Share

Chapter 7

Napatingin ako sa suot ko. Pumasok ako sa loob ng kotse at nagbihis. Mabuti na lang ay nilagay ko rito ang mga damit ko kanina bago ako nagsimula sa trabaho. Mas komportable ako sa t-shirt at jumper kesa fitted tube dress na pinasuot sa akin ni mr. Luke. Lumabas ulit ako sa kotse at nag-aabang ng kotse na dadaan. Kung tawagan ko na lang kaya si commander Leo? Siguro naman ay tutulungan niya ako sa sitwasyon ko. Pero huwag na nga lang. Baka ma disturbo ko pa siya. Mga ilang sandali habang palingalinga ako sa magkabilang gilid ng daan sa wakas ay may sasakyan din na dumaan. Pinara ko ito at mabuti na lang ay huminto ito. Nagulat na lamang ako sa nakita ng ibinaba ng nasa loob ang salamin ng sasakyan. Si chief Franco pala at kasama niya si Lorenzo.

“Oh, Jay, gabi na ah. Bakit hindi ka pa umuwi?” Tanong ni chief Franco at tinignan ang kotse ko.

“Na flat ang gulong ng sasakyan ko chief. May extrang gulong ka po ba diyan chief?” Tanong ko sa kanya habang hilaw na napangisi.

“Pasensya na Jay. Hindi ko dala ang extrang gulong ko ngayon. Sumabay ka na lang sa amin. Ihahatid ka namin sa inyo.” Pag-aalok niya ngunit nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang alok ni Chief Franco. Paano ang kotse ni papa? At saka parang ang sama ng templa ni Lorenzo sa tuwing nakikita ako.

“Ay nako ‘wag na po chief. Ayaw ko po maiwan ang kotse ni papa. At saka tatawagan ko na lang si Com...este Leo,” saad ko at napa kamot sa ulo ko. Narinig ko naman napa hissed si Lorenzo kaya napairap na lamang ako dahil sa inakto niya.

“Sigurado ka ba? Tumawag si Leo sa akin na may emergency siyang pupuntahan dahil nagkagulo sa kampo nila,” sabi ni chief na nagpakunot sa noo ko. What? Nagkagulo sa kampo? I need to call him now.

“Sige sasabay na lang ako sa inyo chief,” sabi ko at kinuha ang mga importanteng gamit sa kotse ni papa bago ako sumakay sa kotse ni Chief Franco.

“Tatawagan ko na lang ang mga kasamahan natin na naiwan sa Ghouls Bar na palitan ang gulong ng kotse mo at ipapahatid ko kay Lorenzo mamaya sa inyo,” sabi ni Chief Franco. Tumango lang ako at iniisip ko pa rin kung ano na ang nangyari sa kampo. Hindi ako mapakali hindi dahil sa pinagdududahan ko ang mga abilidad ng mga dating kasama ko kundi dahil sa sinabi sa akin ni commander Leo kanina. May mga terrorista? Bakit hindi sinabi sa akin ni papa ang tungkol dito?

I need to visit the camp but I already have a work. What should I do? Maybe I can visit them on my off duty. Tumingin ako sa daan na tinatahak namin ngayon. Parang alam na ata ni chief kung saan kami nakatira ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano na ang gagawin ko ngayon? Tama ba na tinanggap ko ang trabaho na maging isang police? Parang mas kailangan ako ngayon sa kampo. Kailangan ko makausap si papa kapag may bakante sa oras ko.

"We're here." Napatingin ako kay Chief Franco. Medyo nawala sa isip ko na nakikisakay lang pala ako. Nakita ko si papa sa labas kaya tumingin ako kay chief.

"Thank you po Chief Franco. Pasensya na po sa abala," sabi ko at bumaba na.

Hindi ko tinapunan ng tingin si tanda baka mas lalo lang ako susungitan niyan.

Paglabas ko ng kotse ay seryoso ako tinignan ni papa. Nagmano ako sa kanya.

"Pasok na po ako pa," sabi ko at tumango lang siya. Nilagpasan ko na siya at hindi pa ako nakapunta sa pangalawang palapag ay nilingon ko ulit si papa at nakita ko na lumabas sa kotse sila Chief Franco at Lorenzo. Napabuntong-hininga na lamang ako at dumiritso sa kwarto ko.

Antok na antok na talaga ako ngayon. Kahit antok na antok na ako ay nagawa ko pa mag half bath at magpalit ng damit. Pagkatapos ng mga ginawa ko ay tuluyan ng sinakop ng kama ang katawan ko at kinain na ng antok.

Kinaumagahan ay nahuli ako ng gising. Patay! Late na ako. Nagmamadali ako sa pagligo at nagbihis ng komportable na damit. Pumunta agad ako sa kusina at nadatnan ko na may pagkain at isang sulat.

Agad ko binasa ang nakasulat sa sticky note at kinain ang malamig na pagkain. Mabuti na lang ay hindi ako nagkakaroon ng eyebag. Hindi uso sa akin ang make up kapag nasa trabaho ako maliban na lang kapag nagco-cosplay ako. Nang matapos ko kainin ang pagkain na hinanda ni papa ay agad ako umalis at ginamit ang road bike ko.

Panigurado makakatanggap ako ng limpak-limpak na sermon pagdating sa opisina. Mabuti na lang ay hindi traffic kaya wala pa ang sampung minuto ay nakarating na ako sa Dio Building. Tumakbo ako mula sa parking lot hanggang sa elevator. Napansin ko na may kasabay ako sa pagtakbo. Si Marinette?

"Late ka rin?" Tanong niya.

"Oo e," sabi ko. Anong klaseng tanong iyan? Halata naman na late ako diba? Hahaha iwan ko ba parang magkakasundo kami ni Marinette.

"Ayos! Dalawa na tayong papagalitan. Alam mo ba na may bagong mission tayo?" Tanong niya. Palagi ba siyang late? At ano ang sabi niya? Mission?

Pagbukas ng elevator ay hindi na kami tumakbo. Pagpasok namin sa Special A Department ay lahat ng mata nila ay nakatingin sa amin. Naramdaman ko agad ang mga dalawang mata na nanlilisik na nakatingin sa akin. Agad ko tinignan kung kaninong mata iyon. Kay tanda pala. Palagi ba siya ganyan? Kaya hindi siya nagkaka asawa eh kasi ang sungit. Ang tanong may asawa na ba siya? Kung meron man kawawa ang asawa niya.

"Mabuti ay nakarating na rin kayo sa wakas. Take your seat ladies," saad ni Chief Franco. May dalawang bakante na magkatabi. Ang tabi ng bawat bakanteng upuan ay ang inuupuan ng pinsan ni Marinette at ni Lorenzo.

Agad ako dumiretso sa tabi ng pinsan ni Marinette ngunit naunahan ako ni Marinette na umupo doon kaya wala akong magawa kundi ang umupo sa katabi na upuan ni tanda.

"Irresponsible." Bulong nito na narinig ko naman. Inirapan ko na lang siya at nakinig na kay Chief Franco.

"This time, may mission kayo. There is a new case about illegal drugs. Nabalitaan na may nagaganap na transaction ng ipinagbabawal na gamot sa expo ng mga cosplayer bukas. Nangunguha sila ng mga cosplayer at ginagamit ang mga biktima upang maging taga tulak ng ipinagbabawal na druga. Ayon din sa impormasyon na nakalap natin ay minsan ginagamit ang mga cosplayer na babae na nakukuha nila bilang isang prostitute at ang ibang rason ay para sa personal na pakinabang ng Drug Lord," sabi ni chief habang ipinakita sa amin ang mga ebidensya. Cosplayer pa talaga ang ginagamit nila? Tinignan ko ang folder na nasa harap ko. Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa misyon namin ngayon.

"In that case, kailangan isa sa amin ay may magpanggap na cosplayer? Pero we are not weeb especially a cosplayer," saad ni Risley ngunit ngumisi lang si chief at tinignan ako.

"We already have someone who is a professional cosplayer," Chief Franco said while grinning. Don't tell me...

"Who?" Ngayon naman ay si Lorenzo ang nagtanong.

"We have Jay Hambre, the famous cosplayer," sabi ni chief at lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako.

"So I'm your worm to catch a big fish huh," seryoso ko na saad.

"Yes you are," makahulugan na saad ni chief.

"Tsk!" Pagsusungit ni Lorenzo kaya inirapan ko siya. I don't know if this mission will be alright. I hope tomorrow's expo will be fine.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status