Share

Kabanata 6

Author: Mysaria
last update Last Updated: 2024-08-29 19:25:37

Ilang minuto ring naghintay si Maddox para kitain ang kan'yang kaibigan. Tumambay siya sa office nito dahil iyon ang tinuro ng guard sa kan'ya. Dumating siya ng alas tres ng hapon upang bisitahin ang professor niyang kaibigan sa isang tanyag na paaralan sa Kamaynilaan.

“Doctor Angel!” Napalingon si Maddox sa likuran niya. Napangiti siya nang malawak at napatayo para yakapin ang tumawag sa kan'ya.

It was her friend, Professor Imee Jhonson. Nakilala niya ang babae sa sa US at naging magkaibigan. Malayo man ang edad nila ngunit nagkakaintindihan sila lalo na pagdating sa medisina. Si Professor Imee ay tatlumput-tatlong taong gulang na at may pamilya samantalang siya ay dalawapu't anim na taong gulang lamang.

“Professor Imee! Long time no see!” masayang wika niya kaya napahigikhik ang babae.

“Hindi ko inaasahang narito ka pala sa Manila, huling usap natin sa US ay sabi mo uuwi kang Bicol para alagaan ang lola mo,” saad nito kaya biglang nakaramdam ng lungkot si Maddox nang marinig nito ang lola niya.

“W-Wala na ang Lola, ilang linggo na ang nakalipas…” Nanginginig ang mga kamay niya kaya agad niya itong hinawakan. Napansin iyon ni Professor Imee kaya inakay siya nitong umupo sa sofa.

“I am sorry to hear that…” Tumango na lamang si Maddox saka pilit na ngumiti.

“Nga pala, how are you?” pag-iiba ni Maddox, ayaw niya ng mapag-usapan pa ang tungkol sa lola niya dahil malulungkot lamang siya. This is not the right time para siya ay mag-drama.

Ngumiti si Prof. Imee kay Maddox at nagsalita, “Mabuti naman ako, simula no'ng naoperahan mo ang anak ko ay bumuti na ng tuluyan ang lagay niya. Sobrang sigla na ni Irene, salamat talaga sa'yo, Doctor Angel. Malaki ang naiambag mo sa paggaling ng anak ko, bagay na bagay nga sa'yo ang pangalan mo— mayroon kang healing hands just like an angel…”

Nagkakilala si Professor Imee at Maddox sa isang sikat na hospital sa US, doon din siya nagttrabaho bilang isang doktor. Doctor Angel ang tawag sa kan'ya roon, para na ring alyas niya dahil ayaw niyang makilala siya ng buong mundo. Marami na rin ang sumubok na reporter para interview-hin siya ngunit hindi siya pumayag. Nagsilbing misteryoso ang pangalang Dr. Angel sa US at hanggang ngayon palaisipan pa rin kung ano ang mukha at gender ng isang sikat na doktor na ito. Maraming nailigtas na pasyente si Dr. Angel, kahit na 20% lang ang chance ay kaya niyang pagalingin kung kaya't sumikat ito sa buong mundo.

Nagkaroon din ito ng fans sa iba't-ibang parte ng mundo. Lahat ng mayayaman ay hinahanap ang isang Dr. Angel upang magpagamot sa kan'ya ngunit hindi niya iyon pinansin. Maddox wanted to have a normal life, maggamot ng pasyenteng nangangailangaan, she never wanted to be famous and became a prodigy doctor in a whole wide world kaya nga mas pinili niyang umalis sa US at umuwi sa Bicol.

“Alam mo bang hanggang ngayon hinahanap ka pa rin ng mga tao? Nasaan na raw si Dr. Angel? Bakit wala ng balita sa kan'ya?” tanong ni Prof Imee na nagpabalik sa realidad kay Maddox.

Huminga siya ng malalim. “Ikakasal na ako, Prof Imee at wala na akong balak na bumalik pa sa US. Mananatiling sekreto si Dr. Angel ngunit hindi pa rin siya titigil sa paggagamot,” nakangiti niyang sagot sa kaibigan. Nanlalaki naman ang mga mata ni Prof. Imee sa narinig.

“Ano!? Ikakasal ka na? Kanino at saan?”

“Papadalahan na lamang kita ng invitation card, secret muna sa ngayon,” natatawang wika niya sa kaibigan kaya napalabi ito.

“Nga pala, gusto kong imbitahan ka sa nalalapit na seminar dito sa University. Gusto ko sanang imbitahan ang isang Dr. Angel na maging guest speaker sa mataas na paaralang ito. Alam mong marami kang fans dito kaya kapag nalaman nilang narito si Dr. Angel magwawala ang mga iyon at pipiliting um-attend sa seminar na i-la-launch ko,” sambit ni Professor Imee. Malaki ang respeto ng Professor kay Dr. Angel simula nang makakilala niya ito sa US. Talaga namang magaling ito sa larangan ng medisina kung kaya't malaki ang maiaambag nito sa i-la-launch ni Prof. Imee sa seminar sa paaralan. Ilang beses na niyang in-offer ito sa dalaga ngunit hindi ito pumapayag, ngayon ay gusto niyang subukan ulit na imbitahan ito at sana’y pumayag na ang dalaga sa invitation niya.

Nang marinig ni Maddox iyon sa kaibigan ay agad na binundol siya ng kaba, nararamdaman din niyang nanginginig ang kan'yang kamay. Simula no'ng nawala ang kan'yang lola ay nawalan na siya ng confidence to pursue her passion. Hindi niya na maintindihan ang sarili niya ngunit pagdating sa usaping medisina at lalo na sa pag-oopera ay binubundol siya ng kaba. Isa pa, nalalapit na ang kasal niya kaya naman alam niyang hindi siya makakapag-pokus sa seminar na iyon..

“Professor Imee, nais kong magpasalamat dahil sa pag-imbita mo sa akin bilang guest speaker sa univesity na ito, knowing UP, this is a big privilege and also a new experience for me. But I am going to reject again your offer this time sa kadahilanang busy ako sa kasal ko ngayon. Alam mo naman kung gaano ka-busy ang celebration na iyon 'di ba? pero huwag kang mag-alala after my wedding kung mayroon ka pang i-la-launch na seminar at willing ka ulit na i-invite ako, I will definitely go…”

Napangiti si Professor Imee at napatango nang marinig ang sinabi ni Maddox. Hindi nga niya naisip na ikakasal na ito at alam niyang magiging busy ito for weeks, she felt apologetic.

“Naiintindihan kita, Dr. Angel. Tatandaan ko itong sinabi mo. Kapag humindi ka, friendship over na tayo!” biro niya kaya natawa na lamang si Maddox sa kaibigan.

“Alam mong hindi ko gawain ang magpaasa ng isang tao, Prof. Imee.”

Naging masigla ang ekspresyon ni Prof. Imee dahil alam niyang sa susunod na i-la-launch niyang seminar ay a-attend na ang kaibigan. Alam niyang may isang salita si Dr. Angel at hindi siya nito bibiguin. At least ngayon, may aasahan siya, kumpara noon, ayaw talaga nitong pumayag.

“Wait, I am going to buy us a cup of coffee, dito ka lang.” Wala ng nagawa si Maddox kung ‘di ang mapatango sa kaibigang professor, aayaw na sana siya ngunit nakalabas na ito ng office.

Nang makabalik si Prof. Imee ay may nakasalubong siyang isang babae. Magalang na binati nito ang Propesor kaya napangiti siya.

“Good morning, Prof. Imee! OMG! Ikaw nga, sabi ko na nga ba ikaw iyong nakita ko kanina sa coffee shop,” saad ng dalaga saka tiningnan siya ng napakatagal.

“Oh, Sapphire Corpus? Bakit narito ka sa university?” tanong ni Prof. Imee. Si Sapphire ang isa sa top student dito sa UP kaya naman kilala niya ito. Isa rin ang dalaga sa active na nagpa-participate sa klase niya.

“Kinuha ko lamang po ang aking diploma at bumili na rin ng libro… I am engrossed with this book na isinulat ni Dr. Angel. Grabe, gusto ko sanang magpa-advice sa'yo, may mga ibang terms kasi rito na hindi ko maintindihan,” sagot naman ni Sapphire kaya napatango si Prof. Imee.

“I'm really sorry, Sapphire pero may bisita kasi ako ngayon. Pwede bang next time na lang? By the way, maganda nga iyang librong binabasa mo, isa iyan sa mga sikat na libro sa larangan ng medisina. Paano ka nga pala nakakuha ng librong ganyan? Limited lang naman iyan at sobrang mahal pa,” curious na tanong ni Professor Imee. Baka nga kung hindi pa niya kilala at naging kaibigan si Dr. Angel ay hindi siya magkakaroon ng copy ng libro, mabuti at binigyan siya ng doktor at sobrang swerte dahil libre pa.

“Ahh… Sino pala ang bisita mo, Prof? Hmm. Maybe next time na lang o kaya I'll dm you on Skypii, alam kong active ka palagi roon. Oh, this book pala, binili ko ito sa isang kakilala, sobrang mahal nga, mabuti na lamang at may isa pang kopya siya, nakakalungkot nga lang at walang pirma ito ni Dr. Angel…” sagot naman ni Sapphire.

Sumigla naman ang mood ni Prof. Imee nang marinig ang sinabi ni Sapphire sa kan'ya. Agad siyang may naalala. “Naku! Ayaw ko sanang ipagsabi ito sa iba pero alam kong isa ka na rin sa umiidolo kay Dr. Angel, alam mo bang inimbitahan ko siyang maging guest speaker sa next seminar na ila-launch ko and guess what? Tinanggap niya ang invitation ko, um-attend ka at doon mo na rin papirmahan kay Dr. Angel iyang libro mo!”

Halata ang saya ni Sapphire nang malamang pupunta si Dr. Angel sa Pilipinas at doon mismo sa Alma Mater niya. Hindi niya papalampasin iyon, ini-imagine niya pa lang si Dr. Angel ay kinikilig na siya. Nararamdaman isa itong lalaki, na-i-imagine niyang isa itong gwapo, matipuno at parang anghel din kagaya ng pangalan nito. A doctor that has healing hands, sobrang swerte niya kapag na-meet niya ito sa personal.

“I'll definitely reserve a seat, Professor Imee. Iyong VIP seat sana! Thank you for the info., you're really the best! Kaya ikaw ang favorite professor ko eh!”

Natawa na lamang si Prof. Imee dahil halatang-halata ang pagka-excite ni Sapphire nang malaman na bibisita si Dr. Angel sa university. Agad siyang nagpaalam kay Sapphire dahil ayaw niyang paghintayin ang bisita niya sa loob ng kan'yang office.

Samantalang si Sapphire naman ay pilit na sinisilip kung sino ang bisita ng kan'yang Professor dati. Bagay na mas importante kaysa sa kan’ya dahil ni-reject siya ni Professor Imee. Alam niyang importante at mahalaga ang bisitang iyon kaya medyo na-curious siya.

Nang masilip niya ang nasa loob ay agad niyang nakita ang isang babaeng nakatalikod, kumunot ang noo niya nang makitang sobrang pamilyar ng pigura nito lalo na’t ang damit nito. Hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita.

Akmang lilingon na sana ang babae sa kan'ya ngunit mabilis namang sinarhan ni Professor Imee ang pintuan kaya nabigo siyang makita kung sino ang importanteng bisita nito. Napailing na lamang siya’t umalis na sa building.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
BABY JANE GUAVES
Doc Angel..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 543

    Lahat ng tingin ng mga tao ay napunta sa screen, bigla nilang nakita ang isang nakakagulat na eksena.May pinapalabas na video sa screen at sobrang laswa noon. Dalawang hubad na katawan ang magkayakap at maririnig pa ang mga mumunting ungol ng mga ito. Ang babae ay nasa taas ng isang lalaki at umiin

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 542

    Ayaw na ayaw ni Nynaeve ng party at maki-socialize sa ibang pamilya, kahit sa abroad ay ilap na ilap siya roon. Isa sa rason ay dahil ayaw na ayaw niyang makipag plastikan sa iba at pangalawa, kailangan niyang magtago at may laylow sa mga tao dahil may mga claims o impormasyong pini-peke sa katauhan

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 541

    Kinabukasan, maagang nagising si Nynaeve para sunduin si Malia upang lumipat na sa bagong bahay nito. Ginamit niya ang kanyang motorsiklo na si Happy. Matapos na palayasin si Malia sa puder ng umampon sa kanya ay mag-isa na lamang itong namuhay. Tumira ang bata sa lansangan, naghanap ng trabaho upa

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 540

    Mabilis na naligo si Nynaeve, wala pang sampung minuto ay natapos na siya sa pag-aayos ng sarili at bumaba para mag-almusal. Kahit matagal na siyang nakatira sa ibang bansa, hindi pa rin nawawala ang pagka-pinoy niya. Mas gusto niya talagang mag-almusal sa umaga. Nang makaupo siya sa mesa ay agad s

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 539

    Sa bahay na ito, ang kanyang ama ang nasusunod. Kahit ilang taon na itong kasal sa Mom niya, ang Dad niya pa rin ang nagdedesisyon sa lahat.Ang allowance ng Mom niya buwan-buwan ay sampung libong piso lang. Kung may importanteng party silang pupuntahan, saka lang ito makakahingi ng pera kay Dad par

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 538

    Samantala, sa bansang Spain, nakatanggap ang isang international dark web organization ng isang transaction din mula sa Pilipinas na nagkakahalagang limampung milyon para sundan lamang si Nynaeve. Kadalasan, hindi gaanong papansinin ni Clarence ang ganitong kalaking halaga pero ang pangalan ng taon

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 537

    Pagbalik ni Nynaeve sa kwarto, dumiretso agad siya sa banyo para maligo. Ayaw niyang mag-blower ng buhok kaya pagkatapos niyang magpalit ng pantulog, kinuha niya ang tuwalya para punasan na lang ang kanyang buhok habang dahan-dahang binubuksan ang laptop.Kanina kasi nang kasama niyang lumabas si Ma

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 536

    Buong araw wala si Nynaeve sa mansyon ng mga Hernandez kung kaya’t nang makarating siya sa mansyon ay ang apat ay nakaupo lang sa sofa. Nanunuod ng telebisyon. Nang makita siya ng mga ito, biglang nanlaki ang mga mata ng apat. Sa tingin niya, para bang hinihintay siya ng mga ito. “Bumalik na si Nyn

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 535

    Hindi naman makapaniwala si Malia na may hawak-hawak siyang titulo na nakapangalan sa kanya. May isang villa na binili ang kanyang Ate Nynaeve at doon na siya titira. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Nakatitig lamang siya sa titulo, mayamaya ay tiningnan niya ang dalaga. “Ate Nynaeve,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status