Mag-log in“Daddy, ano pong kakainin namin?” tanong ni Liana, habang nakabalot sa tuwalya at kumakapit pa rin sa kamay ng kaniyang ama.“Hmm…” Kunwari’y nag-isip si Yael, habang sinisilip niya si Luna. “Ikaw, anong gusto mo?”Napatingin si Luna kay Yael, bahagya siyang napatawa. “Ako pa talaga?”“Oo naman,” sagot ni Yael. “Ikaw ang boss ngayon.”“Mommy, ikaw na po ang pumili!” sabat ni Liana, sabay lapit ulit—ingat pa rin na hindi niya mabasa ang mommy niya.Napaisip si Luna sandali. “Something light lang. P'wede na siguro ang pasta? Tapos fruits.”“Yay!” sigaw ni Liana.“Approved,” dagdag ni Gael, tumango pa na parang seryoso.“Okay, I’ll have it prepared,” sabi ni Yael, saka siya tumingin kay Luna. “Dito ka lang, ha?”“Oo na. Dito lang ako,” sagot ni Luna, malambot ang boses.Hindi agad umalis si Yael. Saglit muna siyang tumayo sa harap ni Luna. Parang may gusto siyang sabihin dito pero hindi niya masabi. Sa huli, marahan niyang inayos ang buhok nito na bahagyang dumikit sa pisngi nito. “Don’t
Dahan-dahang uminom si Luna ng mango juice habang ang ulo niya ay bahagyang nakasandal pa rin kay Yael. At sa harap nila, patuloy lang ang tawanan ng mga bata na parang walang katapusan.Hindi nagtagal, napansin na ni Liana na hindi na lang nanonood ang kaniyang ina, nakasandal na ito sa kaniyang ama, hawak ang mango juice, at tahimik na nakangiti.“Daddy!” sigaw ni Liana, sabay lapit sa gilid ng pool. “Bakit si mommy po ay hindi sumasali?”Napatingin si Luna sa kaniyang anak, at bago pa siya makasagot, si Yael na ang sumagot.“Bawal muna si mommy sa tubig,” mahinahong sabi ni Yael. “Kaka-opera lang niya, remember?”“Ah…” Bahagyang nalungkot ang mukha ni Liana. “Masakit pa po ba, mommy?”Napangiti si Luna, kahit may kaunting pagod sa mga mata niya. “Hindi na masyado, baby. Kailangan ko lang magpahinga.”Dahan-dahang lumapit si Liana. Kumapit siya sa gilid at maingat niyang inilapit ang maliit niyang kamay sa tuhod ng kaniyang ina na parang takot na baka masaktan ito.“Hindi ka po p'we
Nakaupo si Luna sa gilid, nakababad ang mga paa niya sa malamig na tubig habang ang dulo ng kaniyang damit ay bahagyang nababasa. Pinagmamasdan niya ang mga anak nila ni Yael na nasa gitna ng pool nagtatampisaw. Nakatitig lang siya sa mga ito. Nakangiti siya habang nakatingin siya kina Liana at Gael na masiglang nagtatalsikan ng tubig.“Kuya Gael! Huwag!” tili ni Liana, sabay iwas, pero huli na. Nabasa na siya ng buhos ng tubig mula kay Gael na halatang tuwang-tuwa sa ginagawa.“Isa pa!” pang-aasar ni Gael, sumisid pa lalo sa tubig bago muling umahon.Napailing si Luna pero hindi nawala ang ngiti sa labi niya. Ang gaan sa pakiramdam. Parang sa simpleng eksenang ito, kumpleto na ang lahat. ‘Ganito lang pala kasimple ang saya,’ naisip niya. Hindi engrande, hindi magulo… basta kasama sila.“Mommy! Tingnan mo po!” sigaw ni Liana, sabay talon sa mababaw na parte ng pool. Hindi man kalakihan ang talon, pero para sa bata, parang napakalaking achievement na iyon.“Wow!” palakpak ni Luna, tod
Makalipas ang ilang araw ay pinayagan na ring makauwi si Luna mula sa hospital. Buryong-buryo na siya sa hospital. Nananawa na rin siya sa amoy ng mga gamot. At naaawa na rin siya sa mga bata. Tahimik ngunit masigla ang presidential room nang umagang iyon. Abala ang nurse sa pag-aayos ng mga papeles habang si Yana ay tinutulungan si Luna na isuot ang manipis na cardigan nito. “Dahan-dahan lang,” paalala ni Yana habang inaayos ang manggas. “Kakagaling mo lang sa operasyon.” Napangiti si Luna. “I’m fine,” sabi niya, kahit halata pa rin ang bahagyang panghihina sa kilos niya. “Hindi ka pa okay,” agad na kontra ni Yana. Bago pa makasagot si Luna ay may dalawang maliit na aninong biglang sumingit sa gilid ng kama-- sina Liana at Gael. Parehong nakapamulsa ang kamay ni Gael habang seryoso ang mukha. Si Liana naman ay nakapamewang, para bang may mahalagang sasabihin. Napakunot ang noo ni Luna. “Why are you both looking at me like that?” Nagkatinginan muna ang magkapatid bago
Hindi sumagot si Yael. Sa halip ay dahan-dahan siyang lumuhod sa tabi ng kama.Halos mapatayo si Luna sa gulat ngunit hindi siya masyadong makagalaw dahil ramdam niya ang pananakit ng tahi niya sa katawan. Napangiwi siya at winasiwas ang kamay, “Wait… wait—bakit ka ba lumuluhod d’yan?” Napahawak siya sa bibig niya nang unti-unting rumehistro sa utak niya ang nangyayari. “Oh my God…” bulong niya.Nanlaki ang mga mata ni Liana. “Kuya… bakit lumuhod si daddy?” pabulong niyang tanong kay Gael.Hindi rin agad nakasagot si Gael dahil nakatitig lang siya sa ama nila.Samantala, dahan-dahang binuksan ni Yael ang pulang kahon. Sa loob nito ay isang singsing na kumikislap sa ilalim ng ilaw ng silid. Tumingin si Yael kay Luna—diretso sa mga mata nito. “Luna…” mahinahon niyang simula. “After everything that happened… I realized something.” Maingat niyang hinawakan ang kamay ni Luna. “Life is too damn short to wait.”"Y-Yael..." Bahagyang napaluha si Luna. Hindi niya inaasahan ang nangyayari. Ang
Muling gumalaw ang mga mata ni Luna bago siya tuluyang nagmulat. Malabo pa ang paningin niya. Parang umiikot ang paligid niya pero ang unang malinaw na mukha na nakita niya ay ang maliit na mukha ni Liana na halos nakadikit na sa kaniya. “Mommy!” masayang sigaw ng bata. Napangiti si Luna kahit nanghihina pa ang katawan niya. “Liana…” mahina niyang tawag, halos pabulong lang. Sa sandaling iyon ay biglang napahagulgol si Liana. “Mommy! Gising ka na po!” umiiyak niyang sabi habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ina.Agad namang lumapit si Gael. “Mommy…” mahina niyang tawag, pero halatang nanginginig ang boses. Hindi na napigilan ni Yana ang sarili. “Babe!” bulalas niya bago siya napayakap sa kaniyang kaibigan. “Akala ko…” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa pag-iyak. Napatawa nang mahina si Luna kahit halos wala siyang lakas. “Hey… hey…” mahina niyang sabi. Nanghihina pa rin ang katawan niya, pero pilit niyang itinaas ang kamay niya para haplusin ang buhok ni Liana
Huminga ng malalim si Mona. "Hintayin mo na lang na lumabas ang tao mo para sabihin sa'yong hindi ako nagsisinungaling at wala akong nilolokong tao.”Makalipas pa ang ilang minuto ay lumabas na mula sa silid ang tauhan ni Uno. Tahimik lang siyang lumapit sa kaniyang amo at bumulong dito.Natigilan
Mabilis na tinanggap ni Yael ang white envelope. Tiningnan niya ang mukha ng anak niya. Halatang-halata ang kaba sa mukha nito, gano'n pa man, may kakaibang kinang sa mga mata nito na hindi niya maintindihan kung para saan. Ayaw niya sanang magsayang ng oras para sa DNA test pero wala rin siyang na
“So, Miss Mona…are you sure that this result is not fabricated?”"We're still here at the clinic. If you have any doubts regarding the document in your hand, you are free to ask the lab technician or the molecular lab technician himself. Hindi pa naman sila nakakaalis. P'wede mo silang tanungin tun
["Mommy, what happened? Why are you crying? Did someone hurt you?"]“N-No. Walang nang-away kay mommy, anak."[“Eh bakit po kayo umiiyak, mommy? Alam ko na, sobrang miss mo na po ako ‘no kaya po kayo umiiyak? Umuwi ka na po kasi mommy kasi miss na miss ko na rin po ikaw."]Bahagyang napatawa si Mon







