Bet niyo bang makatuluyan si Candy at Alejandro? Kawawa naman si Candy. Huhu. #Candro ba kayo o #DiAndro? Hahaha
Sumingkit ang mga mata ni Alejandro, mayamaya ay napatango ang lalaki. “Tama, ito nga ang kwintas na binigay sa’yo ni Tita. Dinayo pa nga kami ng designer noon sa mansyon galing pang Belgium upang ma-meet kami ng personal at makita namin kung paano niya gawin ang kwintas na ito. Si Tita rin ang nag-
Kasalukuyang nasa loob ng office si Maddox habang nagbabasa ng mga reports ng listahan na pina-imbestigahan nila ni Daemon sa private investigator na kakilala ng lalaki sa Spain. Kakarating lamang nitong dokumento sa kanya kung kaya’t ngayon niya lamang ito binabasa. Nasa dokumento ang lahat ng mga
Hindi pinansin ni Maddox ang nagbubulong-bulongang empleyado habang naguguluhan sa mga sinasabi niya. Madiin niyang tinikom ang bibig at matalim niyang tinitigan ang mga tao sa screen. Mayamaya ay inilipat niya ang matalim niyang titig sa Assistant supervisor ng kumpanya na si Kyla. Si Kyla na ngay
Wait lang po sa updates mga mhii, Birthday po ngayon ng iyong lingkod hahaha Super busy po kaya ganoon. Huwag po kayong mag-alala babawi po ako sa inyo after nitong celebration. Maraming salamat po 🫶🥰 Thank you po pala sa gifters ngayong month of February, sina Sis Delma na nagbigay ng pen grabe
Dahan-dahang sinuyod ni Maddox ang paningin sa buong screen ng kanyang laptop na para bang may hinahanap. Kita niya sa screen ang nakausling panot na ulo sa camera na para bang nagtatago ito sa kanya. Napangisi siya nang makita ang pangalan ng taong iyon. Ang makintab na ulo nito ay kitang-kita sa
Kinagabihan, nakaupo si Maddox sa usual spot na tinatambayan niya sa harap ng garden mismo ng mansyon nila. Nasa harapan niya ang nakapatong na gatas sa mesa, hinihimas niya ang kanyang tiyan habang nakatingin sa maganda at kumikinang na mga bituin sa kalangitan. Katatapos lamang niyang mag-organiz
Sa gitna ng madilim at tahimik na paligid, nakahiga si Maddox at Daemon sa malaki at malambot na kama habang yakap-yakap ang isa’t-isa. Mahimbing na natutulog si Daemon samantalang si Maddox ay naalimpungatan dahil sa kumirot ang kanyang tiyan. Napakunot ang kanyang noo dahil doon, hinawakan niya a
Hindi alam ni Daemon kung gaano siya katagal na naghintay sa labas ng emergency room pero nakita niya na lang ang sarili na kausap ang doktor. Napaawang ang labi niya, handa na sanang magsalita ngunit dahil sa sobrang kaba ay hindi siya makapagsalita. Huminga siya ng malalim at pinilit ang sariling
Hindi naman makapaniwala si Malia na may hawak-hawak siyang titulo na nakapangalan sa kanya. May isang villa na binili ang kanyang Ate Nynaeve at doon na siya titira. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Nakatitig lamang siya sa titulo, mayamaya ay tiningnan niya ang dalaga. “Ate Nynaeve,
Kalahating oras ding naghintay si Aemond kung kaya’t lumabas muna ang lalaki upang manigarilyo. Malamig ang hangin kung kaya’t naka-jacket na rin ito. Litaw na litaw rin sa paningin ni Nynaeve ang gwapo at nakakalaglag panty na mukha ng lalaki. Si Mr. Smith ay nakatayo rin sa gilid ng kotse habang
Tumango si Malia at napayuko. “Sinabi po sa akin na pupunta ka raw po rito sabi ni Kuya…” Sobrang sakit sa dibdib nang makita ang nakakaawang kalagayan ng batang ito. Nang makita niyang maiiyak na ang bata ay hindi siya mapalagay. Hindi rin alam ni Nynaeve kung paano nga ba patahanin ang batang ito
Hindi na nagtanong pa si Aemond kung saan papunta at kung ano ang gagawin ni Nynaeve sa subdivision sa gabing iyon. Hindi rin nagtanong si Nynaeve kung bakit si Aemond ang nagsundo sa kanya at naging driver niya papunta sa restaurant at nagulat na lang siya ng biglang sumulpot si Mr. Smith at ang la
Nanlalaki ang mga mata ni Nynaeve ngunit agad na sumeryeso ang kanyang mukha. “Sobrang bait mo sa akin, Mr. Xander. Ito’y kapalit ng pasasalamat mo sa paggamot ko sa lola mo o may iba pang dahilan?”Sino ba si Aemond Xander? Isang negosyanteng lalaki at sobrang daming negosyong mina-manage. Ngunit p
Agad na kinuha ni Nynaeve ang kanyang laptop at sinearch kung sino nga ba si Johann Xander. Si Johann Xander na kilala bilang Johannes Areola ‘XANDER’. Ginagamit ni Johann ang Xander upang maging sikat at isipin ng mga tao na dikit siya sa pamilyang Xander. Isang lalaking walang nagawang tama at pur
Nang makapasok si Nynaeve sa kanyang silid ay agad siyang pumasok sa banyo upang maligo at magpalit ng damit. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang tablet upang makipag-video call kay Tanda. Kanina pa ito text ng text sa kanya kung kumusta na ba ang matandang Xander. Agad naman niyang ni-report ang
Nang makita ni Nynaeve na maraming nakahanda sa mesa ay napanganga siya dahil sa sobrang gulat. Para sa isang mayamang pamilya tulad ng pamilya Xander, kahit walang okasyon ay talaga nga namang napakagara ng mga inhandang pagkain at may sarili pa silang chef. Personal na inihain ni Aemond ang isa
Sinundan ni Nynaeve si Aemond papunta sa silid ng matanda. Bumungad sa kanila ang matandang Xander na nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama nito. Nang makita ng matanda si Aemond kasama ang dalagang babae ay ngumiti ang matanda sa kanila. Naalala pa ng matanda kung paano siya ginamot ng dalaga