Masuk"Hindi mo siya gustong pakasalan, hindi ba’t ikaw ang nag sabi?" Tanong ni Marco habang papalapit kay Isabelle, halatang galit.
Napaatras si Isabelle. Ang likod niya ay nakasandal na sa sofa, at wala na siyang malilipatan.
"Mukhang naparami ang inom mo ah." Tugon ni Isabelle nang walang emosyon.
Bago ang engagement party, si Isabelle mismo ang lumapit kay Marco upang kausapin ito.
Ngunit ang mga sinabi niya ay mga salitang pamamaalam at paglilinaw ng hangganan, mga katagang tumutukoy na magiging ate na sya ni Marco sa hinaharap, at sila ay magpapanggap na hindi magkakilala at hindi nagkita kailanman.
Matagal nang kilala nina Marco at Isabelle ang isat isa. Noong nakaraang taon, nagpunta siya sa ilog upang mag-swimming kasama ang kanyang kaklase. Habang lumalangoy, bigla siyang na-cramp at muntik nang malunod. Mabuti na lang at dumaan si Marco, na bihasa sa paglangoy, at siya ang nagligtas sa kanya.
Si Marco ay matangkad at gwapo, at ang pagligtas sa kanya ay parang eksena sa pelikula. Dagdag pa, ang malaking jeep na nakaparada sa gilid ng kalsada ay malinaw na nagpapakita na anak siya ng isang prominenteng, kaya’t hindi naiwasan ni Isabelle na mahulog ang loob sa kanya.
"Talaga? Lasing ako?" Pang-aasar ni Jiang Chi habang tinuturo ang pinto. "Bakit mo itinaboy ang kapatid ko? Hindi ba dahil sa may lugar pa ako sa puso mo?"
Habang nagsasalita, humakbang siya ng isa pang hakbang patungo kay Isabelle: "Isabelle, may pagkakataon pa tayo. Hindi ako naging mabuti sa iyo dati. Ako..."
Habang nagsasalita, inabot niya ang kanyang kamay, upang yakapin sana si Isabelle.
Sa labas ng pinto, si Andres ay mahigpit ang pagkakahawak sa isang bagay.
Nag-aalangan siya at halos papasok na sana, ngunit narinig niyang biglang sumigaw si Isabelle mula sa loob: "Marco, nababaliw ka ba!!!"
Sa loob ng kwarto, si Isabelle, na napasiksik sa isang sulok ay may hawak ang isang pares ng matutulis na gunting, iwinasiwas nya iyon at natamaan si Marco sa kanyang kanang hita. Muling itinutok iyon sa harapan ni Marco: "Subukan mong gawin ulit yan, papatayin kita!"
Habang nagsasalita, puno ng poot, uhaw sa dugo, at kabaliwan ang makikita sa mga mata ni Isabelle.
Habang si Marco ay humahaplos sa kanyang napuruhang hita, tinitigan niya si Isabelle ng hindi makapaniwala.
Halos matamaan ng gunting ang maselang bahagi ni Marco. “Weeeew, muntik na kong hindi magkaanak!”
Dahil sa pangyayaring ito, tuluyan nang nawala ang kalasingan ni Marco.
Paano nangyaring ganito? Hindi ba’t si Isabelle ay laging tapat at nagmamahal sa kanya? Paano siya naging ganito kaibang tao?
"Ate mo na ako ngayon! Magpakabait ka! Kung mangyari ulit ‘yan, ingatan mo na ang 'yong alaga!" Sigaw ni Isabelle kay Marco.
Sa nakaraan niyang buhay, matagal bago napagtanto ni Isabelle na si Marco ay pinakasalan lamang sya dahil sa koneksyon ng pamilya nya at upang magamit sya para makapag settle ito sa ibang bansa.
Ginamit lamang sya ni Marco, at wala itong nararamdaman kahit anong pagmamahal para sa kanya.
Pati noong araw na ang kanilang anak na si Gabriel, na ipinanganak sa hirap na kalagayan, ay kinidnap at pinutulan ng mga kamay at paa, si Marco ay walang pakialam. Andoon at may kasamang ibang babae habang ang pamilya nito ay nagdiriwang ng kaarawan ng ibang bata.!
Dahil sa matinding impeksyon dulot ng naantalang paggamot, nagsimula nang magka-organ failure si Gabriel. Ang doktor ay nagbigay na ng huling babala.
Nanatili siya sa tabi ng anak ng tatlong taon hanggang sa sinabi ng doktor na isa sa mga baga Gabriel ay patay na at maaari na lamang siyang mabuhay ng ilang buwan gamit ang ventilator. Kung magpapatuloy pa siya sa buhay, magiging walang katapusang sakit at pahirap na lang ang hatid sa bata.
Kaya’t pinatay ni Isabelle ang mga kidnappers bago pa sumapit ang ika-10 kaarawan ni Gabriel, at pagkatapos ay tahimik siyang sumama sa anak sa kabilang buhay.
Nang magbukas siya ng mga mata, bumalik siya sa kasalukuyan!
Nang malapit nang mamatay si Gabriel, ang katawan nito ay halos natunaw na, patuloy pa rin itong umiiyak sa sakit nang yakapin siya ni Isabelle. Ang mga mahinang salitang "Mama" ay patuloy pa ring bumabalik sa kanyang isipan.
Mas gugustuhin na niyang hindi nya na lang ipinanganak si Gabriel.
Ngayon, binigyan siya ng Diyos ng pagkakataon upang magbago!
Maliban na lang kung siya’y mababaliw, hindi nya hahayaan muling gawin sa kanya ni Marco ang ginawa nito dati.!
"Lumayas ka!" itinutok muli ni Isabelle ang gunting na hawak niya ng ilang sentimetro patungo sa leeg ni Marco.
Ang matalim at malamig na talim ay nagtulak kay Marco na umatras: "Hoy! Huwag ka ng magalit! Lalabas na ako!"
Naglakad si Marco ng ilang hakbang palabas, pagkatapos ay lumingon muli kay Isabelle nang may hindi pagkalugod.
Ngunit ang sulyap na iyon ay nagdulot ng hindi maipaliwanag na kilabot sa likod ni Marco.
Punong-puno ng poot at pagkamuhi ang mga mata ni Isabelle habang tinitingnan siya ngayon, parang... may ginawa siyang napakasamang bagay kay Isabelle
Napagtanto ni Marco na may ibang intensyon sya ng kausapin nya si Isabelle. Nakaramdam siya ng kaunting guilt nang titigan siya nito.
Hindi na siya nakapag-mura, kaya’t tumalikod na lang siya at umalis.
Noong hindi na nakita ni Isabelle ang pagmumukha ni Marco, saka lamang sya nakahinga nga maluwag.
Nag-aalala siya na baka bumalik pa ito, kaya’t mabilis siyang naglakad patungo sa pinto at balak itong i-lock. Nang makarating siya sa pinto, parang may nakita siyang aninong dumaan sa kanto.
Si Andres ay nakatayo sa dilim, naghihintay na makalabas si Marco. Nang malapit na siyang lumiko at magtungo sa ibaba, isang matinis na boses ang biglang narinig mula sa likuran niya, tinawag siya: "Andres!"
Huminto saglit si Andres bago lumingon kay Isabelle.
Napansin na ni Andres kanina sa engagement party na may hindi tama sa pagitan nina Isabelle at ng kapatid nyang si Marco.
Sa totoo lang wala naman talaga syang balak pansinin ang kung ano man ang namamagitan sa dalawa.
Ngunit nang lumapit sa kanya si Isabelle na parang walang nangyari, nagtanong siya, "Bakit ka bumalik?"
Tinitigan siya ni Isabelle, puno ng kagalakan at gulat ang mga mata.
Bumaba ang mata ni Andres at tinitigan siya ng may kumplikadong ekspresyon. Gusto niyang basahin ang iba pang emosyon mula sa mga mata niya.
Dahil kanina lang, pinanatili ni Isabelle ang kanyang pagkabirhen mula sa kanya at nagbanta pang lalaslasin ni Isabelle ang dila nito kapag nagpumilit sya sa gusto nya. Nasaksihan nya rin mismo kung paanong iwinasiwas ni Isabelle ang hawak na gunting sa harapan ni Marco.
Nakita niyang mabilis at tiyak ang ginawa niyang pagtaga gamit ang gunting.
Pati siya, nagduda kung napansin na ni Isabelle na nandoon siya sa labas ng pinto at sinadyang magpakitang-gilas para sa kanya.
Ano ang gusto niyang gawin? Ano ang gusto niyang mangyari?
"Bumalik ka para maglagay ng gamot sa sugat ko, hindi ba?" Tanong ni Isabelle nang mapansin ang hemostatic medicine sa kamay ni Andres.
Mukhang hindi kasing-batugan si Andres gaya ng mga sabi-sabi tungkol sa kanya.
Medyo nag-aatubili si Andres, at may kabang sumagot: "Maglagay ka muna ng gamot, isasama ka ng driver sa ospital mamaya."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, humarap siya at umalis.
"Hey! Sandali..." Tawag ni Isabelle nang hindi niya napigilang magsalita.
Bago pa siya makalapit, siya na mismo ang lumapit!
"Anong nangyari?" Huminto si Andres at bumalik para tanungin si Isabelle.
Nagmamadali si Isabelle at hindi naibutones ang kwelyo niya, kaya't muling bumukas ito. Habang lumiliko si Andres, nasulyapan niya ang loob ng damit ni Isabelle dahil sa pagbukas ng kanyang kwelyo.
Kinuha ni Isabelle ang ilang gamit mula sa bayan at dali-dali siyang pumunta sa isang tindahan sa silangan ng lungsod na dalubhasa sa pag-aayos ng mga lumang gamit. Bukás pa ang pinto ng tindahan.Naalala ni Isabelle na ang may-ari ng tindahan ay isang magaling na manggagawa sa pag-restore ng mga antigong bagay. Nakapunta na siya rito noon sa kanyang nakaraang buhay, at eksakto ang mga gamit sa loob ng tindahan sa alaala niya.Nang marinig ang tunog ng kampanilya nang may tumulak ng pinto, tumingin ang matandang lalaki na nakaupo sa likod ng counter. Ngumiti si Isabelle sa kanya, lumapit, at iniabot ang kahon ng alahas sa kanyang kamay."Manong, maari nyo po bang ayusin itong kwintas?"Binuksan ng matanda ang kahon, tiningnan ang laman, at sabi, "Ibig mong ipasok ang ginto dito sa mga sirang beads ng imperial green?""Opo!" tumango si Isabelle.Tiningnan ng matanda ang beads nang ilang ulit, pagkatapos kinuha ang isang maliit at mabigat na lumang ingot ng ginto sa tabi niya, huminga,
Hindi nagsuot ng panty si Isabelle. Nang makita niya ang mga mata ni Andres na nakatitig sa kanya, namula ang kanyang mukha nang hindi sinasadya. Inabot niya ang braso ni Andres nang marahan at sinabing, "Tapos na akong maligo, maligo ka na."Tahimik lang na naupo si Andres at hindi gumalaw. Sandali lang na nanahimik si Isabelle bago kumuha ng lakas ng loob na lumapit at marahang hinalikan ang kanyang mga labi, hinihimok siya, "Sige na.""Mamaya, may flight ako papuntang North City ng 10:30," mahinang wika ni Andres. "Inabisuhan ako ng mga nakatataas na may mahalagang pulong militar bukas."Nabigla si Isabelle."Eh… makakabalik ka ba bukas ng gabi?" nag-isip siya sandali bago magtanong pabalik. Bukas kasi ang salu-salo ng kanilang pamilya, at higit sa isang daang tao ang inimbitahan ng kanilang lolo."Darating ako. Nakapag-book na ako ng flight bukas ng hapon," sagot ni Andres. Sigurado siya na ayaw niyang iwan si Isabelle nang mag-isa, pero huli na ang abiso kaya napagdesisyunan na i
"Sa loob ng isang linggo, gusto kong makita sa pahayagan ang balita tungkol sa pagkansela ng kasunduan ng inyong dalawang pamilya," ngumiti si Andres habang nagsasalita."Baka sa ganitong paraan, mas gumaan ang pakiramdam ng lolo ko at makalimutan na niya ang nakaraan."Nanginginig si Oscar nang magtanong kay Andres, "Bakit naman ganiyan ang gusto mong mangyari?""Wala namang malalim na dahilan. Kaibigan ko si Berto, at ayokong mapahiya ang asawa ko dahil sa asawa niya balang araw—lalo na kapag may mga okasyon. Ayokong mailagay sa alanganin ang asawa ko," kalmado ang sagot ni Andres."Ganun lang ba kababaw ang dahilan mo?" puno ng pagdududa ang mukha ni Oscar."Mababaw ba ang dahilan ko?" bahagyang itinaas ni Andres ang kilay habang tinititigan si Isabelle na nakahawak sa kanyang bisig."Importante sa akin ang mararamdaman ng asawa ko.""Si Andres, ayaw niyang makita si Aurora na kasama pa rin si Berto sa hinaharap," biglang singit ni Isabelle."Gaano ba kalaki ang sama ng loob mo kay
“PAPA!” namangha si Aurora at tumingin kay Oscar na may halong gulat at sakit.Ganoon na lang ba siya? Wala man lang pagtatanggol? Isang utos lang — tapos na ang lahat?“Nagkamali ka at maling inakusahan mo si Binibining Isabelle. Wala nang palusot! Humingi ka ng tawad, agad!” galit na sigaw ni Oscar.Bagama’t matagal nang nagretiro si Lucio at namumuhay na kasama ng pamilya, nananatili pa rin ang kanyang impluwensya sa lipunan. Ilan sa kanyang dating tauhan ay nasa mataas na puwesto na ngayon sa negosyo at politika. Alam ito ni Oscar — at umaasa siyang sa pamamagitan ng kanyang koneksyon sa mga Vargas, magpapatuloy pa rin ang pag-angat ng kanyang pangalan.Ngunit hindi lang iyon ang totoo.Si Oscar ay hindi tunay na ama ni Aurora.Si Aurora ay anak ni Cecilia mula sa unang kasal. Nang ikasal si Cecilia kay Oscar, isinama niya ang batang Aurora sa bagong pamilya. Ang apelyido niyang Mendez ay pinalitan ng Molino, upang magmukhang tunay na bahagi siya ng bagong tahanan.Pero sa mata ng
WALANG halong pagmamalabis — ang malamig na pawis sa likod ni Aurora ay halos nabasa na ang kanyang suot sa loob lamang ng kalahating minuto.Ngumiti siya ng isang pilit at pangit na ngiti — mas masahol pa sa pag-iyak — at nanatiling nakaupo."Kung ayaw mo akong samahan, Ate, huwag na lang."Ngunit kalmadong nagpatuloy si Lucio:"Aurora, kung sabik ka talagang makita, pumunta ka na."Sumang-ayon rin ang ama niyang si Oscar:"Oo nga. Tingnan mo na kung gusto mo."Sumabay si Isabelle, ngumingiti pa rin:"Okay lang sa akin. Hindi naman ako maramot.""A-ako... hindi naman talaga..." Nauutal si Aurora, pilit naghahanap ng palusot.Ngunit bago pa siya makatanggi, malamig na nagsalita si Andres na matagal nang tahimik:"Ate Clara, tagapamahala ng bahay, samahan ninyo si Aurora. Tingnan ninyo pareho ang kwintas."Sa sandaling iyon, tila nagbago ang ihip ng hangin.Napansin na ng karamihan sa mga nasa hapag-kainan na may mali.Ang buong silid-kainan ay biglang napuno ng katahimikan — parang bu
Hindi iyon pinansin ni Andres. Sa katunayan, matagal nang tapos ang lahat — mag-asawa na sila ni Isabelle.Ang tunay na kahiya-hiya ay ang asal ni Aurora na walang delikadesa.Sinadya niyang banggitin ang isyu upang sabay na paalalahanan at bigyan ng babala si Oscar.Namutla, saka namula si Oscar. Ilang sandali siyang natahimik bago lumingon kay Aurora."Ikaw... mag-ingat ka na sa susunod! Dalawampu’t tatlong taong gulang ka na!"Yumuko si Aurora, marahang kinutkot ang pagkain sa kanyang mangkok. Makalipas ang ilang sandali, mahina siyang tumugon:“Hmm...”Tahimik na nakaupo si Lucio sa gitnang upuan, pinagmamasdan silang lahat.Alam niya, siyempre, na gusto ni Aurora si Andres — pero hindi sila bagay sa isa’t isa.Hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay ng pagkakataon. Kung talagang gusto ni Andres si Aurora, sana ay sila na noon pa, noong magkasama pa silang sundalo. Hindi na dapat inabot pa sa ganitong panahon.Alam din niyang hindi basta-basta bibitaw si Oscar, pero ngayong si Is







