LOGINSa kabilang dako ng siyudad ay abala si Luna—o mas kilala na ngayon bilang Mona Scott sa pag-aayos ng mga gamit nilang mag-ina. Isa-isa niya itong inilalagay sa maleta. Nasa harapan niya ang crib ng anak niyang mahimbing na natutulog. Sa bawat tiklop niya ng damit, sumasabay ang mga ala-ala ng sakit at pagkatalo na unti-unting tumatakbo sa isip niya –her mother’s death, the day her father disowned her, the day Vida and Livina took her son away from her…actually, they took everything from her.Nang maramdaman ni Mona na sumasakit na ang dibdib niya sa sobrang galit ay napahinto siya. “Livina and Vida make my life a living hell. Walang.hiya sila. Dahil sa kanila, namatay si mama. Maging ang sarili kong ama ay itinakwil ako. Hindi pa sila nakuntento at kinuha pa nila ang anak ko at maging ako ay binalak pa nilang patayin. Sinira nila ang buhay ko tapos gusto nila akong manahimik na lang sa hukay?! No way! I will fúcking ruin their lives as much as how they ruined mine. Hindi ako papayag
“Say, papa… papa… pa-pa.” mahinang sabi ni Yael habang buhat-buhat niya ang anak niyang si Gael. Nakasuot siya ng puting polo at nakabukas ang unang dalawang butones habang nakatingin sa maliit na mukha ng bata. “Look at you, little man. Ang bilis mong lumaki. Parang kailan lang noong ipinanganak ka. Tingnan mo oh! Ang g’wapo mo. Manang-mana ka sa akin.” Tumawa siya nang mahina habang hinahaplos ang pisngi ng kaniyang anak. “Hayaan mo, anak… sisikapin kong maging hands on sa pag-aalaga sa iyo. Gagawin ko ang lahat para maging present ako sa bawat milestone mo sa buhay. Promise ko iyon.”Habang inaalagaan ni Yael ang bata, napalingon siya sa personal nanny nito na kasalukuyang nag-aayos ng gamit ni Gael. “Yaya, si Livina?! Kanina ko pa siyang hindi nakikita. Tulog pa ba siya?” Nag-alangang sumagot ang tagapangalaga ni Gael. Kabilin-bilinan kasi ni Livina na kahit anong mangyari ay huwag na huwag siyang magsusumbong kay Yael ngunit makalipas lamang ang ilang sandali, siya na mismo ang
Matapos ang operasyong isinagawa kay Luna ay inilipat na rin siya sa private room na binabantayan naman ng mga tauhan ni Rafael.“Iwan niyo muna kami ni Luna. Ako nang bahala sa kaniya,” utos ni Rafael saka lumakad patungo sa tabi ni Luna. Tumango naman ang mga tauhan niya’t isa-isa na ring nagsi-alisan.“Hindi na ako makapaghintay na makita ang bago mong mukha, Luna. Excited na akong makita ang bagong ikaw.” Matapos magsalita ay naghila ng monoblock chair si Rafael, tsaka ito naupo sa tabi ni Luna. Hinawakan din niya ang kamay nito habang kinakausap ito at sinasabihan ng kung ano-ano.Makalipas ang dalawang oras, mabigat ang mga talukap ni Luna nang maramdaman niyang unti-unting bumabalik ang ulirat niya. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya ngunit halos wala pa siyang makita.“Luna?” mahinang tawag ni Rafael nang mapansing nagkakamalay na si Luna. Pumikit si Luna sandali, saka muling iminulat ang mga mata. Sa gilid ng kama, nakaupo si Rafael habang hawak ang kamay niyang ma
“This is it, Luna! This is the day that you’ve been waiting for.”Kasalukuyang nakahiga si Luna sa stainless table habang nakasuot ng oxygen mask na nakatakip sa kaniyang bibig. Ang kaniyang magkabilang kamay ay pirming nakap’westo sa magkabila niyang gilid habang kalmadong naghihintay na magsimula ang operasyon. “Miss Scott, are you ready?” malumanay at propesyonal na tanong ng head surgeon habang inaayos ang kaniyang IV fluid.Tumango si Luna bago sumagot sa mahina at halos pabulong ng tinig. “Yes…please do it.”Habang nakatingin sa doktor, hindi mawala sa isip ni Luna ang lahat ng mga masasalimuot na nangyari sa buhay niya. Nagliparan sa loob ng isip niya ang mga imaheng hindi kayang tanggalin ng anesthesia: ang apoy na humahalik sa balat niya, ang amoy ng usok, ang iyak ng isang bagong buhay na pilit kinuha sa kaniya. At higit sa lahat… ang mukha nina Vida at Livina na may ngiting walang awang pinahirapan siya at kinuha pa ang kaniyang supling. “Luna,” mahina niyang wika sa sari
“Positive,” malamig na sabi ni Freya habang binabasa ang papel. “99.99% confirmed. The child is biologically yours, Yael.”Napatingin si Yael sa hawak na papel, tila hindi pa rin makapaniwala. Sina Vida at Livina naman ay abot tainga ang ngiti.“See? I told you!” bulalas ni Vida. “Now, I guess there’s no reason to wait. Dapat nang magpakasal sina Yael at Livina para maayos ang pangalan ng bata.”Biglang lumamig ang mukha ni Yael dahil sa tinuran ni Vida. “Kasal?” mababa ang tono ng boses niya.“Of course,” mabilis na sagot ni Vida. “Yael, anak mo ‘yan. Hindi naman siguro maganda sa pamilya n’yo kung—”“Wait,” putol ni Yael. Tinagilid niya ang ulo niya at malamig na tinitigan si Vida. “Bakit parang minamadali mo kami sa kasal? May tinatago ka ba?”Natigilan si Vida. “A–ano bang sinasabi mo, hijo? Hindi naman sa gano’n—”“Because that’s what it looks like,” dagdag ni Yael. “Parang gusto niyo lang maging Gray si Livina agad. Ano ba talaga ang habol niyo? Pera?”“Hindi sa gano’n! Hindi po
‘Ito na ba ang tinatawag nilang lukso ng dugo? Alam kong pinagdudahan ko si Livina pero ngayong nasa harapan ko na ang bata, ramdam kong sa akin nga siya nagmula,’ walang tunog na sambit ni Yael habang dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa higaan ni Livina at ng anak niya. Ramdam niya ang unti-unting pag-init ng kaniyang mga mata. After a while, his tears fell down without him noticing. “S-Siya na b-ba a-ang a-anak k-ko?" nauutal na tanong niya.Ngumiti si Vida. “Oo, Yael. Siya na ang anak ninyo ni Livina. Tingnan mo… kamukhang-kamukha mo siya tulad ng sinasabi nila, hindi ba?”Maingat na kinuha ni Yael ang bata na nakahiga sa dibdib ni Livina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang nakikita at nararamdaman sa ngayon. Buong buhay niya, ngayon niya lang naramdaman ang ganoong klase ng kasiyahan!Habang buhat ni Yael ang anak nito ay lumapit si Freya at mapanuring tinitigan ang bata. “We’ll still need a DNA test,” mariin niyang sabi sa malamig na boses.“The evidence is clearly s







