Share

Chapter 1

Author: Quimjii
last update Last Updated: 2021-07-12 08:19:42

"Anak, kasal na pala ng kaibigan mo ngayon. Pakisabi sa kanya na hindi ako makakadalo sa kasal niya dahil sa lagnat ko," mahinang sabi ni papa habang umuubo.

Nagdadalawang-isip tuloy ako kung dadalo ba ako sa kasal ni Margaret dahil sa kalagayan ni papa. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa tabi ng kama ni papa.

"Alam ko ang ekspresyon na iyan, anak. Huwag mo na akong alalahanin pa. Dumalo ka na sa kasal ng kaibigan mo," aniya. Nakangiti si papa nang sabihin niya iyon pero ayaw ko talaga siyang iwan nang mag-isa rito.

"Pero pa, hindi ako mapapakali kung iiwan kita rito ng may sakit," sabi ko at sinalat ang noo niya.

"Huwag kang mag-alala sa akin anak. Kilala mo naman ako, diba? Malakas pa ako at kumpleto pa ang eight pack abs ko," pagbibiro niya kaya napatawa na lang ako na ikinangiti niya.

"Anong konek ng eight pack abs mo, pa? O sige na nga pero babalik din ako agad pagkatapos niya ikasal," saad ko at hinalikan sa noo si papa.

Nagpaalam ako sa kanya at napabuntong-hininga ng makalabas na ako sa bahay. Sana pagbalik ko ay mawala na ang lagnat ni papa. Sumakay ako ng habal-habal papunta sa pangalawang entrance ng Tinago Falls. Pagdating ko sa entrance ay may tatlong lalaki na bumaba sa magarang van. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad pababa sa mahabang hagdan ay agad akong napahinto nang may humila sa braso ko mula sa likod ko. Pagharap ko sa humila sa akin ay agad na nanlaki ang mga mata nila na tila nakakita sila ng multo. Nabasa ko rin ang kuryosidad sa paraan ng pag tingin nila sa akin. Maging ako ay hindi inaasahan ang presensya nila ngunit hindi ko iyon ipinahalata.

"J-Jay? Is that you?" gulat na tanong ni Nate na pinsan ko. Kasama rin nito si Thomas.

"Bitawan mo ang braso ko," may awtoridad na utos ko na agad naman niyang sinunod. Tinalikuran ko sila at nagpatuloy sa pagbaba sa mataas na hagdan papunta sa Tinago Falls. Ilang taon na din ang nakalipas ng huli ko sila nakita. Bakit sila nandito? Ano ang ginagawa nila sa lugar na ito? Napangiti na lang ako ng palihim. Masaya ako na makita sila na ayos lang.

"Jay! Don't turn your back at me! I'm still talking to you!" Halata sa boses niya ang pagkairita dahil sa ginawa ko. I ignored him as I continue my way down to Tinago Falls. Masaya na sana ako na makita sila pero parang ganun pa rin ang ugali niya. Hindi ba siya nagbago? Atsaka, wala akong panahon na makipag-usap sa kanila ngayon. Nagmamadali ako dahil baka mahuhuli na ako sa kasal ni Margaret. Huminto ako sa unahan para sabihin ang mga kataga na nasa isipan ko na kanina pa.

"Don't talk to me, Nate," I said coldly. Opps, hindi ko makontrol ang tono ng pananalita ko sa kanya. Magpapatuloy na sana ako sa paglakad ng hinigit niya ang braso ko at hinawakan ito nang mahigpit.

"What did you just call me? Nate? Respect me, Jay! I'm ten years older than you!" sigaw niya sa akin. Grabe siya, unang reunion namin magpipinsan ay bulyaw agad ang ibinigay niya sa akin. Ngayon ay parang nakakawalang gana siya kausapin. Nginisian ko siya at saka binawi mula sa pagkakahawak niya ang braso ko nang walang kahirap-hirap na ikinainis niya. Parang ginaganahan tuloy ako na inisin pa siya. Hindi lang iyon, parang gusto ko rin tawanan ang namumula niyang mukha dahil sa inis.

Napabuntong hininga na lamang ako at nilinis ang tenga ko tapos hinihipan ang pingky na daliri ko na ginamit ko sa paglinis sa tenga ko. Sinalubong ng mga mata ko ang kaniya at binigyan siya ng isang malamig na tingin. Matapos ng ginawa nilang pang-aalipusta sa akin noon tapos ngayon gusto niya na irespeto ko siya? Nagpapatawa ba siya?

"Are you done? I need to go now," sabi ko at ngayon naman ay si Thomas naman ang pumigil sa akin at inakbayan ako. Nairita ako dahil sa inasta ni ni Thomas na para bang hindi niya ako binubully noon. No one will touch me like that again. Tinulak ko si Thomas na ikinagulat niya at ng kasama nila.

"You. Little. Stupid. Kid." Galit na sabi ng kaibigan nila at bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay may diin. Medyo nakakatakot ang mga mata niya. Gwapo sana ngunit nakakatakot.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbaba. Ayaw kong masayang ang oras ko ngayon. Wala akong panahon sa kanila upang makipag batian. Mas inaalala ko ang kalagayan ni papa. Una akong nakababa sa Tinago Falls at ramdam ko na malayo pa sila. Pumwesto na ako at hinintay ang partner ko. Ayaw ko sana maging bridesmaid ni Margaret ngunit nakiusap siya kaya tinanggap ko na lang dahil matalik ko siyang kaibigan. Ilang sandali ay may tumabi sa akin at sa paglingon ko ay yun palang lalaki na kasama nina Nate.

Ang sama ng tingin nito sa akin pero hindi ako nagpaapekto at binalewala ko lang iyon. Akmang magsasalita pa ito nang biglang nagbigay na ng hudyat, senyales na magsisimula na ang seremonya ng kasal.

Hindi ko na maipaliwanag ang kabagutan ko sa lahat ng kaganapan. Kahit ng mismong parte kung saan ay nagpapalitan na ng kanilang I dos ang ikinakasal ay walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang makauwi ako sa bahay. Napabuntong-hininga pa ako nang tipunin kaming mga bridesmaid para sa paghahagis ng bulaklak ni Margaret.

Nang ihagis ni Margaret ang bulaklak ay sa gawi ko ito napunta. Nabalot ng pag-ayieee ng mga kababaihan ang lugar but I only hissed at saka ibinigay ang hawak ko kay Vanji para lapitan si Margaret.

"Margaret, I need to go," saad ko. Tumango naman siya at bakas sa mukha niya ang pag-alala sa akin. Alam niya kasi na may sakit si papa at siya lang ang naiwan mag-isa sa bahay. Umalis agad ako at dumaan ulit sa dinaanan ko kanina.

Habang nasa gitna na ako ng mahabang hagdan ay may humablot sa braso ko. Nang makaharap ko ito ay ‘yong lalaki pala kanina. Nasa likod din niya ang dalawang pinsan ko.

"Apologize to them," he coldly said. Ramdam ko ang paghihigpit ng kapit niya sa braso ko. Naningkit ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Ano ito? I-bu-bully na naman ba nila ako at may kasama pa sila na nadagdag? Ngumisi ako at mabilis na kinuha ang 9mm na dala ko at itinutok ko ‘yon sa kanya.

"Don't dictate me or I will shoot you," seryoso kong saad. Napangisi naman siya.

"Kid, that is illegal—" hindi na natuloy ang sasabihin niya ng kinasahan ko siya. Tulala sila, lalong lalo na ang lalaking ito. Iniwan ko sila habang bitbit ang 9mm. Nang malapit na ako makalabas sa mahabang hagdan ay ibinalik ko sa holster ang 9mm at sumakay ng habal-habal. Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa kabobohan ko. Lumalabas talaga ang masamang habit ko kapag naiirita. Kapag nalaman ni papa na tinutukan ko ng baril ang isang civilian panigurado na bibigyan niya ako ng limpak na limpak na mga sermon. Kasi naman, kasalanan din ng lalaking iyon kung bakit nangyari iyon sa kanya. Kung hindi ko ginawa iyon, yung kamay ko naman ang mababali dahil sa higpit at pa higpit ng pa higpit ng pag hawak niya sa kamay ko.

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si papa na nakaupo sa upuan naming yari sa kawayan. Agad akong lumapit sa kaniya at saka siya niyakap ng mahigpit

"Oh, anak, nandito ka na pala. Kumusta ang kasal ni Margaret,” tanong niya.

"Maayos ang naging resulta ng kasal nila pa. Also, I saw Nate and Thomas at Margaret's wedding," I said.

Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noon sa library ni lolo. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang mga narinig ko mula sa bibig ni lolo kaya nang makita ko ang dalawang pinsan ko ay awtomatikong sumama ang timpla ng loob ko. Hindi ako ganun ka galit sa kanila ngunit hindi ko rin kaya maging mabait sa kanila. Hindi ko alam kung kailan ko sila matatanggap sa buhay namin ulit.

Hindi nagsalita si papa kaya napakalas ako sa pagka kayakap ko sa kanya at tinignan ang ekspresyon niya sa mukha. Doon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na hawakan ang noo ni papa upang tingnan kung may lagnat pa ba ito at agad din akong napangiti nang maramdamang bumalik na sa normal ang temperature ng katawan nito.

"Let's sparring anak," agad na nagniningning ang mata ko sa narinig at napangiti naman si papa nang mabasa ang reaksyon ko. Ginulo pa nito ang aking buhok bago siya unang pumunta sa likod ng bahay. Teka? Kakagaling lang ni papa. Baka bumalik ulit ang lagnat niya. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil alam ko hindi siya makikinig sa akin kapag nasa loob na siya ng training room.

Agad akong nagtungo sa kinalalagyan ng gloves ko. Kinuha ko iyon at isinuot. This is our bonding as a father and daughter. Nang nakatapos ako ng Army Sniper course at two years na pag-aaral sa BSBA Marketing Management ay agad ako lumusong sa giyera. Dahil doon ay bumalik si papa sa pagsusundalo. He always got my back whenever we are inside the war zone. With my father beside me, I am safe.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Between Bullets   Chapter 58

    Hindi ako mapakali dahil sa nangyari kanina. Alam ko na mahal ako ni Lorenzo pero hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Stacy. Nagpasa ako ng mensahe kay Lorenzo na ipaalam niya sa akin kung kailan matatapos ang misyon niya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpasa ng mensahe sa akin.Sinubukan ko tawagin si Chief Franco kung nanpadaan ba si Lorenzo sa opisina niya. Ngunit ang sagot niya ay hindi pa daw dumadating si Lorenzo sa opisina niya.Ayaw ko maghinala baka mali lang ang magiging akala ko. Alam ko na wala na sila ni Stacy. Ngunit hindi mawala sa akin na minsan na niya nilihim sa akin ang pagkikita nila ni Stacy.Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay commander Leo tungkol sa lokasyon at oras ng aming pagkikita mamaya.Sinubukan ko na tawagin si Lorenzo na ipapaalam ko sa kanya na may lakad ako ngayon ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Iniisip ko na lang na baka abala siya sa misyon niya. Hindi na ako nag iwan ng mensahe at naghanda na para sa gagawin n

  • Love Between Bullets   Chapter 57

    Bakit nandito si Stacy?“Lorenzo!” Masayang sigaw ni Stacy, at tumakbo patungo kay Lorenzo.Niyakap niya si Lorenzo na ikinataas ng dugo dahil sa selos.Bakit nangyayakap ng may mag-aari ang impokreta na ito.Agad ko hinila si Lorenzo at itinulak ng bahagya si Stacy pero hindi gaano kaalas. Tama lang ang lakas na ginamit ko para kumalas siya sa pagkakayakap kay Lorenzo. Ngunit sumubsob siya sa semento."Huhuhu, Lorenzo may galit ba ang girlfriend mo sa akin?" Tanong niya at umiiyak dahil sa ginawa ko."That-" hindi natapos ang sasabihin ko ng agad tinulungan ni Lorenzo si Stacy na makatayo."Are you okay?" Nag-alala niyang tanong. Nakonsensya naman ako dahil sa ginawa ko. Pero hindi naman ganun kalakas ang pagtulak ko sa kanya para sumubsob siya sa semento.Mapagpanggap!"Hindi ko alam Lorenzo, ayaw ko ulit ma hospital. Lalo na ayaw kita pagurin na magbantay at bumisita sa akin sa hospital katulad noong mga nagdaang araw," sabi ni Stacy at kumapit pa sa braso ni Lorenzo.Nakita ko nam

  • Love Between Bullets   Chapter 56

    Dinala ako ni Lorenzo sa isang malaking restaurant na ngayon ko lang na bisita. Pinagmasdan ko si Lorenzo na ngayon ay bumaba sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Napaka ginoo niya talaga ngayon. Inabot niya ang kanyang kamay kaya napangiti ako dahil sa kilig. Tinanggap ko naman ito at nakaramdam ako ng kuryente nang maglapat ang mga balat namin sa kamay.Normal lang siguro ito dahil mahal ko siya. Pakiramdam ko rin na biglang uminit ang pisnge ko.“Okay ka lang ba, darling? Bakit ang pula ng mukha mo?” Nag-alala niyang tanong.“I’m okay, darling,” sagot ko sa kanya. May kung anong paru-paro rin akong nararamdaman sa tuwing tinatawag niya ako sa eaderment namin.Kung alam lang niya kung sino ang may kasalanan kung bakit namumula ang mukha ko. Kasalanan mo ito Lorenzo. Bakit kasi ang gwapo mo? Ayan tuloy na hulog ako sa iyo.Ibinigay niya ang kanyang kanang braso na tinaggap ko naman. Ang tikas ng kanyang braso. Parang pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nakahawak ako sa kanyang bras

  • Love Between Bullets   Chapter 55

    Pagkatapos ipasyal si Jay ng kanyang lolo sa harden ay sunod na ipinasyal siya sa iba pang parte ng kanilang mansion at isinalaysay ng kanyang lolo ang mga kasaysayan nito.Nang sumapit na ang gabi ay nagtipon-tipon silang magpapamilya kasama ang dalawang pinsan niya at ang mga ina nito.“Sana nandito si Justin,” sabi ng kanyang lolo habang nakatingin sa bakanteng upuan.“Oo nga po pa kaso nasa malayo siya,” komento naman ng mama ni Nate.“Baka sa susunod ay nandito na si Justin. Ang importante ay nandito si Jay kasama natin na kumakain,” pagkomento naman ng mama ni Thomas.Tahimik lang si Jay sa harap ng kanyang pagkain habang iniisip ang kanyang ama na nasa kampo.Bigla niya naalala ang pangako niya sa kanyang mga kasamahan sa kampo. Bigla siyang naguilty dahil hindi niya matutupad ang kanyang pangako sa kanyang kasamahan.Pagkatapos nilang kumain ay isa-isa silang umalis sa hapagkainan. Pagkatapos kumain ni Jay ay nagpaalam siya na mauna ng pumunta sa kanyang kwarto dahil pagod na

  • Love Between Bullets   Chapter 54

    Lumayo agad si Lorenzo at nilagay ang pagkaing dala sa bakanteng lamisa. Umupo naman siya sa bakanteng upuan at hinarap si Stacy habang ang mga braso nito ay naka cross sa dibdib.“Huwag mo ng ulitin gawin iyon,” mahinahong sabi ni Lorenzo kay Stacy.“Ang alin?” inosenteng tanong ni Stacy kay Lorenzo. Napabuntong hininga naman si Lorenzo dahil sa inakto ng dating nobya.“Stacy, alam mo na hiwalay na tayo at wala na dapat namamagitan sa atin. Ang ibig ko sabihin ay huwag mo ako halikan sa pisnge gaya ng ginagawa mo dati noon noong tayo pa,” paliwanag ni Lorenzo.“Yan ba ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Stacy habang natatawa na ikanakunot ng noo ni Lorenzo. “Huwag kang mag-alala Lorenzo. Normal lang ‘yong ginawa ko. Ganun ang pagbati namin doon sa ibang bansa at nasanay ako na ganun ang pagbati,” paliwanag ni Stacy sa kanya.Napahinga naman ng maluwag si Lorenzo ng marinig ang paliwanag ni Stacy. Pinagmasdan naman ni Stacy ang reaksyon ni Lorenzo sa naging paliwanag niya. Biglang nagta

  • Love Between Bullets   Chapter 53

    Sa panig ni Jay, nang makapasok siya sa guest room na inuukupa niya ay may bigla siyang naalala na itanong kay Lorenzo. Muli siyang lumabas sa guest room, at hinanap si Lorenzo upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na nasa isip niya.Ngunit hindi niya matagpuan si Lorenzo sa loob ng bahay ni chief Franco kaya hinanap niya ito sa labas. Nakita naman niya na lumabas ng gate ang kotse ni Lorenzo kaya sinubukan niyang tawagan ang number ni Lorenzo dahil hindi niya ito mahabol upang tanungin kung saan siya pupunta sa ganitong oras.Ngunit hindi niya ma contact si Lorenzo dahilan upang mag alala siya sa kanyang nobyo. Napagdesisyonan niya na pumasok sa loob upang bumalik sa guest room at nag text kay Lorenzo tungkol kung saan siya ngayon. Mga ilang sandali ay nakatulog si Jay kakahintay sa tawag o sa reply ni Lorenzo sa kanyang text.Kinaumagahan, nagising si Jay dahil sa ingay sa kanyang paligid. Nang inimulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Risley at Marinette na nagtataw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status