After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride

After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride

last updateLast Updated : 2025-08-03
By:  YurikendoUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
15views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa gabi ng kanilang wedding anniversarry ay iba ang katabi ng asawa ni Czarina na si Jasper sa kanilang kama, pinagmalupitan siya ng byenan at higit sa lahat ay diniborsyo ng asawa. Ilang taon niya ring tiniis ang pagiging cold at halos walang pakialam na pagtrato sa kaniya ni Jasper, sa kaniya'y kaya niya pang magtiis kahit gaano katagal basta't kasama lang ang asawa. Mahal niya ito at handang ibigay ang lahat. Ngunit ng ito na ang magtulak sa kaniya papalayo ay wala na siyang nagawa, tinanggap niya 'yon ngunit hindi ang tungkol sa pagkawala ng bata sa kaniyang sinapupunan. Kung hindi siya in-stress ng asawa't pisikal na sinaktan ay baka hindi siya nakunan. Subalit ang nangyaring 'yon ang siyang nagpamulat sa kaniyang mga mata. Pinirmahan niya ang papel ng diborsyo't nilisan ang tahanan. Ngunit ang hindi niya alam ay may isang mayaman, gwapo at matipunong lalaki ang nag-aabang sa kaniyang paglaya. Inalok siya ng kasal ng bilyonaryong si Alexander James Ford. Tinanggap niya 'yon at piniling magbagong buhay, subalit mukhang hindi papayag ang tadhana na siya ay maging masaya agad. Dahil muli ay nagbabalik ang kaniyang dating asawa't handang gawin ang lahat upang makuha siyang muli. "Binabawi ko ang akin, Mr. Ford," umiigting ang pangang turan ni Jasper sa harapan ni Alexander. "Well, goodluck Mr. Clarkson. 'Cause I don't share," siyang naging sagot ni Alexander sa lalaking hinarang siya sa kaniyang dinaraanan.

View More

Chapter 1

Chapter 01

Magarbo ang handaan na ginanap sa Mansiyon ng mga Clarkson, ito ay para sa pagdiriwang ng ika-apat na anibersaryo ng kasal nina Jasper at Czarina Fuente-Clarkson. Halos lahat ng bussiness partners ng mayamang pamilya ay imbitado, ang mga malalayong pamilya ay dumating din at ilang piling kaibigan ni Jasper.

Ngunit sa kabilang banda, si Czarina ay sapilitang nakikihalubilo sa hindi kilalang mga panauhin, paano'y Wala man ni isa siyang naimbitahan-- iyon ang utos ni Jasper. Sa mata nito'y ulilang lubos na ang asawa't Wala namang maiimbitahan na darating katulad na lamang no'ng kasal nila. Na upang may makasama sa paglalakad sa altar ang asawa ay naghire ito ng tatayong puwedeng maging magulang, na hindi lingid sa kaalaman ng mapagmataas nitong ina, si Donya Elenita.

Nang lumipas ang halos Sampung minuto sa pakikipag-usap sa isang bussiness couple na kung susumahin ay nasa kwarenta na ay dumiretso ito sa loob ng Mansiyon upang kumuha ng ibang inumin. Ayaw niya ng ladies drink na naka-serve sa labas.

Pagbukas sa malaking pridyider ay nanlaki ang kaniyang mata, tumambad sa kaniya ang ilang pirasong lata ng beer. Pasimple niya 'yong binuksan at tahasang nilagok ang malamig na alak.

"Woah, ang sarap." Mas preferred niya ang beer lalo't iyon naman ang nakasanayan niya mula sa kalsada.

Bago ikasal ay halos limang taong nagpagala-gala si Czarina sa labas, walang maayos na matirahan at paminsan ay namamalimos sa daan. Iyon ay dahil sa pagpapalayas sa kaniya ng kaniyang ama. Itinago ni Czarina ang katotohanang may pamilya pa siya dahil ayaw niyang umuwi sa kanila. Mas gusto niya sa piling ng asawa kahit pa may malupit siyang byenang babae.

"Isalin ko na lang kaya 'to baso, tapos dalhin ko sa labas?" Nakangising sambit ni Czarina sa sarili.

Dali-dali siyang kumuha ng mapagsasalinan saka ginawa ang misyon para sa sarili. Kailangan niya lang magmadali dahil baka mamaya'y maabutan pa siya ng kung sino mang kasambahay at isumbong na naman siya sa byenan.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Ay! Anak ka ng tatay mo!" Bulalas ni Czarina sabay lingon sa nagsalita.

Si Jasper.

Napabuga ng hangin ang babae, mas okay na sa kaniya na ang asawa ang makakahuli kaysa iba pa. "Ah, Wala hon, may tinitigan lang ako."

Ganoon naman parati, magsisinungaling siya para makalusot sa ginawa.

"I know if you're lying Czarina, give it to me now." Inilahad pa ni JAsper ang kanang kamay habang ang kabila ay nakasuksok sa kabilang bulsa ng black pants na suot niya.

Napanguso na lang si Czarina, dahan-dahan niyang ipinakita rito ang canned beer na itago niya sa lababo. "Titikim lang naman ako, hon. Konti lang eh."

Nagsimula siyang maglambing dito ngunit balewala sa lalaki, iwinaksi pa nga nito ang kamay niyang lumingkis sa braso nito.

Pumakla ang mukha ni Czarina sa ginawa ng asawa, sanay naman siya sa gano'n, pero iba pa rin kung sana'y mas maayos ang trato sa kaniya ng asawa.

"Puwede bang umayos ka ng mga kilos mo, huh? May event tayo tapos nandito ka't umiinom nito?"

"Konti nga lang eh."

"D@mn it!" May pagtitimpi sa boses ni JAsper, napalingon-lingon pa siya likuran, sinisiguradong walang makakarinig sa pagalit niyang boses. "Parati mong sinasabi 'yan, pero hindi mo ginagawa. I'm warning you."

"Oo na, oo na. Para ka namang hindi asawa eh. Ano ba naman 'yong pagtakpan o pagbigyan mo ako pamimsan-minsan. Imbes na gano'n ang nangyayari pa eh, ipinapasa mo pa kay mama ang problema na dapat sa atin lang. Katulad nito, for sure na aabot na naman to sa kaniya." Pang-r-real talk ni Czarina sa asawa.

"Itikom mo 'yang bunganga mo ha," sabi ni Jasper na may kasamang pangduduro pa rito. "Bilisan mo, lumabas ka na't baka madilim pa ang paningin ko sa 'yo."

Napa-smirk na lang si Czarina sa nangyari, kahit kailan talaga'y walang amor si JAsper sa kaniya. Parang hindi naman siya nito tinuturing na asawa.

Pagkatapos ng event ay agad na nagpaalam ang ilan sa pamilya Clarkson na uuwi na rin, may iba na sa Hotel magstay dahil bukas pa ang flight pabalik sa kanilang lugar at ang ilan ay nagpasya na magpaiwan sa Mansiyon lalo't may extra rooms naman. Naging successful ang pagdiriwang ngunit hndi para kay Czarina, dahil bukod sa boredom ay hindi pa rin siya nakaka-get over sa panglilibak ni Jasper sa kaniya kanina.

Inalis na niya ang suot na heels, hinilot-hilot ang paa habang nakaupo sa dining area. Ang balak niya ay magrelax na para sa gabing 'yon dahil bukas ay isang malaking gyera na naman ang kakaharapin niya sa bahay pagkaalis ng ibang Clarkson na bisita.

"Czarina!"

"Ay! Tokneneng!" Gulantang niya, sapo ang dibdib sa mataas na reaksyong iyon.

Pasigaw na naman siyang tinawag ng ina, ni Donya Elenita. Agad-agad siyang tumayo't lumapit rito. "B-bakit po ma?"

Ngunit imbes na sumagot ay paghila sa buhok ni Czarina ang natamo niya. "Aray ko po, ma!"

"Aba'y tama lang ang pag-aray mo na 'yan! Kahit kailan talaga'y hindi ka matututo ano? Hanggang kailan ka ba pagtitiisan ng anak ko ha? Nakuha na niya ang mana niya sa lolo niya, hindi ka na niya kailangan pa!"

Hindi na sa kaniyang buhok nakahawak si Czarina kundi sa kamay na ni Donya Elenita. "Mama, tama na po."

"Hindi, halika rito. Hangga't hindi ka lulumpuhin ay hindi ka matututo. Wala kang delikadesa, imbes na makihalubilo sa mga bisita'y ang beer ang inaatupag mo. Aba! Saang kalye ka ba kasi napulot ni Jasper?"

"Tita, tama na po 'yan. Baka mamaya ay mayroon pang naiwang bisita sa labas makikita pa ang ginagawa niyong 'yan." Umaawat ang babaeng pamangkin ng Donya, anak ng kaniyang bunsong kapatid, si Dana.

"No! You stay there Dana. This woman is a disgrace to the family, kaya hayaan mo si Mama na ibigay sa kaniya ang pinakaleksyon niya na dapat makuha." Pagpigil rin ng nakatatandang anak ni Donya Elenita, si Dorothy.

Isa rin si Dorothy sa nagpapasakit kay Czarina sa Mansiyon, maging ito'y tutol rin sa pagpapakasal ni Jasper rito. At kaya niya ring gawing impyerno ang buong-buhay ng babae katulad ng ginagawa ng ina.

"Halika rito!" sabi pa ng Donya.

Dahil mas malakas si Czarina sa kaniya'y inutusan niya ang security guards na ito ang magkaladkad sa kaawa-awang babae. Itinuro ng Donya ang gawi ng pool at sinabing doon ito iitsa.

Hindi marunong lumangoy si Czarina.

"Mama, 'wag po!" Pagsusumamo niya. "Kuya, ibaba niyo po ako."

Ngunit huli na, mas sinusunod ng mga bumitbit sa kaniya ang pinakaamo nito.

Pakampay-kampay ng kaniyang kamay si Czarina, humihingi ng tulong na mai-ahon siya mula sa pool.

"T-tulong."

"Manigas ka riyan! Huwag niyong tutulungan ang babaeng 'yan. Sino mang mahuli kong lumapit sa pool area'y sisisantehin ko ora mismo."

"May you rot in there, Czarina," kantiyaw pa ni Dorothy. "Don't worry, kapag nangyari 'yon ay itatapon ka na lang namin sa dagat." Sabay ang buong paghalakhak nito sa sister-in-law.

Hindi pa rin magkamayaw sa pagsigaw si Czarina, tinatawag niya rin ang pangalan ng asawa ngunit wala rin ito ro'n.

Sa mga oras na 'yon ay gustong-gusto niyang sugurin ang pamilya ng asawa, sukdulan na ang ginagawa nito sa kaniya na mukhang aabot pa sa kamatayan ngayon.

Umalis na ang mga Clarkson, iniwan si Czarina, hirap na ibalanse ang sarili sa tubig. Ngunit kahit gano'n ay hindi siya pinanghinaan ng loob. Goal niya'y makaalis sa pool at susugurin niya ang byenan at sister-in-law ng tig-da-dalawang sampal.

"J-jasper..."

Subalit mas lalong bumibigat ang loob ni Czarina sa pagtawag pa sa asawa dahil alam naman niyang hindi ito darating, kailangan niyang magsarili ng sikap upang mailigtas ang sarili.

...

"Siya ang pipiliin kong kapalit ng tumakbo kong bride." Itinuro ni Alexander Ford ang litrato ng isang magandang babae na mayroon ding magandang ngiti.

"Ngunit may asawa na ang babae na 'yan Mr. Ford, mamili na lang po kayo rito sa iba," sagot naman ng assistant nitong si Paulo.

"I don't care, I want her." Dumekwatro pa ito ng kaniyang pagkaka-upo, kinuha ang isang folder at paisa-isang binuklat ang pahina niyon.

Napabuntong-hininga na lang rin si Paulo sa sinabi ng boss. Kapag binitiwan na nito ang salitang 'I don't care' ay kailangan nilang hanapan ng paraan o solusyon ang isang sitwasyon kahit na alam nilang mahirap.

"Babagay sa kaniya nag gown na ito, tignan mo.". Deretso lang pagkakasabing iyon ni Mr. Ford, hindi gano'n ka-excited boses nito ngunit hindi rin naman masaya.

"Tingin ko nga rin po," sabay sipat nito sa folder na hawak ng boss.

"I think we should meet the Clarkson, ako na mismo ang hihingi sa kanila sa babaeng ito."

"P-po?"

"Tsk. Don't act as if you didn't hear me. C'mon I'll let them name what they want." Tumayo na si Mr. Ford sa kinauupuan, sinuot ang itim niyang suit na nakasampay sa may swivel chair at saka sinenyasan si Paulo.

"Pero sir, dis oras na po ng gabi. Actually ay madaling araw nga po. Ipagpabukas niyo na po ito, sir."

"Really? Huh! Naubos na lang ang araw ko nang walang nagawang maayos ah. Okay fine, sige, bukas natin sila puntahan." Sinenyasan pa rin nito si Paulo ngunit ngayon ay para umuwi na.

"Maaga tayo bukas, 8am sharp, don't be late. Gusto ko nang makaharap ang babaeng 'yan."

"Yes sir."

Naglalakad na sila sa hallway no'n galing sa opisina ni Mr. Ford sa 30th floor na bigla siyang may maalala't hinarap si Paulo. "What is her name anyway?"

Sandaling natigilan si Paulo't tila nagloading muna ang utak nito bago naintindihan ang tanong ng amo.

"Ah! Czarina Fuente Millari po."

"Hmm... With the Clarkson at the end of it, right?"

"Yes sir."

"Millari huh, interesting."

...

Pupungas-pungas si Czarina na itinayo ang sarili. Hindi na niya gaanong maalala ang nangyari sa pagtatangka niyang makaahon agad sa pool. Nang magising siya'y nakasampa siya sa isang salbabida.

Agad siyang dumiretso papasok sa Mansiyon, hindi niya nakita ang byenan, mas okay 'yon. Wala ring pakialam sa kaniya ang mga kasambahay, lahat sila'y hawak ni Donya Elenita.

Masasakit ang kaniyang katawan, kakaiba rin ang pakiramdam niya mula ng umangat sa tubig. May kung ano pang tila pumupukpok sa ulo niya ngayon.

"Kailangan kong magbihis, uuwi na ako sa amin." Paulit-ulit niyang sinasabi 'yon habang tinatahak ang daan patungo sa silid nilang mag-asawa.

"Nasaan si Jasper? Hindi ba niya alam ang nangyari? W-wala ba talaga siyang pakialam sa akin?"

Nagdedeliryo na si Czarina, hindi niya pansin sa sarili niyang mataas ang kaniyang lagnat.

"Uuwi na 'ko."

Ngunit lahat ng tumatakbo sa kaniyang isipan ay nawala ng bumulaga sa kaniya ang isang eksenang hindi lang sa ayaw niyang makita, kundi iniiwasan niyang ma-aktuhan sa ikalawang pagkakataon.

Nagsusumigaw na si Czarina, nakahawak siya aa kaniyang ulo na tila ba may gustong takasan na kung ano.

May kaniig ang kaniyang asawa sa sarili nilang kama. Tirik na ang araw ngunit bumabayo pa rin si Jasper mula sa likuran ng kung sinong halipar*t na kasama nito.

Bumalik sa kaniya ang nasaksihan noong labing tatlong taong gulang pa lamang siya. Noong nahuli niya ang ama na may kasamang ibang babae sa silid ng bahay nila. Doon, nagsimulang magkaroon siya ng trauma, dahil sinisi niya ang ginawa ng ama sa pagpapakamatay ng kaniyang ina. Nang araw na 'yon mismo ay natagpuan rin ang ina niyang nakab*gti sa study room nila.

Dala ng depression mula sa ama.

"A-ano'ng ginagawa niyo?" Mangatal-ngatal na tanong ni Czarina, nakatakip ang isang kamay sa bibig nito.

Biglang nanghina ang babae sa mga nakita, sumabay na ang anxiety niya sa sakit ng kaniyang ulo.

"Arghh..." Sabunot niya sa kaniyang buhok.

"M-mga walang hiya kayo! M-mga baboy kayo!" Sigaw niya pa.

Ngunit mas naaalala ni Czarin ang imahe ng ina na siya rin ang unang nakakita, na wala ng buhay.

"Mga manloloko kayo! Hayop!" At ang takot at galit na naramdaman niya para sa ama ng panahon na 'yon at bumalik, at doon ay itinuon niya kay Jasper lahat.

Nawala sa sarili niya si Czarina't sinugod ang asawa, pinagsusuntok niya ito sa katawan. Na kahit nasasalo naman ni Jasper ang pagpalo nito'y tuloy pa rin siya.

"Wala kang kwentang asawa! Ba't mo nagawa sa akin 'to!"

"Czarina ano ba?! Tumigil ka!" Itinulak ng lalaki ang asawa, na naging sanhi sa pagkakatilapon nito.

"Bakit Jasper, bakit? Naging mabuti ako sa 'yo, pinagsilbihan kita, inalagaan... Mahal kita."

"Puwede ba, 'wag kang ilusyunada Czarina. Hindi kita mahal, ngayon tapos na ang lahat ng kailangan ko sa 'yo. Nakuha ko na ang lahat ng mana ko mula kay lolo... Hindi ko na kailangan ng asawa."

"A-ano?"

"You leave now Czarina, I'm kicking you out. Take the envelop on the table, I already signed it. Ikaw na lang ang hinihintay ng divorce papers na 'yan."

"H-hindi ko maintindihan, Jasper, you're divorcing me?"

"Yes, I am."

Biglang hindi napatid ang luha sa mata ni Czarina, nilakasan niya ang loob, tumayo't harap-harapang nagmakaawa pa sa asawa. Handa pa siyang tiisin ang kahit na anong sakit at hirap 'wag lang siyang iwanan nito.

"You're crazy, can't you hear me? Ayoko na, maghiwalay na tayo. Bumalik ka na sa kalsadang pinaggalingan mo."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status