Worth Million Surrogate

Worth Million Surrogate

last updateHuling Na-update : 2025-07-20
By:  Irish VanessaIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
4Mga Kabanata
24views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Para sa isang katulad ni Riley Serrano, ang makalabas sa eskwater ay pangarap na hindi matatawaran. Kaya kahit anong trabaho, pinatulan niya, kahit hindi pa malinaw kung ano talaga ito. Ang mahalaga ay magkakapera na siya. Pero huli na nang malaman niyang ang trabahong pinasok niya ay ang maging surrogate ng isang bilyonaryo!

view more

Kabanata 1

Chapter 1

"Teka, nasaan na ba ako?"

Napatingin ako ulit sa elevator pero nakasarado na iyon. Hindi ako marunong gumamit noon. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.

Sinundan ko ng tingin ang babae at nakita kong pumasok sa isang kwarto. Dalawang kwarto lang ang nandoon. Isang malaki na may mahabang lamesa tapos maraming upuan, isang conference hall, at iyon ang pinasukan ng babae.

Nakagat ko ang kuko ko sa sobrang kaba. Sana pala ay nagpahatid na lang ako kanina nang tanungin ako ng receptionist kung gusto ko raw ba magpasama.

Hati tuloy ang puso ko kung susundan ko ba ang babae o hindi. Sa huli, aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng kwartong pinasukan ng babae. Nanlaki ang mga mata ko at natuod ako sa kinatatayuan ko.

Kumunot ang noo ng lalaking nasa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Nakaayos ang itim niyang buhok at may dala siyang briefcase. Napalunok ako at napaatras. Nakakatakot ang aura niya. Para niya akong lalamunin nang buhay sa paraan ng pagkakatitig niya.

"S-Sorry—"

"Are you the applicant?" malalim ang boses niyang tanong. Mas lalo akong napalunok.

"P-Po?"

"Tinatanong kita kung ikaw ba ang ipinadala para magtrabaho sa akin." Mabilis na nanlaki ang mga mata ko.

"O-Opo!"

Nanatiling nakayuko ako habang kagat-kagat ang labi ko. Nilingon ko ang paligid. Ang daming muwebles. May mga iba't ibang antique pang naka-display sa isang sulok. Nakasilid iyon sa isang malaking kabinet na mukhang ipinasadya pa.

Marami ring paintings ang nakasabit sa mga dingding at kumikislap ang magarbo at eleganteng chandelier sa mataas na kisame. Hindi ko alam kung saang lugar ako.

Nakagat ko ang labi ko. Isa pa iyan sa ipinag-aalala ko. Hindi ko alam kung iyong tinutukoy nitong trabaho ay ang pinag-a-apply-an ko kanina. Nataranta lang talaga ako nang tinanong niya ako at nangibabaw ang pagiging desperada kong makahanap ng trabaho ngayong araw. Sa tingin ko pa lang kasi sa pila kanina, 50-50 ang tsansang makuha ako.

"Miss..." Agad akong nag-angat ng tingin at napatayo nang bumungad sa harapan ko iyong lalaki kanina.

"What's your name?" tanong niya. Napalunok ako. Ewan ba. Natatakot ako sa boses niya.

"R-Riley Serrano po, s-sir…"

Tumango ang lalaki.

"I'm Ralph De Leon. CEO and president of the De Leon Corporation. I'm sure you already know me." Agad akong nag-iwas ng tingin.

'CEO? Siya ba ang boss ng pinag-a-apply-an ko sana kanina?

Nakagat ko ang labi ko at mahinang tumango. Kinakabahan pa rin ako kasi paano kung biglang lumitaw ang totoong ipinadala para magtrabaho rito?

Patay talaga ako.

"Follow me, Riley." Tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Agad naman akong napasunod sa kanya.

Dinala niya ako sa isang kwartong puno ng libro. Ang daming bookshelf sa mga gilid. Sa gitna naman ay nandoon ang isang malaking lamesang may swivel chair. May dalawa pang upuan katapat ng swivel chair.

Naupo si Sir Ralph sa swivel chair. Itinuro niya ang isang visiting chair sa akin kaya agad akong umupo roon. Tahimik lang akong nakayuko at panaka-naka ang tingin ko sa buong kwarto. May kinukuha siyang mga papeles sa ibaba ng lamesa.

"Here, Riley," biglang sabi niya na muntik nang magpatalon sa akin. Awkward akong ngumiti sa kanya at tiningnan ang folder na inilapag niya sa harap ko.

Dahan-dahan ko iyong binuksan.

"That is the contract. But before you sign that, I will discuss to you the benefits and the things that you need to do while you're working for me."

Mahina akong tumango.

English ang kontrata. Wala namang problema sa akin dahil kahit papaano'y marunong naman akong mag-english.

"In the duration of your work, you will be staying in a townhouse that I will be providing. May makakasama kang isang maid doon. You will have your monthly supplies of grocery, and you will have one hundred thousand pesos as your allowance. Per month iyan. In return, you just have to be healthy and follow my rules. Pagkatapos naman ng kontrata ay tatanggap ka ng limang milyon."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ang laki noon. Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

"Game po ako!" mabilis na sabi ko na nagpakunot ng noo ni Sir Ralph. Nagulat yata sa pagka-excited ko. Agad akong napanguso.

"S-Sorry po. Na-excite lang." Tipid akong ngumiti.

"Okay. If you don't have any questions, let's go to the clinic already."

Bahagyang kumunot ang noo ko pero hindi na rin ako nagtanong pa at tumayo na lang.

Tahimik at nakayukong sumunod lang ako kay Sir Ralph. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. May trabaho na ako. Sobrang saya ko. Tapos grabe pa iyong mga benefits. Hindi ko akalaing mabibigyan ako ng ganoong offer. Hindi naman siguro ganoon ka-grabe ang trabaho.

Well, sanay ako sa trabaho kaya kakayanin naman siguro. Ang importante, may bago akong trabaho at hindi ko na kailangang bumalik sa squatters.

Walang mapagsidlan ng saya ko habang nakaupo sa backseat ng sasakyan ni Si Ralph Wala akong cellphone kaya hindi ko makausap ang best friend ko. Excited pa naman akong ibalita sa kanya ang masayang balita.

Napatingin ako sa labas at grabe ang pagkamangha ko sa mga building tapos nasa isang magarang sasakyan pa ako na sobrang lamig. Nilingon ko ang boss ko na nasa kabilang gilid ng sasakyan. May kausap siya sa cellphone at seryoso ring nakatingin sa labas. Napanguso ako. Hindi ko maipagkakailang gwapo siya. Ibang iba sa mga nakikita ko sa TV na matatanda na.

Pinindot ko ang labi ko at tumitig pa lalo sa kanya. Ngayon ko lang siya matititigan kasi takot ako sa kanya kanina. He has a fair skin. Matangos ang ilong, halatang may lahi. His hair was in a clean cut style. His jaw was well formed and his lips was naturally reddish. Parang malambot din at kissable.

Nakagat ko ang labi ko at mabilis na umiling-iling.

Naihilamos ko ang aking dalawang kamay sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit nito.

"Are you okay?" Halos manigas ako sa kinauupuan ko nang marinig iyon. Feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa pisngi ko. Napalunok ako at napasandal na lang sa gilid.

"O-Okay lang po," sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya. Mariin akong napapikit.

Hindi na muli pang nagtangka akong lumingon pagkatapos noon. Nanatili lang akong nakatingin sa labas o di kaya'y sa ibaba hanggang sa marating namin ang sinasabi niyang clinic.

Walang imik akong sumunod sa boss ko. Nagtataka talaga ako kung bakit kami pupunta rito sa clinic pero baka naman kasi ipapa-check lang ako?

Pumasok kami sa isang maliit na kwarto. Agad na tumayo ang doctor na babae nang makita kami.

"Mr. De Leon," bati nito.

Tumango ang boss ko.

"Doc, this is Riley." Tinuro niya ako. Bahagya akong ngumiti sa doctor. Ngumiti rin ito pabalik sa akin.

"Siya na ba?" makahulugang tanong ng doctor kaya kumunot ang noo ko. Mas lalo akong naguguluhan.

"Yes," sagot ni Sir Ralph. Doon ako tumikhim.

"Uhm sir, ipapa-check up niyo po ako?" tanong ko.

Lumingon si Sir Ralph sa akin at tumango. "Yes. We need to know if you're healthy enough to bear the baby."

Napakurap-kurap ang mga mata ko at nagsalubong ang mga kilay ko.

"Baby?" takang tanong ko.

Sir Ralph turned to me with his forehead creased. "Yes, Riley."

"Bakit may baby? Tsaka... anong bear the baby? Magbubuntis ako?" Mas lalo akong naguluhan. Mas lalo rin namang kumunot ang noo ni Sir Ralph.

"What are you saying? Yes, you're going to bear a baby cause you will be my surrogate."

Nanlaki ang mga mata ko at nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Sir Ralph at sa doctor.

"S-Surrogate?!"

"Yes, Miss Riley. Mr. De Leon's wife died a year ago because of a car accident, but her eggs are freezed. All we have to do is to perform an in vitro fertilization to form an embryo. After that we will then transfer that embryo to your uterus. You will bear the child for 9 months and give birth after."

Mabilis na nalaglag ang panga ko.

Maling trabaho ata itong napasok ko!

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
4 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status