya.“Stacy, alam mo na hiwalay na tayo at wala na dapat namamagitan sa atin. Ang ibig ko sabihin ay huwag mo ako halikan sa pisnge gaya ng ginagawa mo dati noon noong tayo pa,” paliwanag ni Lorenzo.“Yan ba ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Stacy habang natatawa na ikanakunot ng noo ni Lorenzo. “Huwag kang mag-alala Lorenzo. Normal lang ‘yong ginawa ko. Ganun ang pagbati namin doon sa ibang bansa at nasanay ako na ganun ang pagbati,” paliwanag ni Stacy sa kanya.Napahinga naman ng maluwag si Lorenzo ng marinig ang paliwanag ni Stacy. Pinagmasdan naman ni Stacy ang reaksyon ni Lorenzo sa naging paliwanag niya. Biglang nagta

  • Love Between Bullets   Chapter 53

    Sa panig ni Jay, nang makapasok siya sa guest room na inuukupa niya ay may bigla siyang naalala na itanong kay Lorenzo. Muli siyang lumabas sa guest room, at hinanap si Lorenzo upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na nasa isip niya.Ngunit hindi niya matagpuan si Lorenzo sa loob ng bahay ni chief Franco kaya hinanap niya ito sa labas. Nakita naman niya na lumabas ng gate ang kotse ni Lorenzo kaya sinubukan niyang tawagan ang number ni Lorenzo dahil hindi niya ito mahabol upang tanungin kung saan siya pupunta sa ganitong oras.Ngunit hindi niya ma contact si Lorenzo dahilan upang mag alala siya sa kanyang nobyo. Napagdesisyonan niya na pumasok sa loob upang bumalik sa guest room at nag text kay Lorenzo tungkol kung saan siya ngayon. Mga ilang sandali ay nakatulog si Jay kakahintay sa tawag o sa reply ni Lorenzo sa kanyang text.Kinaumagahan, nagising si Jay dahil sa ingay sa kanyang paligid. Nang inimulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Risley at Marinette na nagtataw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status