"Anong klase kayong tiyuhin? Sinasabi ninyo na hayaan ko ang kapatid ko na mamatay na lang, ganon ba?" Galit na bulalas ni Elizabeth.
Tinignan niya ng masama ang tiyuhin, napakasama nito para sabihan siya ng ganon bagay. "Siraulo ka pala talagang bata ka eh, ano bang akala ko sa akin, mayaman? Wag kang tanga Elizabeth." Nanunurang turan ng kaniyang tiyuhin sa kaniyia. Napatingin si Elizabeth sa loob ng bahay, napangiwi siya ng makita kung ano ang ginagawa ng kaniyang tiyuhin, kung bakit ang mga mata nito'y labis ang pagka pula. Natawa siya ng bahagya, "Mayroon kayong pang batak. Ngunit, kaunting tulong para sa pamangkin ay wala kayo!" Sigaw ni Elizabeth. Malakas na sampal ang dumampi sa kaniyang pisngi, hawak hawak ang mukha, muli niyang tinitigan ang tiyuhin. "Sana sainyo na lang napunta ang sakit ni AZ, mas karapad dapat kayo sa sakin na iyon," bulalas niya sa sobrang galit, Alam niya na kasalanan niya't pumunta pa siya doon, hindi lang niya inaakala na ganon ang sasabihin sa kaniya ng kaniyang tiyuhin dahil dati'y malapit siya kay Rolando. Ngunit, ng lumipat ito sa baryo na tinitirhan nito, malaki ang pinag bago ng kaniyang tiyuhin. Hindi na nila ito nakakausap, iwas na din ito sa kanila at ang malala pa'y natuto itong gumamit ng pinag babawal na gamot. Tumalikod si Elizabeth, nakahanda na sa para lisanin ang lugar na iyon. "Elizabeth? Ikaw ba iyan?" Napatingin siya sa babaeng tumawag sa kaniya, ang kinakasama ng kaniyang tiyuhin. "Hayaan mo na siya, Maydel. Humihingi lang yan ng abuloy," turan ni Rolando sa kaniyang asawa. "Ano ka ba naman, Rolando. Ngayon na nga lang tayo dinalaw ng iyong pamangkin, ganyan ka pa kung mag salita," malumanay na turan ng babae. Lumapit ito kay Elizabeth at inakay siya papasok ng bahay, sinenyasan niya ang mga tao doon na lumabas na muna dahil may bisita sila. "Ano ba yan, hindi pa kami tapos." Reklamo ng isa subalit wala itong nagawa, sinunod na lang nila ang pinahihiwatig ni Madel at mabilis na nag silabasan. Kumuha ng tubig si Maydel, inasikaso niya si Elizabeth na parang bisita, may ngiti sa mga labi nito na may masamang hangarin. "Kailangan mo ng tulong, hija?" Malambing na tanong niya sa babae. Tumango si Elizabeth, uminom ng kaunting tubig at ibinaba iyon, "Opo, Tita Maydel, nasa ospital po ngayon si AZ, kailangan ko po ng tulong," pag susumamo ni Elizabeth. Nag tatakang siniko ni Rolando ang asawa, ngunit hindi siya nito pinansin. "Alam mo naman na wala kaming pera, di'ba?" Tanong niya kay Elizabeth na siya namang tumango. "Wala kaming pera---- pero, may alam akong paraan kung paano ka magkakaroon ng pera," mabilis na umayos ng upo si Elizabeth, handa sa kahit na anong paraan. "Ano po iyon, gagawin ko kahit ano." Puno ng pag pupursiging turan nito. "Mabilis ang pera, pero hindi ganon kalakihan," dagdag pa ni Maydel sa pamangkin ng asawa. Doon lang napagtanto ni Rolando kung ano ang pinaplano ni Maydel, napangiti ito tila masaya dahil may pera palang dala ang pag punta ng kaniyang pamangkin. "A-Ano po? Hindi po ako nag bebenta ng droga," kinakabahang saad ni Elizabeth, natawa ang dalawa sa sinabi ng babae. "Hindi ka mag bebenta ng droga, tanga." Usal ng kaniyang tiyuhin. "Ang ibebenta mo, ikaw mismo." Malumanay na turan ni Maydel, walang bahid na kahit anong kaba o kunsensya. Napatayo si Elizabeth sa narinig, hindi niya kailanman naisip na ibenta ang sarili. "H-Hindi ko po kaya," nauutal na saad niya. Lalabas na sana si Elizabeth ng mag salita muli si Maydel, "Sige, ikaw din. Paano ang gamutan ng bunso mong kapatid? Hahayaan mo na lang bang mahirapan siya't mamatay?" Mapanurang tanong nito sa dalaga. Natigilan si Elizabeth, hindi niya gustong mawalan ng kapamilya, tanging si AZ na lang ang mayroon siya, yumao na ang kanilang mga magulang at ang kaniyang inay ay namatay din sa sakit na tumor, tumulo ang mga luga sa mata ni Elizabeth. Muli siyang humarap sa dalawa, "M-Magkano po ang ibabayad saakin?" Tanong niya sa asawa ng tiyuhin. "Sampung libo, isang gabi lang iyon. Saan ka makakakuha ng ganong halaga? Kung tsatsagain mo, mabilis kang makakaipon ng pang opera ni AZ," Natigilan si Elizabeth, pinag iisipan maigi kung dapat ba siyang pumayag sa inaalok nito. Ngunit, wala siyang pag pipilian, gusto niyang maipagamot ang kapatid, wala na siyang ibang paraan pa para makalikom ng pera. "S-Sige, pumapayag na po ako," ani Elizabeth. Bakas ang tagumpay sa mga ngiti ni Maydel gayon din ni Rolando, tila naka jackpot sila sa lotto. "Oh sige, mag memessage ako saiyo, bukas ng gabi. Kung saan ka pupunta para sa unang customer mo, kapag tapos na iyon. Tsaka ko ibibigay ang bayad mo," masayang turan nito. Hinatid niya palabas ng kanilang bahay si Elizabeth, ang ngiti sa mga labi nito'y aabot na sa taynga dahil sa tuwa. "Sige na, mag ingat ka sa pag uwi. Maligo ka, at matulog. Siguraduhin mong fresh ka para bukas ng gabi," bulalas ni Maydel at mabilis na isinara ang pinto.Kasalukuyang pinapakain ni Elizabeth ng mainit na lugaw ang kan'yang kapatid, labis ang kan'yang tuwa ng umpisahan na itong gamutin. Para kay Elizabeth, baliwala ang kan'yang puri kung ang kapalit nito ang pag dugtong ng buhay ng kan'yang nag iisang kapatid. "Kumain ka ng marami, para manumbalik ang lakas mo." Nakangiting saad ni Elizabeth sa maputlang mukha ni Az. Tumango ito sa kanya ng may tipid na ngiti sa mga labi, "Saan ka kumuha ng pang chemotherapy ko, Ate?" Tanong nito sakan'ya. Natigilan si Elizabeth, hindi sya kaagad nakasagot. Hindi nya alam kung paano sasabihin sa kapatid o dapat ba nyang sabihin pa. Ang mahalaga lang sakan'ya ngayon ay maagapan ang sakit nito. Ngumiti si Elizabeth, "May nakilala akong mayaman na matanda. Tinulungan ko kasi siya non---- At bilang pag tanaw ng utang na loob, tinulungan din nya ako," pag sisinungaling nya. Hindi nya kayang aminin sa kapatid na ibinenta nya ang kanyang sarili kapalit ng dalawang milyon. Alam nyang labis itong ma
Dumiretso si Adam sa kanyang opisina, mula sa kanilang hotel sa kumpanya nya siya dumiretso.Ayaw nyang umuwi dahil alam nyang andon si Sabrina at ayaw nyang kulitin sya nito ng mga tanong."Sir, ang Lolo po ninyo," magalang na pahayag ni David sa kanyang amo. Napatingin si Adam sa pinto ng mag salita si David, nakita nya don ang matandang lalaki na nakatayo at halatang galit na galit ang mga mata."Bakit hindi ka umuwi kagabi? Saan ka ba nag susuot na bata ka! Hindi mo ba alam na umiiyak ang fiancee mo?! ---- ang kawawang Sabrina, hindi nya dapat dinaranas ang ganito!" galit na bulalas ni Benjie sa apo."Kung ganon, dapat na nating itigil ang kalokohan na ito para hindi nya danasin ang gantong bagay. Hindi ba't kayo naman ang may gusto na ma engaged ako sa babaeng iyon? Bakit hindi kayo ang mag pakasal---""Wala ka talagang kwenta, bastos kang bata!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ng matanda sa pasilyo ng opisina ni Adam. Nanginginig ang katawan nito sa labis na galit na kanyang nararamda
Masakit ang buong katawan ni Elizabeth ng magising siya mula sa kama, napatingin siya sa lalaking kanyang katabi. Nakayapos ito sa kaniya na parang kasintahan, pinakatitigan ni Elizabeth ang mukha ng lalaki.Hindi niya lubos maisip na sa itsura nito, ang gwapong mukha, maayos na pangangatawan at karangyaan na mayron ito'y bakit nagawa pa ding mag hanap ng babaeng makakatalik, gayong madali lang para sa isang kagaya nitong mayaman na makahanap ng mapapangasawa.Kumurap siya, agad na inalis ang tingin sa natutulog na lalaki, agad niyang kinuha ang nagkalat niyang damit sa silid.'Kailangan ko nang umalis, kailangan kong malaman ang lagay ni AZ' ani Elizabeth sa kaniyang isip.Nag mamadali siyang sinuot ang kanyang mga damit, "Saan ka pupunta?" Nagulat sya ng mag salita ang kaninang natutulog na si Adam, hindi niya namalayan na gising na pala ito."U-Uuwi na sana ako..." Pag sisinungaling niya, ayaw niyang sabihin na sa ospital siya tutungo dahil hindi niya naman ito lubos na kilala, is
Napangiti si Adam ng makita ang pagkababae ni Elizabeth. Ang mapulang pagkababae nito ang nag bigay sakanya ng kakaibang kasiyahan. Tila nasasabik na ang kanyang pagkalalaking mapasok ito. Hindi gaya sa pagkababae ni Sabrina, mas maganda ang tinatago ni Elizabeth, tila maakit ka talaga kapag tinignan mo ito. Hindi na sya nag dalawang isip pa, hinagkan nya ang pagkababaeng iyon ni Elizabeth. Mas lalo siyang natuwa ng marinig niya ang malakas na ungol ng babae, maging ang pag sabunot nito sakanya ay labis niyang ikinatuwa. Nilabas niya ang kanyang dila, animo'y kumakain ng surbetes si Adam habang tinitilaan ang pagkababae ni Elizabeth. Ang matigas niyang pagkalalaki'y mas lalong tumigas. Hinaplos niya ang pagkababae ni Elizabeth, muli niya itong hinalikan. ang bawat halik niya dito ang syang paggalaw naman ni Elizabeth. Tila gustong gusto nito ang kanyang pag papala sa pagkababaeng iyon ni Elizabeth. Hindi na sya makapag antay pa, binuhat niya ang babae, "Sa-Saan mo ako dadalhin
Nakarating si Elizabeth sa 15th floor, nasa tapat na sya ngayon ng room 101, bumuga sya ng malalim na hininga. "Andito ka na Elizabeth, wala na itong atrasan pa..."Pumikit sya at binuksan ang silid, hindi iyon naka lock. Tila sinadyang hindi iyon isinara upang makapasok sya. Madilim sa silid, binuksan nya ang ilaw. naglakad sya papasok sa loob. napaka ganda ng silid na iyon.Mula sa kwartong kitang kita ang magandang tanawin mula sa labas, ang ganda ng tanawin naiyon ang nakapag pagaan sa kanyang dibdib. Napag desisyonan nyang maligo muna dahil nahihiya siyang tignan ang sarili, mukha siyang nanlilimos sa kung saan na naligaw lang sa silid na iyon. ----Narating sila Adam sa Joe's Hotel eksantong alas syete ng gabi. "Umuwi ka na, dito na ako matutulog." pahayag ni Adam sa kanyang assistant. Tumango lang ito at umalis na. Alam ni David na hindi talaga uuwi ang kanyang amo, mapapagod ito at makakatulog na. Hindi na sya nag aksaya pa ng oras kaya umalis na upang siyay makapag pahi
"Sir. Malapit na po ang oras," paalala ni David sa kan'yang amo, malapit na kasi nitong makita ang babaeng kaniyang binili. Napatingin si Adam sa kanyang assistant, "Naipadala mo na ba ang pera?" Tanong niya kay David, napa-maang si David sa tanong na iyon ni Adam. "Hindi pa po, babayadan ko po na po ba kaagad?" Tanong nya, bahagyang nag isip si Adam. Kung malinis na babae ang nakuha ni David, malaki ang posibilidad na umatras ito, kaya tama lang na bayadan na nya ang babae upang hindi na ito umatras pa. Tumango si Adam at sinabi, "Ibigay mo na ang bayad, nang sagonon. Hindi na sya maka-atras pa." Mabilis na tumalima si David sa sinabing iyon ni Adam, kinuha nya ang kanyang telepono't muling tinawagan si Maydel. Mabilis na sinagot nito ang kanyang tawag, tila inaabangan ang kanyang tawag. [Hello, Mr. Salazar?] Masayang bati ni Maydel, ang tinig ay halatang nasasabik. [Malapit na pong mag alas-syete ng gabi, papuntahin ko na po ba si Elizabeth?] Tanong nito sa kanya