Adam...
"Ano ba tumabi ka nga napaka-pangit mo!" sigaw sa akin ng isang napakagandang babae sabay tabig sa braso ko.
Siya ang bida, siya ang reyna, siya lang at wala nang iba.
Ako, ordinaryo lang sa mata ng karamihan, ordinaryong estudyante, ordinaryong mamamayan, ordinaryong tao, lahat na lang ordinaryo. Kailan kaya ako magiging bida?
Kailan kaya mangyayari yung ako naman ang hinahangaan at tinitingala nila? Yung ako naman ang sikat at minamahal ng mga tao, kahit dito lang sa school. Nakakapagod kasing lagi ka na lang ordinaryo, lahat ng bagay alam kong posible pero yun parang malabong mangyari.
May panahon ba na ganito ang naging pakiramdam mo?
"Hindi ba sabi ko tabi!" lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko at itinaas ng isang kamay ang aking kuwelyo.
"Susunod ka o mapapahiya ka," tinaasan niya ako ng kilay. Ang ginawa ko hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan sa mga labi, nanlaki ang mga mata niya, lumayo ako at siya parang na-estatwa, ginawa ko ulit. Nahigit niya ang kanyang hininga.
Mali ito, maling-mali. Hindi dapat ginagawa sa isang babae ang ganito kahit pa gusto mo o hindi, kahit pa sino siya, kahit pa may kasalanan din siya, mali pa rin dahil napakabastos ng ganito. Nabastos ko siya kaya dapat itigil ko na, lumayo ako ulit at tinitigan siya,
"S-Sor-" bago ko pa man natapos ang sasabihin ko, lumagapak na ang kamay niya sa mukha ko.
"Ang lakas ng loob mo ng halikan ako!" sigaw niya sabay dura sa damit ko.
"Pagsisisihan mo ang araw na 'to," galit na galit niyang sabi, may dumaan na isang estudyante, kinuha niya ang juice na nasa baso at tray na na dala-dala nito sabay buhos sa mukha ko. Napayuko ako, maraming estudyante ang nakakita noon.
Iniisip ko siguro tama nga 'yon sa akin dahil nabastos ko din siya.
Kinabukasan papasok ako ng school may tumawag sa pangalan ko mula sa taas ng building ng school namin, pagtingala ko nakita ko siya at ang isa niyang kaibigan may hawak na timba sabay buhos ng laman noon, pinaghalo-halong putik, tubig, b****a at mga balat ng bulok na prutas, naikuyom ko ang aking kamao, hindi na ako nakapasok pa dahil sa kahihiyan.
Sumunod na mga araw akala ko okay na ang lahat, na wala na, na nakalimutan niya na ang mga ginawa ko pero habang kumakain ako biglang may lumapit sa akin at nilagyan ng mustard ang kinakain kong sisig, inubos niya lahat ng laman ng isang bote sa pagkain ko, napalingon ulit ako sa gumawa noon, walang iba kundi siya.
Aalis na sana ako, akala ko yun lang ang gagawin niya pero bigla akong hinawakan sa balikat ng dalawang kasama niya, kasabay noon ay hinila niya ang kwelyo ka at hinawakan ako sa ulo sabay inginudngod ang mukha ko doon sa pagkain.
Matapos iyon at tatawa-tawa silang umalis doon, lahat ng mata nakatingin sa akin, may nagbubulungan, may nagtatawanan, ang iba ay parang naaawa at gusto akong tulungan pero hindi magawa.
Nagalit ako, hinabol ko siya at nagulat sila sa kung anong maaring gawin ko, naabutan ko pa sila ng barkada niya na tumatawa-tawa, hinawakan ko ang braso niya sabay paharap sa akin at kinuyumos ng h***k ang labi niya. Ito lang ang naisip ko na ganti, pilit niya akong tinutulak at pinagsasampal pero hindi niya magawang kumawala.
Sunod na naramdaman ko hinila ako ng ibang lalaki doon at inilayo sa kanya sabay sapak sa mukha ko, natumba ako at may mga lumapit at bumugbog sa akin, sipa dito, sipa doon, suntok sa mukha, sa sikmura, hindi ko na alam, nakita ko siyang pinunasan ang mukha dahil nalagyan iyon ng mustard nung hinalikan ko siya. Kung hindi dumating yung mga guard baka patay na ako.
Kaya ko 'to, kaya 'to ng katawan ko, sabi ko sa sarili ko pero halos hindi na ako makatayo at habol ko na ang hininga ko, tinulungan ako ng isang guard at sinabing pumunta na daw ako sa clinic, tumawa pa ako pero hindi dahil sa sinabi ng guard kundi dahil sa sinapit ko.
Dumaan ako sa harap niya at tumitig sa mukha niya. "Ano? sasabihin mo na naman na ang lakas ng loob ko na halikan ka, na sino ako para gawin iyon at anong karapatan ko? Na pagsisisihan ko dahil ikaw si Chrisanya Evangelista 'di ba? Eh ako, ano lang ba ako? Sino lang ba ako?" binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.
Hinila na ako ng mga guard papunta sa clinic, matapos iyon pinauwi ako at nagpahinga ng ilang araw, ayokong pumunta sa doktor dahil ayos lang ako, tatlong araw akong hindi pumasok at nagkulong sa kwarto.
Araw ng linggo, katatatapos ko lang maligo ng tumingin ako sa salamin puro pa rin pasa ang mukha ko, napabuntong hininga ako, lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa kusina, nagluto ng itlog, isang sausage, gumawa ng french toast at nagtimpla ng kape.
Kumain ako nang tahimik, walang pakialam sa mundo, walang pakialam sa kahit sino man ang nakatingin, walang pakialam sa babaeng nasa harap ko at tahimik na nakatingin, sa babaeng kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa ako nakahandusay dito, umirap siya at binato ako ng kutsara, sinamaan ko siya ng tingin, itong babae na 'to ang malas sa buhay ko eh.
Siya ang nagpapahirap sa akin, nagpapagulo sa tahimik kong mundo.
Siya si Chrisanya Evangelista-Zhymian.
Siya ang aking asawa.
Adam...NAKATITIGako kay Sanya habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.I like it when she's asleep because she looks so peaceful. She's beautiful with her eyes close and especially when she opens it and looks at me like I'm blessed to have her in my life. I could just stare at her like this for a lifetime, admiring everything about her while she is unaware of it.This is my Sanya. My C. The woman I love and the woman I'd spend my whole life with."Stop staring at me."Napangiti ako, "How did you know?""I can feel it."Hinapit ko siya sa beywang at yumakap ako ng
Adam..."Iknow where Sanya is." Was the first thing Alexa told me over the phone when the plane where I boarded landed in Paris."You sure about that?""Sinundoko siya kanina sa airport at nandito na kami sa isang hotel. I'll text you where, ang alam ko magpapahinga siya, iniwan ko na muna siya at sinabi kong may trabaho ako. I'll wait for you here."When I got to the hotel lobby I saw her waiting for me."She had been crying since this morning. Anong nangyari? Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Alam mo namang buntis siya hindi ba? At isa pa, anak niyo yung&nbs
Sanya..."C.Hey, wake up." Nagising ako sa masarap na amoy ng mainit na tinapay at sa boses ni Adam, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin, "God! I missed your lips. Wake up."Bumangon ako at agad na nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa kanya."Bakit umagang-umaga nakasimangot ka?"Lalapit sana siya sakin ng bigla akong umalis sa kama. Nakita ko ang cellphone ko sa bedside table kaya agad kong kinuha iyon kasama ng susi ng kotse.Naayos ko na ang lahat kagabi pa lang. Umiiyak akong nag-empake ng mga gamit ko kaya naisip ko na ipagpabukas na lang ang pag-alis. I need to go back to France, dun ko na lang din siguro isisi
Sanya...DAYSpassed at hindi ko na kinausap si Adam simula ng araw na iyon, but he doesn't seem to care. Pakiramdam ko okay lang sa kanya ang lahat at dahil dun ay nasasaktan ako.Hindi niya ako sinuyo o kung ano man lang, ni sorry wala akong narinig sa kanya.Bakit parang bigla siyang nag-iba sakin?Was it because of that woman?"Sanya, the first thing you have to do is to be honest with him, hindi naman siya manghuhula hindi ba?"Napabuntong-hininga ako habang hawak ang cellphone sa tenga ko, "But Tora--""Ano? Nahihi
Sanya...SINAMAHANako ni Adam sa check-up at naging maayos naman ang lahat. The Doctor said everything is normal. Niresetahan na lang niya ako ng mga vitamins na dapat kong i-take, sinabihan din ako na dapat ay mag-gatas ako palagi para mas maging healthy ang paglaki ng baby namin ni Adam sa loob ng tiyan ko.Pumapasok pa rin ako sa opisina, sabi nga ni Adam, hanggang sa matapos lang ang ZEN, naipakita ko na naman lahat ng designs sa kanya at pagpipilian na lang iyon, malapit na rin ang released date ng gadget nila kaya mas lalong naging busy ang mga tao."Who's the girl who came into Mr. Z's office this morning?" Narinig kong usap-usapan ng mga tsismosang employee.N
Sanya..."MAAYOSbang naging pagtulog niyo?" Ngumiti ako at napatango ng magtanong si Aling Lydia sa amin, inilapag niya ang almusal sa harapan namin.Mayroong itlog, sinangag at gulay na lumpia."Gelo, tumulong ka nga dun mamaya." Narinig kong utos ni Angel kay Adam mula sa labas ng bahay.Napalingon kami ng pumasok si Angel, "Saan?""Magbuhat ng buko doon sa may malapit sa paanan ng bundok.""Gelai, ano ka ba? Nagbabakasyon dito ang kapatid mo."Tumingin si Angel sa Mama "Ma, magpapatulong lang naman, hindi ko naman aa