Share

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret
Author: Ms. Rose

Chapter 1

Author: Ms. Rose
last update Huling Na-update: 2025-07-10 19:04:33

"A-aah..." Hindi mapigilan ni Isabelle na mapaungol dahil sa nararamdamang sakit habang sya ay natutulog.

"Kung gano'n, tigilan na natin ito." Isang matalim na tinig ng lalaki ang dumaan mula sa ibabaw ng kanyang ulo.

Nanginginig ang katawan ni Isabelle at agad na nagising.

Doon lang niya naisip kung ano ang nararamdaman niya kanina!

Pero limampung taon  na siya! Matanda na at may mga nararamdaman pa siya! Paano kaya...

Bigla niyang binuksan ang mga mata at tiningnan ang lalaking nakadagan sa kanya. Ang matibay na mukha ng lalaki ay may matitinding linya at puno ng kabataang aura. Mukhang nasa kalagitnaan lang siya ng twenties.

"Sino ka?!"

Naguguluhan si Isabelle ng ilang segundo, tapos kinuha ang isang kumot at binalot ang sarili niya.

Sa liwanag ng ilaw, aksidenteng napansin ni Isabelle ang matibay na pang-itaas na katawan ng lalaki mula sa gilid ng kanyang mata. Nang hilahin ng lalaki ang kumot, halata ang hubog ng katawan nito.

Lalo pang nag-init ang mukha ni Isabelle at mabilis na umiwas ng tingin, parang tinamaan ng kuryente.

"Dahil labis ang iyong pagtanggi, tigilan na lang natin ito." Tumahimik ang lalaki ng ilang segundo, tapos tumayo siya.

Ang tinig niya ay malamig, may kaunting hindi maipaliwanag na kakaibang tono.

Pagkatapos niyang magsalita, tumayo siya nang walang pag-aalinlangan, umupo sa gilid ng kama, kinuha ang isang jacket pang-militar at isinuot ito sa kanyang balikat.

Doon lang napansin ni Isabelle na may sakit siya sa dulo ng dila, at punong-puno ng lasa ng dugo ang kanyang bibig.

Wala siyang ideya kung anong nangyari kanina. Habang mahigpit na binalot ng kumot ang kanyang sarili, nakatingin siya sa likod ng lalaki ng walang malay.

Ang sulyap na iyon ay muling nagpatigil sa kanya.

Kung hindi siya nagkakamali, ang lalaki ay nagsusuot ng jacket pang-militar, na mukhang huling disenyo  tatlumpung taon na ang nakalilipas!

"Ikaw..." Bago pa niya makita ng malinaw, nakasuot na ang lalaki ng mga damit, tumayo, binuksan ang pinto, at mabilis na naglakad palayo.

Tinitigan ni Isabelle ang mga military boots ng lalaki at biglang nagkaroon siya ng ideya.

Nilingon niya ang kumot sa kanyang katawan. Isang makalumang disenyo ng kumot ang nakalatag.

Natigilan siya ng ilang segundo, tapos tumalon siya mula sa kama at mabilis na naglakad patungo sa ilaw base sa kanyang alaala at pinindot ang on button ng switch.

Nagliwanag ang paligid at nang masilayan niya ang buong kwarto, napansin niyang nasa tahanan siya ng pamilya Vargas!

Ang kwarto ay naka-dekorasyong parang sa isang kasalan, at sa kabilang dingding ay nakasabit ang isang perpetual calendar na may mga pulang letra, mas nakakasilaw pa sa ilaw ng 40-watt na bombilya. Ngayon ay Disyembre 1, 1981! Araw ng kanyang kasal noong siya’y labingwalong taong gulang!

Tumalikod siya at umupo sa sofa.

Ngayon ay malinaw na siya ay bumalik sa gabi ng kanilang kasal, higit tatlumpung taon na ang nakalipas!

Ang lalaking iyon, tiyak na si Andres iyon, ang kanyang fiancé na pumanaw sa digmaan pagkatapos ng kasal!

Ang sitwasyon sa pagtatapos ng 1981 ay masyadong in tense. Nag-aalala ang pamilya Vargas na baka ipadala si Andres sa digmaan, kaya't inayos nilang magkasama silang matulog sa gabi ng kanilang kasal.

Nakita lang ni Isabelle si Andres apat na beses at hindi niya kabisado ang mukha nito. Dagdag pa, walang ilaw kanina, kaya't hindi siya agad nakilala.

Ipiniglas ni Isabelle ang kanyang braso at sumakit ito, nagka-pulang marka sa balat.

Kinuha niya ang lumang takure sa mesa, nagbuhos ng tubig sa tasa, at ininom ito nang hindi iniisip na mainit pa pala.

Agad niyang iibinuga ito, dahil sa sobrang init.

"Ouch!" Muntik nang magmura at mabilis na tumayo upang punasan ang tubig na tumapon sa katawan.

Nang tumingin siya sa salamin, nakita nya ang mukha niya. Bagamat pino at bilog na mukha noong kabataan, ngayon ay sunog na sa sakit at luha, at ang kanyang labi ay namumula at namamaga.

Sa puntong ito lang siya naging sigurado na bumalik nga siya sa kanyang kabataan.

May mata ang Diyos!

Sa nakaraang buhay, limang buwan mula ngayon, noong Mayo 1982, namatay si Andres mula sa digmaan at hindi na natagpuan ang kanyang katawan.

Maraming nangyari sa limang buwan na iyon, na naging sanhi ng pinakamasamang desisyon ni Isabelle sa kanyang nakaraan: nagpakasal siya sa nakababatang kapatid ni Andres na si Marco, at nagsimula ang kanyang nakakatakot na buhay ng higit tatlumpung taon.

Nag-suicide siya.

Ang tanawin ng kanyang huling kamatayan ay buhay pa sa kanyang alaala, at hanggang ngayon, sakit pa rin ang nararamdaman sa kanyang puso.

Pero, binigyan siya ng Diyos ng isa pang pagkakataon upang magbago!

At ang gabing ito ang simula ng kanyang pagbabago ng kapalaran!

Habang nakaupo sa sofa, pinagmasdan ni Isabelle ang kakaiba ngunit pamilyar na lugar.

Alam niyang anong araw susugod si Andres sa digmaan! Sa pagkakataong ito, mabibigyan niya ito ng babala bago pa ito mangyari.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret   Kabanata 15: May Makakakita Niyan!

    Hindi inakala ni Isabelle na babalik agad si Andres. Hindi pa siya handa — kahit sa isip.Pero...Pinatatag niya ang loob niya at hinarap ito.Saktong-sakto ang distansya nila — nagkakatitigan sila, at ramdam na ramdam ang hininga ng isa’t isa. Isang angat lang ng mukha niya, kaya na niyang halikan ito.Pumikit siya, nagdesisyon, at mabilis na hinalikan ang pisngi nito.“Medyo malamig...” bulong niya, habang namumula ang kanyang mga pisngi.Malamig ang boses, pero mainit sa puso ni Andres. Napabuntong-hininga siya.Yumakap siya sa baywang ng dalaga at dahan-dahang binuhat ito — pinaupo sa mesa sa harap niya.“Andres?” Biglang may kumatok sa pinto.“Narinig kong nandito ka na! May kailangan akong sabihin — urgent! Di mo naman nilock ang pinto, kaya pumasok na ako!”Nabigla si Isabelle. Wala siyang saplot!Agad siyang lumingon sa paligid, balak tumakbo papuntang banyo — pero naunahan siya ni Andres.Hinablot siya ng lalaki, binuhat ng isang kamay, at itinapon sa kama.Ayaw niyang magkas

  • Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret   Kabanata 14: Mainit na Palad

    “Anong meron?” tanong ni Isabelle, palinga-linga muna sa paligid at nang masiguradong walang tao, nagsalita siya nang mahina.“Anong gusto mong gawin tungkol kay Perlita?” seryoso ang mukha ni Andres. “Ayusin ba natin ito nang pribado? O hahayaan natin ang pamilya ng naloko nya na idemanda siya at ipakulong?”Sandaling natigilan si Isabelle. Napawi ang ngiti sa kanyang mukha.May hinala na siya kanina — siguradong may mabigat na kasalanan si Perlita, kaya nag-alinlangan si Deputy Oca at nagtanong ng desisyon sa kanya.“Pero isipin mo muna ang epekto nito.” Nagpatuloy si Andres. “Kapag na-detain si Perlita o nakulong, apektado ang kinabukasan mo. Kung plano mong mag-college, malamang maapektuhan ang assignment mo sa trabaho pagkatapos.”Kaya hindi niya agad inayos ang kaso — gusto muna niyang marinig ang opinyon ni Isabelle.Tahimik lang siyang tiningnan ni Isabelle.Ilang buwan pa lang ang nakalipas mula nang bumagsak siya sa college entrance exam — kulang ng mahigit dalawampung punt

  • Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret   Kabanata 13: Suporta

    Mahal man niya ang babaeng ito o hindi, siya ang magiging asawa niya, at hindi na iyon magbabago.Maliban na lang kung piliin mismo ni Isabelle si Marco.Lalo na ngayon — tinulungan siya nitong protektahan ang alaala ng mga magulang niya. At sa lahat ng nakita niya ngayong araw, tila ba handa talaga itong makasama siya habambuhay.Kung magbubulag-bulagan siya sa pang-aaping dinanas nito, ibig lang sabihin nun ay isa siyang lalaking walang pananagutan at dangal.Sa labas ng pinto, dumating si Deputy Oca at tinawag siya: “Sir!”Lumingon si Andres.May halong kaba at pag-aalangan ang mukha ni Deputy Oca. Tumingin ito kay Isabelle sa loob, ngunit hindi na nagsalita pa.Saglit na nag-isip si Andres, saka mahina niyang sinabi kay Isabelle: “Lalabas lang ako sandali.”Tahimik siyang pinanood ni Isabelle habang palayo silang naglalakad. May hinala na siya kung bakit ganoon ang itsura ni Deputy Oca.“Sabel, hindi ko naman kailangan ng bantay dito. Magpapakabit lang ako ng dextrose. May party k

  • Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret   Kabanata 12: Isang Malapad at Matatag na Yakap

    "Ano'ng pinagsasabi mo?! Papatulan talaga kita!!!" galit na sigaw ni Perlita habang hindi binibigyan ng pagkakataon si Karina na magsalita pa.Pagkasabi nito, dali-daling sumugod siya sa babae.Nagkagulo agad ang dalawa — nagkagirian, nagsabunutan.Naging maingay ang bakuran, at mas marami pang mga kapitbahay ang lumabas para maki-usyoso.Kabilang sa mga usisero ang pamangkin ni Karina. Nang makita niyang nasasaktan ang kanyang tiyahin, agad itong sumugod.Si Carlito naman ay agad na itinulak sina Isabelle at Marita palayo. “Kayo, umalis muna d'yan! Baka madamay kayo!”Pagkasabi noon, tinulungan niya agad si Karina at hinarap ang pamangkin nito.May ilang matatandang kapitbahay ang nagtangkang pumagitna, pero sa halip na kumalma, lalong nagkagulo.Ang pamangkin ni Karina ay bata at malakas. Dahil dito, ilang beses na nasapul si Carlito sa kalagitnaan ng kaguluhan.“Sabel, ang tiyuhin mo!” Halos hindi na makasingit si Marita sa loob, nanginginig sa kaba at nanlalabo ang mga mata sa pag

  • Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret   Kabanata 11: Ang Galing ng Fiancé Mo

    “Ano'ng nangyari? Bakit may pulis?” Umangat ang tenga ni Isabelle.Sa nakaraan niyang buhay, pauwi na sana si Isabelle kinabukasan, pero sunod-sunod ang problema kaya’t hindi niya nalaman na tinawagan na pala ng ina ni Veronica ang pulis.“Noong nakaraang buwan, sinamahan ng tiyahin mo si Nanay ni Veronica para bumili ng TV. Ilang araw lang pagkabili, nasira agad. Pinalitan naman ng bago, pero nasira ulit ilang araw lang ang lumipas. Nang bumalik sila sa pinagbilan, sarado na ang pabrika! At ang pinakamalala…”Habang nakikinig si Isabelle, nakaramdam siya ng kakaiba.Hindi pa natatapos si Marita sa pagsasalita, bigla siyang sumingit: “Nay, ‘yung TV ba na bigay sa’tin bilang dote, ganoon din ang brand?”Natigilan si Marita: “Oo… pareho nga! Kung di mo binanggit, nakalimutan ko na. Niloko rin kaya tayo?”Alam ni Isabelle na sa dati niyang buhay, may problema talaga ang TV na binili ni Perlita para sa kanya. Pero hindi niya inakalang niloko rin pala nito ang mga kapitbahay!Kung totoo it

  • Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret   Kabanata 10: Pisilin ang Kanyang Malambot na Kamay

    Ilang hakbang lang ang layo ni Isabelle sa kanya. Pagkatapos mag-isip sandali, lakas-loob siyang lumapit, marahang hinawakan ang laylayan ng kanyang damit at tinanong, “Anong gusto mong kainin? Kabisado ko ang lugar na ito.”“Kumain na ako. Depende na lang sa gusto mong kainin.” Sagot ni Andres nang malamig.Hindi nag-alinlangan si Isabelle na hilahin siya patawid ng kalsada.Sa harap ng karinderyang madalas niyang kainan, tinanong siya ng may-ari: “Uy! Dinala mo na pala ang asawa mo sa bahay ninyo”Ngumiti lang si Isabelle at hindi sumagot.Tiningnan ng may-ari si Andres sa tabi niya—matangkad, guwapo. Para silang kalapati’t agila sa ayos, bagay na bagay.Ang mahalaga, si Andres na naka-uniporme militar at mukhang matuwid ay mas kaaya-ayang tingnan kaysa sa naunang lalaki na mukhang masama.“Anong gusto mong kainin ngayon?” tanong ng may-ari habang lumingon palayo.Hinipo ni Isabelle ang kanyang bulsa.Kahit na hindi gaanong nakatulong ang pamilya Reyes sa engagement party, kapwa sil

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status