★ Sienna’s POV ★Mahigpit pa rin ang hawak ko sa laylayan ng damit ko habang nakatayo ako sa labas ng kwarto ni Denver. Ang pintuan ay muling sumara sa likod ko, naiwan doon si Lisha na nagbabalat ng prutas at si Denver na halos hindi man lang ako pinaniniwalaan at nilingon. Parang hinila pababa ang buong mundo ko kanina, lalo na’t pinaaalis ako mismo ng taong pinagkakatiwalaan ko, ng taong mahal ko—pero ano nga ba ang laban ko?“Sienna, huminahon ka na muna,” malumanay na utos sa akin ni Mav.“Paano ako hihinahon kung kasama ngayon ni Denver ang babaeng iyon! Mav, may alam ka ba sa nangyayari?”“Sienna… sumama ka na muna sa akin, ipapaliwanag ko lahat ng gusto mong malaman.”Hindi kaagad ako nakapagsalita, iniisip ko pa rin ang mga nasaksihan ko kanina. Lahat ng alaala namin ni Denver ay nabura na sa kaniyang isipan. Paano na ako? Paano na kami ng anak namin?“Halika, kung nais mong malaman lahat,” saad ni Mav at nagsimula nang maglakad.Saglit ko siyang tinitigan. Tama, hindi ako da
★ Sienna’s POV ★Dalawang araw na akong nakakulong sa loob ng bahay, nagpapahinga gaya ng payo ng lahat. Ngunit sa bawat oras na lumilipas, lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako mapalagay. Kahit anong gawin kong libangan, kahit anong kwento nina Maria, Cara, Luisa at Manang, kahit pa ang pag-aalaga ng Mama ko—wala pa ring saysay. Palagi at palaging bumabalik ang isip ko kay Denver.Kaya ngayong umaga, habang malamig pa ang hangin at tahimik pa ang paligid, nagpasya akong mag-ayos.Nakaharap ako sa salamin ng aking kwarto. Maputla pa rin ang mukha ko, ngunit hindi ko iyon alintana. Maingat kong sinuklayan ang buhok ko, pinipilit na itago ang panghihina sa pamamagitan ng kaunting ayos. Isinuot ko ang simpleng bestida na maluwag at kumportable, para hindi rin mahirapan ang katawan ko. Habang inaayos ko ang sarili, hindi ko mapigilang isipin—handa na ba talaga ako?“Ma’am Sienna, sigurado ka ba talaga? Hindi ba mas mabuting magpahinga ka na lang muna dito?” malumanay na tanong ni M
★ Sienna’s POV ★Huminto ang taxi sa tapat ng hospital. Mabilis kong binayaran ang driver at agad na bumaba. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, para bang may malaking bagay na nakadagan sa akin. Simula nang huli kaming mag-usap ni Denver, hindi ako mapakali. Hindi ko na kayang maghintay pa. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong subukan ulit—kahit isang beses pa lang—baka sakaling maalala niya ako.Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa matataas na gusali ng ospital. Sa bawat hakbang ko palapit sa main entrance, ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinipilit kong tibayan ang loob ko, kahit alam kong may posibilidad na muli akong masaktan kapag wala pa rin siyang naaalala.Paglapit ko sa sliding door ng hospital, bigla akong napatigil nang may bumungad sa akin. Si Xandro.“Sienna?” agad niyang sambit nang makita ako. Kita ko ang gulat sa mukha niya habang nagmamadaling lumapit. “What are you doing here? Shouldn’t you be resting?”Bahagya akong napalunok. Hindi ko a
Tahimik akong nakatayo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang anak ko na nakasandal pa rin sa malambot na unan. Kahit may bahid pa rin ng pagkalito sa mga mata niya, hindi ko maikakaila na bumalik ang ilang sigla sa boses niya matapos ang mahaba naming pag-uusap kanina. Ngunit ngayon, kailangan ko munang magpaalam—dahil may mga bagay akong kailangang ayusin, mga plano na dapat nang isulong habang hawak ko pa ang sitwasyon.Huminga ako nang malalim bago magsalita.“Denver,” maingat kong sabi, mahina ngunit malinaw.Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa akin, mga mata niyang nananatiling kalmado pero may bahid ng pagtataka. “Yes, Dad?”“May kailangan lang akong gawin sa labas. Some business matters,” sabi ko, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. Ayokong maghinala siya. “Magpahinga ka lang muna dito, ha. I’ll be back soon.”Sandali siyang nag-isip, bago bahagyang tumango. “Alright. Don’t worry about me. I’ll stay here.”Tumango ako pabalik, pinilit ngumiti kahit na may bahagyang b
★ Denmar’s POV ★Tahimik ang silid matapos lumabas si Xandro. Tanging tunog ng aircon at mahinang beep ng monitor ang sumasabay sa mabagal na paghinga ng anak ko. Ang katahimikan na iyon ay musika sa pandinig ko—isang senyas na sa wakas, kaming dalawa na lang ang natira, walang makikialam. Sa wakas, makakausap ko siya nang walang sagabal.Nakatayo ako sa tabi ng kama, pinagmasdan ko siya. Ang Denver na nasa harap ko ngayon ay hindi ang parehong Denver na lagi kong nakikita noon—matapang, palaban, laging may tinig na kumokontra sa akin. Hindi. Ang nakaupo ngayon ay isang taong may puwang sa isip, may butas sa alaala. Nasisiguraduhin kong hindi na maibabalik.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang kalituhan, ang kawalan ng katiyakan, at higit sa lahat—takot. Ilang segundong nanahimik bago siya nagsalita, ang boses niya’y mahina ngunit malinaw.“Dad… tell me, the one I hit. What happened to him? Is he alive?”Hindi ko inaasahan na itatanong niyang mu
★ Denmar’s POV ★Tahimik ang buong silid habang nakaupo ako sa harap ng mesa. Ang mga papeles na dapat kong tinututukan ay nakatiwangwang lang sa ibabaw, ngunit ang isip ko’y wala sa kanila. Ilang segundo lang ang nakalipas nang marinig ko ang maikling tunog ng cellphone ko. Isang simpleng ding… ngunit sapat na para mapataas ang kilay ko. Binuksan ko iyon, at tumambad ang mensahe mula kay Mav.‘Dad, Kuya is asked for you. That’s all I can say. Go in hospital—Maverick.’Napakunot ako ng noo.“He want to talk to me… si Denver?” bulong ko sa sarili ko habang nakasandal sa upuan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng anak ko. Matagal na niyang pinapakita na hindi niya ako kailangan. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili. Matigas ang ulo.Pero habang pinapagalaw ko ang baso ng brandy sa aking kamay, unti-unti ring gumuhit ang isang ngisi sa labi ko. Kung dati’y puro pagtutulak at pagtanggi ang ginagawa niya sa akin, baka ngayon ay naiiba na ang ihip ng hangin.“Hospital…” bulo