Share

Chapter 3

Author: Quimjii
last update Last Updated: 2021-07-12 08:25:47

Kahapon lang kami nakarating dito sa Manila at bumili si papa ng bahay na matitirhan namin habang namamalagi kami rito sa Manila. Okay na rin siguro bumili si papa ng bahay para kapag may mission man ako dito ay hindi ko na kailangan mag hotel pa. Noon kasi minsan ay ina-assign kami sa malalayong lugar. Papa wanted me to resign being a soldier and he wanted me to focus in my other course which is business. May business kami at paminsan-minsan ay tumutulong ako kay papa. Sa katunayan ay hindi pa ako nakapagtapos sa business course ko at lumipat agad ako sa pag-aaral sa pagiging sundalo

Sinubukan ko tumigil ng isang buwan pero hinahanap-hanap ko ang pagiging sundalo. I know my father wanted me to be safe but he also supported my likes and wants. Pero dahil sa nangyari noon na muntik na ako maubusan ng dugo ng nabaril ako malapit sa puso ay doon na ako pinatigil ni papa. Actually hindi talaga ako tumigil. May kasunduan kami ni papa. Magpapahinga muna ako ng tatlong taon sa serbisyo at libangin ang sarili ko sa mga kinaadikan ko noong junior high pa ako.

Ang pag d-dj at cosplay ang kinakaadikan ko noon kaya iyon din ang ginagawa ko mula ng nagpapahinga ako sa serbisyo. Nasa loob ako ng kwarto ngayon at inaayos ang mga damit ko at ang mga gamit pang cosplay. May kumatok sa pinto at pumasok si papa.

"Anak, bibisita tayo mamayang hapon sa lolo mo. Maghanda ka," seryosong sabi ni papa. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

"Okay po," sabi ko.

Lumipas ang mga oras ay sumapit ang hapon kaya pumunta na kami ni papa sa mansion ni lolo. Kasalukuyan nasa tapat kami ng mansion ni lolo. Napabuntong hininga si papa kaya kumapit ako sa braso niya at pinatatag ang loob niya.

Pumasok ang sasakyan sa malaking gate at tumapat ito sa harap ng malaking pinto ng mansion. Nakaabang na ang mga pinsan ko sa harap ng pinto pati sina tita na mga magulang nila na mga kapatid na babae ni papa. Unang lumabas si papa at sumunod ako.

"Justine! Mabuti nandito na kayo." Masayang salubong ni tita Kate sa amin at niyakap si papa. Ganun din ang ginawa ni tita Teresa.

"Matagal ka namin hindi nakita," nag-aalalang sabi ni tita Teresa. Biglang napatingin sila sa akin at ngumiti ng pagkalakilaki.

"Ikaw na ba 'yan Jay? Ang laki mo na," masayang sabi nila tita Teresa at tita Kate. Niyakap nila ako isa-isa. Napangiwi naman ako dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap nila. Nagmano ako at tumabi ulit kay papa.

"Masaya ako na makita ka Jay. Alam mo namiss kita. Ikaw lang kasi ang nag-iisang babae sa generation niyo sa pamilya natin. Hindi na kasi kami pwede manganak ng tita mo kaya itong masakit sa ulo na mga pinsan mo ang meron lang kami. Hali ka at samahan mo kami sa loob," sabi ni tita Kate. Kukunin na sana ako nila Tita ng pinigilan sila ni papa.

"We will not stay here for too long. After we visit dad, we have something important to do," seryosong sabi ni papa. Napaismid naman sila tita.

"Ang damot mo naman bunso. May karapatan din kami sa pamangkin namin," nagtatampong sabi ni tita Kate at inirapan si papa. Napahagikhik naman ako ng palihim dahil sa inasta ni tita Kate. Hindi parin siya nagbabago.

"Sige na nga basta Jay, bumisita ka sa amin ha?" sabi naman ni tita Teresa kaya tumango ako. Sabay-sabay kami pumunta sa tapat ng kwarto ni lolo. Kumatok si papa ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

Sa pagkakataon na ito ay nakaramdam ako ng kaba dahil muli ko makakaharap si Lolo. Nang tuluyan ko na siyang nakita, pagkagulat ang rumehistro sa kanyang mukha. Hindi niya siguro inaasahan na pupunta kami rito.

Hindi pa kami nakakalapit ay biglang sumigaw si lolo.

"Anong ginagawa niyo dito? Umalis kayo! Hindi ko kayo kailangan!" Sigaw ni lolo at pinagbabato kami ng unan. Pinigilan naman siya nila tita.

"Stop it dad. They are here to visit you," Pagpapakalma nila tita kay lolo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nagpaalam la lang ako kay papa na umuwi sa bahay dahil hindi ko matatagalan ang ganitong eksena. Umalis ako sa iksena na iyon at umuwi sa bahay ng mag-isa. I need to cool myself or else I'll lost my patience again. Right, I'm going to look for a hiring as an extra DJ.

Aalis na sana ako ng bahay nang naabutan ako ni papa. Siguro ay hindi rin siya nagtagal sa loob ng mansion ni lolo. Nagpaalam ako kay papa bago umalis.

"Aalis muna ako pa," sabi ko at umalis na. I need to divert my attention now.

"Okay. Just don't be late," he said. Tumango na lang ako at hiniram ang kotse niya. Ang target ko ay sa mga bar. Medyo malayo na ako sa lugar namin kakahanap ng bar at madilim na. Nang tingnan ko ang oras ay alas syete na ng gabi. Sa unahan ay may nakita ako na isang building na maraming lumalabas at pumapasok na mga tao. Halos mga maliliit ang mga damit na suot ng mga kababaihan. Tinignan ko ang suot ko. A black large T-shirt with a bloody rose printed with it, a white short above the knee and a robber shoes. Pwede na siguro ito.

I parked the car in the parking lot. Binitbit ko na rin ang mga kailangan ko para hindi na naman ako harangan ng mga guard tulad ng dati. Katulad ng hinala ko kanina ay hindi ako pinayagan na pumasok kasi napagkamalan ako na underage. Mabuti na lang dala ko ang ID ko at pinapasok na nila ako. Pagpasok ko pa lang ay nakikita ko na ang wild dance floor, ang mga wild people at ang kabuuan dito.

Pumunta ako sa counter at nagtanong sa bartender.

"Excuse me? Nasaan po ang manager dito?" Tanong ko. Sinagot naman niya ang tanong ko pero halata sa mukha niya ang pagdududa sa akin.

"Wala po ang manager namin ngayon kasi day off niya po ngayon. Pero nandyan po sa huling table ang owner ng bar na ito," sabi niya at itinuro ang isang lalaki na parang may kaalitan sa cellphone.

"Sige po salamat," sabi ko at dumiretso sa itinuro niya.

"Excuse me po" sabi ko ng makalapit ako sa kanya at ibinaba niya naman ang cellphone niya. Humarap siya sa akin at nginitian ako.

"Yes? What can I do for you?" Nakangiti niyang tanong. Sinuklian ko siya ng isang napakatamis na ngiti at sinabi ang balak ko.

"I'm Jay Hambre and I wanted to be your extra DJ in this bar," I said straight forward. Nagulat naman siya sa sinabi ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Alam ko agad kung ano ang iniisip niya. At saka hindi pormal ang pag apply ko ng trabaho.

"Okay. Let's prove what you've got," he said and he smirked. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Kinakabahan din ako dahil bigla niya na lang ako binigyan ng pagkakataon ng walang background check sa akin. Bahala na, kung hindi ako matatanggap ngayon, pwede ko naman ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho sa ibang araw. Pumunta ang owner sa stage at may ibinulong sa DJ. Tumango naman ito at inihinto ang tugtug.

"Listen everyone. The Ghouls Bar is now observing the applicant DJ in this bar. The decision is all in yours. Now let us welcome, Jay Hambre," pagpapakilala sa akin ng owner sa bar na ito. Umakyat ako sa stage at pakiramdam ko ang tahimik ng paligid ko. Ibinigay ng DJ ang pwesto niya sa akin at pumwesto ako doon. Napabuntong hininga naman ako. Inayos ko ang mic na gagamitin ko at ang mga gamit na nasa harap ko. From one, two, three, I professionally play the things in front of me. After three seconds ng kumilos ako sa harap ng mga gamit ay muling nagsayawan ang mga tao sa harap and everything around me are getting wilder and beast. Natapos ako ng dalawang oras na hindi namamalayan ang oras.

Kasalukuyan nasa loob ako opisina na nakaupo sa couch kasama ang owner ng bar na ito. Umupo siya sa upuan na kaharap sa inuupuan ko habang nakangiti ng malapad.

"That was pretty awesome, Jay. You've got them all," pag komento niya sa naging performance ko.

"By the way I'm Luke Stevan, the owner of this bar," he said at nakipagkamayan sa akin.

"Since we already have a DJ, I'll give you three half days, Monday to Wednesday from 5pm to 10pm. Is that alright with you?" Tanong niya sa akin na ikinangiti ko. Mas okay na iyon kesa wala ako magawa habang wala pa ako sa serbisyo.

"I'm okay with that," I said and I gave him my sweetest smile. Tumayo na ako at iniwan sa table niya ang application form ko.

"Hey, DJay you'll start tomorrow at 5pm until 10pm," he said and smiled. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya bago umalis sa loob ng bar. This is it. I got a new job and maybe I can do a part time cosplay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Between Bullets   Chapter 58

    Hindi ako mapakali dahil sa nangyari kanina. Alam ko na mahal ako ni Lorenzo pero hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Stacy. Nagpasa ako ng mensahe kay Lorenzo na ipaalam niya sa akin kung kailan matatapos ang misyon niya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpasa ng mensahe sa akin.Sinubukan ko tawagin si Chief Franco kung nanpadaan ba si Lorenzo sa opisina niya. Ngunit ang sagot niya ay hindi pa daw dumadating si Lorenzo sa opisina niya.Ayaw ko maghinala baka mali lang ang magiging akala ko. Alam ko na wala na sila ni Stacy. Ngunit hindi mawala sa akin na minsan na niya nilihim sa akin ang pagkikita nila ni Stacy.Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay commander Leo tungkol sa lokasyon at oras ng aming pagkikita mamaya.Sinubukan ko na tawagin si Lorenzo na ipapaalam ko sa kanya na may lakad ako ngayon ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Iniisip ko na lang na baka abala siya sa misyon niya. Hindi na ako nag iwan ng mensahe at naghanda na para sa gagawin n

  • Love Between Bullets   Chapter 57

    Bakit nandito si Stacy?“Lorenzo!” Masayang sigaw ni Stacy, at tumakbo patungo kay Lorenzo.Niyakap niya si Lorenzo na ikinataas ng dugo dahil sa selos.Bakit nangyayakap ng may mag-aari ang impokreta na ito.Agad ko hinila si Lorenzo at itinulak ng bahagya si Stacy pero hindi gaano kaalas. Tama lang ang lakas na ginamit ko para kumalas siya sa pagkakayakap kay Lorenzo. Ngunit sumubsob siya sa semento."Huhuhu, Lorenzo may galit ba ang girlfriend mo sa akin?" Tanong niya at umiiyak dahil sa ginawa ko."That-" hindi natapos ang sasabihin ko ng agad tinulungan ni Lorenzo si Stacy na makatayo."Are you okay?" Nag-alala niyang tanong. Nakonsensya naman ako dahil sa ginawa ko. Pero hindi naman ganun kalakas ang pagtulak ko sa kanya para sumubsob siya sa semento.Mapagpanggap!"Hindi ko alam Lorenzo, ayaw ko ulit ma hospital. Lalo na ayaw kita pagurin na magbantay at bumisita sa akin sa hospital katulad noong mga nagdaang araw," sabi ni Stacy at kumapit pa sa braso ni Lorenzo.Nakita ko nam

  • Love Between Bullets   Chapter 56

    Dinala ako ni Lorenzo sa isang malaking restaurant na ngayon ko lang na bisita. Pinagmasdan ko si Lorenzo na ngayon ay bumaba sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Napaka ginoo niya talaga ngayon. Inabot niya ang kanyang kamay kaya napangiti ako dahil sa kilig. Tinanggap ko naman ito at nakaramdam ako ng kuryente nang maglapat ang mga balat namin sa kamay.Normal lang siguro ito dahil mahal ko siya. Pakiramdam ko rin na biglang uminit ang pisnge ko.“Okay ka lang ba, darling? Bakit ang pula ng mukha mo?” Nag-alala niyang tanong.“I’m okay, darling,” sagot ko sa kanya. May kung anong paru-paro rin akong nararamdaman sa tuwing tinatawag niya ako sa eaderment namin.Kung alam lang niya kung sino ang may kasalanan kung bakit namumula ang mukha ko. Kasalanan mo ito Lorenzo. Bakit kasi ang gwapo mo? Ayan tuloy na hulog ako sa iyo.Ibinigay niya ang kanyang kanang braso na tinaggap ko naman. Ang tikas ng kanyang braso. Parang pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nakahawak ako sa kanyang bras

  • Love Between Bullets   Chapter 55

    Pagkatapos ipasyal si Jay ng kanyang lolo sa harden ay sunod na ipinasyal siya sa iba pang parte ng kanilang mansion at isinalaysay ng kanyang lolo ang mga kasaysayan nito.Nang sumapit na ang gabi ay nagtipon-tipon silang magpapamilya kasama ang dalawang pinsan niya at ang mga ina nito.“Sana nandito si Justin,” sabi ng kanyang lolo habang nakatingin sa bakanteng upuan.“Oo nga po pa kaso nasa malayo siya,” komento naman ng mama ni Nate.“Baka sa susunod ay nandito na si Justin. Ang importante ay nandito si Jay kasama natin na kumakain,” pagkomento naman ng mama ni Thomas.Tahimik lang si Jay sa harap ng kanyang pagkain habang iniisip ang kanyang ama na nasa kampo.Bigla niya naalala ang pangako niya sa kanyang mga kasamahan sa kampo. Bigla siyang naguilty dahil hindi niya matutupad ang kanyang pangako sa kanyang kasamahan.Pagkatapos nilang kumain ay isa-isa silang umalis sa hapagkainan. Pagkatapos kumain ni Jay ay nagpaalam siya na mauna ng pumunta sa kanyang kwarto dahil pagod na

  • Love Between Bullets   Chapter 54

    Lumayo agad si Lorenzo at nilagay ang pagkaing dala sa bakanteng lamisa. Umupo naman siya sa bakanteng upuan at hinarap si Stacy habang ang mga braso nito ay naka cross sa dibdib.“Huwag mo ng ulitin gawin iyon,” mahinahong sabi ni Lorenzo kay Stacy.“Ang alin?” inosenteng tanong ni Stacy kay Lorenzo. Napabuntong hininga naman si Lorenzo dahil sa inakto ng dating nobya.“Stacy, alam mo na hiwalay na tayo at wala na dapat namamagitan sa atin. Ang ibig ko sabihin ay huwag mo ako halikan sa pisnge gaya ng ginagawa mo dati noon noong tayo pa,” paliwanag ni Lorenzo.“Yan ba ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Stacy habang natatawa na ikanakunot ng noo ni Lorenzo. “Huwag kang mag-alala Lorenzo. Normal lang ‘yong ginawa ko. Ganun ang pagbati namin doon sa ibang bansa at nasanay ako na ganun ang pagbati,” paliwanag ni Stacy sa kanya.Napahinga naman ng maluwag si Lorenzo ng marinig ang paliwanag ni Stacy. Pinagmasdan naman ni Stacy ang reaksyon ni Lorenzo sa naging paliwanag niya. Biglang nagta

  • Love Between Bullets   Chapter 53

    Sa panig ni Jay, nang makapasok siya sa guest room na inuukupa niya ay may bigla siyang naalala na itanong kay Lorenzo. Muli siyang lumabas sa guest room, at hinanap si Lorenzo upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na nasa isip niya.Ngunit hindi niya matagpuan si Lorenzo sa loob ng bahay ni chief Franco kaya hinanap niya ito sa labas. Nakita naman niya na lumabas ng gate ang kotse ni Lorenzo kaya sinubukan niyang tawagan ang number ni Lorenzo dahil hindi niya ito mahabol upang tanungin kung saan siya pupunta sa ganitong oras.Ngunit hindi niya ma contact si Lorenzo dahilan upang mag alala siya sa kanyang nobyo. Napagdesisyonan niya na pumasok sa loob upang bumalik sa guest room at nag text kay Lorenzo tungkol kung saan siya ngayon. Mga ilang sandali ay nakatulog si Jay kakahintay sa tawag o sa reply ni Lorenzo sa kanyang text.Kinaumagahan, nagising si Jay dahil sa ingay sa kanyang paligid. Nang inimulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Risley at Marinette na nagtataw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status