Taming My Badass Boyish Wife

Taming My Badass Boyish Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-08-07
Oleh:  Chase KBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
8Bab
10Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Comedy

Drama

Elijah Capistrano-- a well known playboy and happy-go-lucky guy na walang ibang ginawa kung hindi ang magpa-iyak at maglaro ng damdamin ng mga kababaihan. Paano kung isang araw ay ipilit sa kaniya ng kaniyang ama na ipakasal siya sa babaeng hindi naman niya gusto-- at ang worst pa ay hindi naman talaga isang tunay na babae kung hindi isang tomboy na mas babaero pa yata kaysa sa kaniya. Si Alexis Montecillo-- ang astig na tomboy na anak ng bestfriend ng daddy niya. Paano kaya niya mapapa-ibig ang babae kung para itong isang tigre sa katapangan? Makuha kaya niyang mapalambot ang matigas nitong puso at mapaamo ito? O ito ang unang makapagpapa-amo sa mapaglaro niyang puso?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

"No dad! Hindi ako magpapakasal kay Alexis!" matigas na tanggi ko kay daddy nang sabihin niya sa akin ang plano niyang ipakasal kami ni Alexis-- ng aking kababata at nag-iisang anak na babae ng bestfriend ni daddy na si tito Luigi.

Ipinatawag ako sa library ni daddy, iyon pala ay para i-discuss sa akin ang plano nitong ipakasal ako kay Alexis. Napangiwi pa ako sa naisip, hindi nga pala tunay na babae si Alexis kung hindi isang tomboy! In short pusong lalaki na may katawang babae.

Hindi ko talaga ma-imagine kung paano naging babae si Alexis dahil kahit saang anggulo ko siya tingnan ay lalaking-lalaki na talaga ang pormahan niya. Pixie cut ang gupit ng buhok nito, palaging malaki at maluwag ang suot nitong t-shirt at pantalon pati ang paraan ng pagkilos nito at pananalita ay para na talagang katulad ng sa isang tunay na lalaki. Paano ko pakakasalan ang ganoong uri ng babae? Na mukhang mas lalaki pa yata kaysa sa akin at ang mas malupit pa ay mas babaero pa kaysa sa akin! Baka mag-agawan lang kami sa babae kapag nagkataong ikasal kami at magsama, pero bigla akong napangisi nang maisip kong pwede naman siguro kaming mag threesome ng mga babae niya. Pwede ko na sigurong tiyagain si Alexis kung papayag siyang mag share kami sa mga babae, bigla ay umandar na naman ang kapilyuhan ng utak ko kaya hindi ko namalayang ngising-ngisi na pala ako, nagulat lang ako nang bigla akong batuhin ni daddy ng hawak niyang ballpen, sapol ako sa noo.

"Ouch!" reklamo ko kay daddy dahil medyo masakit din ang pagkakatama ng ballpen sa noo ko, nahimas ko pa iyon habang nagtatakang napatingin ako kay daddy pero salubong ang mga kilay niya na nakatitig na pala sa akin.

"Ano ka ba naman Elijah! Seryoso ako sa mga sinasabi ko tapos ikaw ay pangisi-ngisi lang diyan!" pagalit na asik sa akin ni daddy. Bigla akong napa-seryoso nang makita kong mukhang galit na ang itsura ni daddy.

"Dad naman kasi.. ang dami namang magaganda at sexy na babae diyan na pwede ninyong ireto sa akin at ipakasal, bakit si Alexis pa? Eh hindi naman iyon tunay na babae, tomboy yun, dad, tomboy! Paano na ang sex life ko nito kung ipakakasal n'yo ako sa sigang tomboy na iyon?" Mariin na reklamo ko kay daddy habang kumakamot sa ulo ko. Pakiramdam ko kasi ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa gustong mangyari sa akin ni daddy.

"Kaya nga si Alexis ang gusto kong ipakasal sa iyo eh para magtino ka na!" asik ulit sa akin ni daddy. Mukhang desidido na talaga itong ipakasal ako kay Alexis.

"Matino naman po ako dad, ah." labas sa ilong kong sagot kay daddy na ikinasalubong ulit ng mga kilay nito.

"Shut up, Elijah! Alam ko ang lahat ng mga kalokohang ginagawa mo kahit nasa America ka! Wala kang ginawa kung hindi manuhog ng mga babae at paiyakin lang sa huli ang mga ito! Hindi ka na pabata hijo, you're thirty one already at panganay kitang anak! Anong gusto mong gawin sa buhay mo? Magkalat ng puro panganay na anak? Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng kahihiyan, ha?" problemado pang sabi sa akin ni daddy habang hinihimas nito ang sariling sentido. Halata din sa boses nito ang pagkadismaya sa akin.

Bahagya akong nakonsensiya nang makita kong lumungkot bigla ang mukha ni daddy pero anong magagawa ko eh, I was born this way-- isang dakilang playboy na ang tingin sa mga babae ay isang uri lang ng pagkain na pagkatapos kong tikman ay madali ko na silang palitan at pagsawaan. Sa una lang ako nasasarapan at nag-eenjoy sa kanila at kapag naging sobrang clingy na nila sa akin ay inaayawan ko na kaagad sila.

"Pero dad ipakasal n'yo na lang ako sa iba huwag lang kay Alexis, please.. Paano na lang ang magiging lahi ko kapag ang tomboy na iyon ang pakakasalan ko? At saka dad naman.. hindi ka na ba naawa sa akin? Tingnan mo nga ang ginawa sa akin ng sigang tomboy na iyon? Hindi pa gumagaling itong black eye ko eh dahil sa ginawa niyang pananapak sa akin!" pagmamakaawa ko pa kay daddy habang itinuturo sa kaniya ang black eye ko.

Nakita kong si daddy naman ang biglang napangisi pero saglit lang iyon at nagseryoso ulit ito bago tumikim at nagsalita.

"Huwag mo akong daanin sa pa ganiyan-ganiyan mo Elijah! Hindi ba't ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ka nasapak ni Alexis?" sita pa sa akin ni daddy.

Napakamot na lang ako sa ulo nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako nasapak ng tomboy na iyon.

-- FLASHBACK..

Kauuwi ko lang galing America noon pero imbis na dumiretso ako sa mansiyon namin ay sa gym ni kuya Ashton ako nagtungo. Tinawagan niya kasi ako at sinabing may irereto siya sa akin na isang sexy at magandang babae kaya nasabik ako at nagmadaling pumunta sa gym niya. Si kuya Ashton pala ang nakakatandang kapatid ni Alexis at isa sa mga bestfriend ko, apat na taon ang tanda nito sa akin, actually lahat ng mga kuya ni Alexis ay ka-close ko dahil kababata ko silang lahat. Si Alexis lang talaga ang hindi ko naka-close noon dahil may sarili itong mundo at noon pa man ay may pagka-astig na ito, paano ba naman ay nag-iisa itong babae sa limang magkakapatid at ang mga kuya nitong sila kuya Ashton, Azriel, Abel at Aries ay pare-parehong mga tigasin at mahihilig sa martial arts kaya hindi na ako magtataka kung bakit naging pusong lalaki ang bunsong kapatid ng mga ito na si Alexis kahit na ipinanganak itong babae.

Pagpasok ko sa gym ni kuya Ashton ay ibang-iba na iyon, mangilan-ngilan na lang ang mga lalaking nagdi-gym doon, karamihan ay mga babae at natuwa ako dahil ang gaganda at ang se-sexy ng mga babaeng naroon. Iba na rin ang kulay at disenyo sa loob ng gym kaya medyo nanibago ako. Noon kasi ay puting-puti ang kulay ng gym ni kuya Ashton ngayon ay naging kulay asul na pero maganda pa din naman sa paningin ko. Parang 15 years ago lang ay puro kami mga lalaki na nagdi-gym doon.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
8 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status