Papunta ako ngayon sa office ni Sir Denver ang boss ko at ang CEO ng Thompson Corporation, dahil balak kong mag-resign na sa trabaho, bago pa lang ako sa trabaho pero hindi ko na nais na tumagal pa. Puno ng galit ang kalooban ko at nasusuklam matapos malaman na siya ang dahilan kung bakit namatay si Kuya Simon.
Tumawag kanina si Kuya Steve, ibinalita niya sa akin ang nalaman niyang information sa kakilala niyang pulis tungkol sa pagkamatay ni Kuya Simon. Nakahanda na rin ang resignation letter ko. Nauna na rin kasi na umalis sina mama at kuya papuntang Bulacan sa probins:ya kung saan kami lumaki. At balak kong sumunod sa kanila. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. “Sir Denver, I'm going to resign,” sabi ko saka iniabot ang resignation letter. “Why? Did I do something wrong?” he asked. “Oo, malaki. Malaking malaki!” ani ko sa panggigigil na tono. "Tell me, what did I do for you to resign?" he asked, standing up from her seat. “Ikaw lang naman pumatay sa Kuya Simon ko 4 years ago!” Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. "What are you talking about?" he asked, confused. "I didn't kill anyone," he insisted firmly. “Huwag ka na magkaila, alam ko na ang lahat. Pati na rin kung paano mo ginamit ang kayaman mo para makatakas sa kasalanan mo!” nanggigil na saad ko. "Please, Sienna, I'll explain," he said, stepping closer to take my hand. “Wala ka na dapat ipaliwanag, hindi mo ako maloloko.” Kaagad kong tinabing ang kamay niya na papahawak sa akin. “Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay! Lalong lalo na ang mama ko, halos hindi na siya makapagtrabaho nang maayos. Hindi namin alam kung anong gagawin, kung paano hahanapan ng hustisya ang pagkamatay ni kuya. Dahil wala ni ina sa mga pulis ang nagpatuloy sa imbestigasyon.” Tuloy tuloy na luha ang pumapatak sa aking mga mata. “I'm sorry, I'm really sorry Sienna,” nakayukong saad niya. “Sorry!? Talaga ba!? Sa tingin mo maibabalik ng sorry mo ang buhay ng kuya ko!? Sa tingin mo mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kuya ko sa sorry na yan!?” nanggagalaiting tanong ko. “Hindi kita mapapatawad, hinding! hindi!” Sa taong tulad nito, wala kaming laban kung itutuloy pa namin ang kaso, dahil sa mayaman na meron siya para lang kaming basura na itataboy ng mga pulis. “Please Sienna makinig ka man lang,” pagpupumilit niya at hahawakan na naman ang kamay ko ng binigyan ko ito ng malutong na sampal. “Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!” inis na ani ko. “Kung ano man ang paliwanag mo o kasinungalingan na sasabihin mo hindi ako maniniwala,” ani ko. “Pare -parehas kayong mayayaman, pare-parehas lang ang tingin at trato ninyo sa aming mahihirap. Para sa inyo isa lang kaming basura na pwede ninyo itapon o tapak tapakan lang,” dagdag ko pa. Nagmamadali akong lumabas ng opisina niya, hindi ko na hinintay na magsalita siya. Hindi naman namin kayang ilaban pa ang kaso kaya kami na lang ang lalayo. Mas pipiliin ko pang bumalik sa Bulacan para roon lumugar, tutal naman doon kami lumaki. Natiis lang naming tumira sa bahay ng stepsister ni papa na ginawa lang kaming alipin. Dahil naman kay papa kung bakit kami nagkaganito kasalanan ng bisyo niya at nagkautang kami ng malaki. “Sienna, ano nangyari?” tanong sa’kin ni Faye nang makasalubong ko ito sa hallway. “Nagresign na ako, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa office ko,” tugon ko at iniwan na siya. Habang nagliligpit ako ng mga kagamitan ko. Bigla ako nakatanggap ng message sa hindi kilalang numero. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagliligpit ng mga gamit. Kailangan ko na makaalis sa lugar na ito. “Sienna, papasok ako ah.” Si Faye pala. “Sienna bakit ka nag-resign? Okay lang kung hindi mo sasabihin,” aniya at lumapit sa akin. “Faye, pwede pakibigay ito kay Mr, Denver. Hindi na kasi ako roon makakapunta sa office niya kaya ikaw na lang ang magbigay,” ano ko ay iniabot sa kaniya ay mga papers na kailangan ni Denver sa meeting niya bukas. “Per-” Kaagad ko siyang pinutol. “Pakiusap, Faye, nagmamadali kasi ako,” mahinahong saad ko sa kaniya. Tumango lang ito at lumabas na ng office. Akala ko ay mangungulit pa siyang malaman kung bakit ako aalis dito. Sana ay maging maayos siya rito. Binilisan ko na ang pagliligpit para makauwi na kaagad, mag-eempake pa ako ng mga gamit ko sa mansion ng evil tita ko. Hindi ko rin matiis na tumira pa roon nang matagal. Pagkatapos ko mag-ayos ay, ch-in-eck ko muna kung may naiwan ako ng makasiguradong ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng office ko. Pagkalabas ko ay nabungaran ko si Denver na nakatayo sa harap ng pinto, kanina pa ba siya rito? “Please Sienna-” hindi siya matapos ng magsalita ako. “Hindi mo na ako mapipigilan Denver, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kuya ko. Buhay niya ang nawala at hindi mo iyun maibabalik pa,” ani ko at nilagpasan na siya. Sumakay na ako ng elevator dala-dala ang mga gamit ko, hindi ko na siyang sumunod pa sa akin, mas mabuti na rin iyun. Habang palabas na ako ng building ay chineck ko ang nag-message. Hindi na ako nagulat sa nakita ko. Video ni Oliver na may ka-sex na babae, siya na ang ika-7 ni Oliver. Kaagad ko siyang t-i-next, ayaw kong magsayang ng laway o lakas para kausapin siya. *Love* :Mag -Break na tayo, sawa na ako sa paulit-ulit na panggagago mo sa’kin, magpakasaya ka sa babae mo. SENT Pagka-Send ng message ko ay kaagad ko siyang bl-in-ock. At inalis siya sa lahat ng account ko pati na rin mga larawan namin sa phone. Isa na lang siyang nakaraan, pangako ko sa sarili ko na hindi na ako maghahamal pa. Nakasakay na ako sa bus at papunta nasa mansion ng tita ko na isa pang salot. Makakaalis na rin ako sa bahay na iyun na puro kalupitan lang ang nakukuha namin.★ Denver’s POV ★I could still hear the echo of the door closing. Parang may naiwan na bigat sa dibdib ko, na hindi ko maipaliwanag. The image of that woman outside—her trembling voice, her teary eyes—kept flashing in my mind. Hindi ko siya kilala… at least that’s what my memory insists. Pero bakit ganoon? Bakit parang ako ang nagkasala sa kaniya?Humigpit ang hawak ko sa bedsheet. Why do I feel guilty? Why does it hurt?Sa gilid ko, naroon si Lisha. Nakaupo siya sa chair, peeling an apple with slow, precise movements. Parang walang nangyari, parang wala siyang pakialam sa lahat ng emosyon na sumabog kanina sa dito sa loob ng kwarto.“Eat some fruit, Denver,” she said calmly, placing a slice on a plate beside my bed.I glanced at her, then back at the window.“Thank you.”Tahimik. Tanging tunog lang ng monitor at mahihinang galaw ng kutsilyo ang maririnig. Pero sa loob ko, nangangalit ang tanong. Hindi ako mapakali. Hindi sapat ang katahimikan.Finally, I asked, “Lisha… they told me w
★ Sienna’s POV ★Mahigpit pa rin ang hawak ko sa laylayan ng damit ko habang nakatayo ako sa labas ng kwarto ni Denver. Ang pintuan ay muling sumara sa likod ko, naiwan doon si Lisha na nagbabalat ng prutas at si Denver na halos hindi man lang ako pinaniniwalaan at nilingon. Parang hinila pababa ang buong mundo ko kanina, lalo na’t pinaaalis ako mismo ng taong pinagkakatiwalaan ko, ng taong mahal ko—pero ano nga ba ang laban ko?“Sienna, huminahon ka na muna,” malumanay na utos sa akin ni Mav.“Paano ako hihinahon kung kasama ngayon ni Denver ang babaeng iyon! Mav, may alam ka ba sa nangyayari?”“Sienna… sumama ka na muna sa akin, ipapaliwanag ko lahat ng gusto mong malaman.”Hindi kaagad ako nakapagsalita, iniisip ko pa rin ang mga nasaksihan ko kanina. Lahat ng alaala namin ni Denver ay nabura na sa kaniyang isipan. Paano na ako? Paano na kami ng anak namin?“Halika, kung nais mong malaman lahat,” saad ni Mav at nagsimula nang maglakad.Saglit ko siyang tinitigan. Tama, hindi ako da
★ Sienna’s POV ★Dalawang araw na akong nakakulong sa loob ng bahay, nagpapahinga gaya ng payo ng lahat. Ngunit sa bawat oras na lumilipas, lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako mapalagay. Kahit anong gawin kong libangan, kahit anong kwento nina Maria, Cara, Luisa at Manang, kahit pa ang pag-aalaga ng Mama ko—wala pa ring saysay. Palagi at palaging bumabalik ang isip ko kay Denver.Kaya ngayong umaga, habang malamig pa ang hangin at tahimik pa ang paligid, nagpasya akong mag-ayos.Nakaharap ako sa salamin ng aking kwarto. Maputla pa rin ang mukha ko, ngunit hindi ko iyon alintana. Maingat kong sinuklayan ang buhok ko, pinipilit na itago ang panghihina sa pamamagitan ng kaunting ayos. Isinuot ko ang simpleng bestida na maluwag at kumportable, para hindi rin mahirapan ang katawan ko. Habang inaayos ko ang sarili, hindi ko mapigilang isipin—handa na ba talaga ako?“Ma’am Sienna, sigurado ka ba talaga? Hindi ba mas mabuting magpahinga ka na lang muna dito?” malumanay na tanong ni M
★ Sienna’s POV ★Huminto ang taxi sa tapat ng hospital. Mabilis kong binayaran ang driver at agad na bumaba. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, para bang may malaking bagay na nakadagan sa akin. Simula nang huli kaming mag-usap ni Denver, hindi ako mapakali. Hindi ko na kayang maghintay pa. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong subukan ulit—kahit isang beses pa lang—baka sakaling maalala niya ako.Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa matataas na gusali ng ospital. Sa bawat hakbang ko palapit sa main entrance, ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinipilit kong tibayan ang loob ko, kahit alam kong may posibilidad na muli akong masaktan kapag wala pa rin siyang naaalala.Paglapit ko sa sliding door ng hospital, bigla akong napatigil nang may bumungad sa akin. Si Xandro.“Sienna?” agad niyang sambit nang makita ako. Kita ko ang gulat sa mukha niya habang nagmamadaling lumapit. “What are you doing here? Shouldn’t you be resting?”Bahagya akong napalunok. Hindi ko a
Tahimik akong nakatayo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang anak ko na nakasandal pa rin sa malambot na unan. Kahit may bahid pa rin ng pagkalito sa mga mata niya, hindi ko maikakaila na bumalik ang ilang sigla sa boses niya matapos ang mahaba naming pag-uusap kanina. Ngunit ngayon, kailangan ko munang magpaalam—dahil may mga bagay akong kailangang ayusin, mga plano na dapat nang isulong habang hawak ko pa ang sitwasyon.Huminga ako nang malalim bago magsalita.“Denver,” maingat kong sabi, mahina ngunit malinaw.Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa akin, mga mata niyang nananatiling kalmado pero may bahid ng pagtataka. “Yes, Dad?”“May kailangan lang akong gawin sa labas. Some business matters,” sabi ko, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. Ayokong maghinala siya. “Magpahinga ka lang muna dito, ha. I’ll be back soon.”Sandali siyang nag-isip, bago bahagyang tumango. “Alright. Don’t worry about me. I’ll stay here.”Tumango ako pabalik, pinilit ngumiti kahit na may bahagyang b
★ Denmar’s POV ★Tahimik ang silid matapos lumabas si Xandro. Tanging tunog ng aircon at mahinang beep ng monitor ang sumasabay sa mabagal na paghinga ng anak ko. Ang katahimikan na iyon ay musika sa pandinig ko—isang senyas na sa wakas, kaming dalawa na lang ang natira, walang makikialam. Sa wakas, makakausap ko siya nang walang sagabal.Nakatayo ako sa tabi ng kama, pinagmasdan ko siya. Ang Denver na nasa harap ko ngayon ay hindi ang parehong Denver na lagi kong nakikita noon—matapang, palaban, laging may tinig na kumokontra sa akin. Hindi. Ang nakaupo ngayon ay isang taong may puwang sa isip, may butas sa alaala. Nasisiguraduhin kong hindi na maibabalik.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang kalituhan, ang kawalan ng katiyakan, at higit sa lahat—takot. Ilang segundong nanahimik bago siya nagsalita, ang boses niya’y mahina ngunit malinaw.“Dad… tell me, the one I hit. What happened to him? Is he alive?”Hindi ko inaasahan na itatanong niyang mu