Share

Chapter 49

Pagkatapos nila magbabad sa hotspring ay umahon sila mula sa tubig at bumalik sa kwarto. Nagbihis sila at inaya si Jay na pumunta ulit sa restaurant. Sumama naman si Jay kay Marinette.

Mula sa harap ng restaurant ay kita mula dito ang swimming pool. Nakita nila si Lizzy na may kausap na lalaki habang tumatawa. Hinanap nila si Risley pero hindi nila makita si Risley sa swimming pool kaya napagdesisyonan nila na pumasok na sa loob ng restaurant.

Pagpasok nila ay nakita nila si Risley na nakailang ulit na ng pagkain. Nang makita sila ni Risley ay kumaway si Risley sa kanila.

Lumingon naman si Marinette kay Jay.

“Kilala mo ba ‘yan?” tanong ni Marinette.

“Hindi eh. Kilala mo ba iyan?” tanong ni Jay.

“Hindi rin eh. Tara umalis na tayo rito,” sabi ni Marinette at aktong aalis na sa loob ng restaurant.

“Oi! Ang sama niyo,” sigaw ni Risley. Napatawa na lang si Marinette at lumapit sila sa lamesa ni Risley at umupo.

“Naka ilang ulit ka na ba?” tanong ni Marinette kay Risley.

“Pang limang beses
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status