Share

Kabanata 4

Author: Mysaria
last update Huling Na-update: 2024-08-28 09:14:24

“Oh, bumaba na pala ang kapatid kong probinsyana, kumusta ang kwarto mo, Ate? Maganda ba? Ako ang nag-design niyan,” pagmamalaki ni Sapphire kay Maddox na kabababa lang ng daghan. Hindi pa nga siya nakakatuntong sa sahig ay agad na siyang nitong sinalubong.

“Maganda naman ngunit hindi ko gusto ang choice of color mo. Sobrang baduy para sa akin,” sagot niya sa kapatid. Totoo namang baduy ang mga kulay, sino ba namang matinong tao ang magdedesinyo ng kwarto na ang kulay ng pader ay pink at ang kurtina naman ay kulay kahel? Ang sakit sa mata, sa totoo lang.

“Ano?? You’re so ungrateful naman, Ate! Magpasalamat ka na lang, pwede?” inis na wika nito.

“Thank you, then…” Gusto niyang inisin pa lalo ang kapatid ngunit wala na siyang oras para roon, nakakaramdam na kasi siya ng gutom, hindi siya nakapag-lunch kanina.

“Alam mo, Ate, sobrang naaawa ako sa’yo. Akala mo ba maganda ang magiging estado mo sa pamilyang Xander? Nagkakamali ka. Sasabihin ko sa iyo ito dahil alam kong magiging tanga ka lang kapag nagkita kayo ng magiging bagong pamilya mo. At least hindi ka na magugulat dahil alam mo na ang magiging sitwasyon mo…” Kita ni Maddox ang pagngisi ng kan’yang kapatid. Halata mong nag-e-enjoy ito na asarin siya.

“Alam mo bang isang baldado ang mapapangasawa mo? Bali-balita rin na baog na ito at malamang hindi kayo mabibiyayaan ng supling. Mayaman nga kayo ngunit hindi naman kayo magkaka-anak. What’s the use of your marriage? Mas gugustuhin ko pang maging single forever kaysa sa mapangasawa ang isang lalaking aalagain, sobrang naaawa ako sa’yo, Ate. Kung sana’y may magagawa lang ako—” dagdag pa ni Sapphire na para bang iniisip nito ang kapakanan ni Maddox. Halata rin ang pilit na lungkot nito sa mukha ngunit hindi man lang magawang maniwala ni Maddox sa kapatid.

“Sapphire, hindi ako tanga para hindi malaman iyan. Alam kong baldado ang mapapangasawa ko and it doesn’t matter, anyway. I’m a doctor kaya kong pagalingin ang magiging asawa ko,” sagot niya sa babae ngunit malakas itong tumawa.

“Ano?? Eh kahit nga doctor sa U.S. hirap itong pagalingin eh. Ikaw pa kaya na pipitsuging doktor lamang sa probinsya??” Binigyan siya ni Sapphire ng isang nakaka insultong tingin kaya napakuyom siya ng kamao.

Pipitsuging doktor? Nagpapatawa ba ito? Hindi niya makukuha ang M.D. sa pangalan niya kung pipitsugin lang siya. Napahinga siya ng malalim, ubos na ubos na ang pasensya ni Maddox sa kapatid niya.

“Pwede bang tigilan mo na ako Sapphire? Tigilan mo na rin ang kaplastikan mo. Alam kong ayaw mo sa akin at mas ayaw ko rin sa’yo!” madiing sagot niya saka naglakad papuntang kusina ngunit mabilis siya nitong hinila at ibinalik sa harap nito.

“Huwag mo nga akong tatalikuran, ATE! Hindi pa tayo tapos!” inis na saad ni Sapphire at binalibag ang kamay ni Maddox.

“Ano ba, Sapphire, ayaw ko ng makipag-usap sa’yo!” madiing sagot ni Maddox ngunit humarang lamang ito sa harap niya.

“Umatras ka sa kasal mo.” Nagulat si Maddox nang sabihin iyon ng kapatid, hindi niya alam ang rason kung bakit nasabi ni Sapphire iyon ngunit nakaisip siya ng dahilan para mas inisin pa ito.

Ngumisi si Maddox kay Sapphire at napailing.

“Bakit ko naman gagawin iyon? Bigyan mo ako ng isang rason kung bakit ako aatras sa kasal?”

Tila ba napipi si Sapphire sa tanong ni Maddox. Walang lumabas sa bibig nito at napasigaw na lamang dahil sa frustration.

Hinding-hindi aaminin ni Sapphire sa nakakatandang kapatid ang dahilan kung bakit gusto niyang umatras ang kapatid sa kasal nito.

Magkamatayan na ngunit hindi niya aamining mahal niya si Kai Xander matagal na. Wala siyang pakialam kung baldado man ang lalaki dahil hindi naman iyon mahalaga sa kan'ya. Long time crush niya si Kai at pinanalangin niyang maging asawa ito.

Ang problema ni Sapphire ay ang mga magulang nila. Ayaw siya nilang ipakasal sa lalaking walang kwenta at baldado pa. Hindi niya raw iyon deserve. Wala siyang nagawa kung 'di ang sundin ang mga magulang.

“Anong nangyari?? Bakit sumigaw ka, Sapphire?” Napalingon ang magkapatid sa papalapit nilang ina.

Agad namang sinipat ni Carmina ang katawan ni Sapphire at nang makita nitong wala namang nangyari sa anak niya ay napabuga ito ng hininga.

“What's wrong, Darling?” nag-aalalang tanong ni Carmina sa anak.

“Si Ate Maddy po kasi, Mommy pinagsasalitaan ako ng hindi maganda. Ayaw niya raw ho sa akin, at nakakairita raw ang pagmumukha ko. Sinabi niya ring baduy ang gawa kong design sa kwarto niya. Ni hindi nga siya nagpasalamat, eh.”

Napanganga si Maddox sa sinabi ng kapatid. Para itong batang nagsusumbong sa ina dahil inagawan ng lollipop. Maluha-luha pa ito habang ikinikwento ang nangyari kanina at may dagdag pa talaga.

“Ano!? Sinabi mo ba ang mga iyon sa kapatid mo, Maddox?” tanong ni Carmina. Halatang galit ito ngunit wala man lang epekto iyon kay Maddox.

“Well, sinabi kong baduy ang choice of color niya sa kwarto ko in a nice way. Nagpasalamat naman ako Mamá. Isa pa, siya itong nauna, sinabihan niya akong pipitsuging doktor lamang,” katwiran ni Maddox. Nanalangin siya na siya naman ang papaburan ng ina ngunit nagulat si Maddox nang dumapo ang palad ni Carmina sa kan'yang pisngi.

She was really stunned to speak.

Walang nagawa si Maddox kung 'di ang hawakan ang kan'yang namumulang pisngi.

“YOU UNGRATEFUL CHILD!! Gan'to ka ba pinalaki ng lola mo? Masyadong kang ini-spoiled ng mamá! Napakawalang modo!” sigaw ni Carmina habang yakap-yakap si Sapphire na umiiyak.

Gustong matawa ni Maddox nang makita ang pilit na iyak ng kan'yang kapatid. Hindi niya inaasahang may pagka-childish pala ang kapatid niya't sumbungera pa. Akala niya dahil matanda na si Sapphire ay magbabago na ito ngunit nagkakamali siya.

What a spoiled brat!

“I’m sorry, Maddox but I am siding with your sister. I am not being unfair here pero kilala ko ang anak ko o ang kapatid mo. Hindi siya sisigaw at iiyak ng walang dahilan. Binalaan na kita bago pa man tayo umuwi sa mansyon, huwag na huwag mong aawayin ang kapatid mo,” katwiran ni Carmina ngunit napailing lamang si Maddox. Tila ba hindi makapaniwala na nasampal siya ng ina.

Wala pa ngang isang araw ng pamamalagi niya sa mansyon ng mga magulang, nakatamo na agad siya ng isang malutong na sampal.

Napapikit siya ng mariin tila ba kinakalma ang sarili.

Ito ba ang gusto ng lola niya? Ang masaktan siya? Subalit may tiwala pa rin siya rito. Magtitimpi siya dahil gusto niyang mapalapit sa magulang.

She was craving for it when she was a child— Ang kalinga ng tunay niyang mga magulang.

“Magbihis ka na sa taas at darating na ang bisita natin. Huwag mo kaming biguin ng ama mo, Maddox. Tandaan mo ang binilin ko sa'yo.”

Matapos na sabihin iyon ng ina ay agad itong umalis kasama si Sapphire. Maingat nitong inakay ang kapatid saka pinatahan.

Napakapa si Maddox sa kan'yang dibdib. Ramdam niya ang sakit sa kan'yang puso. Para itong tinutusok ng espada ng paulit-ulit. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib kaya mabilis siyang pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Tumulo ang luha niya sa pisngi ngunit agad niya itong pinunasahan.

Hindi siya dapat magpapa apekto sa mga ito.

Sanay na siya 'di ba?

Sanay na ang puso niyang madurog sa tuwing pinapakita ng magulang niya na wala itong pakialam sa kan'ya.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Ariahfaith Segotier
kawawang maddox
goodnovel comment avatar
Anna Annaliza
Very sad to maddox
goodnovel comment avatar
Anewor Elbafa
grabe Naman pamilya ni Maddox,walang pakialam sa nararamdaman nya
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 762

    Samantala, nasa daan na papuntang papuntang hotel sina Nynaeve subalit agad na nag-iba ng desisyon ang dalaga. Gusto na nitong pumunta sa Brooklyn kung saan naroon ang lab ni Nelson Co. “Mas maganda siguro kung dumiretso na lang tayo sa Brooklyn. Since alam na ni Nelson Co ang lahat mas mabuti pang

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 761

    “Boss, Miss Nynaeve, napapunta ko na ang tao sa Brooklyn. Mga dalawang oras ang biyahe mula rito. Gusto niyo bang bumalik muna tayo sa hotel o sumugod na tayo roon?”Alam ni Mr. Smith na malapit nang malaman ng pamilyang Co ang nangyayari kina Monica. Kung kaya’t magpapadala agad ang mga ito ng mar

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 760

    Si Mr. Smith ay ngiting-ngiti habang pinapanood si Monica na halos mabaliw dahil sa ginagawa ni Nynaeve. Siyempre, hindi rin nakakalimutan ni Mr. Smith kumuha ng larawan ng eksena upang ipadala yun sa boss nito. Nasaan na nga ba ang boss niya? Kanina ay nasa likuran lang nila yun bakit biglang nawa

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 759

    Habang naglalabanan ang mga tauhan ng dalawang partido sa labas, ang nasa loob naman ng lab na tauhan ng Co ay isa-isang sumuko dahil nasa panganib ang kanilang amo. Baka kasi kapag nalaman ng amo nila sa Pinas na nasa panganib ang anak ay pati buhay nila mawala. Meron pa silang pamilya na naghihin

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 758

    “Shit ka, Eric niloko mo ako!” sigaw ni Monica dahil sa sobrang galit. “Ano pa bang hinihintay niyo? Barilin niyo siya! Patayin niyo ang lalaking ‘yan!” Napahagulhol sa iyak si Monica, hindi makapaniwala na ang lalaking nagustuhan niya ay isa pa lang traydor. Balak na sana niyang mag-move on kay Ca

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 757

    Parang isang abandonadong building ang base ng mga Co kapag nakikita sa labas. Akala mo’y walang katao-tao ngunit puno ito ng mga tauhan sa loob. Meron ding nag-gro-groving na mga guards ngunit kunti lang. Kabaliktaran naman sa loob na puno ng mga naka-itim na suit at may dala pang tig-iisang baril.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status