“Here's your room and here's the key." Yael gave a magnetic card to Luna.Nahihiyang inabot ni Luna ang magnetic card na binibigay ni Yael sa kaniya. "T-Thank you.”"This will be your first night as my executive assistant. Since you'll be working on a night shift, I will give you a bonus. Tomorrow, I will give you and your girlfriend’s employment contract. Be ready in twenty minutes.”"Girlfriend?" Luna murmured. “Sandali—” Huli na ng sabihin niya iyon dahil nakaalis na si Yael.Nagkibit-balikat si Luna at pumasok na sa kaniyang silid. Napanganga siya sa disenyo ng kwarto. Napakalawak nito. Marahan siyang naglakad patungo sa kama at agad na umupo roon.“Namiss ko tuloy ang kwarto ko sa mansyon. Kasing lambot ng kamang ito ang higaan ko roon.” Biglang kumirot ang puso ni Luna. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi lang ang kaniyang silid ang namimiss niya kung hindi pati na rin ang kaniyang mama at papa. Nabasa ang mga pisngi niya at agad din naman niya iyong pinahid. “Oo nga pala kail
"Mr. Yael, paano mo nakilala ang papa ko?" kunot-noong tanong ni Luna."I just did some research about my new executive assistant. Bawal ba?”"H-Hindi naman,” mahinang tugon ni Luna.‘Sa lahat ng mga empleyado ko, siya lang ang hindi marunong gumalang sa akin but I kinda like it,’ Yael thought."Gusto ko nang magpahinga. Give me my card key para mahanap ko na rin kung saang floor naroroon ang unit na titirhan ko.”‘Hindi pa rin pala talaga niya nagegets.’ Umayos nang pagkakatayo si Yael. Kukunin niya sana ang gamit ni Luna nang bigla itong hablutin ng dalaga. Hindi sinasadyang nagkahawak ang kanilang mga kamay. Napatitig siya sa kamay ng dalaga.Biglang binitiwan ni Luna ang gamit niya dahilan para mapunta iyon nang tuluyan kay Yael. Namula bigla ang kaniyang mga pisngi. “I…I'm sorry. H-Hindi k-ko sinasadyang hawakan ang kamay m-mo,” nauutal na sabi niya."Is that how you make your first move on me? Oh. I forgot. Padalawang move mo na pala ito para mapansin kita,” pang-aasar ni Yael.
Siniko ni Yana si Luna. Matapos nilang makababa sa eroplano ay sinalubong agad sila ng mga tauhan ng bago nilang amo. Kasalukuyan na silang nakasakay sa isa sa mga sasakyan nito.“Bakit babe? May problema ba?" Binuksan ni Luna ang isang bottled water at uminom ng tubig.“Ilang beses kong nahuli si Boss Yael na sulyap nang sulyap sa'yo kanina. Siguro, may gusto siya sa’yo.”Nasamid si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Muntik pa niyang maibuga ang tubig sa bibig niya rito buti na lang at agad niyang nalunok iyon.Agad na tinapik ni Yana ang likod ng kaibigan. "Malayo pa ‘yan sa bituka,” natatawang sabi niya.Nang maka-recover si Luna ay saka niya sinagot ang sinabi ng kaibigan niya kanina. "Wala namang rason para magkagusto sa akin ang lalaking ‘yon. Isa pa, hindi kami compatible. Ayoko sa isang asbag na lalaki.”"Weh? Hindi ka man lang na attract kay boss? Ang guwapo at ang hot niya kaya. Tapos ang yaman-yaman pa niya. Ano pa bang hahanapin mo?” ani ni Yana habang magkadaop ang ka
Abala si Yael sa kaniyang cell phone dahil kausap nito ang kaniyang daddy. Kasalukuyan silang sakay ng eroplano. Hindi pa ito nagte take off kaya may oras pa siyang makipagtawagan. Medyo hassle sa kaniya sa tuwing nasa ere siya dahil hindi niya magawang makipag communicate sa mga staff at mahahalagang tao sa business niya pero wala siyang choice. P'wede naman silang magbarko pero dahil kailangan niyang umattend ng birthday party ng isa sa top investor ng kaniyang group of companies ay mas minabuti na niyang magbyahe sa himpapawid. “Hoy babe," tawag ni Yana sa kaniyang kaibigan. May paghampas pa siya sa braso nito. “Bakit babe?" “Kanina pa kitang napapansin. Mukhang malalim ang iniisip mo. Ayos ka lang ba?" Tumango si Luna. Ngumuso si Yana. “Huwag mo nga akong pinaglololoko. Naalala mo na naman ba ang papa mo at ang dalawang bruhang ‘yon kaya ka nagkakagan'yan?” Umiling si Luna. Huminga siya nang malalim saka hinarap si Yana. "I'm just thinking about our company. Dahil sa mga nan
“Babe, sino siya?" kunot-noong tanong ni Yana habang nakaturo ang hintuturo niya sa binatang nasa harap ng kaniyang kaibigan. “Hindi ko siya ki—” Natigil ang pagsasalita ni Luna nang biglang sumabat si Yael. "I'm your boss starting tomorrow." Kumurap ng ilang beses si Yana kay Luna. Nakaawang naman ang bibig nito. “Babe, totoo ba ang sinabi niya? May work na agad tayo? Did you already apply for a job position? Hindi na natin kailangang mag job hunting pagdating natin sa Monte Carlos?" Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha niya. Nangingilid din ng kaunti ang luha niya. Nang makita ni Luna ang reaksyon ni Yana, parang may humaplos sa puso niya. Ngayon lang niya ulit ito nakitang halos maiyak sa sobrang saya. Marahil ay nag-overthink din ito dahil sa mga sinabi niya kanina. Tunay niya talagang kasangga si Yana dahil kahit batid nitong magiging mahirap ang paghahanap nila ng trabaho sa Monte Carlos, dahil sa impluwensya ng kaniyang pamilya, ay hindi pa rin siya nito nagawang iwan. Hindi
“Luna babe, nandito na ako sa bahay. Nasaan ka ba?” wika ni Yana mula sa kabilang linya. “Kabababa ko lang ng jeep, babe. Nandito ako sa may tapat ng Monte Rocca University.Bibili lang ako ng kwek-kwek at kikyam tapos sasakay na ako ng tricycle pauwi." Kumunot ang noo ni Yael. "Babe? May boyfriend na siya?" dismayadong bulong niya. Hindi pa siya bumababa ng kaniyang sasakyan pero rinig na rinig niya ang boses ng babae. Nakatigil lang ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada, malapit sa cart na may tindang mga street foods. "Nagfile ako ng voluntary resignation. Sasama na lang kami ni lola sa'yo papuntang Monte Carlos. Doon na lang din ako maghahanap ng work.” “ANO?” Naitikom agad ni Luna ang kaniyang bibig nang pinagtinginan siya ng mga dumaraan. “Babe, hindi ka dapat nagresign. Mahirap maghanap ng work ngayon. Kung sasama ka sa akin papuntang Monte Carlos para sa job hunting, madadamay ka lang sa kamalasan ko. Alam mo naman ang nangyari sa pamilya ko, hindi ba? I'm sure that finding