Nag-eempake na ako ng mga gamit ko rito sa mansion ng demonyeta kong tita. Nang pumasok sa kwarto ng mga katulong si Matilda.
“Oh wow, aalis ka na rin pala,” may pang aasar na ani niya Matilda. “Alam mo, mamimiss kita,” ani niya pa at umupo sa kama sa tabi ko. Hindi ko ito pinapansin at patuloy pa rin sa pag-eempake. “Lalo na kapag nakikita kitang nahihirapan hahaha!” tawawang saas niya. “Hey, nakikinig ka ba?” naiiritang tanong niya. “Sa tingin mo may pake ako sa mga pinagsasabi mo,” maldita kong sagot, ngayon na aalis na ako, wala ng dahilan para bigyan ko pa ng respeto itong babae na ito. “Abat! Su-” hindi siya natapos ng may tumawag sa akin, unknown number pero sinagot ko pa rin ito. Lumayo ako sa kama para hindi marinig ni Matilda. “Hello sino po ito?” bungad na tanong ko nang sagutin ko ito. “Hello, ito ba si Sienna?” tanong ng isang lalaki ng sumagot ako. “Opo, bakit po?” tanong ko. “Ang Kuya Steve at mama mo naaksidente sa sinasakyan nilang bus, may hijacker na nakasakay sa bus at pinanguha niya lahat ng mga gamit ng pasahero. At yung driver ng bus ay binaril kaya nawala sa kalsada yung bus hanggang sa nahulog ito sa bangin. Nakligtas ang mama at kuya mo pero napakalubha ng tama nila, ” paliwanag ng lalaki sa kabilang linya. “N-nasaan sila? Anong hospital sila naroroon?” nagmamadaling tanong ko. “Dito sa Soriano Memorial Hospital,” saad niya. “Sige papunta na ako,” kaagad kong pinatay ang tawag. At nagmamadaling umalis, iniwan ko na muna ang mga gamit ko. Bahala na lang. “Hoy! Saan ka pupunta!?” pasigaw na tanong ni Matilda pero hindi ko na ito sinagot. ★Soriano Memorial Hospital★ Kaagad akong nagtungo sa ward nila kuya at mama. “Mama! Kuya!” sigaw ko ng makalapit sa kama nila. May mga bandages na nakalagay sa katawan nila, mukhang ngang malala ang nangyari sa kanila. Napaiyak na lang ako sa nakikita ko hindi ko akalaing ganito ang mangyayari sa kanila. “Sienna nandito ka na pala,” ani ng isang lalaki kaya napalingon ako. Nakasuot ito ng pangpulis na uniporme. “S-sino ka? Ikaw ba yung tumawag?” naiiyak na tanong ko. Pinunasan ko muna ang luha ko. “Ako si Samuel, pinsan ninyo, anak ako ng pinsan mama niyo, pasensya ka na hindi kaagad ako nagpakilala natataranta kasi ako kanina,” ani niya. “Okay lang, salamat pala sa pagtawag, paano mo naman nakuha ang phone ko? Tsaka ano ang lagay nila ni mama at kuya?” tanong ko. “Nakuha ko ang number mo, dahil nakita ko ito sa phone ng kuya mo walang password ang phone niya, isa ako sa mga tumulong na iligtas sila, hindi natuloy na malaglag ang bus sa pinakamababang parte,” paliwanag niya. “Tungkol naman sa lagay ng kuya at mama mo, malubha ang natamo nilang sugat sabi ng doctor ay kailangan ng mama mo ng surgery para sa utak niya dahil may namumuong dugo. Sa ngayon kailangan nila manatili dito at ang iba pang mga nakasama sa aksidente para masuri sila at maalagaan,” mahabang dagdag niya. “Eh yung tungkol sa magnanakaw? Ano ang nangyari sa kaniya?” tanong ko. “Hindi siya nakasama sa mga naaksidente, sa tingin namin ay tumalon siya bago pa laglag ang bus. Marami siyang nakuha pati na rin ang pera ninyo,” ani niya. “Teka? Pera? May dalang pera sila mama?” takang tanong ko dahil sakto lang ang dala nilang pera. “Oo, nagkakahalaga ng kalahating million,” ani niya. “Teka ano!? Kalahating million?” takang tanong ko. Saan naman kaya nakuha nila ang ganon kalaking halaga, iyun ba ang sinasabi ni kuya. “Oo, bakit hindi mo ba alam kung tungkol sa pera?” tanong ni Samuel. Sinagot ko naman ito ng iling. Wala akong idea sa pera na iyun. “Nga pala, magkano daw ang surgery na kailangan ni mama? Pati na rin bayarin dito sa hospital, alam kong private itong hospital at pangmayaman itong hospital,” ani ko. “Sa surgery ni tita ay aabot daw ng 200,000 hanggang 500,000. Yung sa gastusin naman dito sa hopital aabutin din ng 150, 000,” aniya na ikinalumo ko pa lalo. “S-saan naman ako kukuha ng ganon halaga” nanglulumong ani ko, unti-unti akong napaupo sa sahig at tuluyan ng tumulo ng tumulo ang mga luha ko. “Huwag kang mag-alala Sien tutulungan kita” ani ni Samuel at itinayo ako. Kailangan ko humanap uli ng trabaho ngayong umalis na ako sa Thompson Corp. ***** Lumabas muna ako ng hospital para tumawag sa mga kakilala ko na pwede mahingan ng tulong. Lahat ay tinawagan ko kinapalan ko na ang mukha ko para lang makaheram ng pera. Una kong tinawag ang kaibigan kong si Nikha. Nakahiram naman ako ng 10k kahit paano. Sinunud kong tawagan ang mga kaibigan ni kuya. Nagpahiram din sila ng pera mga nasa 15k iyon. Tapos tumawag ako sa mga kilala namin dito sa Bulacan, may mabubuting kalooban ang lahat ng tao rito sa lugar namin, umalis lang kami dahil kailangan naming maghanap ng pera pambayad sa utang ni papa. Mga ilang nagsabi na tutulong sila at may ilan din na wala silang perang maipapahiram. Ang stepsister at stepfather ni papa ang mayaman habang ang nanay ni papa ay isang babaeng night club. Kung tatawagan ko si tita Regina mukhang malabo na pahiramin ako ng pera. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kailangan ko talagang makahap ng pera. “Ang hirap naman maging mahirap.” Napabuntong hininga na lang ako Saglit akong napaisip tatawagan ko ba si papa? Siguro hindi na pagkatapos niya kami ipalit sa mayaman at matandang babae masasabi kong may pinagmanahan. Nandidiri ako sa kaniya para lang sa pera kaya niya kami ipinalit. Huwag na lang. Titiisin ko na lang na ako ang gumawa ng paraan kaysa humingi ng tulong sa kaniya. Bukas na bukas din maghahanap ako ng trabaho. Wala na akong matawag na iba pa, nanglulumo akong pumasok sa loob ng hospital. “Mama, kuya gagawin ko ang lahat para lang sainyo at para magkakasama na tayo,” sabi ko sa kanila habang pinagmamasdan sila. Hindi ko hahayaang mawala kayo, tulad ng pagkawala ni Kuya Simon hindi ko kakayanin.★ Denver’s POV ★I could still hear the echo of the door closing. Parang may naiwan na bigat sa dibdib ko, na hindi ko maipaliwanag. The image of that woman outside—her trembling voice, her teary eyes—kept flashing in my mind. Hindi ko siya kilala… at least that’s what my memory insists. Pero bakit ganoon? Bakit parang ako ang nagkasala sa kaniya?Humigpit ang hawak ko sa bedsheet. Why do I feel guilty? Why does it hurt?Sa gilid ko, naroon si Lisha. Nakaupo siya sa chair, peeling an apple with slow, precise movements. Parang walang nangyari, parang wala siyang pakialam sa lahat ng emosyon na sumabog kanina sa dito sa loob ng kwarto.“Eat some fruit, Denver,” she said calmly, placing a slice on a plate beside my bed.I glanced at her, then back at the window.“Thank you.”Tahimik. Tanging tunog lang ng monitor at mahihinang galaw ng kutsilyo ang maririnig. Pero sa loob ko, nangangalit ang tanong. Hindi ako mapakali. Hindi sapat ang katahimikan.Finally, I asked, “Lisha… they told me w
★ Sienna’s POV ★Mahigpit pa rin ang hawak ko sa laylayan ng damit ko habang nakatayo ako sa labas ng kwarto ni Denver. Ang pintuan ay muling sumara sa likod ko, naiwan doon si Lisha na nagbabalat ng prutas at si Denver na halos hindi man lang ako pinaniniwalaan at nilingon. Parang hinila pababa ang buong mundo ko kanina, lalo na’t pinaaalis ako mismo ng taong pinagkakatiwalaan ko, ng taong mahal ko—pero ano nga ba ang laban ko?“Sienna, huminahon ka na muna,” malumanay na utos sa akin ni Mav.“Paano ako hihinahon kung kasama ngayon ni Denver ang babaeng iyon! Mav, may alam ka ba sa nangyayari?”“Sienna… sumama ka na muna sa akin, ipapaliwanag ko lahat ng gusto mong malaman.”Hindi kaagad ako nakapagsalita, iniisip ko pa rin ang mga nasaksihan ko kanina. Lahat ng alaala namin ni Denver ay nabura na sa kaniyang isipan. Paano na ako? Paano na kami ng anak namin?“Halika, kung nais mong malaman lahat,” saad ni Mav at nagsimula nang maglakad.Saglit ko siyang tinitigan. Tama, hindi ako da
★ Sienna’s POV ★Dalawang araw na akong nakakulong sa loob ng bahay, nagpapahinga gaya ng payo ng lahat. Ngunit sa bawat oras na lumilipas, lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako mapalagay. Kahit anong gawin kong libangan, kahit anong kwento nina Maria, Cara, Luisa at Manang, kahit pa ang pag-aalaga ng Mama ko—wala pa ring saysay. Palagi at palaging bumabalik ang isip ko kay Denver.Kaya ngayong umaga, habang malamig pa ang hangin at tahimik pa ang paligid, nagpasya akong mag-ayos.Nakaharap ako sa salamin ng aking kwarto. Maputla pa rin ang mukha ko, ngunit hindi ko iyon alintana. Maingat kong sinuklayan ang buhok ko, pinipilit na itago ang panghihina sa pamamagitan ng kaunting ayos. Isinuot ko ang simpleng bestida na maluwag at kumportable, para hindi rin mahirapan ang katawan ko. Habang inaayos ko ang sarili, hindi ko mapigilang isipin—handa na ba talaga ako?“Ma’am Sienna, sigurado ka ba talaga? Hindi ba mas mabuting magpahinga ka na lang muna dito?” malumanay na tanong ni M
★ Sienna’s POV ★Huminto ang taxi sa tapat ng hospital. Mabilis kong binayaran ang driver at agad na bumaba. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, para bang may malaking bagay na nakadagan sa akin. Simula nang huli kaming mag-usap ni Denver, hindi ako mapakali. Hindi ko na kayang maghintay pa. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong subukan ulit—kahit isang beses pa lang—baka sakaling maalala niya ako.Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa matataas na gusali ng ospital. Sa bawat hakbang ko palapit sa main entrance, ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinipilit kong tibayan ang loob ko, kahit alam kong may posibilidad na muli akong masaktan kapag wala pa rin siyang naaalala.Paglapit ko sa sliding door ng hospital, bigla akong napatigil nang may bumungad sa akin. Si Xandro.“Sienna?” agad niyang sambit nang makita ako. Kita ko ang gulat sa mukha niya habang nagmamadaling lumapit. “What are you doing here? Shouldn’t you be resting?”Bahagya akong napalunok. Hindi ko a
Tahimik akong nakatayo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang anak ko na nakasandal pa rin sa malambot na unan. Kahit may bahid pa rin ng pagkalito sa mga mata niya, hindi ko maikakaila na bumalik ang ilang sigla sa boses niya matapos ang mahaba naming pag-uusap kanina. Ngunit ngayon, kailangan ko munang magpaalam—dahil may mga bagay akong kailangang ayusin, mga plano na dapat nang isulong habang hawak ko pa ang sitwasyon.Huminga ako nang malalim bago magsalita.“Denver,” maingat kong sabi, mahina ngunit malinaw.Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa akin, mga mata niyang nananatiling kalmado pero may bahid ng pagtataka. “Yes, Dad?”“May kailangan lang akong gawin sa labas. Some business matters,” sabi ko, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. Ayokong maghinala siya. “Magpahinga ka lang muna dito, ha. I’ll be back soon.”Sandali siyang nag-isip, bago bahagyang tumango. “Alright. Don’t worry about me. I’ll stay here.”Tumango ako pabalik, pinilit ngumiti kahit na may bahagyang b
★ Denmar’s POV ★Tahimik ang silid matapos lumabas si Xandro. Tanging tunog ng aircon at mahinang beep ng monitor ang sumasabay sa mabagal na paghinga ng anak ko. Ang katahimikan na iyon ay musika sa pandinig ko—isang senyas na sa wakas, kaming dalawa na lang ang natira, walang makikialam. Sa wakas, makakausap ko siya nang walang sagabal.Nakatayo ako sa tabi ng kama, pinagmasdan ko siya. Ang Denver na nasa harap ko ngayon ay hindi ang parehong Denver na lagi kong nakikita noon—matapang, palaban, laging may tinig na kumokontra sa akin. Hindi. Ang nakaupo ngayon ay isang taong may puwang sa isip, may butas sa alaala. Nasisiguraduhin kong hindi na maibabalik.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang kalituhan, ang kawalan ng katiyakan, at higit sa lahat—takot. Ilang segundong nanahimik bago siya nagsalita, ang boses niya’y mahina ngunit malinaw.“Dad… tell me, the one I hit. What happened to him? Is he alive?”Hindi ko inaasahan na itatanong niyang mu