공유

Kabanata 8

작가: Mysaria
last update 최신 업데이트: 2024-08-29 19:26:00

“I am not a student at Oxvord University. Hindi rin ako nag-graduate roon…” Natahimik ang lahat, halos lahat ng tao roon sa dining room ay napalingon lamang kay Maddox at napanganga.

Nalusaw ang katahimikan nang tumawa ng malakas si Carmina samantalang si Sebastian ay nakatingin lamang ng masama sa panganay niyang anak.

“The fuck are you doing, Maddox?” bulong na tanong ni Carmina sa anak ngunit hindi man lang ito natinag bagkus nagsalita pa.

“Actually, I graduated at Hurvard University… Well, I took a masters degree but I am now a Doctor of Medicine. Mas mataas pa iyon sa isang studyanteng nag-take ng masters degree, fyi. I was a doctor in a respectable and famous hospital in the US but I resigned ‘cause I chose to be a doctor in Bicol to took care of my grandmother,” paliwanag ni Maddox, mas lalo namang hindi naipinta ang mukha ng mga tao roon.

Hindi makapaniwala si Carmina sa sinabi ng anak. Napangisi siya dahil sa sinabi nito, Hurvard University? That university is a top school, pili lamang ang nakakapasok doon. Not that pili but mga top student lamang ang nakakapasa roon, ni si Sapphire ay hirap na makapasok sa Hurvard, si Maddox pa kaya na laki sa probinsya at walang sapat na edukasyon? Nahirapan nga si Sapphire at ilang beses na nag-take ng exam to study there pero sa UP pa rin ang bagsak nito. Unbelievable! Napakasinungaling talaga ng kan’yang panganay na anak.

Kaya nga mas pinili ni Carmina ang Oxvord University dahil iyon ang mas kapani-paniwala ngunit nang sabihin ng anak niya na gumraduate ito sa Hurvard, sobrang OA naman. And also, she’s a Doctor of Medicine? Paano nangyari iyon, eh hindi naman nito afford ang mag-aral ulit. Simula ng mag-college ang anak niya ay huminto na sila sa pagsusustento rito. At alam nilang nasa mababang paaralan lamang pumapasok si Maddox. Hindi siya makapaniwalang napakatuso pala ng kan’yang anak. Mas masahol pa ito sa kan’ya…

Ngunit hindi ito nag-iisip, alam niyang hindi papaniwalaan ni Mrs. Xander ang kan’yang anak. Alam nitong galing sa probinsya si Maddox at isang mababang klase ng babae.

“Oh really? That’s interesting…” walang kasigla-siglang saad ni Mrs. Xander, tila ba nawalan ito ng ganang makipag-usap sa pamilyang Corpus. Nasa isip ni Mrs. Xander na pareho ng ugali ang mag-ina, ang ina ay sinungaling samantalang ang anak ay napakatuso. Kitang-kita niya sa ekspresyon ni Carmina na nagsisinungaling ito, hindi siya pinanganak kahapon para lang maniwala sa mga sinasabi ng mga ito.

Kaya naman pala, kaya naman pala gustong ipakasal ng pamilyang Corpus ang panganay nilang anak dahil napakatuso at sinungaling nito. Bagay na dapat lang ibasura at ipakasal sa isang baldadong lalaki. Napailing si Mrs. Xander, hindi niya akalaing ang isang magandang mukhang nasa harapan niya ay isang mapagpanggap pala.

Alam niyang galing sa probinsya ang dalaga kaya siguro madaling mauto ito ng kaniyang mga magulang. Kahit na tuso ay wala pa rin itong kaalam-alam, inosente at tanga, iyan ang mailalarawan niya para kay Maddox. Sino ba ang matinong babaeng papayag sa kasalang ito? Hindi naman sa minamaliit niya ang anak niyang si Kai ngunit let’s be practical, walang sinumang babae ang tatanggap sa anak niya sa estado nito ngayon. Kaya nga naghanap siya ng babaeng inosente, tanga at madaling utuin. Perfect na perfect doon si Maddox at ang pamilyang Corpus. Alam niyang mag-be-benefit ng kaunti ang kompanya ng mga ito at pati na rin sila.

Knowing Maddox, siguro naman ay susunod ito sa kan’ya at walang pakialam kung malaman man nito ang pinaka-sekreto nilang pamilya. Alam ni Mrs. Xander na ang pamilyang Corpus ay madali niyang mapaikot sa mga palad niya.

Ilang minuto ring nag-usap sina Mrs. Xander at Mrs. Corpus, halata mo ang pagka-excite ng dalawang babae sa nalalapit na kasalan. Ngayon ay kumpirmado at settled na ang pag-me-merge ng dalawang pamilya kaya napahinga ng maluwag ang ama ni Maddox na si Sebastian. Samantalang si Maddox at Kai naman ay tahimik lamang na nakikinig sa mga magulang.

Para silang nawalan ng karapatang magdesisyon sa sarili, kung hindi lang sana baldado at walang silbi si Kai ay tiyak na tututol siya sa mga ito, gano’n din ang nasa isip ni Maddox, kung sana’y hindi siya nangako sa lola niya na mapalapit pa rin sa magulang niya ay hindi siya papayag sa kasal.

Napalingon si Maddox sa hita ni Kai, hindi niya alam kung bakit gusto niya itong suriin, mukhang nanaig na naman ang pagka-Doctor niya ngayon. She was curious about his condition, no, she wanted to study his condition.

“Ay balae, bakit hindi natin bigyan ang ating dalawang anak na makapag-usap at makilala man lang ang isa’t-isa? Palagi na lamang kasi tayo ang nagsasalita rito sa hapagkainan,” suhestyon ni Carmina na sinang-ayunan naman ni Mrs. Xander.

“Tama ka, mukhang nagkakahiyaan pa ang dalawa. Siguro kapag umalis tayo baka mawala na ang hiya ng dalawa. Come, i-to-tour ko kayong mag-asawa sa garden ko, tiyak na magugustuhan niyo iyon!” masiglang sambit ni Mrs. Xander sa mag-asawang Corpus.

Kaplastikan, iyan ang nakikita ni Maddox sa dalawang matandang babae…

Subalit nakahanap si Maddox ng paraan para suriin ang lagay ni Kai. Kaya naman ay agad niya itong nilapitan.

Nagulat naman si Kai sa inasta ng babae ngunit tiningnan lamang niya ito. Hinintay niya kung ano ang gagawin sa kan’ya ng babae, he was waiting for her move. He was studying her all the time, alam niya sa unang tingin pa lang ay hindi basta-bastang uri ito ng babae. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit napaka-komportable ng pakiramdam niya rito, as if he knew her for a long time.

Ang mga tingin nito ay ibang-iba sa mga matang nasa paligid niya simula noong na-baldado siya. Walang nakikitang awa si Kai sa mga mata ng dalaga animo’y hindi siya baldado sa paningin nito. Para bang nabuhayan ang kan’yang kalooban nang malamang may isang tao pa ring ang tingin sa kan’ya ay normal at may silbi sa mundo.

Nagitla si Kai nang umupo ito sa harap niya habang may mga ngiti sa labi. Para bang nagkaroon ng kulay ang paligid nang masaksihan niya ang napakatamis na ngiti ng babae. Roon niya naramdaman ang hindi inaasahang pagtibok ng mabilis ng kan’yang puso.

“Hi, I am Dr. Maddox Ghail your soon to be wife. Would you mind if I check your legs, Mr. Kai Xander?” tanong ni Maddox sa lalaki.

She was really confident, iyan ang nasa isip ni Kai. Walang nagawa ang lalaki kung ‘di ang tumango sa dalaga.

“A-are you really a-a Doctor?” biglang tanong ng binata na nagpatawa sa dalaga ng mahina. Pati ang mga tawa nito ay nakakahalina, he will definitely spend a dime to hear her laughs again.

Bigla siyang nairita dahil nauutal siya sa harap ng babae, hindi niya naman ito gawain. He was confident on everything, wala siyang kinakatukan at hindi siya nakakaramdam ng nerbyos.

“Yes, I am. Mr. Xander, I have a licensed and totoo ang lahat ng sinabi ko kanina, I am not joking…”

Napaigtad ang binata nang haplusin ni Maddox ang hita niya. Tumindig ang kan’yang mga balahibo sa uri ng haplos nito. Kung hindi lamang siya baldado ay baka iisipin niyang nilalandi siya nito. Tiningnan niya ang dalaga, seryoso nitong sinusuri ang paa niya.

“Can you feel it?” biglang tanong ng babae na parang alam na alam nito ang ginagawa.

Umiling lamang si Kai at sumagot, “No…”

Ilang segundo ring sinuri ng dalaga ang kan’yang mga paa bago nagsalita.

“Based on my observation, I am definitely sure that you have an eighty percent chance to heal. Babalik din sa dati ang paa mo’t makakalakad ka ulit, but with special treatment. I can’t perform surgery this time, but I will try my best to take care of you. We will do traditional treatment first, by the time that I am ready, can you support my surgery?” seryosong tanong ni Maddox sa lalaki.

“I-I don’t trust you b-but… Are you telling the truth? I still have a chance to be back to normal? Eighty percent is a bit high and I don’t want to disappoint myself…”

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng babae, lahat ng espesyalista sa mundo ay nakausap na nila at iisa lamang ang sinabi, bente porsyento lamang ang posibilidad na gagaling pa siya. He already loss his hope pero bumalik iyon nang marinig ang sinabi ng dalaga. As if his hopes were ignited at muling umasa ulit na gagaling pa siya. He really didn't want to be like this forever, a useless and crippled man.

“ I want you to trust me, Kai. I really want to help you. Babalitaan kita kapag alam ko na ang gagawing treatment sa’yo, just give me some time to study your case more… I assure you that I am telling the truth, I am a Doctor and your future wife as well, kapakanan mo lang ang tanging naiisip ko. Besides, I want to take care of you…”

Hindi alam ni Kai kung bakit sobrang bait ng babae sa kan’ya, as if kilalang-kilala siya nito kung makaasta. Nagkakilala na ba sila? Bakit sobrang bait naman ata ng babae, eh kaka-meet lamang nila ngayon.

As a matter of fact, mababait naman talaga ang lahat ng Doctor pero iba ang nararamdaman niya kay Maddox. As if she knew him for a long time, o baka naman she was really like this on her patient, naging professional lamang ito sa kanya. But on the other side, he found himself nodding to his future wife in agreement.
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (75)
goodnovel comment avatar
Mysaria
Paano pong nawala??
goodnovel comment avatar
Anyline Buscagan
bakit nawala yong binabasa ko.
goodnovel comment avatar
Anyline Buscagan
bakit nawala yong binabasa ko.
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 642

    “Uh-Uhmmm… Magpapalit muna ako ng pantulog, ikaw rin. Mamaya ang gagawin natin ang session natin ulit,” sabi ni Nynaeve at mabilis na kumalas sa pagkahawak ng binata. Bigla siyang nag-panic at natauhan nang mapagtantong sobrang lapit na ng mukha ng binata. Nang makarating sa loob ng guestroom ay

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 641

    Matapos na matanggap ang tawag ng kanyang amang si Hector, nawalan na ng gana si Nynaeve. Hindi na rin niya gustong lumabas kung kaya't napagpasyahan nila ni Aemond na magpaluto na lang sa private chef niya at doon na lamang kumain ng hapunan sa lounge. Hindi rin kasi marunong si Nynaeve magluto k

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 640

    Nakatayo lang si Aemond sa tabi ni Nynaeve ngunit rinig na rinig pa rin ng lalaki ang pinagsasabi ng tao sa kabilang linya. Nang makita ang malungkot na mukha ng dalaga, hindi na niya ito tinanong pa. Kinuha niya ang strawberry milk tea sa refrigerator at itinapat iyon sa labi ng dalaga. "Huwag k

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 639

    Sa katunaya, mahigit isang oras lang kadalasan ang tulog ni Aemond. Sobrang bihira pa na maka dalawang oras siya. Kahit nga tanghali ay hindi niya magawang matulog ngunit ngayon, dahil kasama niya si Nynaeve ay nakatulog siya sa higit sa oras at hindi niya iyon inaasahan. Pero ang pag-aalala sa kan

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 638

    Sobrang sarap ng tanghalian ni Nynaeve na inihanda para sa kanya ni Aemond. Karamihan doon ay mga paboritong pagkain niya. Lalo na ang adobo at caldereta na talaga namang sarap na sarap siya. Naka dalawang plato nga ang nakain niya at busog na busog na siya. Nang matapos kumain, sinundan lamang ni

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 637

    Lahat ng head ng departamento ay naalerto dahil sa pagpatawag sa kanila ng Boss nila sa conference room. Alam nilang dahil sa umatakeng virus sa software nila kanina. Kahit sila man ay sobrang nag-panic dahil sa nangyari, buong building ay naapektuhan, ang iba nga ay nag-shutdown bigla ang computer

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status