Kinilig naman si Jay sa ginawa ni Lorenzo. Naramdaman niya na lumuwag ang kanyang pakiramdam dahil sa wakas ay nasabi na niya kay Lorenzo ang kanyang naging desisyon.“Alam na ba ni chief Franco ang tungkol sa naging desisyon mo?” tanong ni Lorenzo kay Jay. Umiling naman si jay.“Hindi pa. Si Dad, Peter, Rose, ikaw pa ang nakakaalam tungkol sa naging desisyon ko,” sagot ni Jay kay Lorenzo.“Talaga? Kailan ang plano mo mag resign?” tanong ni Lorenzo.“Sa biernes,” sagot ni Jay.“Kung ganun, tatlong araw simula ngayon,” sabi ni Lorenzo.“Oo,” sagot ni Jay.“Salamat Jay dahil pumayag ka sa inalok ko sa iyo. Sobrang masaya ako sa desisyon mo. Alam ko na mahirap para sa iyo na tumigil sa pinapangarap mo na trabaho. Ngayon ay na-g-guilty ako dahil bibitawan mo ang pangarap mo dahil sa akin,” sabi ni Lorenzo. Umiling naman si Jay.“Huwag kang ma-guilty Lorenzo. Desisyon ko na bitawan ko ang trabahong ito. Alam ko mismo na delikado ang trabahong ito. May pagkakataon na baka ito pa ang magigin
Niyakap ni Lorenzo si Jay na nagpangiti kay Jay.“Salamat Jay. Salamat sa pagkonsidera. Kakausapin ko muna siya pagkatapos na mahatid kita sa inyo,” sabi ni Lorenzo na nagpabura sa ngiti ni Jay. Kumalas si Jay sa pagkakayakap ni Lorenzo at humarap kay Stacy na nakatingin sa kanya ng masama.Nagbago ang ekspresyon ni Stacy ng lumingon si Lorenzo sa kanya.“Stacy, pwede ba maghintay ka rito?” tanong ni Lorenzo kay Stacy. Tumango lang si Stacy at ngumiti kay Lorenzo.Humarap ulit si Lorenzo kay Jay at hinawakan ang kamay paalis sa mall. Nang nakarating sila sa parking lot bubuksan na sana ni Lorenzo ang pinto ng ng kanyang sasakyan ng humarang si Jay sa kanyang harap.“Lorenzo, sasakay na lang ako ng taxi,” sabi ni Jay at pilit na ngumiti kay Lorenzo. Naramdaman naman ni Lorenzo ang pagka dismaya sa boses ni Jay kaya hinawakan niya ang kamay ni Jay.“Jay, alam ko na nasaktan kita ngayon. Patawarin mo ako kung umabot man sa ganito ang sitwasyon natin. Ipapangako ko na walang magbabago. Ik
Nadapa ako nang itinulak ako ng dalawang batang lalaki na pinsan ko dahil ayaw nila sa akin. Ayaw nila sa isang tulad ko. Ayaw nila sa babae. "Gusto ko lang makipaglaro sa inyo," sabi ko habang pinipigilan ko ang aking luha na tumulo mula sa aking mga mata. "Hindi pwede! Kasi babae ka at ang babae ay mahina! Kapag nasasaktan ay umiiyak!" singhal ni Nate na pinsan ko. Tumawa sila pagkatapos. Pinagtatawanan nila ako na parang isang pusa na kawawa sa paningin nila. Ayaw nila sa babae kasi mahina ako. "Isuko mo na ang pangarap mo na maging sundalo Jay, kasi kahit kailan hindi ka magugustuhan ni lolo! Ang gusto ni lolo ay lalaking apo na magdadala sa apelyido niya at ng kanyang mga yapak,” sabi niya at iniwan nila ako na nakadapa at sugatan. Hindi ako naniniwala sa kanila.
"Anak, kasal na pala ng kaibigan mo ngayon. Pakisabi sa kanya na hindi ako makakadalo sa kasal niya dahil sa lagnat ko," mahinang sabi ni papa habang umuubo. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung dadalo ba ako sa kasal ni Margaret dahil sa kalagayan ni papa. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa tabi ng kama ni papa. "Alam ko ang ekspresyon na iyan, anak. Huwag mo na akong alalahanin pa. Dumalo ka na sa kasal ng kaibigan mo," aniya. Nakangiti si papa nang sabihin niya iyon pero ayaw ko talaga siyang iwan nang mag-isa rito. "Pero pa, hindi ako mapapakali kung iiwan kita rito ng may sakit," sabi ko at sinalat ang noo niya. "Huwag kang mag-alala sa akin anak. Kilala mo naman ako, diba? Malakas pa ako at kumpleto pa ang eight pack abs ko," pagbibiro niya kaya napatawa na lang ako na ikinangiti niya. "Anong konek ng eight pack abs mo, pa? O sige na nga pero babalik din ako agad pagkatapos niya ikasal," saad ko at hinalikan sa noo si papa. Nagpaalam ako sa kanya at napabuntong-hining
It's been a month since I saw my two grumpy cousins with their grumpy friend. Kakagising ko lang at pagtingin ko sa lalagyan ng shampoo ko ay ubos na pala kaya lumabas ako ng bahay para bumili ng shampoo sa tindahan na katabi ng bahay namin. "Ayo! Palit ko ug usa ka shampoo na Silky, (Tao po! Pabili po ng shampoo na silky)," sabi ko sa tindira. "Wait lang Jay," sabi niya at ibinigay sa akin ang binili ko. Binayaran ko na siya at aalis na sana ng pinigilan niya ako. "Jay, taas na imong buhok. Lapas na sa imong abaga. Wala kay plano magpaputol usab? (Jay, mahaba na ang iyong buhok. Wala ka bang plano na magpagupit ulit?)" Tanong ni aling Dalia ng mapansin niya na mataas na ang buhok ko. "Magpaputol ko ug buhok unya teh. Sige, adto sa ko, (Magpapagupit po ako mamaya ale. Sige po, aalis na po ako)," sabi ko at bumalik na sa loob ng bahay. Agad ako nagtungo sa banyo para maligo. Sa tagal ko na rito sa Mindanao medyo magaling na ako magsalita ng bisaya. Sa unang araw pa lang ng pag-aaral
Kahapon lang kami nakarating dito sa Manila at bumili si papa ng bahay na matitirhan namin habang namamalagi kami rito sa Manila. Okay na rin siguro bumili si papa ng bahay para kapag may mission man ako dito ay hindi ko na kailangan mag hotel pa. Noon kasi minsan ay ina-assign kami sa malalayong lugar. Papa wanted me to resign being a soldier and he wanted me to focus in my other course which is business. May business kami at paminsan-minsan ay tumutulong ako kay papa. Sa katunayan ay hindi pa ako nakapagtapos sa business course ko at lumipat agad ako sa pag-aaral sa pagiging sundalo Sinubukan ko tumigil ng isang buwan pero hinahanap-hanap ko ang pagiging sundalo. I know my father wanted me to be safe but he also supported my likes and wants. Pero dahil sa nangyari noon na muntik na ako maubusan ng dugo ng nabaril ako malapit sa puso ay doon na ako pinatigil ni papa. Actually hindi talaga ako tumigil. May kasunduan kami ni papa. Magpapahinga muna ako ng tatlong taon sa serbisyo at li
"Anak kamusta ang lakad mo kahapon?" Tanong ni Papa sa akin ng maibaba niya ang kape na iniinom niya. "Okay naman po pa. Natanggap ako bilang isang extra DJ pero hindi nga lang full-time. Okay na rin sa akin 'yon," masayang balita ko at ininom ang tsaa na ginawa ko kanina. Alas otso na sa umaga at naabutan ko si papa dito sa sala malapit sa sliding window glass na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo. "Good to hear that," sabi niya at uminom ulit ng kape. Habang umiinom ako ng tsaa ay ibinaba ni papa ang dyaryo at may binigay sa akin. "Ano po ito pa?" Tanong ko at tinignan ang laman ng envelope. "Just look at it. I just realized that it's unfair to take away your dream so I asked my friend if you can join them. And despite of the course you've finished they accepted you," sabi ni papa na may ngiti sa labi. Ako naman ay hindi ko mapigilan mapatalon sa tuwa. Parang kumikinang ang aking mga mata dahil sa saya at tuwa. Finally, I have a decent job. For me, decent job is having a gun partner
"Can you please stop that?" Sigaw niya sa akin ng maabutan ko siya. Ang sungit naman nito. Paglabas namin sa office ni Chief ay dinumog agad ako ng mga tao sa loob. "Ikaw ba si Jay?" Tanong ng isang lalaki na nasa pinto. "Ang cute mo naman," sabi naman ng isa pang lalaki. "Ikaw ba ang bagong partner ni Lorenzo?" Tanong nila kaya tumango ako at binigyan sila ng matamis na ngiti. Lumapit silang lahat sa akin at halos yakapin nila ako. "Will you please go back to your work?" Sigaw ni Lorenzo. Dahil sa sigaw ni Lorenzo ay sa isang iglap ay nasa upuan na silang lahat. Grabe siya oh! Daig pa niya ang boss dito. Hmph! "Good luck to your first work," sabay nilang sabi sa akin na ikinangiti ko. "Salamat," sabi ko at nginitian sila. Unang umalis si Lorenzo kaya tumakbo ako para makahabol ako sa kanya sa elevator. Nang nakahabol na ako sa kanya sa elevator ay agad ko siya tinanong. "Ano ang gagawin natin?" Tanong ko sa kanya. "Shut up and just keep your mouth shut," malamig na sabi niy