Share

Kabanata 9 - Roommates

Author: Docky
last update Huling Na-update: 2025-08-21 11:10:57

"Mr. Yael, paano mo nakilala ang papa ko?" kunot-noong tanong ni Luna.

"I just did some research about my new executive assistant. Bawal ba?”

"H-Hindi naman,” mahinang tugon ni Luna.

‘Sa lahat ng mga empleyado ko, siya lang ang hindi marunong gumalang sa akin but I kinda like it,’ Yael thought.

"Gusto ko nang magpahinga. Give me my card key para mahanap ko na rin kung saang floor naroroon ang unit na titirhan ko.”

‘Hindi pa rin pala talaga niya nagegets.’ Umayos nang pagkakatayo si Yael. Kukunin niya sana ang gamit ni Luna nang bigla itong hablutin ng dalaga. Hindi sinasadyang nagkahawak ang kanilang mga kamay. Napatitig siya sa kamay ng dalaga.

Biglang binitiwan ni Luna ang gamit niya dahilan para mapunta iyon nang tuluyan kay Yael. Namula bigla ang kaniyang mga pisngi. “I…I'm sorry. H-Hindi k-ko sinasadyang hawakan ang kamay m-mo,” nauutal na sabi niya.

"Is that how you make your first move on me? Oh. I forgot. Padalawang move mo na pala ito para mapansin kita,” pang-aasar ni Yael.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
グレース メアリー
oh my, thank you po ms.docky....sa sunod po ulit, ang gaganda po talga ng mga stories Nyo...naway laging Kalpana panabik ang mga kwento ng inyong sinusulat. maraming salamat po ulit
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 47 Bothered by Luna's Pregnancy

    Hinintay talaga ni Yael na mawala nang tuluyan sa kaniyang paningin sina Yana at Asyon. Nabura na sa agam-agam niya ang ideyang lesbian o bi sina Yana at Luna nang malaman niya ang tunay na ugnayan ng dalawa mula sa kaniyang pribadong imbestigador. Natatawa siya sa kaniyang sarili nang mapagtanto niyang nagawa niyang pagselosan ang isang babae. Tama. Aminado na siya sa sarili niya na gusto niya talaga si Luna.Pumasok si Yael sa loob ng sasakyan at marahang ihiniga si Luna. Habang nakaunan ito sa kaniyang isang braso ay pilit naman niyang inabot ang paborito niyang stítch pillow na nasa driver's seat. Nang makuha niya iyon ay maingat niyang itinaas ang ulo nito para maipaunan niya ang stitch pillow niya. Nakahinga si Yael nang maluwag nang hindi nagising si Luna sa mga ginawa niya rito. Napansin niyang parang nilalamig ito kaya agad niyang hininaan ang aircon. Kinuha niya rin ang kaniyang spare na coat at ikinumot iyon sa natutulog na dalaga.“Napakaamo ng mukha niya. Mukhang hindi m

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 46 Asyon's Wise Move

    “Babe, pasok ka na rito!"Nakahinga nang maluwag si Luna nang sinaklolohan siya ng best friend niya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Naiwan niya si Yael na napapangiti na lang sa pag-iwas na ipinakita niya.Nagkukulitan sa loob ng sasakyan sina Luna at Yana. Si Asyon naman ay mahimbing nang natutulog. Tumigil lang ang mga bulungan ng magkaibigan nang umupo na si Yael sa driver's seat.Bago pa man buhayin ni Yael ang kaniyang sasakyan ay tiningnan niya muna sa rearview mirror si Luna. Napatawa siya nang mahina nang muli na naman itong magtulog-tulugan. Hindi na niya ito ginising pa dahil ano nga naman ang punto ng pagpukaw sa taong hindi naman talaga natutulog?Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na sina Yael sa parking lot ng condo. Nang maiparke na niya nang maayos ang kaniyang sasakyan ay agad siyang bumaba para pagbuksan ng pinto ang tatlong nasa backseat.“Mukhang natutulog na nga talaga sila," bulong ni Yael. Ayaw niya sanang putulin ang mahimbing n

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 45 Patiently Waited

    “How is she?" Yael asked while keeping his eyes open.“O-Okay naman na po si babe, boss. Kami na lang po ang magbabantay sa kaniya. Umuwi na muna po kayo at magpahinga. Halata pong inaantok na kayo eh,” ani Yana habang nakatitig kay Yael."Nagising na ba siya?”"Opo, kanina.”"Mabuti naman kung gano'n. Ano palang sabi ng doktor?" tanong ni Yael. Tumaas ang dalawa niyang kilay nang magtinginan muna sina Yana at Asyon bago sumagot sa tanong niya.“Okay na naman daw po si babe. Kailangan lang po niyang magpahinga. Papasok na rin daw po siya bukas pagka discharge niya eh."Umiling si Yael. “Huwag niyo na muna siyang papasukin. Ikaw rin. Mag take ka muna ng day off. Ako na ang bahala sa HR. Samahan mo siya bukas sa room niya." “Naku, hindi na po kailangan. Isa pa, hindi rin po papayag si babe sa nais niyo. Medyo hard headed din po kasi siya," wika ni Yana."Sige. Kung kaya na talaga niyang pumasok, hindi ko siya pipigilan. Anyway, okay na ang bills at papers niya. Ipinaasikaso ko na kay M

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 44 Don't Tell Him

    Hinihintay na magising nina Yana at Asyon si Luna. Bumili na sila ng mga gamot na inireseta ng doktor. Si Yael naman ay hindi pa bumabalik buhat kanina.“Yana, tigilan mo nga ang kakalakad mo. Nahihilo ako sa'yo," reklamo ni Asyon sa kaniyang apo.“Lola, pasensya na po. Hindi po kasi ako makapaniwalang nakabuo agad sina Luna babe ng bata eh. Isang gabi lang naman ‘yon tapos hindi pa sinasadya. Paano na ang mga plano ni babe? Mas magiging mahirap para sa kaniya ang kumilos dahil hindi na lang sarili niya ang aalalahanin niya, kung hindi pati na rin ang anak niya.” Bumuntong hininga si Yana bago naupo sa tabi ng lola niya."Ano pa bang magagawa natin? Nangyari na ang nangyari. Isa pa, walang kasalanan ang bata. Kilala mo naman siguro ang lalaking nakabuntis kay Luna. Tawagan mo at ipaalam mo sa kaniya ang balita. Kailangan niyang panagutan ang mag-ina,” kalmadong turan ni Asyon.Nalukot ang mukha ni Yana sa sinabi ng lola niya."Oh, bakit gan'yan ang mukha mo? Huwag mong sabihing tinata

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 43 The Good News

    Nang maayos ang elevator ay agad na binuhat ni Yael si Luna. Pagdating nila ng groundfloor ay mabilis siyang sinalubong ng securities.“President, ano pong nangyari?" tarantang tanong ng head ng security.“I have no time to waste. Open the door!" Yael yelled.Pagkabukas ng main door ng building ng Y.A. Group ay natigilan si Yael. Buhat pa rin niya si Luna. Agad na rumehistro sa mukha niya ang pagtataka at inis.“Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Yael.“I'm not here for you. I'm here for Luna,” ani Rafael habang nakatingin sa walang malay na dalaga.Nagdilim pa lalo ang aura ni Yael. “Nakaharang ka sa daan. Kung hindi ka magkukusang tumabi, mapipilitan akong itulak ka." "Anong nangyari sa kaniya? Anong ginawa mo?” Kita ang inis sa mukha ni Rafael.Sa halip na sagutin ni Yael ang tanong ni Rafael ay mabilis niya itong tinabig.“Anderson, tinatanong kita! Anong ginawa mo kay Luna?!"Marahang humarap si Yael kay Rafael. “Wala akong ginawa sa kaniya pero may kailangan akong gawin ngayon

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 42 Stuck with you

    “Nagustuhan mo ba ang pagkain?" tanong ni Yael habang naglalakad sila ni Luna patungo sa kinaroroonan ng elevator. “O-Oo. Maraming salamat pala. Sa susunod, ako naman ang manlilibre. Hindi nga lang gano'n kamahal. Hindi ko pa afford," ani Luna habang nakasunod sa kaniyang amo. Nilalaro niya ang kaniyang mga daliri habang naglalakad. Nakayuko siya kaya hindi niya napansing huminto pala si Yael sa harapan niya. Namilog ang mga mata ni Luna nang maramdaman niyang lumapat ang katawan niya sa katawan ni Yael. “I…I’m s-sorry. H-Hindi ko sinasadyang mabangga ka. I mean, hindi ko nakitang tumigil ka sa paglalakad dahil may malalim akong iniisip kanina habang nakasunod sa'yo. P-Pasensya na.” Mabilis na hinawakan at hinila ni Yael ang isang kamay ni Luna dahilan para mapasandal ito sa dibdib niya. “What are you thinking, Luna? May problema ka ba?" ‘Shít! Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Ang init!’ “Luna…” "Mainit.” "Anong mainit?” nagtatakang tanong ni Yael. "Ha? Sinabi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status