Share

Kabanata 3

Penulis: Mysaria
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-28 09:13:55

Naging usap-usapan sa mga tao sa mansyon ang pagbalik ni Maddox sa pamilyang Corpus. Halos lahat ng kasambahay roon ay pinagkukumpara ang dalawang magkapatid.

“Sino ang mas maganda sa kanila?” tanong ng isa saka napahawak ng baba.

“Halatang-halata naman, kahit simple lamang si Ma’am Maddox manamit ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. Para siyang isang dyosang bumaba sa lupa, grabe hindi nakakasawa ang kagandahan niya. Kahit galing sa probinsya ay sobrang puti pa rin, nakakainggit! Ako nga na ilang taon na rito sa Maynila ay hindi pa rin pumuputi, pati nga gluta ay pinatos ko na at hindi pa rin umepek sa akin! Letsugas!” nakasimangot na sagot ng isang babae. Lahat naman ay napapatango sa sagot nito animo’y sumasang-ayon ang lahat.

Samantalang naroon pala si Sapphire na kanina pa naririnig ang mga usap-usapan ng kanilang kasambahay. Labis ang kan’yang galit dahil sa mga sinasabi ng mga ito, minemorya niya ang mga mukha nito dahil isusumbong niya ito sa kan’yang ama. Napangisi siya, bukas na bukas din ay hindi na niya makikita ang mga mukha nito. Bukas ay sisentahin niya ang mga walang-hiyang nag-tsi-tsismisan sa oras ng trabaho.

Natahimik naman ang grupo nang naglakad si Sapphire sa harap nila. Ngumisi lamang si Sapphire nang makitang nagsitakbuhan ang mga ito sa kani-kanilang poste.

Hindi siya papayag na malamangan ng ate niya, dapat siya lang ang center of attraction ng madla. Siya lang dapat ang bida!

***

Malaki ang paninibago ni Maddox lalo na sa bahay ng mga magulang niya, kumpara kasi sa bahay nila ng lola niya ay times 10 ang ganda at laki nito. Grabe, hindi niya akalaing sobrang yaman pala ng pamilya nila.

“Alam mo, Maddy sobrang natutuwa ako dahil nandito ka. Rito pala anak ang kwarto mo.” Bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ng kan’yang ina. Tumango lamang siya rito at nagpasalamat nang pinagbuksan siya nito ng pinto.

“Look, nagustuhan mo ba? Pinaganda namin ang pagpagawa ng kwarto mo, nakita kong sobrang liit pala ng kwarto mo roon sa Bicol, ‘di hamak na mas malaki ang kwarto mo ngayon. You should be thankful to your sister, siya ang nag-design nito. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo, magaling sa lahat!”

Hindi siya umimik at nilibot na lamang ang paningin sa kwarto, malaki nga ang kwarto ngunit sobrang O.A naman ng design. Hindi nag-ma-match ang mga kulay ng dingding sa kulay ng kurtina. Ang sahig din ay hindi ayon sa taste niya, gayunpaman ay nagpasalamat pa rin siya sa kan’yang ina dahil nag-effort itong bigyan siya ng sarili niyang kwarto sa mansyon.

“Salamat, Mamá nag-abala pa kayo, kahit simpleng kwarto lamang ay okay na sa akin,” wika niya kaya natawa si Carmina.

“Ano ka ba naman, anak! Malaki ang pagkukulang namin sa’yo ng iyong ama kaya hayaan mo kaming bumawi sa’yo. Kapag may kailangan ka ay huwag kang mahiyang humingi sa akin, kahit ano, ibibigay ko para sa panganay kong anak…”

Pinilit ni Carmina na maging close sa kan’yang panganay kahit na hindi siya sanay sa presensya nito. May kunting bahid ng pagsisisi ang kan’yang nararamdaman habang tinitigan ang inosenteng si Maddox. Ni hindi niya napagtuunan ng pansin ang dalaga simula bata pa ito, ngayon ay narito na ang babae sa harapan niya— hindi niya pa rin alam kung paano ito pakikitunguhan. Nakokonsensya dahil alam ni Maddox na kaya kinuha nila ang dalaga ay dahil ipapakasal ito sa panganay na anak ng pamilyang Xander.

Hindi naman kasi ito ang plano nila ng asawa, nang magbigay ng proposal ang pamilyang Xander sa kanila ay agad nila itong tinanggap. Ang una ay si Sapphire ang ipapakasal ngunit nang malaman nilang naaksidente ang panganay na anak ng mga Xander at naging baldado ito ay bigla silang napaatras. Ayaw nilang ipakasal ang pinakamamahal nilang anak sa isang baldadong lalaki, hindi gano’n ang pinangarap nilang kinabukasan para kay Sapphire. Ang pangarap nila ay ituring itong parang prinsesa dahil iyon ang deserve ng dalaga.

Kaya naisipan nilang si Maddox na lamang ang ipalit, hindi rin kasi nila kayang maatim na mawala o mapawalang-bisa ang proposal ng pamilyang Xander sa kanila. Kung tutuusin malaki ang benefits nila kapag nag-merge ang pamilyang Corpus-Xander. Triple-tripleng benepisyo ang makukuha nila kapag ikinasal ang isa sa kanilang anak sa pamilyang Xander lalo na’t ito ang Top 1 business corporate sa buong mundo.

Hindi mawala ang konsensya niya kapag nakikita niya si Maddox ngunit naisip niyang si Maddox ay isang babaeng probinsyana, madaling mauto at nakapag-aral lamang pipitsuging paaralan. Alam niyang mapapabuti si Maddox sa pamilyang Xander at alam din niyang may silbi rin ito sa pamilyang iyon lalo na’t baldado ang mapapangasawa nito. Doktor ang anak niya kaya, kaya nitong mag-alaga ng baldadong pasyente. It’s a win to win situation, magiging masaya naman ang anak niya lalo na’t sobrang yaman ng pamilyang Xander. Baka nga makapunta pa ito sa iba’t-ibang bansa bagay na hindi nito naranasan simula pagkabata. Tinutulungan lamang niya si Maddox na mapaganda ang kinabukasan nito dahil alam niyang wala itong future sa isang private hospital na pinagtra-trabahuan sa Bicol. Dapat lang na magpasalamat si Maddox sa kan’ya. Naniniwala siyang tatanawin itong utang na loob ng kan’yang anak sa kan’ya pagdating ng panahon.

Nang makita niyang tapos na si Maddox sa kakasuri sa kwarto nito ay iniwan na niya ang babae.

“Halatang nagustuhan mo ang kwartong inihanda namin sa’yo. O sy’a, maiwan na kita, anak at alam kong pagod ka sa byahe natin. Mag-beau-beauty rest na rin ang iyong ina.”

Gustong matawa ni Maddox sa sinabi ng kan’yang ina. Halatang-halata kasi sa ekspresyon niya na hindi niya nagustuhan ang kwartong inihanda nito sa kan’ya ngunit hindi man lamang nito napansin. Wala nga talaga itong pakialam kung ano ang tunay niyang nararamdaman, sobrang clueless ng mga magulang niya pagdating sa kan’ya.

Nahalata niya rin sa mga mata nito na sobrang nakokonsensya ito at nalulungkot siguro sa magiging kinabukasan niya. Aware siya na kaya lang naman siya kinuha ng mga ito sa Bicol ay ipapakasal siya sa baldadong anak ng pamilyang Xander. Awa, iyon ang nakikita niya sa mga mata ng kan’yang sariling ina.

Bakit hindi na lang ang kapatid niyang si Sapphire, eh ito naman ang paborito nila?

Nagtanong pa siya.

Malamang ayaw nitong ipakasal ang paborito nilang anak sa isang aalagaing lalaki, baldado na’t baka hindi pa makabuo ng supling. Kaya siguro siya na lang ang sinakripisyo nito dahil wala naman siyang kwenta.

Masakit man isipin pero gano’n talaga ang buhay niya.

Bago pa man makaalis ang kan’yang ina ay tumingin pa ito sa kan’ya.

“Nga pala, mamaya ay may bisita tayo, may inihanda na kaming damit mo roon at naka-hanger na sa cabinet. Iyon ang suotin mo, okay? Makinig ka sana sa akin kahit ngayon lang. Don’t be too stubborn, anak.”

“O-opo, Mamá…” Nang ma-satisfy si Carmina sa sagot ng anak ay agad na itong umalis para magpahinga, halata rin kasi na pagod ito.

Napahiga na lamang si Maddox sa malambot na kama saka napabuntong-hininga. Alam niya na ang pamilyang Xander ang tinutukoy ng kan’yang ina, hindi niya lang in-expect na sobrang aga ng pagkikita nila. Biglang nakaramdam siya ng kaba dahil doon. Marami ring bumabagabag sa kan’yang isipan, paano kung malupit ang magiging pamilya niya? Ang magiging asawa niya?

Siguro kapag mangyari iyon ay aalis siya, tatakas na lamang siguro siya, kung tutuusin may sapat naman siyang pera at kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa. Napailing siya nang biglang sumagi sa isipan niya ang habilin ng kan’yang lola.

Habilin nito na sana bigyan niya pa rin ng isang pagkakataon ang magulang niya. Hiling nito na sana magkaayos silang mag-anak. Alam din kasi nito ang tangi niyang hiling, ay ang makita man lang ng kan’yang mga magulang na may panganay pa silang anak, na nag-e-exist din ang isang Maddox Ghail sa mundong kinabibilangan nila. She really wants to be recognize, kaya nga nagsumikap siya sa U.S. para makapag-aral ng medisina.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (11)
goodnovel comment avatar
Anecita Salucan
Love it ...
goodnovel comment avatar
Manolita Tan
Maganda sng kwento
goodnovel comment avatar
Lovely Carbonel
enjoying reading
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 822

    Hindi man lang nakapagsalita ang dalawang tiyuhin ni Nynaeve, ni wala ngang masabi ang dalawa upang depensahan ang sarili dahil may ebidensyang pinakita si Aemond laban sa kanila. Sobrang nanginig naman sa inis si Hans dahil naisahan sila ng Xander na ito. Kaya pala todo ilag at sangga lang ang gin

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 821

    Sa totoo lang, kahit nakaka-pressure ang mga tingin ng dalawang tiyuhin ni Nynaeve sa kaniya at medyo nakakaramdam din naman siya ng pagkaka sakal dahil sa sobrang istrikto ng dalawa, uminit pa rin ang puso ng dalaga dahil sa pag-aalala pa rin nito sa kanya. Sa loob ng maraming taon, namuhay si Nyn

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 820

    Ngunit nakalimutan ni Aemond na alisin ang mga baril sa back seat kung kaya’t nang makapasok sila sa mansyon ng mga Soleil, biglang nag-ingay ang alarm sa buong mansyon. Nagulat si Aemond at hindi alam ang gagawin, samantalang si Nynaeve kalmado lang itong bumaba ng sasakyan. ​Ang dalawang tiyuhin

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 819

    “Mission accomplished!” sabay-sabay na sabi nila at naghalakhakan pa. ​Ngayong hawak na nila ang lahat ng nagpahirap sa ina at kay Nynaeve, isa lang ang nasa isip ni Aemond… Ang iuwi si Nynaeve sa mansyon ng pamilyang Soleil. ​Yung interrogation kay Roxas, pwede namang ipagpaliban yun, hindi naman

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 818

    Habang naglakad palapit sina Aemond at Hunter, napatitig lang sila sa nakahandusay na matanda.Dahan-dahang napakunot ang noo ni Aemond. "Such a useless thing. Talaga bang kabilang siya sa mga mastermind sa likod ng secret laboratory?"​Lumapit si Hunter at sinipa-sipa nang mahina si Roxas para i-ch

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 817

    Para kay Aemond, sobrang perfect ng bawat galaw ni Nynaeve. Ang paghawak ng baril ng dalaga, kung paano ito mag-focus talagang superb yun! Nang sinubukang tumukas nga ni Roxas, hindi na rin nakialam pa si Aemond. Sa halip, tumagilid lang siya para bigyan ng clear shot si Nynaeve.​At the same time,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status