Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-10
Oleh:  MaxxieOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Peringkat. 3 Ulasan-ulasan
20Bab
266Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Adam Joe, isang bilyonaryo. Maganda ang buhay dahil sa yaman na kaniyang pinag hirapan. Samantala si Elizabeth Fortes, hikahos sa kahirapan. May kapatid na malubha ang sakit, dahil sa sakit ng kaniyang kapatid na si AZ, kinailangan niyang kumapit sa patalim upang mapagamot ang nag iisang kapatid dahil wala na silang magulang. Si Adam ay mapaglarong tao, kahit na meron na siyang kasintahan ay nagawa pa din niyang magtaksil dahil hindi naman talaga niya lubos na gusto si Sabrina, pinag kasundo lang sila ng kaniyang Lolo at ng magulang ni Sabrina. Ano ang magiging papel ni Elizabeth sa buhay ni Adam? Magiging parausan lang ba siya ng bilyonaryong lalaki?

Lihat lebih banyak

Bab 1

KABANATA 1

Humahangos si Elizabeth ng isugod niya ang kaniyang kapatid na si AZ sa ospital dahil bigla na lang itong nawalan ng malay, maputla ang mukha ng kaniyang kapatid.

Labis ang pag aalala ni Elizabeth para sa kapatid, silang dalawa na lang kasi ang mag katuwang at mag kasama. Maaga silang iniwan ng kanilang mga magulang kaya labis ang kaba ni Elizabeth ng bigla na lang bumagsak ang kapatid, ayaw niyang mawalan muli ng mahal sa buhay.

Hinarang ng isang Nurse si Elizabeth ng maka pasok na sa loob ng emergency room si AZ, "Ma'am, hanggang dito lang po kayo, hindi po kayo pwede pumasok sa loob,"

Huminto si Elizabeth, pilit pinapa kalma ang sarili.

'Diyos ko, huwag niyo po sana pabayaan ang aking kapatid,'

Nag dasal ng taimtim si Elizabeth, humihiling na sana'y nasa maayos na kalagayan ang kaniyang bunsong kapatid.

Hindi mapakali si Elizabeth, lakad doon, lakad dito ang kaniyang ginawa. Kumakabog ng sobra ang dibdib, halos takasan siya ng sariling puso sa sobrang lakas ng pag kabog nito.

Maya-maya'y lumabas ang isang Nurse, sinalubong niya ito ngunit iniwasan siya ng nurse at nag mamadaling tumakbo patungo sa kung saan.

Mas lalong umusbong ang kaba sa kaniyang dibdib dahil alam niyang nasa peligro ang kapatid niya.

Umiiyak siyang umupo, pinag dikit ang mga palad at yumuko. Taimtim na nag dasal sa kaniyang isipan.

'Panginoon, iligtas niyo po ang kapatid ko, huwag niyo pong hayaan na mawala siya sakin. Si AZ na lang ang tanging mayroon ako, parang awa niyo na, Panginoon may kapal.'

Nag angat ng ulo si Elizabeth ng marinig ang pag bukas ng pinto mula sa Emergency room.

Mabilis na tumayo si Elizabeth at lumapit sa doktor, "Doc, Ano po ang lagay ng kapatid ko? Simpleng himatay lang naman po ang nang yare sa kaniya, di' po ba?"

Hinubad ng ng doktor ang suot niyang gwantes at ibinaba ang mask sa kaniyang mukha.

"Ang paghimatay ng iyong kapatid ay dulot ng isang Tumor sa kaniyang utak."

Natulala si Elizabeth sa narinig, naiwang naka buka ang mga labi't hindi alam kung saan kukuha ng lakas para makapag salita.

"Kailangan natin agad na gawin ang mga kaukulang pag-aaral at operasyon upang matanggal ang tumor at mapagaling ang iyong kapatid."

Tumulo ang luha sa mga mata ni ELizabeth, gaya ng kaniyang inay, nagkaroon din ng sakit na malubha ang kaniyang kapatid. Ayaw niyang magaya ito sa kaniyang magulang na pinabayaan ang sakit at mas piniling hindi na mag pagamot dahil sa kakulangan sa pera.

"D-Doc, ano po ang dapat kong gawin..... Iligtas niyo po ang kapatid ko," hawak ang puting kasuotan ng doktor, nag susumamo si Elizabeth na iligtas nito ang kaniyang kapatid.

"Ang kabuuang halaga ng gamutan ng iyong kapatid, kasama na ang operasyon, chemotherapy, at mga pag-aaral, ay aabot sa mga 800,000 hanggang isang milyon. Ngunit, ito ay maaring magbago depende sa mga pangyayari sa loob ng ospital,"

Natigilan si Elizabeth, wala siyang ganon kalaking halaga para mabigay ang operasyon sa kaniyang kapatid, nabitawan niya ang puting kasauotan ng doktor, napasandal siya sa pader, nang hihina ang kaniyang katawan.

"S-Sige doc, g-gawin niyo po ang nararapat..... G-Gagawan ko po ng paraan ang chemotherapy ng kapatid ko, antayin niyo lang po, gagawan ko po ng paraan,"

Mabilis na tumalikod si Elizabeth, tumakbo siya palabas ng ospital.

Kailangan niyang makahanap ng mauutangan para sa pang gamot ng kaniyang kapatid, pinara niya ang isang jeep na kadaraan lang, sumakay siya, kahit hindi alam kung saan pupunta'y desedido siyang makalikom ng pera para sa kapatid.

"Para po," bumaba si Elizabeth, pinag masdan niya ang lugar kung saan naka tira ang kaniyang tiyuhin.

Lakas loob siyang pumasok sa loob ng squatter na lugar, madaming nag iinuman, mayroon din nag aaway.

Kahit impusible para sa kaniya na makakuha ng tulong mula sa tiyuhin, alam niyang madami itong alam na paraan.

Nakarating siya sa tapang ng isang pinag tagpi tagpi na yero, mistulang bahay iyon na gawa sa nabubulok na yero.

Bumuntong hininga si Elizabeth, lakas loob na kumatok sa manipis na pinto ng maliit na bahay.

Nakatatlong katok na siya, ngunit wala pa din nag bubukas ng pinto para sa kaniya.

Muli niiyang kinatok ang bahay, "Tao po, Tito Rolando, andiyan po ba kayo?" Sigaw niya mula sa labas ng bahay nito.

Maingay sa lugar na iyon kaya muli siyang kumatok, "Tito Rolando," mas nilakasan niya ang tawag sa tiyuhin, nag babaka sakaling marinig na siya nito.

Ilang sandali pa'y lumabas ang isang lalaki, mapula ang mga mata nitong nandidilat, para itong walang tulog dahil nangingitim na ang ibaba ng mga mata nito.

"Sino ba yan, istorbo ka ha." Singhal nito ng bukan ang pinto ng kaniyang bahay, nakita niya ang anak ng kaniyang kapatid.

"Ha," tawa nito habang seryosong nakatingin sa babaeng pamangkin, "Ano ang kailangan mo?" Tanong niya sa pamangkin dahil hindi ito nagagawi sa kanilang lugar, mahirap man sila Elizabeth pero hindi ni minsan sila pinapunta ng ama sa lugar na iyon kung saan naka tira ang kaniyang tiyuhin dahil magulo ang baryo na iyon.

"Tito Rolandi, k-kailangan ko po ng tulong," nag pantig ang taynga ni Rolando, mistulang insulto iyon sa kaniya.

"Ginagago mo ba ako? Hindi mo ba nakikita ang lugar na ito?" Nanunurang turan ni Rolando, hinawi niya ang dalawang kamay tila pinapakita sa pamangkin ang lugar kung saan siya naka tira.

"Sa akin ka talaga hihingi ng tulong? Pagkain nga namin, hirap na ako. Hindi kita matutulungan," akmang isasara na nito ang kaniyang pinto ng pigilan iyon ni Elizabeth.

"Para niyo na pong awa Tito Rolando, may tumor po si AZ," humagulhol ng iyak si Elizabeth, nag susumamo para sa kaunting tulong mula sa kaniyang tiyuhin.

"Kahit umiyak ka pa riyan ng dugo, wala akong maibibigay sa iyo, tumor ba kamo? Hayaan mo na lang pag lamayan ang iyong kapatid ng magkaroon ka ng kaunting pera galing sa abubloy ng burol niya,"

Natigilan si Elizabeth sa narinig, hindi niya nagustuhan ang mga tinuran ng kaniyang tiyuhin.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Mairisian
must read! 🫶
2025-03-26 02:05:33
1
user avatar
Miss Hunterx_A
Aabangan, Babasahin, kikiligin, iiyakan ...
2025-03-25 20:17:23
1
user avatar
JADE DELFINO
subaybayan niyo ang story na 'to...
2025-03-25 15:40:15
1
20 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status